DILIM AT LIWANAG

2537 Words
"Panginoon..." Narinig nyang bulong ni Revin kahit nasa malayo ito.  Revin is worried, there’s no way he can come to Caleb’s rescue if worse comes to worst.  Hindi sya makalapit sa boundary ng liwanag milya ang layo sa mismong bukana ng Hebron.  On how Caleb is able to do it, is puzzling and shocking to Revin. Ang hindi alam ni Revin ay nagtataka rin si Caleb kung paano sya nakalapit sa bukana. Sinubukan nya kung hanggang saan nya kanyang i-tolerate ang init, hanggang sa makarating sya sa bukana.  Then it became too hot for him to proceed.  He knew moving forward beyond will be the death of him.  Wala pang ilang sandali ay nagdatingan na ang iba pang mga Jabezzite warriors, ready for war ang mga ito.  Aaminin ni Caleb, napakatikas at napakaganda ng formation ng mga warriors, kahit hindi na nya ito ka-uri ay proud syang dito ang lahing pinanggalingan nya. It’s nostalgic for him to see his fellow Jabezzite warriors and he suddenly misses his past life and longs to be by one with them again. "Anong kailangan mo Caleb?" tanong ng naglalakad na si Jehu, ilang metro sa binabaan nitong kasno. Alam nitong maririnig ng bampira ang sinabi nya kahit malayo sya dito. Nagbulungan ang mga taong liwanag, kilala nila si Caleb sa history pero hindi nila namukhaang ang alamat na si Caleb na ang kaharap nila.  “Ah, talaga lang ha!  So ikaw pala si Caleb.  Hmmm… gwapo… pero…mas yummy ang asawa ko!”  Si Gervis na nakapamewang pa rin kahit halatang nagulat ito. Then Nabeel arrived in his kasno with Vera riding at the back.  Gervis watched the two and remembered the last time Nabeel had a serious talk with him. “Gusto ko sya Gervis.  Papakasalan ko sya.”  Sa dinami-dami ng babaing lumandi kay Nabeel, sa wakas ay nakapamili na ang pihikan nitong puso.   Pero paano na yan?  Dumating sa Hebron ang babaing kamukha ni Helen, kaso biglang balik naman ni Caleb.  Oh my goodness!  Ang kumplikado nito, masakit sa puso ko, hindi ko it ma-take…no!  No!, hindi mapinta ang mukha ni Gervis. Pak! Sinapak ni Adda si Gervis dahil Tahimik na nag-e-emote emote ito. “Aray!” “Umayos ka, Walang time para mag-inarte.  Ayusin mo nga yang mukha mo?  Para kang kawawang Ewan!” “Opo mahal.”  Humarap ulit si Gervis kay Caleb at nagtapang tapangan. "Nais kong makausap ang lahing nanggaling kay Jokiam.  Ang namumuno sa komunidad na ito ngayon.” Sabi ni Caleb sa mahinahong boses. "Patungkol ba ito sa treaty na pinirmahan ninyo ni Jokiam noon?" Hindi kumibo si Caleb sa tinuran ni Jehu. "Kung naloko mo si Jokiam noon, hindi na ngayon. Wala kaming tiwala sa treaty mo na hindi ginagalang ng sarili mong lahi." "Kayo ang hindi gumalang sa treaty na napagkasunduan ng bawat nilalang na naninirahan sa mundo. Panay ang pag-atake nyo sa mga kuta ng rafa at komunidad na pag-aari nila.” Jehu smiled sarcastically. "Matagal ka na ngang nagtatago sa lungga mo kaya wala kang alam. Patuloy pa rin sa pamumuwersa ang mga rafa sa mga tao. Sarili nilang komunidad ang nilulusob nila gabi-gabi at nagkukunwari silang mga rufus " "At ano naman ang gagawin ng mga bampira sa mga taong ayaw sumama sa kanila?" "Bakit hindi iyun ang alamin mo bampira! Marami kaming markadong ampon na galing sa mga pag-atake ng mga kalahi mo. Mga piping saksi sa kaguluhang pilit pinapakalat ng sarili mong lahi. Sila ang nagsasabi sa amin ng totoong nangyayari sa labas. Kailangan nila ang proteksyon ng mga kagaya namin laban sa inyo. Kung ano man ang treaty na pinirmahan ninyo noon ng aming mga ninuno, wala na itong bisa sa kahit sinong lahi ngayon. Isa na lamang itong basura!” Caleb flinched at what Jehu said, although confused and disappointed, he tried not to show it.  Then he saw more warriors arriving and he finally smelled his marked slave.  His mouth watered as the concentrated scent hits him hard on the face. Umungol na parang galit si Caleb dahil sa pananabik. Akmang kikilos ito palapit sa Hebron. “Stop right now!  Thank you very much…” Sigaw-kanta ni Gervis, binatukan na naman sya ni Adda. “Hoy bampira, hindi dahil protektado ka ng aming propesiya kaya hindi ka namin mapapatay ay i-aatras namin ang aming liwanag para lang hindi ka masunog." Si Adda.  Narinig ni Nabeel ang Sinabi nito, Malapit na sya sa bukana.   Protektado ng propesiya?  Kinabahan si Nabeel.  Hindi…imposible.  Vera couldn’t see clearly the rafa at the entrance until Nabeel continued near it.  When Nabeel helped her down the kasno, she glanced to where the vampire is standing and her eyes opened wide, in shock. With her heart beating fast, she is panicking on what to do.  Yuyukod ba sya at iaalok ang sarili?  Nabeel covered her with his body as if not wanting her to be seen by vampire too. Puzzled and scared, Vera wondered if Nabeel knew that she’s a marked slave and her master is now at the entrance of Hebron. "Naparito ako para kunin ang aking pag-aari." "Wala kang pag-aari dito bampira, umalis ka na!" sabi ni Raju, bumaba na rin ito sa sinasakyang kasno. Lumayo si Caleb sa liwanag. Nakahinga nang maluwag ang mga Jabezzite warriors. Nagkatinginan ang mag-amang Jehu at Raju. Parang pareho sila ng iniisip patungkol kay Vera at sa pagdating ni Caleb.  Caleb must not see Vera, not until she is seen by the Zseir.  The two went with Nabeel and just like him, covered Vera from Caleb’s view. Dumadagundong naman ang puso ni Vera. ALam nyang nakita sya nito dahil sa maikling sandali ay nagsalubong ang kanilang mga mata. "Halika na, uuwi na tayo ngayon din!" mariing utos ni Caleb saka nito itinaas ang kanyang kamay na parang may hinihintay na lumabas sa lagusan ng liwanag.  Sumilip si Vera mula sa likod ng mga taong nakaharang sa kanya. Alam nyang sya ang kinukuha ni Caleb.  Lumakad sya palapit dito at palayo sa mga Jabezzite warriors.  No one is forcing her, not even herself.  It’s like instict, as if it’s just natural for her to obey his command. Nag-ingay ang mga taong liwanag nang makita ang paglapit ni Vera sa lagusan patungo sa bampira. "Hindi!" sumigaw si Nabeel, agad namang pinigil ni Raju ang papalayong si Vera. Tumingin si Vera sa mga Jabezzites, umiiyak ito.  Pakiramdam nya ay nasa pagitan sya ng dilim at liwanag. Kailangan nyang mamili. Sa piling nga mga Jabezzites ay payapa. Pero may kung anong pwersa ang nagsasabi sa kanyang kailangan nyang lumabas patungo sa dilim. "P..patawad po..." Saka marahang binaba ni Vera ang pagkakakapit sa kanya ni Raju.  She looked at Nabeel and the rest of the people that she learned to love in Hebron.  It’s too bad her aunt Rebekah is not around for her to say goodbye. "H..hindi ka nya pag-aari Vera. Isa kang malayang tao mula sa lahi ni Jabez." sabi ito ni Adda sa boses na hindi makapaniwala. Caleb is standing outside, waiting impatiently.  He is confident that he will get his slave back, that she will come for him without resistance nor a fight. Nasasabik na ang lalaking mai-uwi ang dalaga sa kanyang villa.  He is actually grateful that the people of Hebron saved his slave for him.  They kept her safe and that’s the most important.  Ngayon ay nakahinga ng maluwag si Caleb na mapapasakanya ang babae at hindi na ito muling mawawalay pa sa piling nya.  