Bagsak na naman si Vera sa lupa, pasubsob. Dahil wala na ang maingay na warning siren matapos magsara ang gate, rinig nya ang sigawan ng mga tao sa kanyang likuran pati na ang napaka-ingay na tunog na parang galing sa libo-libong bubuyog.
Matagal na nakapikit si Vera, hinihintay ang kanyang kamatayan. Yet, nothing happened. She could still hear screams and loud pounding but no one is eating or tearing her body into pieces.
Nang bumangon mula sa pagkakadapa ay noon nya nakita sina Mona at Chicco na naka-upo sa magkabilang side ng gate, pagod na pagod.
Then she remembers. Napakaliit na lang na siwang ng gate ang naabutan nila ni Mona. Nakita na nyang pasara ang gate at maging si Chicco ay nawalan na rin ng pag-asang makakapasok pa sya. As hopelessness washed over her, she felt herself being yanked violently forward.
Noon nya nakitang nasa magkabilang side ng gate sina Chicco at Mona pilit itong binubuksan para lang maisingit ni Vera ang katawan. Ginawa ni Vera ang Lahat magkasya lang sya. Ramdam pa nyang napunit ang suot nyang lumang palda nang maiwan itong nakasabit sa sumaradong gate, pagkatapos noon ay napasubsob sya sa lupa.
She waited for a long time to calm her heart but it keeps beating too fast. When the adrenaline rush finally subsided, she found herself sobbing quietly unable to control her shaking body. Buhay pa sya! By some unexplainable miracle ay buhay pa rin sya!
Pinahid nya ang luha at tiningnan ang sarili kung may kalmot sya sa katawan. Rinig nya ang ingay sa labas ng matibay na gate na parang may tumutulak dito. Except sa gasgas dahil Ilang beses na nadapa ay wala naman syang nararamdamang sugat o sakit sa katawan.
Nang muling tingnan sina Chicco at Mona ay naghahalikan na ito, na parang walang tao sa paligid. May mga ilan-ilang taong nakita si Vera hindi kalayuan sa kanila. Nag-u-usyoso sa nangyayari pero ayaw lumapit sa gate.
”Thanks Chicco!" Vera heard Mona who is laughing despite of what just happened.
“Wala yun, ikaw pa! Wag ka nang masungit sa akin ha.” Nakita pa ni Vera na muling niyakap ni Chicco ang kaibigan at piniga pa ang puwit ng dalaga bago muling hinalikan.
"Of course! Ikaw pa.” Then Mona pulled herself away from Chicco, took Vera's hand and ran back home.
******
“Ano, okay ka na?" Tanong ni Mona habang naglalakad na sila pauwi. Napansin nitong Tahimik si Vera at tulala. Nang umiling ay pinaupo muna ni Mona ang kaibigan sa isang malaking batong nasa gilid ng kalsada, para magpahinga. It’s already noon, in few hours darkness will be upon them.
Mula sa dalang grocery bag ay inabutan ni Mona ng tinapay at juice si Vera. Tinanggal na ni Vera ang hiya at agad kinuha ang bigay ng kaibigan.
“S…salamat.” Kumalma si Vera nang magka-asukal sa katawan.
“Muntik na tayo Kanina noh? Natakot ka ba?” Natuwa si Mona na nagkakakulay na ulit ang maputlang mukha ng kausap.
“I…ikaw?” Tanong ni Vera matapos muling tumango.
“Sus, sanay na ako. Hindi ka kasi masyadong lumalabas kaya ang bilis mong ma-trauma.”
Tahimik silang kumain.
“K…kaya ba nagsasara ang mga bahay ng Ganito kaaga ay dahil sa pag-atake ng mga shallit?”
Vera noticed houses nearby closing their windows and doors even when the sun is still up.
Pilit nyang inaalis ang isip sa nangyari sa mall kanina. It's not just the shallits that traumatized her, the marked man in a red hoodie will give her nightmare as well, Vera thought to herself.
“Hindi. Mamaya lang pagdating ng mga rafa ay mawawala na ang mga shallit sa gate.” Inubos ni Mona ang natitira nyang juice.
“Next week ang yearly festival sa Kamara. Darating ang lupon ng laabtha dito para magdala ng mga tao sa Kamara. Harvest season na naman kasi.”
Vera understood that the harvest refers to humans to be sold as marked slaves to the rafa.
Nang una syang dumating sa Agar, nalaman nyang ang mga Rufus ay uri ng bampirang umaatake sa mga tao para inumin ang dugo ng mga ito ng sapilitan. Samantalang ang mga rafa ay bumibili ng markadong pagkain sa Kamara.
“K...kamara." Sambit ni Vera sabay kabog ulit ng puso nya.
”Yup, andun Mamaya si Lyzane, susunduin na sya ng kapatid nyang si Ricky”. Lyzane is one of their neighbors, the same age as Mona.
“Akala ko nabili na si Lyzane nung bata pa lang sya.”
“Oo nung 13 sya. Hinintay lang sya ng rafa nya na maging 18. Di ba ang bongga, kaya ang daming pagkain ni Aling Marie eh, tapos dosena pa ang mga anak nun na naka-line up sa bentahan”.
Vera knew that Lyzane's family is well-off. Laging gumagawa dun ang tito Samuel nya at kapag natuwa ang tatay ni Lyzane ay binibigyan sila Nito ng maraming pagkain.
“Ugh! Hindi ko ma-imagine na manganak ng ganun karami. Anyway, yung pagpunta ni Lyzane sa Kamara eh formality na lang.”
“Formality?”
“I-te-test lang ang dugo ni Lyzane kung pwede ba itong inumin.”
“Pero binayaran na sya ng amo nyang rafa hindi ba? Pano kung hindi qualified na pagkain si Lyzane?”
“Pwede syang gawing paanakan nung rafa. Ang mga sanggol ni Lyzane ay pag-aari na ng nag-sponsor sa kanya. Pag lumaki ito ay may reserba nang pagkain ang amo nya.”
Vera contemplated on what Mona told her. This is how people live in Agar, everything is outlined and programmed for the humans. You only have two purposes in life, become food or breeder of future food for the rafa.
“Alam ko ang nasa isip mo Kanina… nung binebenta ko ang dugo ko.” Biglang sabi ni Mona
“Hindi ka pwedeng magbenta ng dugo gamit ang dispensing machine kung wala kang marka kasi makikilala ka sa numero mo. Bawal sa batas ang ipa-credit ang dugong binenta, sa Tatak ng iba. Mapaparusahan tayo.”
Napalunok si Vera, bigla syang nahiya. Muntik pa nyang ipahamak ang kaibigan.
“Naisip ko na rin yun dati, kasi nga gusto kitang tulungan.”
“S..sorry..."
“Sus! Para saan?” Natawa si Mona sa reaction ng kaibigan, parang iiyak na naman kasi ito.
“Takot ka pa rin sa mga rafa kaya ayaw mong magpa-register sa Kamara? Mababait sila Vera, promise. Lumabas ka kasi sa gabi para makakilala ka ng gwapong rafa na magkaka-gusto sa iyo. Para formality na lang rin ang pagpunta mo sa Kamara. Malay mo, gawin ka ring isang rafa. Haaay! Yun ang ultimate dream ko.”
Mona's expression became dreamy. Even if Vera doesn't understand the joy that Mona finds in the idea of being a creature of the night, she just kept quiet.
Nakapag-decision na si Vera sa gagawin nya, pero never syang magiging sing excited ni Mona. To become a rafa or food for one is death to Vera's soul. Her parents used to remind her that when they were still alive.
Para kay Mona, ang pagiging rafa ang purpose nito sa buhay. Gusto nitong maging immortal, powerful, at mayaman.
“Sabi mo, hindi Lahat ng markado ay pwedeng maging rafa di ba?”
“Yun lang..." Biglang nalungkot si Mona.
Rafas are very choosy in granting their marked slaves immortality. Hangga’t Mababa ang populasyon ng mga tao, limitado ang food supplies ng mga bampira. Creating more rafas other than what the law required is forbidden.
Kaya naman ang piliin kang gawing rafa ng among bampira ay bihirang nangyayari, unless the marked slaves are much loved by their rafas. Kung hindi ay matutuyo ang markadong alipin at mamamatay din eventually dahil sa pagkakalason ng dugo nito.
“Tara sa bahay… may ibibigay ako sa iyo.” Mabilis na hinatak na naman ni Mona si Vera patayo.
“W..wag na Mons…”. Ayaw ng nanay ni Mona sa kanya, pero sa Huli si Mona pa rin ang nasunod.
******
Mona's house is bigger than Gido's. Three of Mona's siblings are already Marked slaves sending them food supplies and other stuff that their family needs. This is on top of the monthly credit points Mona's father earned every month.
"Ma! Sa taas lang kami..." Sigaw ni Mona sa inang nagbabantay ng kanilang maliit na tindahan.
“Aba’t bakit andito na naman yang…”. Inis na sabi ni Guada nang makita si Vera. Ewan ba ni Guada, inis na inis ito kay Vera simula nung sinasabi ng asawa nyang maganda ang dalaga.
“M..magandang hapon po…” Hiyang-hiyang bati ni Vera sa nakairap na babae.
“Wag mong pansinin yun, inggit lang yun sa iyo.” Nakita rin ni Mona ang pagsimangot ng ina.
“Ako nga ang inggit sa iyo.” Sinabi na lang ni Vera
“Si Lyzane ang nakakainggit. Ayaw akong ibenta ng tatay ko. Ako na lang daw ang natitira nilang anak. Gusto nila akong mag-asawa at manganak ng marami.” Nasa kwarto na sila ni Mona. Kung ang silid nila Vera ay nasa ilalim ng lupa, Ilang storey naman sa taas ang bahay nila Mona.
“No way! Gusto kong maging rafa. Next month ay 18 na ako, pwede na akong mag-decide para sa sarili ko. Bibenta ko ang sarili ko sa ayaw at sa gusto ni Papa. Next year... Kamara...here I..." Napahinto si Mona sa pagsasalita habang may hinahanap ito sa cabinet, saka tiningnan si Vera
“Sorry, hindi nga pala tayo pareho ng gusto.” Inabot ni Mona ang bestida kay Vera.
“H..ala…wag na. Ang nanay mo…”
“Tsk! Wag ka nang mag-alala. Halika isukat mo.”
“Ang dumi-dumi ko…”. Totoo naman, ang lagkit ni Vera sa Pawis at alikabok mula kanina pa.
“Okay, maligo ka muna.”
Again, wala na namang nagawa si Vera kundi Sundin si Mona. In the end, na-refresh din si Vera nang makaligo. Inayusan sya ni Mona na parang barbie doll. Hindi lang pumayag si Vera sa make-up, ayaw nya ng attention, lalo kay Gido.
“Yan, ang ganda! Para tayong kambal.”
They are both looking at their reflections in the mirror, wearing the same cut of a dress with three-fourth sleeves and knee high length but with different design and color.
Vera can't help but agree, Mona cleaned her up well with new clothes and even a pair of sandals down to her new underwear. Walang sariling damit si Vera except yung mga pinaglumaan ng ina nito na puro tahi na kaka-repair nya. Yung magkaroon ng bagong damit ay sobrang extravagance na kay Vera.
“Naku naman Mons, tama na…”. Nakita ni Vera na nilalagyan pa ni Mona ng maraming pagkain ang bag na pinaglagyan ng lumang damit ni Vera.
“Sobra-sobra na…please…”
“Tumigil ka nga! Hindi ito para sa iyo. Sa mga pinsan mo ito.” Sa Sinabi ay hindi na nakatanggi pa ang dalaga.
They sneaked out of the house making sure Mona's mom will not see, then they ran fast toward Vera's house.
******
“May sasabihin ako sa iyong secret.” Maya-maya ay sabi ni Mona nang nasa bakuran na sila ng bahay ni Gido.
“Ano?”
“May nakilala akong markadong alipin. Gusto nya ako at I-re-request daw nya sa among rafa na bilhin ako next year.”
“Mons! Baka malaman ng tatay mo yan.”
“Wag kang mag-alala, lagi kong sinasabing ikaw ang kasama ko sa tuwing nakiki-pagkita ako sa kanya.
Hindi makaimik si Vera.
“Sabi ni Rey, two years na lang daw ay rafa na sya, nauuhaw nga raw sya palagi sa dugo ko. Tapos Vera… nag s*x na kami.” Kilig na kilig si Mona sa kinikwento Nito.
"Mona!"
"What!?! Ikaw talaga taong sinauna!”
“P..pano kung mabuntis ka?”
Natawa si Mona ng malakas.
“Hay Vera, lagi mo akong pinatatawa. HIndi ako mabubuntis ni Rey. May lason na ang dugo nun at Patay na rin ang sperm cells nya.”
Vera doesn't know what to say. She always looks up to her parents' love story. She can only give herself to her husband who she will love and serve for the rest of her life. She knows very little about s*x but her parents thought her well enough about its sanctity.
Noon biglang pumasok sa isip nya si Gido. Disgusted, muling pinangako ni Vera sa sarili na mamamatay muna sya bago sya pumayag maging asawa ito.
“Kaya kapag nagtanong ang tatay ko ha…lagi kitang kasama. For sure i-tsi-tsismis din ni Chicco na nakita nya tayong Dalawa kanina.”
Napalunok si Vera, hindi sya magaling magsinungaling. Masakit man pero ganun talaga, may kapalit ang kabaitan ni Mona sa kanya.
"Mona!"
“Ay p*tang *na!” Nagulat si Mona sa Sigaw ng ina.
“Umuwi ka na bruhilda!”
“Opo senyora!” Sarkastikong Sigaw ni Mona sabay irap.
“Sya, alis na ako ha. Nasa Kamara ako mamaya. Andun si Rey, bibili ng pagkain ang amo nya. Ipapakilala daw ako.”
So, yun ang dahilan kaya nag-ayos sila kanina, sa isip-isip ni Vera.
"M...mona...." Tinawag ni Vera si Mona bago ito makalayo para umuwi.
“Hmm?”
Lumapit si Vera dito at niyakap ang kaibigan.”
“Salamat sa Lahat ha.” Emotional si Vera, niligtas ni Mona ang buhay nya and for that she will be forever grateful.
Mona beamed and kissed Vera on the cheek. Tinanaw pa ni Vera ang kaibigan habang naglalakad-sayaw pauwi na parang walang nakakatakot na nangyari sa kanila kanina.
Nagulat si Vera nang pag-ikot para pumasok ng bahay ay Tito Samuel nya ang naka-abang sa pintuan. She saw relief washed over her uncle's face when he saw her.
“Kanina pa ako naghihintay. Tumunog ang warning siren, san ka ba galing?” Agitated ang boses ni Samuel.
"S..sorry Tito, kasama ko po si Mona…” Inabot Nito ang dalang supot ng pagkain.
“Galing po kay Mona." Sabi ni Vera nang mapansing nakatingin sa damit nya ang tiyuhin.
“Halika na sa loob at magdidilim na.” Inabot ni Samuel sa anak na si Jean ang supot, sumilip ito habang nag-uusap sila.
“Wow! Ang ganda mo ate Vera.” Sabi ng pinsan, Ngumiti lang si Vera.
“E..eh..tito…pwede ba tayong mag-usap sa likod saglit lang.” Pigil ni Vera sa tiyuhin.
Sa likod kung saan madalas maglaro at tumambay ang mga pinsan ni Vera, dun gustong kausapin ng dalaga ang tiyuhin para may privacy sila.
“S..sige…” Nagtataka man ay sumunod si Samuel. Matapos utusan si Jean na bumaba na sa moog kasama ang mga kapatid Nito.
“Tito…pupunta po ako sa Kamara ngayong gabi.” Ito ang sinabi ni Vera nang makarating sila ni Samuel sa likod ng bahay ni Gido.
******
Lingid sa dalawa ay may lihim na nakikinig sa usapan nila.