NEW HOME

2604 Words
"Vera gising...anak. Gising ka..."  It was Dulce’s sweet voice that Vera is hearing. Ang sarap nitong pakinggan sa kanyang panaginip.  Yet the shaking doesn’t stop that Vera opened her eyes to her aunt Rebekah’s serious face. "Tita? Bakit po?" Parang gustong kabahan ni Vera. Ano na naman ang nangyayari? “Maghanda ka anak may pupuntahan tayo…" It is barely dawn and the morning is too cold, but Rebekah wrapped Vera with a warm cloth.  Malayo-layo rin ang nilakbay nila. Hindi na nagtanong pa si Vera, may tiwala sya sa kanyang tiyahin lalo at ina ito ni Gervis.  Ilang saglit lang mula sa burol na binabaan ay natanaw ni Vera ang isang ilog na hindi pa nya narating nang namasyal sya sa Hebron. Ibang bahagi na naman ito ng paraisong kanyang tinitirhan. Jehu and Raju are already waiting for them.  From afar, Nabeel, Gervis and the Jabezzite warriors’ leader, Cortez, are standing on guard. Napansin din ni Vera ang isa pang elder ng Hebron na kung tawagin nila ay Apo Leviste, isa ito sa mga nagtuturo ng dasal ni Jabez sa mga taga Hebron. "Vera...wag kang matakot..." Ito agad ang bungad ni Raju sa kanya, parang nababasa nito ang kanyang isip. "Hindi ka nabinyagan ng maayos dahil hindi ka sa Hebron pinanganak at lumaki.  Ngayon natin gagawin ang binyag bilang pagpapatibay ng iyong pagiging isang Jabezzite.” Nakahinga ng maluwag si Vera sa narinig, gusto nyang maging Jabezzite.  Simple lang naman ang ginawa, dinasalan si Vera ni Leviste at saka sya nilubog nito sa ilog. Vera’s felt like her body is electrocuted by the icy cold water.  She doesn’t know how long has she been submerged in it but all she feels is peace beyond her understanding.   Sa ilalim ng tubig ay hindi nakita ng mga nasa ibabaw ang pag-ilaw ng ba’lat ni Vera na tumalsik sa bola ng liwanag na nakatakip sa Hebron. At the shortest time that the two lights met, the protection adapted the colors of the rainbow blending in the breaking ray of morning sun. Ilang shallit at papaalis na rufus din ang tinamaan ng tila napakalakas na ilaw kahit malayo na sila sa paligid, parang tinamaan ng malakas na kidlat ang mga ito.  Ilang nakamanman na rafa sa kalayuan ang nakakita ng pagbabago sa ilaw na agad namang nireport sa kanilang pinuno.  When Vera came out of the water, she felt like a newborn baby.  Rebekah wrapped her with a warm blanket and gave her dry clothes to change to. Naupo si Vera sa tabi ng ilog at saka umiyak ng umiyak.  She couldn’t explain the feelings of extreme happiness.  The people around her seemed to understand. "Iwan nyo na muna kami..." Sabi ni Rebekah, bukas na ang liwanag ng umaga.  Rebekah let Vera sobbed uncontrollably, allowing her to let go of the garbage of her past and the trauma of her childhood.  This way, she can look at her brighter future. Normal na ang ganoong reaksyon sa lahat ng nabibinyagan sa ilog ng Almagtas, pumasok na kasi sa puso ni Vera ang banal na kaluluwa ni Yswah. Vera couldn’t figure out where all her tears are coming from and why they don’t seem to dry up.  Hindi ito luha ng dalamhati kundi luha ng saya. Ang saya-saya ni Vera.  When she calmed down, Rebekah ushered her to the hill passing by the river.  Doon ay nakita ni Vera ang isang malawak na libingang parang hardin sa dami ng bulaklak at halamanan. Itinuro ni Rebekah ang libingan ng mga magulang ng kanyang ama. Muling umiyak si Vera, dapat ay dito nakalibing ang kanyang ama at ina. "Papahanap natin ang libingan ng mga magulang mo at dadalhin natin dito. Dito sila nararapat." Niyakap ni Vera si Rebekah, ang saya-saya nya. "Nasa puso mo na si Yswah, sa mga panahong may mga bagay kang hindi maunawaan, kausapin mo Sya na parang kinakausap mo ako. Ito ang isang prinsipyo sa dasal ni Jabez. Dito manggagaling ang liwanag ng puso at kaluluwa mo." Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Vera sa gitna ng paghikbi. "Anong pakiramdam mo?" "Proud ako na tao ako..." muling umiyak si Vera, gusto nyang sabihin sa kanyang tiya na nagkamali sya sa pagbebenta ng kanyang dugo pero hindi nya alam paano simulan.  Then she remembered the beautiful face of her vampire master.  She hasn’t been sleeping well, worrying about him.  A part of her wants to know if he is okay.  A part of her misses him so much. Ngayon ay iba ang pakiramdam nya, pumikit sya at nanalangin gaya ng sinabi ng kanyang tiya na gawin nyang pakikipag-usap kay Yeswah. "Kakalimutan ko na sya. Magsisimula ako ng bagong buhay ko Yswah, buhay ko na maglilingkod ako sa iyo bilang isang taong hindi alipin."  Now, a part of her said goodbye to him. Pinahid ni Vera ang luha nya at saka ngumiti. Muli syang niyakap ng mahigpit ni Rebekah. “Welcome home, anak.”  Sabi nito. That’s exactly how Vera feel, she is home. ****** Pagkauwi ay paghahanda naman sa kasal ang inasikaso nila Vera at Rebekah.  It’s Vera’s first time to witness a wedding or attend a big celebration where crowd is allowed to gather.  Walang ganito sa Agar or kung meron man ay bawal syang pumunta. "Ilan?" "kulang sampu daw." "Panay na ang lapit nila sa labas ng liwanag. Dati-rati ay..."  "Hindi na lang rufus, pati daw shallit ay nakikita na rin sa umaga. Mas marami kada araw." “Nakakapangilabot..." "Hoy, tigilan nyo ang tsismisan ng mga negative na bagay please lang ha, kasal ng anak ko." Saway ni Rebekah sa mga kababaihang nagkikwentuhan habang tumutulong sa paghahanda ng kasal.  Vera heard the news about an encounter outside the protective light, where Gervis and Adda insisted on fighting despite the preparation of their wedding. May mga tinatayo na ring physical barriers sa paligid na dati raw ay wala. May nakalagay na simbolong pinagbabawal sa bawat barrier para pandagdag tibay sa liwanag ng Hebron. Matapos naman ang tsismisan ay masaya na ang mga kababaihan sa pag-hahanda.  Nakabalik na rin ang mga kinakasal sa Tamang oras ng kanilang pag-iisang dibdib. "Inaaral ka namin sa school..." Sabi ng isang batang babae na tumabi kay Vera. Nagbibihis sila ng magandang damit para sa pagtitipon. "Talaga?" "Oo. Magaling ka at matapang na mandirigma."  Natahimik si Vera sa sinabi ng bata. "Hindi sya si Helen, Girlie... si Vera sya. Iba si Helen, iba si Vera..." Napatingin si Vera sa nagsalita. Si Nabeel ito, bihis na bihis at mukhang maginoo. "Ready ka na?" Tanong nito sa kanya, matapos gusutin ang buhok ng bata at palabasin na ito ng moog. "S..saan?" "Ako and escort mo ngayon." Inilabas ni Nabeel ang braso para kapitan ni Vera. Ngumiti si Vera, mabait na ba talaga sa kanya si Nabeel? Isip nya bago umangkla dito. In their seats, Nabeel explained the tradition of their wedding one by one.  Mula sa pangaral ni Leviste na punong pari nila at ang pagsambit ng pangako nila Gervis at Adda sa isa't-isa.  Vera felt the ceremony deeply, understanding what her parents taught her about the sanctity of marriage.  Adda and Gervis are unconventional couple indeed.  With Adda looking more of a man while Gervis is the lovely bride, yet people could feel how much they love and respect each other. "Ahm... eherm... napuwing ako..." Sabi ni Vera nang magulat sya dahil pinahid ng kamay ni Nabeel ang luha nyang pumatak sa pisngi. "Hindi ka magaling magsinungaling." Natatawang sabi ni Nabeel. "S..saan sila pupunta?" Nakita nilang inakay ng mga pinuno ang bagong kasal matapos ang seremonya. "Magha-honeymoon na sila.” Sumama sila sa karamihang sumusunod sa bagong kasal. Sa isang moog dinala ang mag-asawa. Hinatak sya ni Nabeel paatras.  "B...bakit?" "Hanggang dyan ka lang."  "Bakit ang mga pinuno ay..." Pumasok ang mga pinuno sa moog.  "Hindi tayo pwedeng manood."  "Manood ng ano?" "Ng honeymoon.” Napatingin si Vera kay Nabeel. Maya-maya ay namula ang pisngi ni Vera. Tumango si Nabeel saka tumawa. “Seryoso?"  Sheltered sya pero hindi sya tanga. "Oo. Kapag kinasal na tayo, yan din ang gagawin nila sa atin."  Napanganga si Vera sa sinabi ni Nabeel. Sabay hatak naman nito sa kanya para kumain sa handaan. ****** "What's so f*****g important about her?" Ngitngit na tanong ni Yzami.  Sa buong buhay nya bilang taong mortal o bampira, ni hindi nya alam kung nasaan at anong itsura ni Kein in flesh. Pagkatapos sa isang iglap ay nakakulong si Salome sa silid kasama ng kanilang dyos! "Shh...baka marinig ka ni ama." Sabi ni Azem.  They are on the other side of the castle, waiting for the next instruction from their father. "Look at him, so miserable, so obsessed with that b***h!" Nakatanaw ang dalawa sa ibaba kung saan nag-iisa si Khadiz.  Anxious ito sa nangyayari sa kanyang asawa.  Khadiz looked up, hearing them.  Yzami met his gaze, unapologetic. "Nagseselos ka ba?" Biro ni Azem.  "No way!” Then they saw Lekan approached Khadiz.   They shared a long silence. "She's bleeding in there. Ni ayaw pumayag ni ama na magpapasok ng markadong pagkain para maibalik ang mga dugong nawala sa kanya..." sabi ni Khadiz Hindi kumibo si Lekan. "I know you hate her pero alam ko rin na natotolerate mo sya dahil sa akin and for that I'm grateful..." Hindi totoo ang sinabi ni Khadiz, sa isip-isip ni Lekan, pero wala sa panahong makipag-argue sa kapatid. Outside Kein’s room, Caiphaiz is walking aimlessly, back and forth while checking on the closed door behind him.  How long will he wait for the book of prophesy to stop writing? Isa lang naman ang gusto nya, ang magising ang kanyang panginoon. Sa loob ay namimilipit sa sakit si Salome. Duguan ang katawan at nakatirik ang mga mata. "Tama na! Tama na!" Iyak sa isip ni Salome na hindi nya maisigaw.  Habang patuloy ang pagsulat sa lumang aklat at pagdanak ng dugo mula sa plumang hindi nila nakikita, ay patuloy ang sakit at pagdurugo ni Salome.  It’s as if her blood is the ink being used to write in the book of prophesy. ****** The following days are happiness for Vera.   In the morning she helped out around the house and in the church where Rebekah is in-charge of preparing the venue for the regular service. Vera started studying their faith in Yswah too and she’s loving all the information that she’s learning about Him. In the afternoon, she’d help out Adda who is also in-charge of teaching kids, history.  Naki-seat in na rin si Vera sa klase nito. In the late afternoon to evening, si Nabeel naman ang sumusundo sa kanya para mamasyal, Madalas ay nauuwi sila sa pagtambay sa magagandang Burol ng lugar kung saan napakaganda ng tanawin. Kahit hindi nakikita ng mga ordinaryong mata, nalulukuban pa ring ng proteksyon liwanag ang buong Hebron.  At times, they’d hear explosions indicating that shallits attempted to enter their place and ended up destroyed by the light.  Dahil dito malayang makaikot ang mga taga Hebron sa buong lugar na nasasakupan ng liwanag. "Ano yun?" Tinuro ni Vera ang isang tila dikit-dikit na kubol sa mataas na bundok na nakapaligid sa Hebron, malapit sa liwanag na harang nito. "Dyan kami nagkakaroon ng prayer chain para manalangin kay Yswah at patuloy na buhayin ang prayer of Jabez. Dalawampu't apat na oras na walang patid ang panalangin para lumakas ang ilaw ng Hebron." Sabi ni Nabeel nang makita ni Vera ang mga prayer cubicles sa di kalayuan. "Maaari ko rin bang dasalin ang prayer of Jabez?" Madalas na itong usalin ni Vera lalo bago matulog. Hindi pagkabisado ng dasal ang sekreto ng panalangin kundi ang kahandaan ng puso. Ito ang inaaral pang mabuti ni Vera. "Oo naman! Taong liwanag ka na eh, malinis ang dugo mo at walang dumi ng kahit anong nilalang ng dilim lalo at nabinyagan ka na." Vera became speechless upon hearing Nabeel.  She felt guilty for not telling them the truth, yet she was told that no marked slave could survive the baptism in the river of Almagtaz. Only those with clean blood can survive it.  Nalito tuloy lalo si Vera, baka nga hindi sya markado at malinis na sya. Pero nakakapa nya pa rin ang markang ginawa sa kanya ng among bampira sa tuwing naliligo sya.  Kaya alam nyang markado sya na may maduming dugo. "Gusto mo mag-sign up tayong dalawa sa hatinggabi na slot hanggang alas-singko ng madaling araw? Magkaiba ang cubicle ng mga babae sa lalaki pero at least alam kong nakaduty ka rin."  Vera wants to, especially that she learned in history how important the prayer of Jabez is.  Hebron had won many fights against Kein’s creatures of the dark because of it. "P..paano kung may markadong gustong magdasal, halimbawa kasi nagbagong buhay na sya?" "Una hindi makapapasok sa liwanag ang taong markado dito. Pangalawa, mapuputol ang prayer chain at babagsak ang liwanag ng Hebron.” Napalunok si Vera, hindi pwedeng mapahamak ang mga taga Hebron dahil sa kanya. Oo nakalusot sya sa liwanag at sa binyag pero...mahirap sugalan ang humalo sya sa prayer chain. "Saka na lang tayo mag duty sa prayer mountain kapag marunong na marunong na ako tungkol sa buhay ni Yswah at sa history ni Jabez.” "Sige ikaw ang bahala. ****** Ang dating dalawang bampirang naghahanap kay Vera, ngayon ay tatlo na. Minsan ay hindi maalis ang tingin ni Salud sa lalaking sheik na nakasagupa nya ilang araw matapos nyang malagutan ng hininga.  She is dying of thirst when the two vampires found her.  Then she is taught by the sheik how to drink blood from hunting wild animals. Pumangit ang mukha ni Salud sa unang lapat ng dugo sa kanyang dila. Natawa si Revin. Gutom na gutom na rin sya, ilang gabi na silang naglalakbay, pero matitiis nya. Wag lang syang uminom ng dugo ng hayop gaya nang ginagawa nila Caleb at Salud. Kinumpirma ni Salud na nasa Hebron si Vera at ligtas. Dahil dito ay halos hatakin ni Caleb ang araw para makapaglakbay sila papuntang Hebron sa lalong madaling panahon. "Masanay ka na sa dugo ng hayop, dahil kung wala kang pambili ay hindi ka magkakaroon ng sarili mong markadong pagkain."  Si Revin "Bakit hindi ka bumalik sa iyong angkang pinanggalingan?" Amoy ni Caleb kung anong angkan si Salud nanggaling. "Iyun ang plano ko kung hindi nyo ako nakita." Sabi ni Salud  "Bakit ka sumama sa amin?" Tanong ni Revin "Dahil alam kong hindi markado si Vera at imposibleng pag-aari mo sya. Hindi rin makapapayag ang mga taong liwanag na kunin mo si Vera basta-basta." "Bakit?" Tanong ni Revin.  Hindi nagsalita si Salud, pero narinig nyang importante si Vera sa mga taga Hebron. Narinig nyang Madalas itong pag-usapan nila Gervis at Nabeel mula sa karwahe nila hanggang sa kanilang paglalakbay pauwi sa bayan ng mga ito. Hindi rin kumibo si Caleb. Sa isip nito ay buo na ang pasya nya, kukunin nya si Vera kahit anong mangyari. Napangiti si Caleb nang sambitin sa isip ang pangalan ng babaing markado nya. Sabik na sabik na syang makita ito. ****** Vera moaned in her sleep, dreaming about her master. "You are mine..."  Bulong ng amo sa tenga nya "..but...I'm home."  Sabi ng utak ni Vera habang kinikilabutan sa bawat haplos at halik ng among bampira "I'm your home."  Titig na titig sa kanya ang pulang mga mata ng lalaking iniwan nya Yes!  Vera's heart agrees. "BAMPIRA!!!  BAMPIRA SA BUKANA NG LIWANAG!"  Sigaw na narinig ni Vera
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD