THE FORBIDDEN

2806 Words
It was on the 3rd day, after leaving Hebron, that Caleb arrived at the villa.  Princess is waiting for him along with the rest of his household staff. Nakita ng matanda ang babaeng bitbit ni Caleb.  Princess smiled despite the pang of jealousy she felt.  Mapapalitan na sya, pero at least may bago at sariwang pagkain na ang kanyang amo. Naalala tuloy nya nung una syang dumating sa Villa, pero sakay sya sa karuwahe hindi kagaya ngayon na bumaba mula sa ere si Caleb karga ang babaing masyadong kumportable sa bisig nito.   Another pang of jealousy hits Princess when she saw how Caleb is holding the marked slave.  Tulog na tulog ang babae na nakasubsob sa dibdib ng bampira habang panay ang ayos ni Caleb dito na hindi satisfied sa higpit ng pagkakayakap nya sa dalaga. "Panginoon..." Princess bowed and offered her arm to Caleb, then remembering that he has a new food, she withdrew her arm to face her master. “Magandang umaga, Princess…”. Bati ni Caleb sa matanda.  Ilang sigurndo na lang ay puputok na ang araw at kailangan na nitong magpahinga. "Nag-alala po ako sa inyo. Dumating na sila Arjay sakay ng inyong karuwahe pero hindi kayo kasama..." Princess is trying to look at Vera’s face but it is buried on Caleb’s chest. "Ang mga rafa nahatid ba ng maayos nila Arjay at Franco?"  Salud and Revin are already sleeping, the sun is coming out very soon, yet Caleb doesn’t feel tired.  Seeing how happy Vera is to see Salud, he decided to keep her in his villa for now.  Revin bought her food and gave her room to sleep in. Amoy ni Lekan ang dugo ni Salud, alam ni Caleb na ayaw ng royal vampire sa kanya at hindi nito magugustuhang inampon nya ang isa sa mga anak nito.  Salud’s stay is an open invitation anyway, she can leave anytime she wants. Nagulat si Princess nang ipinasok ni Caleb sa loob ng villa ang natutulog na babae. Iba ang tulugan ng mga markadong pagkain, sa labas sila ng main house malayo sa mga importanteng silid ni Caleb sa loob ng bahay, kasama na ang tulugan nito.  Sumunod ang nagtatakang si Princess sa amo, kasama si Clarisse, na markado ni Revin at katulong ni Princess sa pagmamanage ng villa. In a spare room opposite his bedroom, Caleb laid down Vera on the soft bed.  Umupo si Caleb sa gilid ng kama saka inalis ang harang ng buhok ni Vera sa mukha para pagmasdan ito habang natutulog. Napangiti si Caleb, pagod na pagod ang dalaga dahil sa ginawa nila.  Nang unang gabing naglakbay sila sa ere, habang sumusunod sa ibaba sina Revin at Salud, ay tahimik lamang sila. Wala namang balak si Caleb na maglakbay sila sa ere lalo at nakarating na sila sa Kumar kung saan may pribadong treng naghihintay sa kanila para mas mabilis nilang marating ang villa. Kaya lang, sa ere ay walang mga mata at tenga ng ibang bampirang makakikita at makaririnig sa kanilang dalawa.  Though they only shared silence while flying, that first night with Vera is enough to satisfy the longing of his heart.  They still exchanged few words though cause Vera has a lot on her mind. Titig na titig si Vera sa amo. It finally sinked in to her that she’s flying and one wrong move would mean her death below the train tracks if she falls.  Humigpit ang hawak ni Vera sa leeg ni Caleb at muli syang napatitig dito. Muling sinalubong ni Caleb ang mga mata ni Vera. Lumunok ang dalaga, kumukuha ng lakas ng loob. Naiisip pa rin ni Vera na tao sya at higit na may dangal kesa sa mga bampira, pero natutunaw ang tapang nya sa tuwing tititig sa kanya ang lalaki. "H..hindi ka n..namatay?" Pautal-utal na tanong ni Vera. Kumunot ang noo ni Caleb, bakit sya mamamatay? "H...hindi kita nalason?" Muling tanong ni Vera nang hindi kumibo ang lalaki at nakatitig lang sa kanya. Ito lang kasi ang Naisip ni Vera na pwedeng dahilan kung bakit sya napasama sa karwahe ng mga alila.  Napatay nya ito,  lalo at galing sya sa bloodline ng mga taong liwanag.  Caleb finally understood what Vera meant and shook his head. "B..bakit mo ako t..tinapon?" Tanong ito pero naging accusatory ang boses ni Vera. Nagulat din ang dalaga na parang biglang tumapang sya. Then Caleb growled angrily, with his clenched jaws, Vera thought that he will kill her for asking such question. "S..sorry. Hindi ako sa iyo galit." Alam ni Caleb na nakatatakot ang angil ng mga bampira at ramdam nya ang biglang pagbilis ng puso ni Vera at ang pangangatal ng katawan nito.  Nagsumiksik sa dibdib nya ang dalaga dahil sa takot.  Naalala lang ni Caleb si Salome at ang ginawa nito sa pagkain kaya nagalit sya. Vera slowly calmed down and from burying her face to Caleb’s chest, she looked up again to see if her master is still angry.  Ang ginawang ito ni Vera ang nagpakalma kay Caleb. Ah...napakalambot at napakainit ng katawan ng dalaga sa pagkakayakap nya dito. "Isang pagkakamali ang nangyari sa iyo at hindi na ito mauulit pa. Kahit kailan ay hindi na tayo pwedeng magkahiwalay." Caleb said knowing that Vera is waiting for his answer. Gumapang ang hindi maipaliwanag na saya sa puso ni Vera. Totoo ang sabi ni Myls sa orientation, iba talaga ang sire-bond sa pagitan ng bampira at markang pagkain nito. Sa umaga ay napipilitan si Caleb matulog sa kahon sa loob ng pribadong silid ng tren habang binabantayan si Vera ng mga markadong pagkain ni Revin na sanay din sa pakikipaglaban sa mga shallit at rufus. Pero dahil ang Kumar ay community ng mga bampira, bihira ang ibang nilalang dito. Vera is treated nicely by other slaves like her.  Whenever they brought her food, she rarely saw worm-like bumps on their skin.  She remembered that those are vampire poison, it just means that Revin’s slaves have less of it in their system. ”W..wag!" Sabi ni Vera kay Bianca nang itatapon nito ang damit ni Vera na galing sa Hebron. "Binilin ng panginoon ko na itapon ito." "B..bakit? Pwede ko pa naman yan labhan at suotin." "Ayaw ng panginoon mo na makita ka sa ganitong kasuotan." Wala nang nagawa si Vera dahil naitapon na nito ang damit na regalo ni Nabeel sa kanya noong selebrasyon ng araw ng kapanganakan ni Yeswah. "Matulog ka na at magpahinga."  When she’s alone, she peeked to the other train compartments.  She wishes to be with her master’s compartment instead of the car she’s in.  Beautiful, spacious, but she feels lonely being on her own. Gising at naayos na ni Vera ang sarili nang bumukas ang pintuan ng kanyang silid. Sumikdo ang puso nya nang makita si Caleb. Para syang isang batang sumaya dahil dumating ang importanteng tao sa buhay nya na may dalang pasalubong. Napahinga naman ng malalim si Caleb, a habit that he does every time he sees Vera for the first time even after a brief separation.  Parang nabuhay ang puso ni Caleb na matagal ng patay. Sabay kinukuha ni Vera ang lahat ng hangin sa puso nya dahil ganun ka-powerful ang presence ng dalaga sa tuwing makikita ito ni Caleb. Hindi ang ganda at ang amoy ni Vera lang ang nakakapagpatibok sa puso ni Caleb. May iba pa. More than he ever felt before, kahit kay Salome na pinakamamahal nya at may sire-bond sya ay hindi ganito kung sya ay masabik. Vera would jumped in Caleb’s arms trustfully even if the train is moving fast.  Caleb would then looked at Vera from head to toes approving the clothes he asked Revin to buy for her.  Nilagay ni Caleb ang makapal nyang coat sa katawan ng dalaga. Hindi pa panahon ng nyebe pero malamig na sa gabi.  Holding Vera’s small waist, tightly, Caleb would fly above Revin and Salud who are in charged of overseeing operation of their private train together with their marked slaves. Kumaway kay Vera si Salud na agad naman nyang nginitian. Nagkaroon na sila ni Salud ng konteng pag-uusap. Pero mabilis lang dahil kailangan pang magsanay ni Salud makisalamuha sa mga tao at hindi basta matukso sa amoy ng dugo ng mga ito.  "Hmmm...yung amoy na yun. Bakit hindi ganun ang amoy ng markado ko?" Tanong ni Salud kay Revin.  The rafa bought her several from a small slave market in Kumar.  Finally, Salud knew the difference between human and animal blood and she swore not to drink from animals ever again. "Walang may ganyang amoy. Sya lang..." sabi ni Revin habang sabay nilang tinanaw ang paglipad nila Caleb at Vera sa himpapawid.  Noong markado pa si Salud ay nakaramdam na rin sya ng kakaibang uhaw pag malapit sya kay Vera pero nako-control nya. Ngayong bampira na sya ay iba ang pananakam nya sa babae. Kaya mabuti rin na hindi sila nag-usap at nagkakaharap nito ng matagal. "Anong nangyari sa iyo sa Hebron?" Tanong ni Caleb kay Vera noong nasa himpapawid na sila. Vera’s face beamed with happiness when she remembered Hebron but she stopped smiling knowing that she must protect the people there and their secret, her master is their enemy after all. Importante ang amo nya pero hindi nya magagawang ipahamak ang mga naging kaibigan at pamilya nya sa lugar ng liwanag. “M..mababait sila sa akin. Niligtas nila ako." Maikling sabi ni Vera.  "Tinuturo pa rin ba nila ang pagpapahalaga sa kanilang lahi at pagbibigay dangal sa kanilang dugo?" "Alam mo?" Sa excitement ni Vera ay napayakap sya ng mahigpit kay Caleb sabay buga ng hangin mula sa bibig na tumama sa mukha ng binata. Napahigpit ang kapit ni Caleb sa braso ng babae. Nadisorient sya sa amoy na iyun, kumalam ang kanyang sikmura, at nakaramdam sya ng matinding gutom. Sinigurado nyang uminom sya ng dugo ng hayop bago nya sunduin si Vera pero hindi pa rin sapat ito para hindi matakam ang binata sa dalaga.  He almost dropped her as he salivated and got distracted by her delicious scent.  Sa tuwing kasama nya si Vera ay pinipilit nyang hindi gamitin ang kanyang pang-amoy, pero pumasok sa dila nya ang hangin at nalasahan ni Caleb ang maliliit na particles ng hininga ni Vera na tila appetizer at pampagana sa main course – ang napakasarap na dugo ng dalaga. "A..aray..." naramdaman ni Vera ang hapit na hawak ni Caleb na agad namang ginaanan ng binata. Tiningnan nito ang braso na namumula at alam ni Caleb na magpapasa ito. Hinalikan ng lalaki ang balat na namumula.  This time Vera got disoriented by such kiss and how Caleb’s lips felt on her skin that she lost her grip and almost fell.  Caleb is quick to hug her tightly and they both fixed and calmed themselves after sighing deeply. "Bakit ayaw mong sumakay tayo sa tren?" tanong ni Vera.  "Bakit, ayaw mo na bang lumipad?" "Gusto..." Sinalubong ni Vera ang malamig na hangin at saka pumikit at nilanghap ito. Takot pa rin si Vera na tumingin sa ibaba, pero kapag nasa bisig sya ni Caleb ay nawawala ang takot nya. The truth is, Caleb is not yet ready to be around Vera in an enclosed space.  Her scent will surely fill the room and he couldn’t trust himself not to do anything bad to her that will result to her death. "Kaya ka ba naging matapang na ngayon?" Biglang tanong ni Caleb. "Huh?" Binalik ni Vera ang paningin nya sa lalaki at saka hinigpitan ang yakap dito. "Dahil tinuruan ka ng mga taga Hebron kung gaano ka kaimportante bilang tao?" Tumahimik si Vera. Gusto naman ni Caleb na casual si Vera sa kanya. Maraming protocols ang markado at bampira na dapat sundin sa relasyon nila. Pero mas gusto nya na ganito at relax lang ang babae sa pakikitungo sa kanya. "Patawad..." Natawa si Caleb ng malakas dahil sa itsura ni Vera na mukhang na-guilty, samantalang wala naman itong kasalanan sa kanya. Revin and Salud suddenly looked up upon hearing Caleb’s laughter. "Bakit ka hihingi ng tawad eh totoo naman, importante ka at wag na wag mo yung kakalimutan. Kaming mga bampira ang dapat na matakot at lumuhod sa inyong mga tao." Hindi maintindihan ni Vera pero ibang klaseng bampira ang amo nya. Hindi ito tugma sa sinabi ni Nabeel sa kanya. Hinaplos ni Vera ang pisngi ni Caleb. Bago pa naka-react ang lalaki ay muling humiga si Vera sa balikat nito at paharap ang mukhang huminga ng mainit na hangin sa leeg ng binata. Sobra-sobra naman ang sayang nadarama ni Caleb habang pilit nag-co-concentrate na hindi mabitiwan ang dalaga. Sa pangatlong gabi ay naging mas relax ang dalawa sa isa’t isa. "Handa ka na?" Tanong ni Caleb kay Vera.  "P..aano kung..." "Ayan ka na naman, wala kang tiwala sa akin..." Pumikit si Vera at huminga ng malalim. Sumabog ang hininga sa mukha ni Caleb at sa gulat ay ibinato ni Caleb sa himpapawid ang dalaga. "AAHHHHH!" Sigaw ni Vera sabay ramdam nya ang pagbagsak ng kanyang katawan sa lupa. Nang akalang tuluyan na syang babagsak ay naramdaman nyang dinagit sya ni Caleb at muling tinaas sa ere. Tawa ng tawa si Caleb habang nahihintatakutan si Vera na nakaakap sa bampira at nakatingin sa ibaba. Naalala nya tuloy si Nabeel sa kakulitan ng among bampira. "Sabi ko sa iyo wag kang titingin sa ibaba at enjoyin mo lang eh..." Tatawang muli ang bampira. PAK! Natawa si Caleb nang makitang kamay ni Vera ang nasaktan nang pinalo sya nito sa balikat para patigilin syang tumawa. Lalong natawa si Caleb. Sabay kuha sa kamay ni Vera at hinalikang muli ito. Nangatog naman si Vera sa halik na iyon kaya hindi nya naihanda ang sarili nang muli syang binato ni Caleb sa ere pataas at saka sinalo nang pabagsak na sya. "Isa pa!?" Sigaw ni Caleb habang tawa ng tawa nang sinalo sya.  "Hindi...ayoko na!" Nawala na ang pagiging magalang ni Vera sa kanyang amo. "Isa pa hanggang matuto kang magtiwala sa akin at mag-enjoy."  "M...may tiwala ako sa iyo..." Mabilis na sabi ni Vera sabay kapit ng mahigpit sa leeg ni Caleb. As if napakalakas nito para hindi magawa ni Caleb ang gusto nya dito. "Oo pero hindi ka pa nag-e-enjoy." "Na-enjoy ko na! Tama na! Sige pag hindi ka tumigil....lagot ka!" Nagawa pa syang takutin ni Vera. Lalong humalakhak si Caleb.  "Oh talaga lagot ako? Bakit? Anong gagawin mo sa akin ha?" Kinalas ni Caleb ang kapit sa kanya ni Vera at saka muling itinapon ang babaing sumigaw na naman ng malakas kasabay ng halakhak ni Caleb. ****** Nagtinginan sina Salud at Revin, napalunok sila. There's something in the air, something that they couldn’t understand yet they are affected by it.   Katatapos lamang nilang uminom sa kanilang mga markado habang pinapaandar ng ibang rafa ang kanilang sasakyan.  Nang makapasok ng kani-kanilang silid ang dalawang markadong ininuman ay mabilis na dinakma ni Revin si Salud at saka hinalikan ito sa labi. They heard such beautiful laughter from above them again, the sound gives them joy somehow though they couldn’t understand why. Mabilis na nahubaran ng dalawang rafa ang isa't isa. Inangkin ni Revin si Salud na first time lamang gawin ang makipag-s*x na bampira na sya. Yumuyugyog ang pangatlong silid ng tren, hindi dahil sa pagpapaandar dito kundi dahil sa nagaganap sa loob. ****** "Panginoon...hindi pa ba kayo magpapahinga?" Nahinto ang pagmumuni-muni ni Caleb habang nakatitig sa mukha ni Vera na tulog na tulog pa rin. Napagod kakatapon nya dito sa ere hanggang sa mawala ang takot nito at magtiwala ng lubos sa kanya. "Gamutin mo ito pagkagising nya." Bilin ni Caleb kay Princess. Nawala ang ngiti sa labi ng bampira nang mapasin ang malaking pasa ni Vera sa braso. Masuyong hinaplos ni Caleb ito. Princess nodded, understanding her master’s command. "Kanina pa po tulog ang mga rafa. Ako na po ang bahala sa kanya…" Caleb understood that he must rest but he could’t bring himself to leave Vera on her own. Nagkatrauma sya na baka pag-gising nya ay wala na naman ito.  It’s not conducive for him to lie beside his slave like this.  He also doesn’t trust himself to be this close to her. Humakbang palayo si Caleb kay Vera at sinalubong si Princess. Hinalikan nya ito sa noo at saka pumasok sa kanyang silid para matulog.  Pinagmasdan naman ni Princess ang babaing natutulog at saka napaiyak ito sapo ang mukha sa kanyang mga palad. ****** Nang magising si Vera sa hindi familiar na lugar, natakot na naman ang dalaga. Hindi!  Tinapon na naman nya ako, naluha si Vera sa takot at galit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD