ANG LIHIM SA TAVACH

2926 Words
"Panginoon, nasa labas na po ang mga bihag, pati po ang mga pinatapong mga ulila." The rafa informed Lekan. "Sige, dalhin sila sa sorting room…" Lekan entered his dark office and sat on his chair.  The room is fully equipped with advance technologies that only royal blooded vampire like him is allowed access.  He sat overlooking an empty wall, as he turned on a switch, a high-definition screen appeared showing his sorting room. Nang sa wakas ay pinayagan na silang umalis ni Caiphaiz mula sa kanilang pagpupulong sa Cintru, ay sa Tavach agad pumunta si Lekan na nasasakupan nya sa pamamahala ng buong Haklaim. Sa Haklaim sila nagmamanufacture ng mga pagkain ng tao pero sa pusod nito ay ang Tavach.  Iba ang ginagawa ni Lekan dito. After Cintru, Lekan couldn’t wait to go back to work.  Last he heard, Salome is almost bloodless but the book of prophesy has stopped writing "Anong gusto mong gawin namin ama?" tanong ni Lekan, handa na syang gawin kay Caleb ang nararapat kung tungkol sa bampirang sampid ang nagbibigay kaba sa kanyang ama. "Wala. Wag nyong gagalawin si Caleb hangga't hindi malinaw ang propesiya pati ang sinasabi ni Salome." Isa itong utos at walang magagawa si Lekan kundi ang sumunod. Para marelax ay nagpunta sya sa kanyang paboritong past time na ilang daang taon na rin nyang pinaglilibangan. Nahahati ang sorting room sa tatlong kwartong gawa sa salamin ang mga dingding. Kita ni Lekan ang nangyayari sa mga kwarto kahit nasa loob sya ng kanyang opisina.  The three rooms are filled with marked slaves, unbitten humans, and rufus.  Though the walls are made of glass each group has yet to see one another.  Once a month, Lekan watched the process of sorting as he enjoyed it tremendously. Sayang at may mga ulilang hindi nakarating sa lugar nila dahil sa. isang aksidenteng may kinalaman sa mga shallit. Pero magkaganoon man ay marami-rami na rin naman silang dapat i-sort.  "Hindi kami magbibigay ng dugo sa inyo! Patayin nyo na lang kami!" Sigaw ng isang lalaki, hawak ang anak nyang batang babae. Nakakulong ito sa gitnang silid. Ang ibang mga tao ay nag-iyakan na lang sa kawalan ng pag- asa. Buhat ito sa komunidad na inatake ng mga rafa ni Lekan, kinuha nila ang ilang mamamayang naroroon. "Bawal sa batas ng treaty ang ginagawa nyo! Palabasin nyo kami dito!" Muling sigaw ng matapang na lalaki. Natawa si Lekan sa pinapakitang tapang ng lalaking may anak. "Unahin mong i-test ang mag-amang iyan." Utos ni Lekan sa rafa. Sayang at hindi nya type ang batang kasama nito, masyadong maputla ito para sa kanya. “Opo." Using the intercom rafa commanded the daughter of the screaming father be taken our of their room.  The father tried to fight but he was hit in the head and became unconscious, the young girl struggled to break free, but she has no match against the rafa who grabbed her like she’s a sack of cotton. Palihim na sinasabotahe ni Lekan ang treaty of Avlam bilang ganti kay Salome at sa lalaking sheik na ginawa nito. Ito rin ang paraan ni Lekan para pakita sa kanyang ama na inutil at walang kwenta si Khadiz, dahil sa patuloy nitong pagpayag na paikutin ng isang babae lamang. Simple lang naman ang proseso. Kuhanin ang mga tao, sapilitan itong i-test kung sino ang palahian at kung sino ang pagkain. Ang mga palahian ay dadalhin sa isang tagong komunidad kung saan ito paparamihin. Doon ay dadami ang mga taong mamumuhay na may takot at pagsamba sa mga bampira knowing na wala silang choice kundi ibigay ang kanilang mga dugo at paglingkuran ang mga bampira.  Ito ay dahil sila ay mga lahing alipin lamang, taga-pagtanggal ng uhaw sa dugo at laman ng mga angkan ng bampira. Ang mga pagkain ay bibigyan ng choice na pumayag maging markado o pag-e-ekperimentuhan ng team na binuo ni Lekan para ma-aral ang dugo ng mga ito at malaman kung paano ma-eliminate ang nakalalasong epekto sa dugo nito kapag hindi ito pumayag magpakain sa mga bampira.  All Lekan wants is the freedom to grab and eat humans anytime his kind likes.  Of course he will not turn their food into rafas, he has some other plans to marked slaves who are about to turn like them Mas gusto nyang konting bampira lamang ang maghari sa mundo samantalang paparamihin nya ng husto ang supply na pagkaing tao na walang nakalalasong dugo kahit pumalag ito sa pag-inom ng mga bampira. Then Lekan pushed a button and a hole from the wall opened.  He entered his arm inside and watched as he is cut in all places.  His blood flowed to the direction of where the rufus are gathered together.  There the rufus are showered with Lekan’s special blood. Purong dugo ng isang royal blood. Dugo ni Kein at Caiphiaz, isang dugong bughaw na umagos at umulan sa loob ng silid. Nagkagulo ang mga rufus, para silang binagsakan ng pagkain mula sa langit. Sarap na sarap sila sa paliligo sa ulan ng dugo ni Lekan. Ilang saglit lamang ay nagkikisay ang mga rufus, nawalan ito ng malay at nagbago ang itsura nito.  Nang bumangon ang mga ito ay ganap na itong mga shallit. Pinindot ni Lekan ang intercom.  "Welcome sa inyong bagong buhay mga anak..." Tumingala ang mga shallit sa narinig na boses. Parang may isip na lumuhod ito habang nakangangang gutom na gutom sa laman ng tao. Then Lekan signaled his rafa who pushed a button to remove the glass wall separating the marked slaves and the newly made shallit.  There Lekan watched as his children have a feast. Narinig ng mga taong Walang tatak sa kabilang kwarto ang sigawan at sila man ay nagsisigaw din sa takot. "Tama na yan mga anak..." utos ni Lekan sa mga shallit gamit ang intercom.  Parang may isip namang sumunod ang mga shallit. Hindi nila kinain ang mga markado. Buhay pa ang mga ito nang iwan nila. Muli ay pinanood ni Lekan na unti-unting naging shallit din ang mga markado.  Ngumiti si Lekan. "Gutumin sila bago sila ikalat sa paligid ng Hebron at sa mga nasasakupang kagubatan nito." Utos ni Lekan. Hitting two birds in one stone, sabotage Salome and destroy Hebron. Siguradong matutuwa ang kanyang ama sa ginagawa nya. Lihim pa ito dahil gusto nyang surpresahin si Caiphaiz. "Opo, panginoon." Sabi ng rafa. May dumating na isa pang rafa, napangiti si Lekan sa sinabi nito. "Magaling...Dalhin mo ang batang babae sa kwarto ng aking mga bagong anak. Siguraduhin mong mapapanood ng kanyang ama ang lahat ng pangyayari." Muli ay nakita ni Lekan sa salaming bintana na pinapasok ng rafa ang lalaki sa kwarto ng mga tao. "Nasaan ang anak ko! Ilabas nyo ang anak ko!" Nagwawala pa ito nang saraduhan ng rafa ang pintuan. Sa loob ng kwarto ng mga tao ay bumukas ang dingding nito at lumabas ang isang two-way mirror.  