WORMS

2442 Words
Nakatanaw si Gido kina Vera at Samuel habang nakapila sa hile-hilera ng mga sasakyang, pinapatakbo ng kasno, sa kalye ng Agar.  Humans are scattered around crying and saying their goodbyes.  Naglabasan rin ang mga taong markado, kasama ang kani-kanilang mga among rafa, na may bitbit na mga armas gamit sa panlaban sa mga rufus o shallit na madaraanan nila sa paglalakbay.  It will take them several days to get from Agar to Kamara. Vera has never seen such ensemble of crowd all her life.  It amazed her how humans can mingle freely and calmly with vampires as if it’s the most natural thing to do. She's still shaking as she made her way into their assigned cart.  She is grateful for the hoodie that Mona gave her as it protected her from the cold of the night, yet the chill that Vera is feeling comes from terror within.   Sa tabi ay naramdaman nyang hinawakan ni Samuel ang kamay nya.  Nanlalamig din ang tiyuhin na naghahanap ng assurance at sariling pagkalma. ****** Samuel is still shocked and confused, everything happened so fast.  Anyare?  Matibay ang pagpapasya nya, hindi pupunta si Vera sa Kamara, kahit anong mangyari!  If Gido forced his demand on him to make Vera his wife, he decided to look for a safer community for Vera or take the risk in traveling to Hebron.  He has been doing research as to where the place is located.  Kahit laging sinasabi ni Yna na alamat lang ang lugar, bahala na!  Basta hinding-hindi sya papayag na mapariwara si Vera o maibenta ang dugo nito kahit ikamatay pa nya!   Vera cried and pleaded with him but he remained firm.  Alam naman ni Vera na wala itong magagawa kundi ang sumunod sa kanya.   Yun lang, nagbago ang lahat ng plano nang pumasok na sila sa bahay matapos ang masinsinang pag-uusap. Naglalabasan na rin kasi ang mga taong naghahanda para sa byahe papuntang Kamara, dapat na ni Verang magtago sa kwarto nito para hindi makita ng mga darating na rafa. Nagulat ang dalawa sa napasukang kaguluhan sa loob ng bahay nila. ****** "S...sya! Sya panginoon ang sinasabi ko sa iyong babaeng mabango. Naaamoy nyo rin hindi ba?” Nanlaki ang mga mata ni Vera nang mamukhaan ang lalaking markadong nangharang sa kanya kanina sa mall. Napatago ang dalaga sa likod ni Samuel. "Gido? Ilang beses kaming dumalaw sa bahay mo. Pag tinatanong ka namin kung ano ang mabangong naaamoy namin ay palagi mong sinasabing wala kang alam. Pero heto at kaharap namin ang napakabango mong anak." Sabi ng rafa ng lalaking naka-hoodie na pula. "H...hindi ko po sya anak... pasensya na po. Hindi ko alam na sya pala ang sinasabi nyong mabango...." Takot na takot si Gido.  Nananahimik sya sa bahay habang nag-i-imagine sa gagawin nya kay Vera pag tulog na ang lahat, nang malakas na katok sa kanyang pintuan ang bumulabog sa kanya.  Nang buksan ay hindi nya akalaing si Lupen, ang isa sa mga malupit na rafang nakilala nya sa Agar, ang susugod sa kanyang bahay para hanapin ang babaeng sinasabi ng markadong alipin nitong napakabango.  Bago pa nakasagot ay pumasok na sina Vera at Samuel mula sa likod bahay at dito na mas lalong gumulo ang sitwasyon. Mabuti at walang mga bata sa itaas ng bahay.  May hinala si Gido noon pa na si Vera ang posibleng nangangamoy na mabango para sa mga rafa kaya naging madalas ang pagsilip sa bahay nya ng mga taong dilim, lalo nang magdalaga si Vera.  Kaya lang ay hindi sya sure at wala rin naman syang naaamoy na kakaiba sa dalaga. Ngayon ay nasiguro na nya na si Vera nga ang nagpabango sa kanyang bahay. Lumapit ang rafa kay Vera, nahatak naman agad ni Yna ang asawa sa pagkakatabing sa dalaga. Kahit manlaban ay hindi naman magagawa ni Samuel, kaya prinotektahan ni Yna ang lalaki. Napaatras naman si Vera at napasandal sa dining table. Kinilabutan si Vera nang tila amuyin ng bampira ang kanyang tenga na natatakpan ng mahaba nyang buhok, pababa sa kanyang leeg. "Hmmm... ang bango-bango mo.  Hindi ka lang maganda, sariwang-sariwa ka pa…" ****** Ang tagpong ito ay nakita ng Zseir na mangyayari kay Vera matapos nitong makita ang pagkamatay ni Judy. ******  Tumindig ang mga balahibo ni Vera sa katawan, hindi lang sya natatakot, nandidiri pa sya. Napakapit sya sa dibdib kung san nakatago ang kwintas na may bawal na simbolo. The necklace is hidden under her dress, she knows that if the rafa discovered it, she'd be in more trouble. "Sa atin na lang sya panginoon...sa akin... sa atin..." the marked slave that Vera encountered with Mona is stuttering with excitement and anticipation as the worm-like things under his skin are crawling all over his face like crazy. Mona once told Vera that rafas are handsome and usually decent looking.  The one she's looking at has yellow skin, bloody eyes, and black sharp teeth inside a mouth that smells like sewer filled with rotting dead rats. "H...hindi!" Sigaw ni Samuel sabay palag sa pagkakayakap ng asawa.  Galit na napatingin ang rafa kay Samuel. Akmang susugod ito nang humarang si Yna. "Panginoon!  Hindi po pwede dahil nakalista na ang pamangkin ko sa Kamara. Kung gusto nyo po sya ay doon po kayo mag-bid. Ito po ang ibig sabihin ng aking asawa." Mabilis na sabi ni Yna. "Yna!" Sigaw ni Samuel sa asawa, galit na galit. "H..ha...nakalista na si Vera?" Gulat na tanong ni Gido. "O...oo kuya.  Kasi narinig kong nag-uusap sina Vera at Samuel sa likod bahay at nang sinabi ni Vera na handa na sya sa Kamara ay agad kong pinalista ang pangalan nya sa mga …" "Verakah Belen! Asan si Verakah Belen?" Biglang pasok ng isa pang taong markado sa bahay nila Gido. "Heto sya... heto sya!" Sigaw ni Yna sabay turo kay Vera. Gulong-gulo si Vera at maging si Samuel, pero wala silang control sa mga nangyayari. "Nasaan ang amo mo? Gusto ko syang makausap." sabi ni Lupen na titig na titig pa rin kay Vera kahit naka-atras ang dalaga sa kabilang side ng lamesa. "Hmmm... anong amoy yun?" Tanong ng isa pang rafang pumasok sa bahay matapos itong sunduin ng aliping markado. "Maaari ko bang bilhin na ang babaing ito ngayon? Para hindi mo na sya dalhin sa Kamara..." mabilis na tanong ni Lupen. "Depende, ano bang sabi ng pamilya nya?" "H..hindi!", "Oo..." sina Samuel at Yna. "A..ang ibig namin sabihin ay...hindi ba labag sa batas ang bilihan ng tao na hindi dumaan sa Kamara?"  Samuel realized that they are in a dire situation.  It’s better to go to Kamara at this point than to have Vera taken by rafa without going through the legal process.  If Vera is tested negative, they can still go home.  Saka na sya mag-iisip ng ibang paraan sa pagtakas, kaysa naman mapunta si Vera sa rafang higit na nakadidiri kaysa kay Gido.  Pero Paano kung hindi negative si Vera?  Biglang sagi sa isip ni Samuel.  bahala na!  Hindi na muna ito importante sa ngayon, ang mahalagay ay malampasan nila ni Vera ang kaguluhang ito. "At anong alam mo sa batas?" tanong ng pangalawang rafa na nainsulto sa sinabi ni Samuel, pero nakalapit na ito kay Vera at naamoy nito ang dalaga. “I..kaw.  Ikaw ang mabango." Sabi nito. Tinitigan nito si Vera mula ulo hanggang paa, naglalaway at biglang nauhaw. "Tama sya, sa Kamara ang bilihan ng isang to.  Kung gusto mo sumunod ka doon at mag-place ng bid." Sabi ng rafa kay Lupen, halatang nagka-interest din ito kay Vera. The two rafas suddenly growled at each other.  Everybody trembles in fear as the loud scary sounds coming from each other's throat filled the room.   Handang magpatayan ang dalawang rafa para lang kay Vera, buti at pumasok ang iba pang markadong alipin at mga opisyal ng lupon ng laabtha para pigilan ang gulo. ****** Ngayon nga ay nakapila na ang magtiyuhin pasakay sa karwaheng hatak ng kasno na naka-assign sa kanila para dalhin sila sa Kamara. "O Vera wag mo kaming kakalimutan ha, lalo ang mga pamangkin mo..." sabi ni Yna sa kanya na halata ang saya. "O...opo..." Walang kahit anong dalang gamit si Vera, hindi na daw kailangan. Vera left her necklace to Jean, it will not be allowed in Kamara. "Proteksyon mo..." sabi ni Vera, saka niyakap ang pamangkin.  Binaba muna ni Vera ang mga ito sa ilalim ng bahay para magpaalam. Hinayang na hinayang naman si Gido habang nakatanaw sa pilahan nila Vera.  He missed the opportunity to f*ck her.  He could have forced himself on her last night if he knew that Vera will sell herself in Kamara after all.  Her price might go down though, malaki kasi ang bayad sa babaeng berhen at wala pang tatak. Nanghihinayang din sya sa Plano nila ni Yna ngayong gabi.  Aangikinin nya si Vera kahit anong mangyari habang tulog na tulog si Samuel.  Tsk, sayang talaga!  Inis na inis si Gido sa sarili. Ang balita ay masarap ang lasa ng dugong walang tatak bago ibenta sa Kamara kaysa sa dugong natatakan na habang bata pa. Kung di lang sya nagipit ay hindi nya agad papatatakan ang dalawa nyang anak kay Corazon habang batang-bata pa ang mga ito. Kaya lang ay kailangan nya ng pambili ng banug lalo at dumalas at dumadami ang mga bisita nya sa bahay. Yun pala ay dahil yun sa amoy ni Vera. Pagdating sa Kamara ay siguradong pagkakaguluhan ng mga rafa si Vera dahil sa taglay nitong puro, ganda, at bango. Kung may pam-bid lang sya ay sasali sya sa bilihan sa Kamara para kay Vera. Tiyak na limpak-limpak na credits ang makukuha ni Samuel mula sa pagbibenta sa dalaga. Tapos ay mayroon pa itong ibang mga anak na wala ring mga tatak. Bigla ang bugso ng inggit ni Gido sa bayaw. "Kung sakaling mag negatibo sa test si Vera, ibibigay ko sa iyo ang kalahati ng bahay kapalit nya..." "T..talaga kuya?" Namilog ang mga mata ni Yna. "Yna!" saway ni Samuel. Rinig nya ang sinabi ni Gido sa kapatid nito kahit malayo sya. When Vera heard Gido, she felt hopeless.  She saw as Gido smiled at her showing his mouth which is as filty as the rafa who smelled her.  Ngayon nya na-realize na ang mag-stay sa Agar o ang mabili ng rafa sa Kamara ay parehong kamatayan ng kanyang kaluluwa.  Nangatog si Vera sa takot at pandidiri habang sumasakay sa sasakyang naka-assign sa kanila. Sila pa lang ang laman ng karwahe nang biglang sa isang kisap mata ay may lumipad mula sa ere at lumapag sa pintuan ng sasakyan. "Bakit ngayon lang kita nakita?" Nagulat sina Vera sa papasok ng isang rafa.  Nagsumiksik ang dalaga sa likuran ni Samuel, takot na takot.  Samuel protectively shields Vera away from rafa's sight. "Sya ba ang sinasabi ni Lupen na mabangong pagkain?"  Samuel's eyes widen in shock when another rafa came out of nowhere in a flash to check up on Vera. "P*ta! Ang bango nga bossing...kung may pambili lang ako..." Mula sa labas ng karwahe ay isang lalaking markado na puno ng kagat sa leeg ang biglang dumungaw. Nakita na naman ni Vera ang tila korteng mga uod sa balat ng lalaki na gumagapang at bumubukol sa mukha at katawan nito. Tinitigan nito si Vera mula ulo hanggang paa, habang parang naglalaway naman na nakabantay ang dalawang rafa sa harapan nila.  The monsters stopped drooling over Vera and left, only when other passengers came in. Ang Lupen na sinasabi nila ang nagsara ng pintuan ng karwahe nang mapuno na ito. Bago isara ay sinilip nito si Vera, napayuko si Vera nang ngumiti ito sa kanya at lumabas ang matatalim nitong mga ngipin. Humigpit ang hawak ni Vera sa tiyuhin, nakahinga lang ang dalaga ng maluwag nang sumara ang karwahe at umandar na ito. Nakahinga ng maluwag? Eh papunta pa rin sya sa kanyang kamatayan. Oras na mamarkahan sya ng bampira, alam ni Vera na parang itinapon na rin nya ang kaluluwa nya kahit buhay pa sya. Pumatak ang luha ng dalaga, pero agad nya itong pinahid, ayaw nyang Makita ng tiyuhin nyang umiiyak sya.  Grateful si Vera sa tigas ng prinsipyo ng tiyuhin na ayaw syang papuntahin sa Kamara, kasing tigas ng mga magulang nya ang paniniwala nitong hindi sya dapat magbenta ng sariling dugo.  Yet it's obvious that they have no other choice.  The alternative to escape is as dreadful as their situation at home with Gido.  Ngayon nga ay nawala na sa kamay ng tiyuhin nya ang sitwasyon, kahit pag-ikot-ikutin ang mundo, sa Kamara rin talaga ang ending ng lahat ng tao, pati sya. Patawad nay...tay..., usal ni Vera sa kanyang isip. ****** Inabot ni Gabriel ang kamay nya sa sa bampirang si Hael. "Makikita ko na ba ang nanay ko kapag pina-inum kita ng dugo ko?" "Oo naman..." malambing na sabi ni Hael sa bata.  Hael knew that he is committing a serious crime against the treaty of Avlam.  Young kids are not allowed to be marked as slaves, they don't usually survive the poison from a rafa's deadly bite.  Naisip na lang ni Hael na napakalaki ng ginawa nya sa lahi nila at siguradong pagtatanggol sya ng kanyang ama sa munting violation na kanyang gagawin. Yun ay kung masu-survive ni Gabriel ang lasong ilalagay nya sa dugo nito. Nakatingin si Salud, kasama nya ang iba pang markadong tao na namatayan ng among rafa. Hindi alam ni Salud ang mangyayari sa kanya, ang kapalaran nilang mga ulila. Walang rafa ang bibili sa kanila.  She doesn't see the point of Hael bringing them to Kamara.  Nagtinginan ang iba pang markado na pareho ang iniisip kay Salud.  They felt lost and scared in not knowing what will happen to them next.  Tumungo na lang ang mga ulila nang umpisahang kagatin at sipsipin ni Hael ang dugo ni Gabriel. ****** Nakahinto ang sasakyan kung saan Tahimik na natutulog ang mga sakay.  Sinigurado ni Samuel na palaging nasa sulok si Vera at natatakpan nya.   Si Samuel ang unang naalimpungatan ng bumukas ang pintuan ng karwahe.  Nagising din ang iba dahil sa liwanag ng flashlight.  Tumama ito sa mukha ni Samuel at pilit inaaninag ang nasa likuran Nito. “Ikaw!  Bumaba ka!”  Sabi ng rafa nang nagising si Vera at aksidenteng napasilip kung saan nahagip ito ng ilaw ng flashlight. “Hindi ka kasama, yung babae lang.”  Sabi ng rafa nang akmang tatayo si Samuel para lumabas. “P…ero!” “Wag kang magpumilit kung ayaw mong masaktan…”. Sumilip si Lupen. “Ang pamangkin mo lang ang gusto ko.” “T…tito…”. Nangangatog na sabi ni Vera, Sabay kapit sa tiyuhin Nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD