"Sige na, wag mo na akong alalahanin." Rebekah would tell her after helping out in the church and in their household chores.
Now that Gervis and Adda have their own house, Rebekah is happy that Vera chose to live with her.
Hindi sanay si Vera na Walang ginagawa, lahat ng bagay ay nagbibigay saya kay Vera sa loob ng Hebron, trabaho man o Laro. Ang dami nyang ring aral na natututunan tungkol kay Yswah na nagpapatatag ng kanyang pananampalataya.
Vera particularly like it when they sing in the church together, people of Hebron bond together in fellowship despite looming darkness outside of it. Natutunan nya ang tungkol sa Diyos na namatay para sa mga tao at nabuhay ulit para iligtas ang mundo. Nalaman nya na marangal maging tao at mula sa Diyos ay isa itong magandang regalo.
"Ang akala ko ay pinanganak tayo para maging alipin..." sabi ni Vera kay Nabeel, minsang nakaupo sila sa burol kung saan madalas syang ipasyal ng binata sa hapon.
"Yan ang brainwashing ng mga bampira sa mga tao. Tayo ang higit na importante at mahal ni Yswah na nilalang kesa sa kanila. Hindi nilalang ni Yswah ang mga bampira. Isa silang uri ng sumpa mula sa maduming dugo ni Kein."
Damang-dama ni Vera ang passion ni Nabeel bilang warrior, bagay na nagiging dahilan
kung bakit marahas ito sa mga nilalang ng dilim. Ngayon ay nakita ni Vera na dahil ito sa pagmamahal ni Nabeel sa lahi nya at sa bayan nya.
She can’t help but admire his passion and faith that he is even willing to die for Hebron and its people. She felt small around him though, knowing that she betrayed her blood by selling herself.
"Pero hindi bampira si Kein tama ba?"
"Hindi. Isa syang magsasaka na nainggit sa kanyang kapatid kaya pinatay nya ito. Dumanak tuloy ang dugo sa lupang pinagsasakahan nya.”
Iba talaga ang sides ng mga kwento. The orientation she attended to in Kamara presented a different story about Kein. They worship the vampire race. In Hebron though, vampires are nothing but filth.
Hindi buo ang kwento, pero sa tagni-tagni ng istorya ay nakukuha ni Vera paisa-isa ang pinagmulan ng mga tao.
Adonai breathed in the first human that He formed from the clay and gave him a soul. He put him in the garden with his wife and they lived there in paradise, that in Vera’s imagination looks much like Hebron.
"We are loved…despite of our fallen nature…”
ito ang aura ng mga tao sa Hebron. Isang dignidad na hindi nya nakita sa mga tao sa Agar.
Ito ang dahilan kung bakit napalapit sya kay Nabeel. Taglay nito ang dangal ng kanyang pagkatao na gustong makuha ni Vera para sa kanyang sarili.
In the afternoon, they would bathe in the river with Adda and Gervis, harvest fruit to eat, and have nothing but pure fun together.
“Mahal ko, halika ayusan ko na yung buhok mo…dali.” Ang daming dalang bulaklak ni Gervis para ilagay sa papatubo pa lang na buhok ni Adda.
“Kala ko gusto mo Akong ganito, gwapo?”
“Tange, para sa buhok ko ang bulaklak…itong dahon ang para sa iyo…para ako ang maganda…”
“Bruha!” Sasapakin na naman ni Adda si Gervis, pero hahampasin ng lalaki ang asawa ng tubig. Para Silang mga batang naghahabulan habang naliligo sa ilog.
Matatawa si Vera sa panonood sa kanila. Nilagyan sya ng balabal ni Nabeel, basang-basa pa rin sya dahil kaaahon lang nya mula sa palalangoy. Si Nabeel ang matyagang nagturo sa kanya.
“Nakakatuwa silang Dalawa noh…”. Sabi ni Vera
“Tsk! Wag kang mainggit…”.
Biglang nilagyan din sya ni Nabeel ng bulaklak sa gilid ng tenga na naging dekorasyon ng kanyang basang buhok.
“S..salamat.” Nag-blush si Vera, sabay lapit ng mukha ni Nabeel sa kanya. Sa gulat ay hindi agad nakagalaw ang dalaga. Tapos ay lumayo si Nabeel na kinakain na ang bulaklak na galing sa buhok nya.
“Sarap!” Sabi ni Nabeel sabay tawa. Hinampas din ni Vera ito.
“Aray! Aray ko!” Saka ito lumayo para tumakbo.
Nakakain naman talaga ang mga halamanan sa Hebron, pero anong tingin nya sa buhok ko, kusina? Sa isip-isip ni Vera.
Nakakakilos na ng malaya si Vera sa paligid lalo at hindi na masyadong curious ang mga tao sa kanya, nasanay na ang mga itong Makita sya araw-araw.
******
Nabeel is laughing as he hurried inside Rebekah’s kitchen, Vera is running after him.
"Ibalik mo sa akin yan..." sabi ni Vera na sumeryoso ang mukha.
Natawa si Nabeel saka binigay ang prutas na kanina pa kinukuha ni Vera sa kanya.
Napatingin si Nabeel sa lalagyanan ng mga pinggan at mula rito ay kinuha ang isang kakaibang baso. Isa itong malaking kopita na kulay ginto at may kakaibang ukit sa labas.
After hesitating for a bit, Nabeel filled the goblet with water from the faucet and drank from it while looking at Vera meaningfully.
Walang malay naman ang dalagang kumakain ng prutas habang nakasandal sa lababo at hindi nakatingin kay Nabeel.
Matapos uminom ay inabot ni Nabeel ang kopita kay Vera na meron pang kalahating tubig.
"Oh, uminom ka, kanina ka pa kain ng kain."
"Oo nga..." natawa si Vera, saka nya kinuha ang inaabot ng binata.
Tinitigan nya muna magandang kopita at saka inilapat ang labi sa dito bago ito tumalsik at bumagsak sa sahig.
BLAG!
"Tita?!?!"
Rebekah smacked the goblet away from Vera’s mouth.
"Nabeel, mag-usap tayo sa labas."
Vera saw how angry her aunt Rebekah is. Worried, she followed them, after picking up the empty goblet, to listen while hiding from where they will not see her.
"Anong ginagawa mo?!” Tanong ni Rebekah.
"Gusto ko sya tita.” Seryoso si Nabeel.
"Pwes sabihin mo sa kanya ng maayos. Hindi dahil mas alam mo ang kwento ng kopita ay tuso kang kikilos para makuha mo ang gusto mo. Lumaban ka ng patas, hindi kapareho ang kwento nyo ng kay Angelo at kay Naria."
Rebekah turned around and went inside her house, closing the door behind Nabeel. The evening of fun is over.
"Tita... may mali po ba akong nagawa?"
Napatingin si Rebekah sa pamangkin. Nakasiksik ito sa gilid hawak ang kopita.
Rebekah sighed and took the goblet from Vera. She is supposed to return it to the church but have forgotten to do so. She borrowed it for Gervis’ wedding.
"Wala...napaka inosente mo lang at minsan nag-aalala ako sa ka-inosentehan mo na yan. Wag na wag kang iinom sa kopitang ito hanggat hindi mo alam ang buong katotohanan sa likod ng kwento ng kopita na ito. Naintidihan mo?"
"Ano po ang kwento?"
"Pakiramdam ko ay hindi pa panahon para mo malaman. Nagtitiwala ka ba sa akin?"
Tumango si Vera. Parang ina na ang turing nya kay Rebekah kahit ilang araw pa lamang silang nagkakasama.
"Gusto ka ni Nabeel alam mo yun hindi ba?"
Napalunok si Vera. Hindi sya tanga, alam nya ang gustong sabihin ni Rebekah.
"Mali po na sumasama ako sa kanya."
"Hindi. Iyun ay kung pareho kayo ng nararamdaman. Pareho ba kayo ng nararamdaman?"
******
Nang gabing iyun ay pabiling-biling si Vera sa higaan. Hindi sya makatulog, iniisip ang tinanong ni Rebekah sa kanya. She’s happy when she’s with Nabeel. She wants to be with him everyday. Hindi na mainitin ang ulo nito at hindi na rin sya pinipilit nitong maging matapang. Ang laki rin ng utang na loob nya sa Jabezzite warrior.
"Kung magtatapat ba sya sa iyo ng intension nya ay tatanggapin mo?" Pangalawang tanong ni Rebekah na hindi masagot ni Vera.
******
The following morning, she prepared for her meeting with the Zseir. The leader Jehu finally set the date. Vera is nervous to face another journey of her stay in Hebron.
"Tita, pupunta lang ako sa spria." Ito ang lugar kung saan nya nakita ang pinta ni Helen. Dito ay nare-relax din sya.
In spria, she learned a lot of things like the celebration of the birth of Yswah. It’s the day after Gervis and Adda’s wedding. They gave her lots of gifts, mostly clothes and dresses. Some said she’s given clothes in the same style as Helen’s, though it’s not that of a Jabezzite warrior’s attire.
“Yung pagdating ni Yswah sa buhay ng mga tao ay isang malaking regalo. Kaya naman nagbibigayan ang mga tao ng regalo sa tuwing kaarawan Nya.” Paliwanag ni Adda kay Vera.
Noon nya rin nalaman ang tungkol sa pinagbabawal na simbolo na nasa kwintas nya dati at kung bakit takot dito ang mga nilalang ng dilim.
“That X with the fish and alpha and omega symbols ay tatak ni Yswah dito sa mundo. Kaya ang birthday nya ay Xmas ang tawag ng mga sinaunang tao. Ang simbolong yan, kapag Nakita mong nakaukit sa bahay ng pupuntahan mo, ibig sabihin ligtas kang pumasok, dahil may Diyos ang puso ng mga tao sa loob ng bahay.” Si Raju ay nagpapaliwanag rin sa kanya ng mga bagong kaalaman sa tuwing nagkikita sila sa spria.
"Takot ang mga nilalang ng dilim sa simbolo na yan dahil nagtataglay ito ng liwanag na papatay sa kanila." Dagdag ni Rebekah nang minsang napag-usapan din nila ito.
"Wag mong kalilimutang susunduin ka dito ng pinuno para bumisita sa Zseir. Bumalik ka kaagad ha.” Bilin ni Rebekah bago umalis ang pamangkin.
“Opo tita…”
******
Inamoy ni Vera ang silid pagkapasok sa spria, at saka isa- isang hinawakan ang mga bagay na naroroon, pero sa huli ay muli syang dadako sa larawan ni Helen. Ito ang pinaka-favorite nyang kuhaan ng information.
She touched the tip of the painting again. There it is, the feelings that she couldn’t explain. Tapos ay isang parang sine ang papasok sa loob ng kanyang isipan.
Nakatingin si Helen sa nagpipinta sa kanya. Noong una ay napakapilya ni Helen, pero ilang saglit ay sumeryoso ito. Kita ni Vera ang paglamlam ng mga mata ng dalaga at saka ang kakaibang saya nito sa mga mata sa tuwing nakatingin ito sa nagpipinta sa kanya.
"Mahal kita... mahal na mahal kita..." sumikdo ang puso ni Vera. It’s as if she’s the one telling it to the person painting Helen, although she knew and felt that it was never her emotion in the first place.
Sa mga mata ni Helen nababasa ni Vera ang totoo nitong damdamin. Damdaming nag-uumapaw para sa taong pinakakamahal nito. Sa taong gumuhit ng pinta ng mukha ni Helen na ngayon ay nasa kanya.
This is the reason why she always wants to go back to spria, she’s addicted to Helen’s feelings.
Yung pagmamahal ni Helen sa lalaki ay hindi mo matatawaran. Napakawagas at tapat nito. Sa tuwing nadarama ni Vera ang pagmamahalang iyun ay may kung anong desire syang nararamdaman. Gusto nyang makadama ng ganung klaseng pag-ibig.
"Vera."
Nilingon ni Vera si Nabeel. Napangiti sya dito. Masaya sya na makita ang binata.
Gusto mo rin ba sya? Naalala nyang tanong ng kanyang tiyahin sa kanya. Hanggang ngayon ay hinahanap pa rin nya sa sarili ang isasagot sa mahirap na Tanong na ito.
"Ikaw ang magdadala sa akin sa Zseir?" Lumapit si Vera sa binata.
"Hindi, gusto lang kita makita bago ka pumunta dun." Sinuutan ni Nabeel ng bulaklak sa tenga si Vera. Napangiti ang babae. Naging
ugali na ni Nabeel na lagyan sya ng bulaklak nito sa tenga. HIndi naman na ito kinakain ng binata.
As soon as Nabeel placed the flower on her hair, he traced his fingers on her cheek. Napalunok si Vera, ngayon lang naging ganito kalapit si Nabeel sa kanya. Halos magdikit na ang kanilang dibdib.
Natulala si Vera sa mga mata ni Nabeel na nakatitig sa kanya. Sumikdo ang puso nya dahil kamukha ito ng mga mata ni Helen na nakatingin sa taong kaharap nito habang pinipinta.
Ganun ang damdamin ni Nabeel para sa kanya? Hindi namalayan ni Vera na lumapit ang mukha ni Nabeel sa kanyang mukha para lapatan ng halik ang kanyang labi.
******
"Bampira! May mga bampira sa harapan ng bukana!" Sigaw mula sa labas.
Naiiwas ni Vera ang mukha kay Nabeel para tanawin ang pintuan kung saan nakita nyang may mga nagtatakbuhang mga tao.
Instead of kissing Vera on the lips, Nabeel kissed Vera’s hair covering her ear as she turned her face away, distracted. Vera did not pull away from him though, she even hugged him tighter while still looking outside where a commotion is happening.
"Natatakot ka na naman..." sabi na lang ni Nabeel, matapos huminga ng malalim at binalik ang sarili sa katinuan matapos masira ang diskarte nya.
Nabeel grasped Vera’s hand and ushered her out of aspria to know what’s happening outside.
"Anong nangyayari?" tanong ni Raju sa isang lalaking tumatakbo, nakasalubong ito nila Vera at Nabeel. Raju is about to fetch Vera to see the Zseir when people went running around scared.
"Isang bampira po ang naghahanap sa angkan ni Jokiam, patungo na roon sina Gervis at ang iba pang mga mandirigma."
Agad tumalima si Raju sakay ng kasno patungo sa bukana ng liwanag.
Nabeel jumped on his kasno as well to follow his leader. Kailangan ng mga mandirigma ang tulong ng lahat. Ngayon lang may nangahas na bampirang lumapit sa kanilang liwanag.
Stupid rufus tried to enter the boundary once in a while but no one survived their light. Kung may bampira Mang umiikot sa paligid nila, madalas ay nasa malayo ito, ilang milya sa boundary ng liwanag ng Hebron.
"Sasama ako!" sabi ni Vera.
She’s still scared but not with vampires anymore. Her new found faith in Yswah made her courageous to face any creature of the night who would dare enter Hebron.
Inabot ni Nabeel ang kamay ng dalaga saka inakyat ito sa kasno.
******
“Hoy bampira hanggang dyan ka na lang noh! Unless gusto mo nang mamatay, sige subukan mo lang! Come to mama!” Nakapamewang pa si Gervis sa bukana sabay pilantik ng daliri nito na para bang inaaya ang bampira papasok ng Hebron.
Sa malayo ay nakatanaw lang ang Dalawang kasama ng bampira.
Silaw na silaw si Salud sa liwanag ng Hebron, higit na malayo na sya dito kaysa noong una nya itong mapuntahan. Hindi nya kaya ang liwanag na tila tumutusok sa kanyang dugo sa tuwing titingnan ito.
On how the sheik is able to come near the boundary of the light is something that Salud could not explain nor understand.
Ang alam nya, kahit si Revin na alalay ng bampira ay hindi kayang makalapit sa liwanag.
Salud could see Gervis’ face as if they are face to face with each other, although she doubts if he can still recognize her if they really see each other again.
Kahit bampira na sya, wala syang galit sa mga taong liwanag, lalo kay Gervis, pero may kung anong takot ang nadarama nya na nagpapagaralgal sa kanyang lalamunan. The light is making her irritated and angry, she can’t explain why. All she knows is that, with Gervis having the light inside him, she doesn’t like him anymore just like the rest of the Jabezzite warriors she’s seeing inside Hebron.
Hilera ng maraming Jabezzite warriors ang nakaharap kay Caleb, nagliliwanag ang mga ito sa nag-aapoy na ilaw.
A wrong move on his part, Caleb knew the power of their light thrown at him could instantly burn him into ashes and to his death. So he has to be very cautious in what he will say next to the people of Hebron who might have forgotten about him.
“Naparito ako para Kunin ang pag-aari ko!” Sigaw ni Caleb, amoy nya ang napakasarap na bango ng kanyang alipin na nasa loob ng Hebron.