Sa kabilang kwarto ay nagwala ang mga bagong shallit nang Makita ang kwarto ng mga tao. Gutom na gutom sila. Ang mga tao naman ay napa-atras sa kabilang dingding. Bumukas din ito at nakita rin nila sa 2-way mirror ang mga shallit na kanina ay markadong pagkain lamang. Walang mapuntahan ang mga tao sa takot. Maya-Maya ay bumukas ang pintuan ng mga rufus na naging shallit, pumasok doon ang batang babae. Nang Makita nito ang mga shallit ay nagsisigaw ang bata. "Itay! Itay!” Through the two-way mirror, the father who couldn’t do anything just watched as his daughter is devoured by shallits and torn into pieces. "Alma! Alma!" Sigaw nitong halos mabaliw sa nasaksihan. "Mga wala kayong awa! Mga demonyo kayo! Parusahan kayo ng Diyos sa ginagawa nyo sa amin!” Napahalakhak Si Lekan. "Diyos? Sinong Diyos? Kami ang Diyos nyo mga taong alipin! Hangga't hindi nyo yan tinatanggap ay patuloy lang kayong mahihirapan sa pakikipaglaban." Sabi ni Lekan na halatang siyang- siya sa sarili, ****** The sunlight that almost blinded her eyes woke Vera.  She saw an elderly woman opening the curtain of the room she’s in. "Anong oras ka ba gigising? Marami pa akong ituturo sa iyo bago magising ang ating panginoon." Sabi ni Princess. Balikwas ng bangon dalaga. Binalot sya ng kaba. Nasa ibang lugar na naman sya. Pinatapon na naman ba sya ng kanyang among bampira? "Oh, bakit ka umiiyak? Inaano ka ba? Ayusin mo ang sarili mo. Bumaba ka at kumain para mabusog ka dahil kailangan mong pakainin ang ating panginoon.” Sa narinig ay pinahid ni Vera ang luhang hindi nya namalayang tumagas sa kanyang pisngi. May trauma na sya sa tuwing matutulog kasama ang amo at magigising na nasa ibang lugar sya. Suminghot si Vera, hindi naman pala sya pinatapon muli nito. "Ano bang pangalan mo?" "V..vera po." Pinakilala ni Princess kung sino sya. Downstairs Vera is introduced to other marked slaves.  Those that she haven’t met before.  Kakatwang walang lumalabas na uod sa balat ng mga ito kahit nagkomento pa rin sila kung gaano kabango si Vera.  Then Princess toured Vera around the house, including the rooms. "Masakit pa ba ang braso mo?" Tanong ni Princess. Tinanggal ni Vera ang bendang nagisnan nyang naka-ikot sa kanyang braso nung naliligo sya. "H..hindi na po." May malaking pasa pero hindi naman masakit kung hindi hahawakan o didiinan. "Bihira magkaroon ng bisita ang ating panginoon. Ayaw nyang may maraming rafa sa bahay nya. Wag na wag kang lalayo mula sa barb wire na nasa paligid ng hardin. Minsan ay may mga naliligaw na shallit din dito. Madalang pero meron." Kahit ma-edad na ay maliksi pa kumilos ang babae, salita ito ng salita habang naglalakad sila sa pasilyo ng buong kabahayan. "Si Arjay at Franco ay nagpapalitan sa pagpapa-andar ng kasno kung aalis ang mga amo natin. Pero kung nasa bahay lang naman ay sila ang bahala sa mabibigat na Gawain bahay. Sina Clarisse at Mhalen ay katu-katulong ko dito sa loob ng villa.” Vera stopped when she saw another room that looked like Spria in Hebron.  It’s more modern though with lots of bookshelves and other interesting items. "Dyan madalas ang ating panginoon, mahilig magbasa iyon at magsulat. Ayaw nya nang ini-istorbo, kapag papasok sya dito ay wag kang susunod. Sagrado sa kanya ang lugar na ito." Tumango si Vera. Sa isang silid na tila tambakan dinala ni Princess si Vera. "Sa mga araw na tulog ang amo natin ay aayusin mo ang bodega na ito. Sa laki ng villa hindi ko na ito naasikaso." Tumango si Vera, kahit mas gusto nya sanang ma-assign sa spria. Naaalala nya ang Hebron dito.  After some time, Vera noticed Princess’ unusual breathing, she’s obviously tired.  Vera tried to assist her in the middle of the stairs as they go down. "Bitiwan mo ako, hindi ako inutil!" sabi nito na nagalit kay Vera. Vera obeyed but still guarded Princess as the old lady seems to sway while climbing down the stairs. “Mademe P, sige na magpahinga ka na po.  Ako na bahala dito kay ganda.  Pagising na rin naman mga amo natin, kaya busy-busyhan na ulit kami." Sabi ni Clarisse na nasa likuran na pala ng dalawa.  Vera accompanied Princess in the marked slaves quarter that looked like a mini dormitory.  Vera wondered why she’s sleeping inside the house.  She couldn’t ask Princess thinking that she’d get angry again. Malawak ang silid ni Princess na parang isang apartment na kumpleto sa amenities. Meron pa nga itong lobby area na nagsisilbing tanggapan ng mga bisita. "Sila ang mga sinundan mo..." Nasa pito ang mga paintings na nakadisplay sa wall ng lobby. Ang pinakahuli ay ang batang-bata pang si Princess. Halos iisa ang itsura ng mga markado. Tsinita, mahaba ang unat na buhok, at mapuputi. Kakatwang sya lang ang wavy ang makapal na buhok at kulay kayumanggi. "Mahalin mo ang amo natin, mahal na mahal namin sya." Rinig ni Vera ang garalgal sa lumambing na boses ni Princess. "Binigay ko sa kanya ang buhay ko. Masaya akong mamatay na naglilingkod sa kanya. Mabuti syang bampira, malinis ang kanyang puso." May mga binilin pang iba sa kanya si Princess bago ito makatulog.  ****** Biglang napa-igtad si Vera, anong oras na? Madilim na bahagya sa paligid nang lumabas sya ng silid ni Princess. Doon ay nakabantay sa itaas ng bubong si Revin. "P..pasensya napo...kasi ay..." "Magmadali ka na!" Sigaw ni Revin, nagtatakbo naman ang natatarantang si Vera. "Vera alam mo na ba ang gagawin mo?" Nagulat sya sa pagsulpot ni Salud. Nakalambitin ito sa bubong ng entrance ng main house.  "Oo..." pilit inalala ni Vera ang mga bilin ni Princess. Patuloy naman na nakatanaw si Revin sa dalaga, fascinated sa kanyang nakikita. Halos mag-panic ang babae nang makitang walang katao-tao sa loob ng villa. Hindi naman ito papagalitan ni Caleb, for sure, pero nakatutuwa lang na takot na takot ito at napaka- vulnerable tingnan. Bumaba ang rafa sa bubong ng kwarto ni Mhalen. Ito ang hapunan nya ngayon. Sa tuwing ma-e-encounter nya si Vera ay may malalim na gutom syang nadarama. More than uhaw na pwedeng tugunan ng kanyang markado ay meron pang kakaiba kay Vera. With plenty of marked slaves, Revin rotates drinking their blood.  Those who will not be visited by Revin can rest for the night to prepare for their house works the following morning. Marami ang pagkain ni Revin na bigay ni Caleb. Ang ibang rafa ay paisa-isa lang. Ayaw ni Caleb na magkalat si Revin ng lason sa iisang tao na posibleng ikaikli ng buhay nito. May choice si Revin na gumawa ng sariling rafa kung gugustuhin nito, pero may limit sa apat ang pwede nyang gawin kung gusto pa nyang maglingkod kay Caleb.  Higit dito ay i-aasign na sya ni Caleb sa ibang lugar para magsarili kahit naglilingkod pa rin dito. Ayaw pa ni Revin umalis sa poder ni Caleb, pero kung naging pagkain nya si Vera, ito malamang ang gagawin nyang unang rafa. "Walang papasok sa loob ng bahay…" Paalala ni Revin sa mga markadong hindi nya iinumin.  Sa umaga lang allowed pumasok ang ibang markado sa villa. Pag gising si Caleb, si Princess lamang ang pwede at ngayon ay si Vera. "O...opo panginoon..." Sabi ng mga markado. Revin and Salud eyed each other as they entered their marked slaves room.  Caleb also bought Salud lots of food to choose from. “Kailangan mo lang sumunod sa utos ng Ating panginoon.  Hindi mo masyadong lalasunin ang kanilang mga dugo.”  Ito ang bilin ni Revin, sobrang grateful naman si Salud na kinupkop sya ng sheik. “Later?”  Tanong ni Revin sa bagong rafa.  Ngumiti lang ito at tumango. ****** Malayo pa ay naamoy na ni Caleb ang tumatakbong si Vera sa pasilyo ng kanyang bahay. Napaka-ingay ng yabag nito. Ngumiti si Caleb, hindi nya mapigilang maging Masaya. Pagmulat pa lang ng kanyang mata ay ito agad ang hinanap nya. Agad naman nyang narinig ang t***k ng puso nito. Kalat na rin sa buong villa ang bango ni Vera na agad nyang nalanghap at nagpalaway sa kanya. Ano bang klase ng dugo meron ang babae at parang nabatu-balani sya dito? Bigla nyang naalala noong huli syang uminom ng dugo mula rito. Pinakiramdaman naman ni Caleb ang sarili, walang nagbago sa kanya. Pero magkaganoon man ay hindi nya muna muling lalasahan ang dugo ng babae, kahit laway na laway sya dito. Bukod sa dugo ay may iba pa syang gusto sa dalaga, pero hindi nya alam kung ano. Basta ang alam nya ay may urgency at need syang makita at makasama ang babae sa lahat ng oras kung pwede. Muntik madulas sa pintuan si Vera, patakbo sya sa kwarto ni Caleb. Dapat ay naandoon na sya bago pa ito magmulat ng mga mata. Ihahain nya ang kanyang kamay bilang pag-alok ng serbisyo dito gaya nang sinabi ni Princess. Pero nang palampas sya sa aklatan ay andoon ang lalaki na tila nag-aabang. Atras si Vera sabay dulas sa sahig, mabuti na lamang at napa-kapit sya sa pinto. Mabilis nakarecover si Vera, pulang-pula sya sa hiya. Kung kay Vera ay mabilis, sa mata ni Caleb ay slow-motion ito, tuwang-tuwa ang lalaki sa kilos ni Vera. Bago pa maisalba ni Caleb sa pagkakadulas ang dalaga ay nakabawi na ito, gusto na namang humalakhak ni Caleb sa saya. Nang natiyak ni Vera na hindi na sya madadapa ay pumasok sya sa library at inalok ang kanyang kamay kay Caleb. Mag-re-re- act pa lang si Caleb nang biglang tila nataranta na naman ang babae, aliw na aliw si Caleb sa itsura nito. Naalala ni Vera na bawal nga palang pumasok sa library. Tumakbo sya palabas ng pintuan. Naalala ni Vera na yuyukod sya. Yumukod sya kay Caleb habang naka-angat ang kamay nya, ay mali! Kinuha nya ang kamay nya, at yumukod ulit.  Tarantang taranta si Vera. Ano ba talaga? Tumingin sya kay Caleb helplessly saka bumuntong hininga. Gustong mainis ni Vera sa itsura ng lalaking parang natatawa habang pinagmamasdan ang lahat ng kapalpakan nya. Maya-Maya ay lumakad si Vera pabalik sa pasilyo. Lumayo para hindi makita ang lalaki. Ito kasi ang nagpapataranta sa kanya. Inayos nya ang sarili, huminga ng malalim, at kinalma ang puso. Saka sya muling naglakad ng dahan-dahan at tumapat sa pintuan ng library, yumukod kay Caleb, tumayo, ngumiti at inilahad ang kanyang pulso. Perfect! "Magandang gabi panginoon, gusto nyo po ng pasensya? I mean, meryenda, hapunan? Pasensya na po at nahuli ako..." Nagka-utal utal si Vera.  Hindi na kinaya ni Caleb ang lahat, tumawa ito nang ubod nang lakas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD