ANGELO MARKADO

2461 Words
Nabeel went out of the shelter shaking.   He looked at his hands in disbelief.  These hands failed to save Vera from the Shallit’s attack.  How can he even call himself a worthy Jabezzite warrior? Sa nakitang puno ay sinuntok ni Nabeel ang mga kamao hanggang magdugo ito, galit na galit sya sa sarili. Pilit nyang nilalabanan ang pag-iyak at kinakalma ang isip.  Gulong-gulo sya sa ginawa.  He meant well, gusto nya lang namang subukang ilabas ang tunay na galing ni Vera dahil alam nya na may taglay din itong liwanag kagaya nila.  Paano nya ipapaliwanag ang linis ng intentsyon nya kung… "Anong problema mo!" Sigaw ni Adda sabay tulak kay Nabeel.  Bumagsak ito sa lupa at hindi nanlaban.  Sa isa pang suntok ng babae ay pumutok at dumugo ang labi ng binata. “Bebe ko saglit, lang…”. Awat ni Gervis na sumunod pala sa Dalawa. “Isa ka pa!  Kamag-anak mo si Vera, tapos hinahayaan mo itong kaibigan mong…”. Galit na galit din si Adda kay Gervis “H…hindi ganun.  Galit din ako sa kanya…pero Walang bugbugan beh.  Yung bugbog mo para lang sa akin yan.”  Nakahawak na si Gervis sa nagpupumiglas na si Adda na gusto pa ring saktan ang lalaking nakalugmok. “Hindi mo ba Naisip na may purpose si Yswah kung bakit andito si Vera?  Napaka-gago mo para isugal ang buhay nya!” "Gusto ko lang na mututo sya. Kagaya ni..." Nabeel has no strength to muster and explain himself. "Kagaya ni Helen?!? Hindi mo ba naintindihan, posibleng kamukha ni Helen si Vera pero hindi sila iisa!" Sigaw Adda Gervis is not very good in verbal confrontation that he is actually glad Adda is with him to give her two-cents to Nabeel, which he is also thinking. "Nakatakda syang maging mandirigma na kagaya natin. Sya ang magliligtas sa Hebron!" "Hindi mo alam yun! Wag mong pangunahan si Yswah!”  Inalis ni Adda ang pagkakayakap ni Gervis at pati ito ay tinulak bago naglakad palayo. Looking down at his best friend, Gervis sighed. “Friend, alam kong iniisip nating lahat na si Vera ang magliligtas sa Hebron, pero paano kung hindi yun ang totoong tadhana ni Vera?” Kahit malambot ang salita ay seryoso si Gervis.   Tumingala sa kanya si Nabeel sa kanya. “What if…ang pagliligtas mo kay Vera ang totoong tadhana.  Siguro, focus on your destiny and purpose first bago mo paki-alaman ang purpose ng ibang tao.” Gervis words stabbed Nabeel’s heart deeply more than Adda’s strong punch.  He realized that his selfish motive is the reason why he failed to save Vera. ****** BAAAM! Vera was on the floor crawling away as the shallit’s remain splattered all over the room.  Vera is spared of flying rotten meats and maggots. Narinig ni Vera ang tunog nang bumubukas na rehas. Pumasok sina Gervis at Adda kasunod ni Raju. "Anong iniisip mo Nabeel! Paano kung makagat o makalmot ng shallit si Vera?" Galit na tanong ni Adda, habang inaangat si Vera mula sa pagkakasalampak nito sa lupa.  Hindi makakibo si Nabeel, magkahalong galit sa sarili, inis kay Vera, at takot sa sitwasyon ang nararamdaman niya.  How could Vera be stupid to let herself go open against attack.  Hindi ba natuto ito sa mga tinuro nya?  Kung hindi ba naman ubod ito ng tanga! Bakit nito dinamba ang armas samantalang alam nyang malapit na sa kanya ang shallit. “Mabuti na lang nakita namin kayo at sinundan dito kung hindi…juiceqlord Nabeel…paano na lang kung maging shallit na rin si…oh no!  No!”  Nakapamewang pa si Gervis habang nakahawak sa dibdib ang isang kamay na akala mo ay aatakihin sa puso ito. “Hindi mo sya dapat dinala dito Nabeel.”  Si Raju na mahinahon pero mariin ang boses.  He got scared as well thinking that they are too late.  From the entrance of the shelter, he lit up his hands and immediately threw the ball of fire several yards in front of them even before Nabeel could scream. May idea sya sa Gustong gawin ni Nabeel kaya naging maagap sya.  Hindi nga sya nagkamali.  A second late and…he shuddered at the thought of something bad happening to Vera. Vera hugged Adda after she went out of the gated room where warriors confined their prisoners to use for training purposes.  Adda consoled Vera who is sobbing uncontrollably. "Iwan nyo muna kami." Sabi ni Raju. Lulugo-lugong lumabas si Nabeel ng moog, na sinundan naman ng galit na galit na si Adda matapos yakapin din ni Gervis si Vera. Raju let Vera cried until she calmed down and stopped shaking.  Kinuha ni Raju si Vera sa pagkakayakap ni Gervis para pasundan naman nito sa lalaki ang kasintahan.  Alam nyang Grabe magalit ang kanyang anak at si Gervis lang ang pwedeng magpakalma dito.  He doesn’t want to dwell on what Nabeel did.  It was stupid but the most important thing is, Vera is safe. Then he ushered her outside the shelter to breath in some fresh air.  Nabeel and the rest are no longer around.  Sa wakas ay kumalma si Vera matapos makaamoy ng sariwang hangin.  Tuyo na rin ang luha nito sa mga mata. Sumunod si Vera sa paglalakad ni Raju. Isang moog na naman ang pinuntahan nila pababa sa ilalim ng lupa. Tumayo si Vera sa pinto ng moog, parang ayaw na nyang pumasok dito.  Raju smiled, understanding the trauma that Vera went through and the doubt that he could read on her expression. "Halika. Wag kang matakot.” Maliwanag ang moog na napasukan ni Vera. Punong-puno ito ng iba't-ibang uri ng gamit particular ang mga libro, bagay na rare sa bagong panahon.  The library/museum made Vera smile, it feels more like her. Sumunod sya sa pasilyo kung saan nauunang naglalakad si Raju. Panay ang tingin ni Vera sa mga lumang kagamitang maayos na naka-display sa malawak at maaliwalas na moog. I don’t want to train as a warrior.  I want to learn how to read books.  Pwede bang kahit tagalinis na lang ng library or ibang trabaho ang gawin nya sa Hebron?  Hindi nya talaga kayang lumaban sa mga shallit at rufus.  Vera thought of begging the elders so she could be allowed to stay. Huminto si Raju kaya bigla ring napahinto si Vera. Tumingala si Vera sa tinitingala ni Raju.  Isang malaking larawan ito ng lalaking punong-puno ng marka sa katawan. Nakahubad ito at pang-ibaba lamang ang suot na damit. Ang sumunod ay isang lalaki ulit pero nakadamit na ito ng gaya sa mga Jabezzite warriors.  "S...sino po sila?" "Sila ang pinagmulan ng ating lahi. Ang dakilang si Angelo Markado at ang anak nitong si Jabez." "Ang babae..." "Ang ina ni Jabez, si Lumenaria."  "Napakaganda nya..." "Parang ikaw. Purong lahi rin siya na gaya mo..." Naglakad pa sila sa pasilyo habang iniisa-isa ni Raju ang mga larawan ng mga importanteng mandirigma ng buong history ng mga taga Hebron. Maya-maya ay nanlaki ang mga mata ni Vera sa nakita. "Huh?!" nausal ni Vera "Sya si Helen..." Kamukhang-kamukha ni Vera ang nasa painting, mula ulo hanggang paa. Pati damit nila ay magkapareho, damit ng mandirigma. Ang wala lang kay Vera ay ang head gear nito. Pero dahil sa ba'lat nyang korte ng head gear ni Helen sa noo ay naging magkamukha sila lalo. "Galing sya sa lahi ni Jakub, lahi ng matatapang at magagaling na Jabezzite warriors. Maraming naging anak si Jabez at bawat isang tribu ay may sari-sariling talentong naibahagi sa pakikipaglaban sa mga nilalang ng dilim." Speechless, Vera is still processing who Helen is and her connection to Hebron because of the lady warrior.  Now it made sense why Nabeel acted like he is expecting a lot from her. "Pinipilit ni Nabeel na maging kagaya ka nya. Pagpasensyahan mo sya. Hindi fair sa iyo na..." "B..bakit magkamukha kami, possible ba iyun? Ganoon ba ang mga lahi ni J..Jakub?" Wala na kay Nabeel ang isip ni Vera, naintindihan na nya. "Nang mamatay si Helen sa madugong labanan ay nangako syang babalik sya..." Napalunok si Vera.  Nagbalik sya…Naalala nyang Madalas ibulong ng mga tao sa paligid sa tuwing nakikita sya. "P..pero hindi po ako si Helen..." "Alam ko iyun...malabo ang nilalaman ng propesiya. Kung ano man yun ay hindi pa namin maunawaaan. Basta Masaya kaming bumalik ka bilang anak ni Gideon at nasa piling ka namin. Kung ano man ang susunod na mangyayari ay bahala na ang mga Zseir na makakita."  "Zseir?" "Sila ang mga propetang galing sa angkan ni Zseir, kapatid ni Jakub at anak rin ni Jabez. Ang kapangyarihan nila ay ang Makalasa ng kinabukasan." Tumango si Vera, titig na titig pa rin sa larawan ni Helen. "Speaking of Zseir, sinabi ng aking ama na gusto kang Makita ni Husea. Sya ang susunod na Zseir, baka kapag nakita ka nya ay may Makita syang propesiya patungkol sa iyo. Doon natin malalaman kung bakit ka nga bumalik... i mean... kung bakit ka kamukha ni Helen..." "Pupunta na po ba tayo ngayon?" "Itatakda ang araw ng pagpunta mo doon kaya maghanda ka."  Tumango muli si Vera. When Raju continued walking, Vera stayed and touched Helen’s painting.  It was framed high that she only traced her fingers at the tip of the painting. A vision suddenly appeared in her mind like a memory. Si Helen, nakikipag-laban ito sa mga bampira at shallit. Napakabilis at galing nitong gumalaw, graceful at calculated. Sa isang iglap ay sampung rafa ang sumabog mula sa armas nyang nagliliwanag.  Hindi alam ni Vera kung saan nanggaling ang tila videong nag-play sa utak nya. Nawala ito nang bitiwan nya ang bahagi ng pinta na hinahawakan nya.  She looked at where Raju is, at the far corner side of the room, deep in his thoughts.   Nang tumingin ito kay Vera ay nabasa nito sa mga mata nang dalaga na ayaw pa nitong umalis ng moog.   Tumango si Raju, allowing Vera to process her thoughts as well.  Alam nyang overwhelming dito ang mga bagong information na nalalaman. Vera traced what appeared to be a signature at the bottom of the painting.  Hindi sya marunong magbasa pero pumasok sa isip nya ang pangalang Caleb. Sabay nakita nya ang isang kamay na gumuguhit ng larawan habang tawa naman ng tawa si Helen. "Umayos ka kung hindi ay papangit ka dito!" kunwari ay galit ang lalaki sa tinig nitong naririnig ni Vera sa kanyang isip. Humalakhak si Helen saka binigyan ng flying kiss ang lalaking nagpipinta sa kanya. "S..sino si Caleb?" Nilingon ni Vera ang matandang lalaki, matapos nyang muling bitiwan ang pinta. Palagi na nyang tinatanong ito pero wala namang sumasagot sa kanya. Raju knew that Vera must have already heard about Caleb.  He just thought that Rebekah would have explained who he is to Vera by now. "Si Caleb ang kasintahan ni Helen. Malapit na silang ikasal nang mapatay sa isang engkwentro si Helen." "H..hindi Jabezzite warrior si Caleb kaya hindi nya natulungan si Helen?" Ngumiti si Raju sa tinuran ni Vera. “Sa history ay napakagaling na mandirigma ni Caleb.” "Kung magaling syang Jabezzite warrior, bakit wala syang pinta dito na kagaya ni Helen?" Muling tanong ni Vera nang malaman ang totoo.  Hindi kumibo si Raju. Kahit sa mga history books nila ay walang larawan si Caleb, maliban sa librong nakatakda lamang basahin ng mga nagiging pinuno ng Hebron para aralin ang tungkol sa propesiya ng pagbabalik. "A..anong nangyari kay Caleb?" Ang daming tanong na namumuo sa isip ni Vera.  Bago pa nakasagot si Raju ay sabay nilang nakita ang pagbungad ni Nabeel sa pintuan ng moog. Pagkakita ay may galit na gumuhit sa puso ni Vera.  Naintidihan nya si Nabeel pero hindi ito madaling patawarin. "Maaari ko ba syang makausap pinunong Raju?" Umpisa ni Nabeel Tumingin si Raju kay Vera. Napakapit naman ang dalaga sa braso ng pinuno. Hindi lang galit ang nadarama nya kay Nabeel, pati takot din sa susunod na plano nito para sa kanya. Nabeel sighed deeply, it pained him to see fear in Vera’s eyes when she looks at him.  Now he realized, it’s not Vera who is stupid and lame, it’s him after all.  He truly is obsessed with Helen, just like any other warriors who came across to study her in history.  His feelings for the lady warrior though, that he is projecting to Vera, is quite unhealthy.   "Gusto kong humingi ng tawad." Sabi ni Nabeel.  Tumango si Raju at saka tinapik ang kamay ni Vera, assuring her of Nabeel’s pure intention this time. Iniwan ni Raju ang dalawa sa loob ng moog. "Mali ako." Maikling sabi ni Nabeel nang wala na si Raju. Medyo nawala naman ang galit ni Vera sa lalaki. Understanding now where he is coming from, helps.   Ang totoo ay Malaki pa rin ang utang na loob ni Vera sa mandirigmang nagligtas sa kanya. Ilang sandaling namagitan ang katahimikan sa kanilang dalawa. "Gusto ko nang umuwi." Maya-maya ay sabi ni Vera. Tumango si Nabeel at saka hinatid sa bahay ni Rebekah ang dalaga. "Bukas ay babawi ako sa iyo, pwede ba?" Tanong ni Nabeel.  "Titingnan ko...may kaganapan bukas." Sabi ni Vera. Kasal nila Gervis at Adda. "Sige, ako ang escort mo." Bago pa nakasagot si Vera ay umalis na si Nabeel. ****** Nagkatinginan sina Caleb at Revin, nagkakaintidihan sila kahit hindi nagsasalita. Umikot si Revin pakaliwa, habang dumiretso si Caleb. Pero sa dulo ay nagkasalubong din ang dalawa.  "Naaamoy mo rin hindi ba?" Tanong ni Caleb kay Revin. Tumango ito. "Pero nasaan ang...."  Caleb looked up and saw a figure of what appeared to be a tree house.  Though as vampires, they move quick and quiet.  Caleb still signaled Revin to not make too much noise. Biglang lumipad si Caleb at sa isang iglap ay nasa tree house na sya. Bagay na pamilyar sa kanya dahil gumagawa sya ng ganitong moog dati. Ilang talon bago nakarating si Revin sa taas, pero huli na nang mabilis na anino ang bumangga sa kanya kasunod nang humahabol na si Caleb.  Mabilis na tumalon rin si Revin at hinabol ang tumatakbong anino. His mind is racing fast. "Imposible..." PAK! Tumalsik si Revin, sabay damba sa kanya ng isang rafang agad naman nahatak ni Caleb at binagsak sa lupa.  Umungol ito na galing sa lalamunan. Dinamba ni Revin ang rafa at saka akmang susuntukin ito sa mukha. "Wag!" Sigaw ni Caleb.  Agad nitong sinino ang rafa at saka inamoy. "Sino ka?" Tanong ni Caleb Nagpumiglas ang rafa. Mabilis itong sinampal ni Revin. "Sagutin mo ang amo ko!" "Sabihin mo sa akin, bakit may amoy ka ng markadong pagkain ko?" Galit na galit na tanong ni Caleb kay Salud.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD