“Anong Sinabi mo?” Narinig ni Samuel, pero hindi kayang i-proseso ng utak nya ang sinabi ng pamangkin.
“Pupunta po ako sa Kamara ngayong gabi tito.” Pinilit ni Vera na tatagan ang sarili. Nakita nya ang samo’t saring emosyon ni Samuel, shock, pagkalito, takot, at galit.
Matagal na hindi nakakibo si Samuel, Ilang beses nitong sinubukang magsalita pero sa Huli ay umiling na lang ito, bilang pagtanggi sa Sinabi ni Vera.
“Wala tayong choice uncle…pabigat ako sa iyo.”
“Sabi nino?!” Galit na nagtaas ng boses si Samuel, parang sinasadyang iparinig ang nararamdaman sa mga nasa loob ng bahay.
“Kung ang tita mo, wag mong intindihin yun, mukhang credit points yun kaya masyadong gahaman!”
“Idea ko ito tito, hindi ito alam ni tita Yna.” Totoo naman, ayaw rin ni Vera na mag-away na naman ang mag-asawa dahil sa kanya.
“Pwes hindi ka pabigat. Kung wala ka eh sinong tutulong kay Yna sa mga bata?”
“Pero kaagaw ko rin po sila sa pagkain…”
“Eh ano naman? Pamilya kita, nangako ako sa nanay mo na…”
“Tito…”. Pigil ni Vera sa pagsasalita ni Samuel
"Hindi lang sa nanay mo... " Samuel continued.
"Napakalaki ng utang na loob ko sa tatay mo. Kung hindi dahil sa kanya, baka kung ano na ang nangyari sa aming magkapatid. Para ko nang tatay si kuya Gideon. Lumaki ako ng maayos at may skill para hindi ko ibenta ang dugo ko pati ng pamilya ko sa Kamara. Hangga’t buhay ako hindi ako makapapayag na ibenta mo ang dugo mo sa Kamara. Hindi yan ang pangarap ng mga magulang mo para sa sa kinabukasan mo.”
“Pangarap? Kinabukasan? Iniwan nila ako tito. Anong pangarap at kinabukasan ang meron ako? Ang kainin ng mga Rufus o shallit? T*nga lang po ang nangangarap sa madilim na mundong ito! Tama na tito, tigilan na nating mangarap.” First time sumagot ni Vera sa tiyuhin, hindi nya mapigil ang kanyang damdamin.
"Pinangarap noon ng ama mo na madala ka sa Hebron. Doon sya galing, naandoon ang iba mo pang kamag-anakan. May lahi ka ng mga taong liwanag Vera. Wag mong basta itapon yan at insultuhin ang pamanang iniwan sa iyo ng tatay mo.”
"Hindi po totoo ang Hebron tito!" Pinahid ni Vera ang luha. Now her self-pity is replaced with anger.
"Isang fairy tale lang na tinahi ng tatay para mabuhay syang may pag-asa. Likhang-isip lang ang mga taong liwanag. Nakakita na po ba kayo ng gaya nila? Ang tatay ko po ba ay nakita mong nagliwanag?"
"May sakit ang tatay mo, sugatan at hinang-hina. Ito ang dahilan kung bakit hindi sya makalakbay ng malayo pabalik sa Hebron. Kung anumang liwanag ang nawala sa kanya ay tiyak na naisalin nya sa iyo."
"Hindi ko po kayang maniwala sa sinasabi nyo tito…pwedeng dugo ng nanay ko ang mas nananalaytay sa aking ugat.”
Buo na ang desisyon ni Vera, matigas na ang paninindigan nya. She already said her goodbyes to her parents so no one can change her decision anymore, not even her uncle.
"Hindi ko kayang dalhin ka sa Kamara Vera, buo na ang desisyon ko. Kung blessing ko ang gusto mong kunin, hindi ko yun maibibigay sa iyo!”
Vera cried out hysterically.
"Ibig sabihin noon ay tatanggapin ko na ang katotohanang magiging asawa ako ni tito Gido ganoon po ba?"
Samuel drew a sharp breath, his face became red with anger.
"Ano bang pumasok sa isip mo? Bakit ako papayag na maging asawa ka ni Gido?" Samuel's raised his voice again.
"Tito, ilang araw na lang ay gagamitin nya ako para i-black mail ka sa pagpapatira nya sa atin dito. Lagi na kayong nag-aaway ni tita. Tanggapin mo na ang katotohanang kailangan na nating magdesisyon tungkol sa kinabukasan ko. Isipin nyong mabuti, magkakaroon kayo ng supply na pagkain kapag pinili ako ng isa sa mga rafa. Kung hindi man agad markadong pagkain kahit alila o kung ano pa man..."
"Kung anupaman? Ano ang ibig mong sabihin Vera?! San mo ba natututunan ang mga pinagsasasabi mo?!” Samuel's anger is through the roof. It's the first time that Vera saw her uncle reacted this way. She felt scared that she really pushed Samuel to his limit.
"A..ang ibig ko pong sabihin ay hindi malalagay sa panganib sila Jean, Sammy, at Steph. At higit sa lahat, ayaw kong maging paanakan ng isang lalaking hindi ko mahal at pinandidirihan ko. Tito pag-isipan nyo namang mabuti please ang desisyon ko." Ewan ni Vera pero kung kay Gido at sa rafa eh, di bale na syang maging pagkain kesa maglabas pa sya sa mundong ito ng mga sanggol na magkakaroon din ng madilim na kapalaran.
Samuel felt his tight jaws and clenched fists loosen. He is hopeless knowing that Vera is winning the argument. His shoulders dropped in defeat.
"Tito, ako na po mismo ang nagpuputol ng pangakong binitiwan nyo sa mga magulang ko. Pinili ko po ito. Aalis ako sa Agar, mangingibang bayan ako pero hindi ko po kayo kalilimutan. Palagi akong magpapadala ng makakain dito, pangako ko po yan. Hindi natin hahayaang lumaki ang mga anak nyo na sapitin ang mangyayari sa akin. Pero kailangang may isang magsakripisyo at ako po yun. Handa na po ako tito, tanggap ko na..."
That's when Samuel howled in tears. His head is saying Vera is right but his heart is dying in protest. Vera hugged his uncle tightly as they both cried in misery. Samuel is always strong for everybody, this time, it is Vera's turn to be strong for him.
"H..hindi ko kaya Vera. Isang taon pa. Hangga't kaya ko, ilalaban kita kahit kay Gido. Hindi ko kayang magdesisyong ngayong gabi. Hindi ko basta-basta masusundan ang bilis ng desisyon mo. Next year, saka tayo mag-usap ulit." Habang yakap si Vera ay tumapang si Samuel. Kung hindi naniniwala si Vera sa taong liwanag, sya ay naniniwalang may dugong taong liwanag si Vera at hindi ito nararapat pumunta sa Kamara.
"T..tito..." Vera stepped away from her uncle, confused.
"Buo na ang pasya ko. Hindi ka pupunta sa Kamara ngayong gabi.”
******
Sa labas ng bahay ni Gido, isang magandang sasakyang hatak ng kasno ang tumigil. Then a man in a red hoodie stepped out looking intently at the house.
******
Sa Hebron ay galit na galit si Ada, she's packing her things for a long journey.
“Anak pag-isipan mo muna ang gagawin mo. Wag kang padalos-dalos.
“Gusto ko lang hanapin ang Dalawang gunggong na yun na lumabas ng Hebron kahit alam nilang delikado.”
“Eh gunggong ka rin kung lalabas ka para sundan sila.”
“Ahhhh!” Ginulo ni Ada ang mahabang buhok. Gusto nyang magpakalbo sa galit.
“Wag ka nang magalit, ipagdasal na lang natin ang kaligtasan ng Dalawa.”
“Ipagdadasal ko ang kaligtasan ni Nabeel, naintindihan ko sya dahil namatay ang Tatay nya…”
“Eh pano si Gervis?”
“Pag nakita ko sya, ako mismo ang papatay sa kanya.” Galit na galit na sabi Nito tungkol sa mapapangasawa.
******
Sa Cintru ay hindi na lang ang pagbabago ng kulay ng prutas na hawak ni Kein ang kinakatakutan ni Caiphaiz
“Khadiz!” Kein's son desperately thought. “Kailangan kita!”
******
Sa daan ay tulog na tulog si Caleb sa Loob ng kanyang enclosed na higaan. No ray of sunlight can enter his casket.
Napangiti ang bampira habang natutulog, nabalot ang Patay na puso nito ng saya. He may not see the woman's face running toward him from the hill, his heart knows her deeply.
Mariing halik sa labi ang ginawad ng babae. Sinagot ni Caleb ang masarap na halik. Nang muling tingnan ang babae ay mukha ni Salome ang nakita ni Caleb.
“Parating na ako mahal ko…”. Sabi nito
While sleeping, Caleb's eyes welled up bloody tears.
******
Sa kagubatan ng Hebron ay malikot ang nakabukas na mga mata ng Zseir. His eyes may be covered in white, making him blind, but he is looking at the space as if he can see.
“Ama, kailangan nyo po ba ng susulatan?” Tanong ng Anak Nito.
Umiling ang matanda at saka umungol. He saw a hungry rafa going after Vera's neck
*******
“Oh mga loko kayo ha! Akala nyo kaya nyo ako…”. Binato ni Gervis ng maliit na liwanag mula sa kanyang palad ang grupo ng mga shallit na papalapit sa kanya. Though hindi masyadong nasaktan ang mga shallit ay nagkawatak-watak ang mga ito kaya madaling maputulan ni Nabeel ng ulo at tusukin ang utak Nito. This way, they rendered the shallit immobile and unable to attack.
Yes! Two down three to go! Yahoo! This is fun!” Malanding tinagpas ni Gervis ang noo ng isang shallit na nasa gilid nya, sabay ikot ng pumipilantik ang balakang para tusukin naman ang nasa likod.
Then he would jumped in the air and landed on the ground in a girly pose
“Supergirl! Charot!” Sisigaw pa ito, bago sumugod sa mga kalaban.
Sumimangot si Nabeel sa inis at hinarap si Gervis matapos tagpasin ang huling shallit na kaharap. Hinati Nito ang isang shallit, malapit kay Gervis, sa gitna mula sa ulo at tumalsik ang mabahong dugo Nito sa damit ng kaibigan.
“Ay punyemas! Eww, kadiri! Ang dumi-dumi ko na, ano ba?!?” Hindi lang madumi si Nabeel, sira-sira na rin ang damit nilang Hinabi pa ng mga matatandang Ati sa Hebron. They planned to change attire once in Kamara to blend in with the crowd. Their clothes will give them away, since no common humans wear the same clothes made of animal skin. Pero ayaw ni Gervis ang madumi sya, hindi nya ma-take pati ang maging mabaho, lalo at may amoy ang dugo ng mga shallit. After trying to clean himself by removing pieces of rotten meat, he looked up at Nabeel, angry.
“Bakit mo pinatay eh akin sya? May mga kalaban ka na nasa Malapit sa iyo bakit nang-aagaw ka…gra…”
Pero biglang Umatras si Gervis, sabay pikit. Hinintay na lang nito ang suntok ng kaibigan. Pasugod na lumapit si Nabeel dito, bwisit na bwisit itong gustong pukpukin si Gervis sa ulo. Nagkasya na lang si Nabeel na batukan ang lalaking kaharap.
“Dahil Napa ingay mo! Hindi mo ba napapansin? Ilang araw na tayong nakikipag-laban sa mga halimaw dahil Sigaw ka ng Sigaw!”
“Sorry naman!” Umirap si Gervis, Sabay akmang lalapit kay Nabeel para lambingin ito.
“Sige! Subukan mong halikan ako at tatagpasin ko yang nguso mo!” Seryosong sabi ni Nabeel
“Hmp! Itsura, as if gusto kitang halikan noh!”
Magkababata sina Nabeel at GErvis, sabay lumaki at halos magkapatid na ang turing sa isa’t isa. Kapag nag-aaway ang Dalawa at nananalo si Nabeel, isa lang ang strategy ni Gervis para matalo ito, ang nakawan ng halik sa labi ang lalaki. Bagay na hindi lang nagpapatalo kay Nabeel dahil napipikon ito, sarap na sarap din si Gervis na pag-initin ang ulo ng kaibigan. Ito ang pinaka-karinyo nila sa isa’t isa, brutal.
This changed when they grew up, besides Gervis met Ada, the girl who surprisingly stole his female heart. Yes, GErvis may have homosexual attraction but Ada's heart is the one he is after.
First time lang ulit kulitin ni GErvis si Nabeel nang hinalikan nya ito para bumalik sa Hebron, kaso ang plano nya ay nasira dahil sinugod sila ng maraming shallit at sa pakikipaglaban ay lalo silang napalayo sa kanilang tahanan.
“Umayos ka at maging discreet, napakaingay mo kasi kaya nahahanap tayo ng mga kalaban eh! Malapit na tayo sa Kamara kailangan nating magpahinga, Mahina na ang liwanag natin dahil sa pagod. Ubos na ubos na ang lakas ko kakalaban dahil sa iyo.”
“Grabe sya! Ang saya kayang makipag laban sa mga halimaw, feel ko talaga na Jabezzite warrior na ako. Ang galing ko di ba? Hindi Ako pabigat sa iyo, aminin!”
“Ewan ko sa iyo…”. Yun lang at binaybay ni Nabeel ang madilim na daan habang sumusunod si Gervis. Although, Totoo ang Sinabi ni GErvis, may kakaibang style nga ito sa paglaban sa mga halimaw, hindi man malakas pero Gervis fights smart, sa isip-isip ni Nabeel.
“Uy kala ko pagod ka, bakit hindi muna tayo dito magpalipas ng gabi? Sabi mo Malapit na tayo sa Kamara so pwed…”
“Shhh!” Naging alerto si Nabeel, bumangga naman si Gervis sa likod Nito.
“Ay yaya mo!”
Binigwasan ni Nabeel ng isa si Gervis para manahimik. Pagkatapos ay nakarinig sila ng tunog mula sa ere, pag tingala ay hindi nila nakita ang lumipad pero ramdam nila ang hanging tumama sa balat.
Pag ikot para sundan ang bagong tunog ay natagpuan ng Dalawang nakaharap sila sa limang rafa.