THE TRUCE

2233 Words
Tulala at wala sa sarili si Vera ng sumunod na umaga pero muli nyang inayos ang sarili ng dumating ang hapon at gaya ng sinundang gabi ay parang sinaksak ng patalim ang puso nya nang makita sa hallway ng spria si Revin.  Nakaharang muli ito sa kanyang daraanan kaya wala syang magawa kundi bumalik sa kanyang silid. Determinado si Caleb, hangga't hindi tumitigil ang ahas sa isip nya sa tuwing naiisip si Vera ay hindi nya kakayaning makita ito.  Nawala ang saya sa loob ng bahay at napuno ito ng hikbi at iyak ni Vera gabi-gabi. Kahit sina Salud at Revin ay napipilitang lumayo dahil sa ingay ni Vera na mga bampira lang ang nakaririnig. Sa silid nya, matapos muling harangan ni Revin si Vera papasok sa spria, ay nag-iiyak na naman ang dalaga. Hindi nya ma-pinpoint ang nadarama, sobrang lungkot na may kasamang pananabik sa amo, sobrang galit sa ginagawa nito sa kanya, at sobrang awa sa sarili sa isiping ayaw na syang makapiling nito. That’s when she remembered her aunt Rebekah.  In the midst of pain and suffering learn how to talk to Yswah with all you mind, heart, and spirit, He will always hear you out. "Mabuti na rin na hindi ka nya iinumin, tao ka at hindi markadong alipin..." "Pero gusto ko po syang makasama..." "Kung ayaw nya sa iyo ay bakit mo pagpipilitan ang sarili mo?"  "Pano kung patapon nya ako ulit dahil ayaw na nya sa akin?" "Tao ka Vera, isang taong may dugong liwanag, eh bakit ka iiyak dahil lang sa taong dilim? Ano man ang mangyari, tandaan mong may plano na Ako sa buhay mo." "Yswah, patawad...patawad...siguro pinaparusahan mo ako dahil tinalikuran ko ang lahi ko..." "Mahal kita Vera, higit kitang mahal kaysa sa amo mong bampira." Tila sabi ng munting tinig na nagpapapayapa sa dalaga.  Sa ganitong pagtatalo ng puso, isip, at kaluluwa ay nakakatulugan ni Vera ang pag-iyak. In the morning, Vera tried her best to mingle with other marked slaves.  She would laugh at their jokes and join in their small talks but then she would find herself crying silently.  It’s as if her heart has a mind of its own and cannot be controlled.   Kaya trabaho ang pinagbuntunan ni Vera ng panahon. Trabaho sya ng trabaho at kilos ng kilos sa umaga para pagurin ang sarili at kalimutan ang samo't-saring damdaming nagbibigay sakit sa puso nya sa gabi. "Tama na!" Sabi ni Princess habang kinakaskas ni Vera ang sahig na malinis na sa kapupunas nito. "Magpahinga ka na muna Vera..." Kinuha ni Clarisse sa kanya ang brush, pero ayaw nyang magpahinga, iiyak na naman sya. Pagod na syang umiyak, puyat din sya at biling-biling sa pagtulog. Kung pagod sya sa araw ay siguradong makakatulog sya sa gabing ayaw syang makita ng amo nya. To avoid curious and questioning eyes of her housemates and to not make Princess worry about her anymore, she decided all together not to leave her room. Pati katawan nya ay sumuko na sa pagod ng kanyang puso at isip. Nahiga lamang sya sa kama na tulala buong maghapon at magdamag. "Yswah, ayoko na po. Bahala ka na." Umilaw ang ba'lat ni Vera pero hindi nya ito nakita o naramdaman. Saka nya pinikit ang mga mata at natulog.  Hindi na rin lumabas si Vera ng silid ng sumunod na mga umaga at buong maghapon matapos magising ng tanghali.  Not having an appetite to eat, Bianca or Mhalen took turns in bringing her food. "Kapag hindi ka kumain ay magagalit si Princess. Sasabihin nyang pinababayaan mo ang panginoon nyo." Sabi ni Mhalen. Pinilit ni Vera ubusin ang pagkain at inumin ang vitamins. "Wag ka nang umiyak, mamaya ay mugto ang mga mata mo sa harap ng amo mo." Hindi masabi ni Vera na ayaw sa kanya ng amo nya. Muling naidlip si Vera at nang imulat ang mga mata ay palubog na ang araw. Kahit alam nyang wala rin namang patutunguhan ay naligo pa rin si Vera at inayos ang sarili. Nagbihis pa rin sya at nagpaganda. Pero wala sya sa sarili habang ginagawa ito. Huminga sya nang malalim. Trabaho ito Vera, mabuti nga at hindi ka nya nilalagyan ng maraming lason. Dangal mo ang maging isang tao, bampira lang sila. Lumabas ka, i-alok mo ang sarili mo. Kapag ayaw, eh di wag. Pabor sa iyo at makakapahinga ka muli. Kain at tulog, wala ka nang dapat ireklamo pa. Pag-alo ni Vera sa sarili. Ito ang plano ni Yeswah, protektahan sya sa tahanan ng mga bampira.  Salamat Yeswah, maswerte ako sa kalagayan ko, pag-a-assure ni Vera sa sarili Umupo sa kanyang kama si Vera matapos tingnan ang sarili sa salamin. Tinanaw nya ang paglubog ng araw. Sa utak ay nakita nya si Revin na nakaharang sa pintuan ng spria at itataboy syang muli. Alam na nya ang mangyayari ngayong gabi, alam na nya ang kwento. She will go through the motions para lang matapos na rin ang gabing ito. Yun lamang, nakalubog na ang araw ay hindi pa rin magawang tumayo ni Vera. What's the point? ayaw sa akin, eh di wag! Pinapakiramdaman ni Caleb ang galaw sa silid ni Vera. Tahimik, walang iyak, at walang mabilis na t***k ng puso. Meron syang naririnig pero tahimik na puso ito, steady. Lumabas si Caleb ng silid at nagpunta sa kanyang library. "Kailangan nyo ba ako muli, panginoon?" Iniisip ni Revin kung haharangin ba muli nito si Vera. Hindi na ito nagpupunta sa library ng ilang gabi, bagay na tila nagpa-alala naman kay Caleb. Nakita rin ni Revin na bukas na ang pintuan. Welcome na kaya sa loob si Vera o alam ni Caleb na hindi na muling magtatangka pa itong pumunta? Hindi sigurado ng rafa. "Hindi na." Sabi ni Caleb, bumitaw si Revin sa pagkakasampa nito sa mataas na bintana ng spria. Tiningnan ni Caleb ang orasan. Anong oras lalabas si Vera? Akala ko ba ay mabuti na hindi mo sya makita, sabi ng munting tinig. Umangil si Caleb na para bang pinagagalitan ang sarili. Gusto ko syang makita at makasama, alam mo yan! At midnight, Caleb stood up distracted.  He is unable to reconstruct the book that he is restoring anyway because he has nothing in mind but Vera.  Hindi nya rin alam kung hanggan san sya makakatiis na hindi masilayan ang babae. Ang sakit ng pagsasakripisyo para protektahan ito ay natatalo ng sakit ng kasabikang muling mahawakan at makita ito ng malapitan. Caleb held on to the corner of his table, controlling himself to walk out of the spria and go straight to Vera’s room.  Nang narinig ni Caleb ang unang tilaok ng manok ay wala pa rin ang babae para puntahan sya gaya dati. Nagtiim-bagang ang lalaki at saka nawasak ang gilid ng napakatigas na antigong lamesa nya sa tindi ng kanyang pagkakapisil dito. Kaya ba nyang sumikat ang araw na hindi muling masisilayan si Vera? Naglakad sya palabas ng spria at saka tumapat sa pintuan ng silid ni Vera, nanigas ang panga nya nang maamoy ang napakasarap nitong bango. Parang naalimpungatan naman si Vera mula sa isang gising na pagkakatulog matapos marinig ang unang tilaok ng manok. She gasped when she saw what time it is and how long has she been staring at the wall, blankly. Galit na tumayo si Vera, ngayon ay kukumprontahin nya ang amo kahit na patayin pa sya nito. Marahas na binuksan ni Vera ang pinto, doon ay muntik syang bumangga kay Caleb. "Ayyayamo!" Sigaw ni Vera sabay atras at hawak sa pusong sobrang natakot. Sa pagkakatitig ni Caleb ay nasabaw ang utak ni Vera, naglaho lahat ng pangit na nararamdaman nya pero hindi nya napigil ang pagpatak ng luha at muli ay humagulhol sya. Abot tanaw nya ng lalaking pinapangarap makita at makasama ilang araw na. Gusto ni Verang tumakbo para yakapin ito at muling maramdaman ang mahigpit nitong bisig sa kanyang katawan pero ni hindi makagalaw si Vera mula sa pagkakatayo. Wala syang ibang naging reaction kundi ang umiyak ng umiyak. “V-vera..." rinig nyang sabi ng among bampira. Malambing ang tinig nito, bagay na ikinasaya at ikinagalit ng dalaga sa sabay na bugso ng emosyon. “B-bakit mo ako iniwan?!? Sabi mo hindi mo ako iiwan?!?! Bakit ayaw mo na sa akin? Sabi mo hindi tayo maghihiwalay...Sabi mo! Sabi mo! Sinungaling ka! Sinungaling ka!" Sigaw ni Vera sa gitna ng paghagulhol. Mabilis na pumasok sa silid si Caleb at niyakap ang babae. Ewan ni Caleb pero gusto nyang matawa sa reaction ng dalaga. Hindi nya akalaing kasing miserable rin nya ito at walang sigaw nito ang pwedeng magtago ng totoo nitong damdamin. Sinutok ni Vera ang dibdib ni Caleb, pero hindi naman natinag ang binata. Hinintay lang nitong kumalma ang babae. "Wag mong saktan ang sarili mo." Pinigil nito ang mga kamay ni Vera na posibleng mabali ang buto sa pagbayo sa kanyang matigas na dibdib at saka dinampi ito sa kanyang mga labi Akala ni Vera ay tuyo na ang mga luha nya, yun pala ay kayang-kaya itong pabalungin ng isang tingin lang ni Caleb. Basang-basa ang damit ng amo sa luha habang nakasubsob sya sa dibdib nito. Inangat ni Caleb ang mukha ng babaeng markado nya. Nakalimutan nya ang trauma nya kay Mahallia. Nawala ang ahas na sa isip ay nililingkis si Vera. Nang magtagpo ang mga mata ay muling umiyak si Vera. Pero maagap si Caleb, hindi nya pinayagang sumubsob sa dibdib nya si Vera. Hinalikan nito ang mga luha ng dalaga at nilasahan sa labi ang mga ito. Kumalma si Vera, naramdaman nyang dinilaan ni Caleb ang labi nyang napatakan ng kanyang luha. At muli ay hinalikan sya nito ng ubod ng suyo at tamis. Doon na nanlambot si Vera at nalaglag ang katawan sa yakap ni Caleb. Binuhat ni Caleb ang dalaga at inihiga sa kama nito. Saka sya tumabi dito. Noon lang naramdaman ni Vera ang paghapo ng katawan sa sobrang stress kaiisip sa mga nangyayari sa kanila ni Caleb.  "A-anong mali ba ang palagi kong ginagawa?" Parang iiyak na naman si Vera, matagal bago sya kumalma at mahanap ang boses nya para kausapin ang binatang katabi sa kama. "Wala, tahan na,” muling hinagod ni Caleb ang likuran nya. "Eh ano ba ang dapat kong gawin?" "Ako dapat ang magtanong nyan. I don't know what to do with you." Habang nakatagilid paharap ay hinaplos nila ang mukha ng isa't-isa. Pumikit si Vera, dinama ang haplos ng lalaking alam nyang pinakamamahal nya. Lumagaslas ulit ang luha dahil sa sobrang saya nyang kapiling muli ito. "Tahan na sabi,” ulit ni Caleb at muling hinalikan nito ang mga luha sa pisngi ng dalaga. Siniksik ni Vera ang sarili sa halukipkip ni Caleb. Napagod sya sa roller coaster emotion nya ng nagdaang mga araw. “H-hindi ko kaya,” humagulhol muli si Vera. Alam ni Caleb na limitado ang power ng isang bampira sa kanyang markado pagdating sa emosyon nito, kaya alam nyang hindi nya mapapatahan si Vera. "Hindi mo ba ako mapapatawad?" Akala ni Caleb ay umiiyak pa rin si Vera dahil galit ito sa kanya. “B-basta wag mo akong iiwan ulit, pakiusap. H-hindi…hindi kaya ng puso ko ang malayo sa iyo,” Halos madurog ang puso ni Caleb sa saya. Ayaw nyang isiping impluwensya ng lason nya sa dugo ng babae ang nagtulak ditong kasabikan syang makasama, pero parehong-pareho ang kanilang nadarama. Niyakap ni Caleb nang mahigpit si Vera, hinayaang umiyak. Hanggang ang hagulhol ay naging hikbi, at ang hikbi ay naging madalang. Naisip ni Caleb na hindi nya na kailangan ng dugo ni Vera, papaiyakin nya na lamang ito palagi. Napakasarap maging luha ng dalaga, mainit din ito na gaya ng sa dugo. Gumalaw si Caleb para ayusin si Vera, alam nyang nahimbing na ito, marahil ay sa pagod sa pag-iyak. Ang hindi alam ni Caleb ay kahit tulog ng tulog si Vera ng mga nagdaang araw ay walang himbing ang pahingang ito. "Hindi!" Mariing sabi ni Vera nang maramdamang lumayo si Caleb sa kanya. Pinilipit nito ang damit ni Caleb na mahigpit nyang kapit. Tulog pa rin ang dalaga, naalimpungatan lamang ito. Gustong tumawa ng malakas ni Caleb. Para syang nagpapatulog ng sanggol na ayaw paiwan sa kanyang mga magulang mag-isa. Huminga ng malalim si Caleb, hindi condusive sa kanyang pagtulog ang silid ni Vera, hindi sya pwedeng abutan doon hanggang umaga. Pero mahimbing namang naiwan ni Caleb ang dalaga bago pa sumikat ang araw. Nilapatan nya pa ito ng halik sa labi, huminga si Vera sa bibig nya nang gawin ito. Muntik nang madaganan ni Caleb ang dalaga sa pagkabigla dahil sobrang sarap ng lasa ng hininga ng babae. “M-mahal kita,” bulong ni Vera. Nag-freeze si Caleb, ninamnam ang sinabi ni Vera na alam nyang patungkol sa kanya.  Nakatulog syang puspos ng ligaya sa kanyang silid, matapos iwan si Vera. ****** Sa Hebron ay pinagmamasdan ni Jehu ang paglagablag ng ilaw na nakaharang sa kanila. Sobrang saya nya dahil muling lumalakas ang liwanag nila, pero panandalian lamang at madalas ay sa gabi lamang. Iniisip nya kung may kinalaman dito ang bagong kaalaman ni Nabeel sa pagpapa-ilaw ng sarili, pero sa huli ay hindi nya ito makakitaaan ng koneksyon. ****** “Vera, aalis lang uli ako sandali,”  paalam ni Caleb sa dalaga. “Ayoko!  Wag mo akong iwan!”  Sigaw ni Salome. Noon nagmulat ang mga mata ni Caleb, pakiramdam niya ay nauubusan siya ng hininga.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD