“P..pero…”. Gustong magprotesta ni Revin pero alam nyang wala syang magagawa kundi sumunod sa utos ni Salome.
"Isama mo ang babaing yan sa karuwahe ng mga rejects at patapon. Muntik nyang lasunin si Caleb. Alam ko, dahil nakita ko si Caleb na palabas sa silid na ito na nasusuka..."
“O..opo..."
Yun lang at lumabas na sa kwarto si Salome.
Lumuha na naman si Salome ng dugo, ngayon ay hindi na lang lungkot ang nararamdaman nya kundi takot na rin. Pinahid nya ang mapula at malapot na likidong bumaybay sa kanyang pisngi. She knows how messy she looks that she immediately fixed herself as soon as she smelled her husband.
He can’t see me like this, sa isip-isip ni Salome. Takbo sya sa sariling silid at wala pang isang Segundo ay nasa elevator door sya, maganda, kaakit-akit, at ni walang bahid ng anumang paghihinagpis sa itsura.
Saktong bumukas ang pintuan ng elevator at tumambad si Khadiz matapos maglagay ni Salome ng matamis na ngiti sa labi.
“Asawa ko!” Salome exclaimed with so much desire. She immediately kissed her husband passionately.
“Pauwi na kami mahal ko.” Sabi ni Salome matapos kumalas sa asawa. Sa ikatlong araw pa ang pangako ni Salome na uuwi kay Khadiz. Nainip na agad itong maghintay. Marami pa syang naka-line up na gagawin nila ni Caleb.
Darn it! I will have to wait for another 50 years?!? Ugh!, Gusto na namang maiyak ni Salome but she has to fake it around her husband whom she is loathing so much more than ever.
"Pinapatawag tayo ng ama sa Cintru Salome..." May urgency sa boses ni Khadiz. Ni wala itong bakas ng pagseselos na inaasahan ni Salome.
"K..kasama ako?" Sumeryoso si Salome, sya man ay nagulat at nawala ang ngiti. Napuno ng curiousity ang mga matang mapupula, dapat bang kabahan sya?
Tumango si Khadiz.
"He specifically asked for you to come..." Madilim ang tinig ni Khadiz.
******
Gising na ang diwa ni Vera pero hindi pa sya nagmumulat ng mga mata. Sa isip ay inalala ang huling memorya, gumuhit ang saya sa puso nya. She still feels tired and sleepy but there’s also excitement in her heart to see her master again.
“Tama ako di ba? As in…Ang sarap nyang ayusan at gawing mowdel. In fairness, kahit nakakatakot ang mangyayari sa atin next eh mukhang ma-e-enjoy ko kasi kasama natin sya…”.
Naalimpungatan Si Vera sa narinig, gusto pang matulog ng diwa nya at muling managinip.
“Sigurado ka?” Sabi ng isa pang tinig
“Gusto mo hawiin ko ang buhok nya para makita mo yung itsura? Sya nga si…”
"Kailangang makatakas tayo dito…”. May urgency sa boses ng lalaking narinig ni Vera
“Oi gusto ko yang idea na yan, bakit di mo agad Naisip?”
“Umayos ka Gervis ha, hindi ito ang oras ng pagbibiro mo! Dahil sa kalokohan mo kaya tayo…”
“Aguy! Sisisihin mo ako kung bakit tayo nahuli ng mga bampira? Friendly kaya sila, ikaw ang unang umatake noh! Gwapo pa nga nung isa eh.”
BLAG!
“Aray ko! Ikaw Nabeel ha, sumusobra ka na! Pag-uwi natin…”
“Yun ay kung makaka-uwi pa tayo.”
“Eh kasasabi mo lang tatakas tayo, ano ba talaga koya?”
Gusto nang mumulat ni Vera pero parang natakot sya sa bagong realidad na gigisnan. Nasaan sya? Panaginip lang ba ang pagkakaroon nya ng among bampira?
"Alam mo ba kung saan tayo dadalhin?"
"Ang rinig ko ay sa s*******r house daw, tapunan ng mga rejects. Ay hindi ako reject ha, excuse me! Baka gawin tayong taga-katay ng hayop dun, s*******r house eh. Oh noh! My hands! Hindi ito sanay sa trabahong mabibigat!”
BLAG!
“Aray ko…”. Nagreklamo na naman si Gervis sa pambabatok ni Nabeel sa kanya. Ewan ba nya, Ganito sya kapag may problemang kinakaharap, mas depressing kung seryoso nyang iisipin ang lahat. Basta ang alam ni Gervis, hindi sila papabayaan ni Yswah, period.
"Kasama pati sya?”
“Aba’y malay ko, Ako ba ang asawa nya para malaman ko.”
“Itsura mong yang para makapangasawa ng ganyan. Si Ada lang naman ang t*nga na pumatol sa iyo.”
“Grabe sya! So anong gusto mo, ikaw ang asawa ni Sleeping Beauty?”
Patlang.
“Malamang tatapon din sya, kung hindi ay bakit andito sya sa karuwahe natin?” Sabi na lang ni Gervis matapos makitang titig na titig si Nabeel sa babaing tulog na tulog pa rin sa mahabang upuan opposite them.
Bumukas ang pinto ng karuwahe. Isang markadong lalaki ang nagpapasok sa isang babae at isang bata.
"Sakay!"
Nakita ni Salud ang dalawang lalaking nasa loob ng karwahe at ang babaing nakahiga at natutulog.
Inalalayan ni Salud ang batang si Gabriel at saka pumwesto sa tabi ng babae. Nalilito si Salud, ang sabi sa kanila ay dadalhin sila sa Haklaim kung saan magiging mga farmers sila, pero ang sabi naman ng iba ay sa Tavach, o lugar ng libingan ng mga bampira at markadong pagkain, ang totoo nilang destinasyon.
“Ate gurl… ano….meron kang…kuwan… sa pisngi mo…”. Si Gervis na hindi mapigilan ang magkomento sa nakitang bumubukol sa balat ni Salud. Tinago ni Salud ng hoodie ang mukha, ewan ba nya, bigla syang nagutom pagpasok sa karwahe, amoy mabangong pagkain kasi sa loob.
Nakatingin din si Nabeel sa mga bagong dating. Batang-bata pa ang lalaking kasama nito. Gustong maawa ni Nabeel sa dalawa, pero pinili nilang maging markado. Kung may lakas lang sya ay gusto nyang ilawan ito para matapos na ang pagiging alipin ng mga ito.
Napansin naman ni Salud ang natutulog na babae. Ito ang na-aamoy nyang napakabango. Ilang araw na syang hindi makakain at masama rin ang pakiramdam nya, pero parang nabuhay ang dugo nya nang makita ang babaing Natutulog.
Hael left them in a cheap room in one of the inns in Kamara for days, with a promise that he’d be back soon, yet they were taken and brought here to travel in an unknown destination
Bumuntong hininga si Salud, pilit hindi pinapansin ang mga lalaking titig na titig sa kanila. Tinitigang mabuti ni Salud si Vera, kita nito ang kakaibang ganda ng dalaga pati ang suot nito.
Who would throw away such beautiful slave? Salud thought to herself. Unless…her master died too and just like them, she’s an orphan. Yet Salud couldn’t see any mark on the sleeping woman’s body.
Sino ka? Tanong na namuo sa isip ng markadong ulila.
Then Salud glanced at the two guys in front of her. They are definitely not marked slaves. May kakaibang aura ang mga lalaki na akala mo kung sino. There’s something familiar about the way they dressed as well. She has seen such traditional organic green fabric that they are wearing, she just couldn’t figure out where and when.
Biglang sumikdo ang puso ni Salud. Yung aura, yung personalidad, at yung damit. Naalala Nya ang nangyari sa kanya sa City of Ruinae.
"Huh!" Nanlaki ang mga mata ni Salud. Napakunot ang isa sa lalaking kaharap na tumitig din sa kanya. Umiwas ng tingin si Salud.
Mga taong liwanag! Gustong mag-panic ng markado, Naalala kung Paano napatay ang mga kauri nya ng liwanag ng mga ito.
So they will not be taken to a farm, with people of the light on board with them, it will definitely be a journey to a s*******r house. Doon napaluha si Salud. Napahagulhol ng tahimik para hindi maalarma si Gabriel na parang naging anak-anakan na rin nya.
“May alam sya…”. Bulong ni Nabeel kay Gervis na nabasa ang kilos ni Salud.
“Talaga?! Anong alam nya, gusto ko yan tsismis…”. Bulong din ni Gervis na hindi maintindihan si Nabeel. Akmang babatukan ni Nabeel ang kaibigan nang biglang bumukas ang pintuan.
“Andito pala ang hinahanap nating mabangong pagkain eh…”
Doon bilang nagmulat ng mga mata si Vera. Ngayon ay sigurado na syang nasa panganib sya. Napaupo sya ng mabilis, inayos ang sarili, at sumiksik sa sulok ng karwahe, as if this will prevent them to take her or do her harm.
"Tara ilabas mo muna, baka pwedeng matikman kahit sandali si beautiful…Amoy puro at katakam-takam eh noh?“ Lumitaw ang isa pang markadong lalaki.
"Alam mo ba kung bakit pinatapon yan dito?"
"Hindi eh. Basta nilapag lang yan dito nung mayamang rafa.”
"Baka pumalag at napatay o nalason nya ang amo nya." Sabi ng isa.
Gustong maiyak ni Vera, pinatapon sya ng kanyang rafa? Bakit? Naalala nya ang mukha ng kanyang amo, anong ginawa kong mali? Tanong ni Vera sa sarili.
Tears formed in her eyes, did she really poison her master. Is it her blood? May mali ba sa dugo nya? Dahil ba taong ilaw ang tatay nya? Tama ang sabi ng tito Samuel nya, malalaman ng bampira ang tungkol sa lahing pinanggalingan nya.
Biglang lumakas naman ang hagulhol ni Salud nang makumpirmang pinatapon nga sila.
Nakita ni Nabeel ang takot sa mga mata ng babaing bagong gising, nakita nya rin ang mga luhang tuluyang umagos mula sa mga mata nito.
Hinawakan ni Nabeel ang kamay ng markadong lalaking pumasok para hatakin si Vera pababa sa karwahe.
“Ahhh!” Sigaw ng lalaki nang umusok ang balat nya. Napababa ito para tingnan ang nasunog na balat. Nagkagulo ang iba pang markado.
Hindi pa kaya ni Nabeel Maglabas ng malakas na liwanag pero alam nyang mainit sa mga nilalang ng dilim ang hawak nila.
“T*ngna!” Naglabas ng baril ang isang markado at akmang ipuputok kay Nabeel. Alam ni Nabeel na bilang mortal ay kamatayan ang mabaril sya pero matapang na sinalubong ng Jabezzite warrior ang markado at akmang dadambahin din ito.
Ito rin naman ang balak nya nang makasalubong nila ang mga rafa Malapit sa Kamara. Lalaban sya hanggang kamatayan kung hindi lang napukpok ang kanyang ulo at nawalan sya ng malay. Pag-gising ay nasa karwahe na sila ni GErvis, nakakulong.
Hinawi pa ni Nabeel si Gervis para masiguradong Walang balang tatama sa kaibigan. Hindi dapat ito madamay sa kanyang kamatayan.
BOOM!
Nahatak ni Gervis si Nabeel pakandong sa kanya nang makita nitong kumilos ang markadong umiiyak. Nanlaki ang mga mata ni Gervis nang makitang sinalo ni Salud ang balang tatama kay Nabeel at mabilis na binato sa paanan ng markadong may armas. Doon ito pumutok ng malakas.
"Tama na! Kapag nalaman ng rafa nyo ang mga pinaggagagawa nyo ay siguradong sa karuwaheng ito rin ang bagsak nyo." Matapang na sabi ni Salud. May taglay na si Salud ng bilis at lakas ng isang rafa. Malapit na itong mag-transition bago pa namatayan ng among bampira.
Nagulat man ay umatras ang dalawang markado. Higit na malakas sa kanila si Salud. Ewan ni Salud pero, kahit takot sya sa mga taong liwanag mas kailangan nila ni Gabriel ng kakampi ngayon kaysa kaaway. Mabuti na - na mas marami silang maglakbay kung san man sila pupunta.
“Ayiii, ate gurl! Ang galing mo! Salamat!” Tili ni Gervis matapos umalis ng Dalawang markado at Isara ang karwahe. Kandong pa rin nito si Nabeel at niyakap na parang kinikilig sa saya.
Agad namang kumawala si Nabeel sa pagkaka-kandong kay Gervis at bumalik sa pagkaka-upo sa pwesto nito kanina.
Nabeel is still stunned, Vera, though disoriented, stopped crying. It was Gabriel who sobbed loudly that Vera hugged the child who reminds her of Sammy.
"Hindi ko kailangan ang tulong mo." Mayabang na sabi ni Nabeel, hindi nya akalaing magkakaroon sya ng utang na loob sa isang markado.
"Hindi ikaw ang tinulungan ko. Hangga't buhay kayo ay ligtas itong katabi ko...at least sa kamay ng mga malilibog na yun."
Hindi lang paghahanap ng kakampi ang dahilan ni Salud para sanggahin ang bala. She actually feels bad for the girl beside her. Siguradong hindi ito titigilan ng mga lalaking kukuha dito. Pagpapasa-pasahan ito hanggang magkaluray-luray ang katawan nito. Hayok ang mga markado sa s*x, epekto ng lason ng bampira sa kanilang katawan. Alam ni Salud ito, naging bahagi sya ng ganitong Gawain.
Noon nya Naisip ang mga kasamahan. Nasaan sina Beth, Rudy, at Rigor? Gaya nya ay ulila na rin ang mga ito. Gaya kaya nya ay itatapon sila? Sana ay nasa iisa silang karwahe para mas marami silang magkakakampi. Maraming pumapasok na isipin kay Salud.
"Salamat ang gustong sabihin ni Nabeel ate gurl. Hindi lang sya magaling sa public speaking, medyo may konting deprensya kasi sya sa pag-iisip. Pagpasensyahan mo na.” Sabi ni Gervis kay Salud na Nakangiti.
“Gervis!” Galit na sigaw ni Nabeel.
“Tama, Gervis ang pangalan ko at itong lolo sungit sa tabi ko ay si Nabeel.”
"Ako si Salud, ito si Gabriel…”
Hindi mahawakan ni Salud ang kamay na alok ni Gervis. Binawi naman ni Gervis ang kamay ng maalalang mapapaso ang markado sa hawak nya. Nag malanding handwave na lang ito sa Dalawa.
Nakita ni Salud na yakap yakap ni Vera ang bata. Agad namang sinoli ni Vera si Gabriel kay Salud, na agad yumakap sa babaing markado.
Salud wiped Gabriel tears with her sleeve showing her arm packed with dark bite marks. Vera thought that she’d have the same marks had she not been thrown away like this by her master.
Magpapasalamat ba ako na hindi ako nagkaroon ng maraming marka o malulungkot dahil naging basurang tinapon? SHe remembers the handsome face of her master and her heart skipped a beat. From sadness, she suddenly feels angry.
Kung ayaw nya sa akin ay ayaw ko rin sa kanya! sabi nito sa sarili, habang pilit kinakalimutan ang napakagandang memorya nya sa kanyang among bampira.
The truth is, Vera doesn’t like to worry about the possibility that she hurt her master. She wants to also not feel the sadness in her heart.
Napansin ni Vera na nakatingin sa kanya ang apat.
“Ikaw sleeping beauty, anong name mo gurl?” Si Gervis
"V..vera...Vera ang pangalan ko..." Naasiwa si
Vera dahil titig na titig ang mga lalaki sa kanya. Iba ang pagkakatitig ng mga ito, hindi nakakatakot pero nakaka-ilang.
Noon Naalala ni Vera ang pag-usok ng balat ng markado nang hinawakan ng isang lalaki. Nanlaki ang mga mata nya.
“M…mga taong liwanag kayo?” Nagulat si Vera sa sariling Tanong. Na-excite sya sa possibility na alam nito ang tungkol sa Hebron. Maybe, they also know about her father and his family.
“Ay palakang may libag!” Sigaw ni Gervis nang biglang umandar ang karwahe, hindi nya na tuloy nasagot ang Tanong ni Vera.
Sinilip ni Nabeel ang butas na malapit sa kanya. "Kailangan nating kumilos habang umaga pa..." sabi ni Nabeel
“Paano tayo kikilos eh ang liit ng space dito sa karwahe, kahit gusto kong sumayaw ay hindi ko magawa.” Sumayaw pa si Gervis sa pagkaka-upo.
PAK!
Nagulat si Vera sa lakas ng batok ni Nabeel kay Gervis.
“Aray ko! Ikaw ha, sumusobra ka na… sa harap pa ng mga bisita!” Parang batang nagdabog si Gervis. Natawa si Gabriel, Ewan pero Natawa rin si Vera.
“Umayos ka!” Inis na si Nabeel pero Napangiti rin sya sa kalokohan ng kaibigan. Kilala nya ito, the more na nagpapatawa ito ay mas lalo itong Natatakot. Kaya naiintindihan nya ang totoo sa likod ng kinikilos nito.
“Ito na maayos na ako…”. Malanding inayos ni Gervis ang buhok at sinuklay ang kilay saka hinarap si Nabeel.
"Kailangan nating makawala dito, sa kahit anong paraan. Kamatayan nating lahat ang pupuntahan natin sigurado ako."
Hindi man kumikibo si Salud ay naniniwala sya sa lalaking Nabeel ang pangalan.
“Eh baka kamatayan din natin ang maging resulta ng plano mo. Pag-isipan nating mabuti ito.” At pumilantik pa ang daliri ni Gervis sabay lagay sa ulo na kunwari ay nag-iisip.
“Gervis, tingan mo syang mabuti. Ikaw ang nagsabi kanina. Sabihin mo sa akin, dapat ba syang mamatay?”
Nagulat si Vera nang tinuro sya ni Nabeel na para bang kakilala sya nito.
Ako? Bakit? Sa isip-isip ni Vera.
Inangat ni Gervis ang paningin at tinitigan din si Vera sabay galaw ng ulo nito na parang kilala rin nya ang dalaga.
“Hmmm… kahit sa anong angulo talaga… ikaw na ikaw gurl! Pramis!”. Sabi ni Gervis.
Napatingin si Vera kay Salud na Nakatingin din sa kanya.
"Kailangan natin syang ma-i-uwi sa Hebron Gervs. Sya ang katuparan ng propesiya.”
Naningkit ang mga mata ni Gervis sa galit.
“Ilang beses ko bang Sinabi sa iyo na wag mo akong tawaging Gervs! Tunog natatae lang eh noh!”
Akmang babatukan na naman ni Nabeel si Gervis pero sinangga ito ng Jabezzite warrior.
“Call ako sa plano mo! Ikaw, sasama ka sa amin ha.” Sabi pa ni Gervis kay Vera sa seryosong boses.
“Don’t worry andito na ang taga-pagligtas mo. Ako si, supergurl!” At umarte na naman si Gervis sa posisyong malandi na ginagawa nito sa tuwing nakikipaglaban sa mga nilalang ng dilim.
Saka ito Ngumiti…
“Ganito ang gagawin natin…”. Bulong ni Gervis sa mga nakikinig.