He frowned at what Vera is wearing though, it resembled the one in his nightmare when the same clothes are filled with blood. "Hindi namin sya ibibigay sa iyo bampira! Hindi mo sya pag-aari!" Sigaw ni Nabeel, sabay takbo papunta kay Vera. "Akin sya!" matigas na sabi ni Caleb at saka narinig nila ang napakalakas na ugong ng pag-angil nito.  Naghanda ang mga Jabezzite warrior sa pagbato ng kanilang mga liwanag.  Pero sumenyas si Jehu, preventing the warriors to attack. "Akin lang sya!" Galit na si Caleb at handang pumatay o mamatay kapag may umagaw kay Vera sa kanya. "Nabeel...totoo ang sinasabi nya...patawad at paalam..."  Yun lang at tumakbo ang luhaang si Vera palabas ng liwanag bago pa sya hawakan ni Nabeel at pigilan. Ayaw din ni Vera na magkaroon ng labanan sa pagitan ng mga taong liwanag at mga bampira dahil lang sa kanya. Sinalubong naman sya ng yakap ni Caleb. Pakiramdam ni Vera ay nawalan sya ng proteksyon nang nilamon sya ng dilim. Pero nang naramdaman nya ang bisig ni Caleb na mahigpit syang kinipkip, ang pakiramdam nya ay iyun ang lugar na dapat nyang kalagyan, she is finally home. Not far from them, Rafas spying at Hebron stepped back, making sure that they will not be noticed. Caleb and the others are not aware of them. "San po tayo pupunta?" Tanong ng rafa sa kanyang among bampira. "Irereport natin ang pangyayaring ito sa ating panginoon.” Naramdaman ni Vera na unti-unti syang inaangat ni Caleb sa ere, pareho silang nakatanaw sa Hebron habang lumilipad papalayo.  Sa isang iglap ay naglaho na ang lugar sa paningin ni Vera.  The Jabezzite warriors are frozen, unable to move as they saw Vera and Caleb flew away.  They could have done something to prevent Vera from leaving, yet Nabeel and the others couldn’t move from their place.  It’s like an invisible force is telling them that everything is part of the prophesy.  A peaceful feeling suddenly filled their hearts that they could not protest nor stop what’s happening.  They were only able to move when Vera and Caleb are no longer in sight. ****** Sa lugar ng mga Zseir ay nawalan ng malay si Mehia at bumagsak sa kanyang higaan. Huminto na rin ito sa pagsusulat na inumpisahan, simula nang dumating si Caleb sa bukana ng liwanag.  Husea ran to his father's aide, preventing a hard fall. Sa Cintru ay huminto na rin ang pagsulat ng libro. Tumigil na rin ang pagsigaw ni Salome.  Nagkatinginan ang mga royal blood at saka tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Kein. ****** Vera is crying quietly as she felt herself lifted up in the air.  Soon Hebron and its light is nowhere in sight.  Noon lang tumingin ang dalaga sa among bampira. Gustong madurog ng puso ni Vera sa isiping tinapon nya ang kanyang Jabezzite bloodline para sumama dito.  Pumayag syang maging alipin, kaya dapat syang ikahiya ng mga taga Hebron.  When her eyes met him though, all her doubts and shame melted away.  Her tears dried up and she felt calm as pure inexplainable joy washed over her. Tinapon nya ang pangakong kakalimutan na ang kanyang nakaraan, kasama ang amo nyang bampira.  Basta’t ang alam lang nya ay nasa bisig sya ng lalaking nagpapasaya sa kanya sa hindi nya maintindihang dahilan.  She still has question as to why she’s thrown away like a garbage, but what’s important for now is that he came for her and they will be finally together forever.  Hindi na muna nya kailangan ang paliwanag sa mga oras na iyon.   Sa pagkakatulala habang nakatitig si Caleb sa kanya ay napa-pulupot at napa-hipit ang pagkakayakap ng Dalawa nyang braso sa leeg nito. She’s not even aware of how high they are flying.  All she knows is her skin touching his and the sensation warmth her heart. Sobrang effort bago makalas ni Vera ang pagkakatitig sa bampira saka nya inihilig ang ulo sa dibdib ng lalaki. Suko na sya, ayaw na nyang makipaglaban pa sa puso at isip nya.  Nasamyo ni Vera ang amoy ng leeg ng lalaki. Hindi nya malaman kung anong klaseng amoy ito. Amoy ng nature gaya ng tubig na malinis na umaagos mula sa ugat ng malalaking puno sa Hebron. Hindi ito sobrang bangong parang sa babae. Amoy ito ng isang lalaki kung paano dapat sila mangamoy.  Lalong dinikit ni Vera ang kanyang ilong sa leeg ng bampira, saka wala sa sariling sinamyo ito bago sya nagbuga ng hangin palabas sa kanyang bibig. That’s when Caleb almost let her go, the delicious scent of Vera's breath that went up his nostrils in concentrated form disoriented him.  Her arms that are tightly wrapped around his neck doesn't help either.  He is losing control and concentration and he just wants to be in this euphoric state forever. Nang huminga ito nang malalim ay lalong naglabas ito ng masamyong amoy na nagpalaway sa kanya. Gumalaw ang leeg ni Caleb para i-alog ang ulo, kailangan nyang magising sa isang panaginip, napakasarap na panaginip, para bumalik sa katinuan.  Kung hindi ay babagsak sila ni Vera. Inangat ni Vera ang kanyang mukha nang maramdamang gumalaw ang lalaki mula sa kanyang pagkakahilig. Naisip ni Vera na ayaw nito ang ginawa nya at baka magalit ito sa kanya.  Pero muling natagpuan ni Vera ang sariling nakatingin sa dalawang namumulang mata ng binata. Kahit sa dilim ay nakikita nya ito. Gaya noon ay wala sa sariling hinaplos ni Vera sa pisngi ang lalaki, saka nya ito binigyan nang napakatamis na ngiti. Lumambot ang expression sa mukha ni Caleb. Wala sa loob na dinampian nito ng malamig na halik ang ba'lat ni Vera. Ibig sumabog ng dibdib ng dalaga sa saya. Muli syang humilig sa dibdib ni Caleb at hinigpitan pa ang yakap dito. Naramdaman nya ring humigpit ang yakap sa kanya ng bampira at saka sabay silang bumuntong hininga. Lahat ng ito, mula sa maliliit na detalye ay hindi nakalampas sa paningin ni Revin. Ngayon lang sya nakakita ng isang bampira at isang markado na ganoon katindi ang bonding.  From the looks of it, Revin knew Caleb will kill or will give up everything just to be with that marked slave Napakadalang ng ganito, taon ang binibilang bago mabuo ang sire bond ng isang bampira sa pagkain nya, pero ang dalawang ito ay kakaiba.  Ibig nyang agawin sa lalaki si Vera, ano bang gayuma meron ang babaing ito na pati sya ay napapahanga dito?  For the first time ay Revin got extremely jealous of Caleb. Dati ay ayaw nya sa buhay ng miserableng bampira, pero ngayon kung anuman ang meron ito ay gusto nyang maging kanya na rin.  May ugong na lumabas sa lalamunan ni Revin habang tumatakbo-talon sila ni Salud para sundan ang lumilipad na si Caleb. "Bakit?" Naisip ni Salud na may kalaban dahil grabe ang galit sa pag-angil nito.  Umiling lang si Revin at saka patuloy na tumakbo.  Iniisip kung dapat bang malaman ni Salome ang mga nangyayari. ****** Pumasok si Caiphaiz sa silid ni Kein. Salome is lying semi-unconscious on the pool of her own blood.  He went for the book of prophesy and saw that it stopped writing.  The ink which was then red is now black. Khadiz went up to her wife, takot na takot ito para sa kalagayan ng asawa. "Mahal ko, makakakain ka na. Ibabalik natin ang lakas mo."  Khadiz felt Salome’s labored breathing. "S..si C...caleb." Bulong ni Salome, pero rinig ito ng lahat "Ano si Caleb?!  Ano?!” Tanong ni Caiphaiz bago mawalan ng malay ang bampira.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD