Nataranta si Khadiz nang Sabihin ni Amnon ang totoong dahilan kung bakit pinagmamadali sya nitong mag-ayos ng sarili at bumalik sa main house. Caiphaiz is on the video conferencing line sa kanyang opisina.
“Kanina pa ba?”
“O..opo panginoon…hindi ko kayo agad…maistorbo.”
Hinintay muna ni Amnon tumigil sa pagwawala si Khadiz bago nito pasukin ang kwadra at Sabihin ang tungkol sa pagtawag ng ama.
Huminga ng malalim si Khadiz bago binuksan ang pintuan ng opisina at hinarap ang amang nasa Cintru.
“A..ama…”. Khadiz stopped as he’s about to explain himself for being late. Caiphaiz is pale and shaking despite trying to appear composed, Khadiz could see through the facade.
Holographic technology ang gamit ng mag-ama sa pag-uusap, kaya para silang personal na magkaharap. Only royal vampires have access to such channel of communications and technology.
“Khadiz…si Salome…pumunta kayo agad dito sa Cintru ni Salome sa lalong madaling panahon!”
******
While traveling to Cintru, Salome is deep in her thoughts. She’s not even pretending to be sweet to her husband who is equally quiet.
Iniisip pa rin ni Salome ang nangyari sa Kamara. Ang huling balita nya kay Revin ay tulog pa rin si Caleb sa silid nito at maayos naman ang kalagayan.
“Andoon pa rin sila sa Kamara habang nagpapahinga si Caleb panginoon…”. Sabi ni Xena
“Wag na raw po kayong mag-alala sabi ni Revin.” Si Xena ang ginawa nyang paraan para makakuha ng information tungkol sa nangyayari kay Caleb pag-alis nya.
No other details? Pakiramdam ni Salome ay hindi sinasabi sa kanya ni Revin ang lahat.
Of course, Revin could also be equally loyal to Caleb by now and is protecting the sheik as much as he could. Caleb and Revin have been together longer than her, after all.
“Papunta na sa s*******r house ang babaing pinatapon nyo panginoon…”
“Nagkaroon ng pag-atake ng mga shallit panginoon… Walang nakaligtas…”
Patuloy ang dating ng mga balita sa kanya habang nasa byahe silang mag-asawa.
She felt happy with the latest news but she’d be more than satisfied if she had the time to do it herself, ang iligpit ang babaeng lumason kay Caleb gamit ang sarili nyang mga kamay.
Dapat itong magbayad ng mahal sa ginawa kay Caleb…
Kung hindi lang dumating si Khadiz…
Biglang Gustong mainis ni Salome pero sumagi sa isip nya ang mukha ng babaeng lumason kay Caleb kaya muling binalot ng takot ang kanyang Patay na puso.
No! It can’t be!
The flight is long and grueling. As soon as they landed on their private runway, another car is waiting for them for a long journey to Caiphaiz’s castle.
Gutom na si Salome pero hindi nya magawang makakain man lamang. Hindi alam ni Salome kung anong nangyayari sa samo't saring emosyong meron sya ngayon.
Huminga ng malalim ang babae at saka inayos ang sarili. Anong problema o dahilan sa biglaang pagpapatawag sa kanya ng ama ni Khadiz? Ito na lang ang inisip nya para makalimutan ang babaing nagbibigay sa kanya ng kakaibang takot.
Nakatingin si Khadiz sa asawa. Gusto nitong magalit kanina pa pero pakiramdam nya ay hindi na kailangan. Mukhang may tumu-torture kay Salome, bagay na lihim na ikinatutuwa ni Khadiz, pero ikinasasakit din ng loob nya.
How can he hate Salome in the same extreme capacity that he loves her?
Bumukas ang pinto ng sasakyan.
"Andito na po tayo..." Sabi ni Amnon na nagbukas ng pintuan nila.
Isang napakalawak na fortress ang palasyo ni Caiphiaz sa Cintru. Ubod ng lamig dito at walang taong maaaring mabuhay dito ng matagal.
Well…except for me, of course, sa isip-isip ni Salome, sabay napangiti sya sa alaala ng kanyang tagumpay a long time ago.
Sa suot na manipis na damit ay ni hindi ramdam ni Salome ang lamig ng buong yelo sa paligid. Tumalon at mukhang lumipad ang mag-asawa, paakyat sa pinaka-tuktok ng palasyo kung saan naghihintay si Caiphiaz.
Pagbagsak sa gitna ng conference room ay napawi ang ngiti sa mga labi ni Salome nang unang makita si Lekan. Nakaupo na ito sa conference table kung saan nasa uluhan si Caiphaiz.
Then the door opened and Yzame came in, frowning in disgust upon meeting her eyes.
“Sh*t!" Sa isip-isip ni Salome. It's about what happened in Kamara. That stupid girl that she bought for Caleb is causing her too much trouble now.
Binalikan ni Salome ng matamis na ngiti si Yzami na umiwas ng tingin at umupo sa tabi ni Lekan. Lekan, on the other hand, is fuming with so much anger that his jaw is tightly clenched as if about to burst.
"Ah Salome...finally. You are exactly like the first time I saw you. Stunning!" Mainit na bati ni Caiphaiz nang makita si Salome.
Ngumiti si Salome, nananantya. Tuso rin si Caiphaiz at
dapat syang mag-ingat sa sinasabi ng labi nito dahil posibleng iba ang ikilos nito.
"You are too kind my lord..." yumukod si Salome, bago lumapit sa ama at nilapatan ito ng halik sa labi.
Narinig nya ang sabay na pag-ugong ng galit sa lalamunan nila Lekan at Yzami. Gustong humalakhak sa saya si Salome.
Mamatay kayo sa presensya ko! Sa isip-isip nito.
Seconds later, Azem flew in through the window just like Khadiz and Salome did. Being bright and cool as he did, Azem greeted everyone on the table but passionately kissed the startled Salome on the lips. Tumigil lang si Azem nang umangil si Khadiz.
“Kalma big brother…it’s just my way of welcoming your wife in our committee.” Casual na umupo si Azem sa naiwang bakanteng silya sabay kindat kay Salome. Salome tried not to blush but she’s affected. She wants more.
"Stop playing around son." Sabi ni Caiphaiz bago pa gumulo ang sitwasyon. Madaling madistract ang kanyang mga anak, dulot ng bilis na processing ng pag-iisip ng mga ito.
An orgy or a blood feast must not happen now lalo at mas may importanteng dahilan kaya nya pinatawag ang lahat.
Despite Caiphaiz’s warning, Azem still eyed Salome with such sweet expression on his face. Aaminin ni Salome na hindi nya napag-isipan si Azem to be a man she can have in bed.
Natutuwa sya dito for being a friend to Caleb but beyond that, what they have is just platonic. Suddenly, the idea that Azem and her can hangout together became welcoming, especially in this stressful day.
Focus Salome... saway niya sa sarili nang makaramdam sya ng konting kibot sa pagitan ng kanyang hita. Dinako nya ang tingin sa pinunong bampira bago pa sya mamasa at marinig ni Khadiz na may epekto sa kanya ang ginawa ni Azem.
******
Gusto namang lumipad ni Lekan at tanggalin ang ulo ni Salome sa katawan nito, siguradong mabubura ang ngiti ng babaeng nagpapakulo ng dugo nya sa galit.
Bumalik si Lekan kasama sina Aram at Hael sa Kamara para hanapin ang binili nitong pagkain. Alam nilang malamang na na-markahan na ang babae ng ibang bampira pero nagbakasakali pa rin sila.
Wala na ang babae nang dumating sila sa Kamara. Nailigpit na ang palengke. Naiuwi na ang mga pagkaing nabili. They even confirmed that Caleb and Revin are alone in their hotel rooms with no marked slaves in their tow.
Sa tulong ni Yzami ay dalawang markadong babae at isang sheik ang nanagot sa pagkakamaling naganap.
"Legally that food is yours. We can still do something to make Salome pay..." sabi ni Yzami, kahit hindi sya convinced kung ano nga ang dapat nilang gawin. She couldn’t bring herself to tell Lekan what happened between her and the vampire b*tch.
“I don’t care about the food, but Salome must pay!” Walang iniwang bakas ng awa si Lekan sa pinagbuntunan ng sisi nang umalis sila sa Kamara.
Iniwan ni Lekan si Aram sa piling ng anak nitong nagdadalamhati.
“Continue searching for her in anyway you can….” Bilin nya sa mga ito. Lekan is about to go off to see Salome for a bloody confrontation when he got an urgent message from his father to go to Cintru.
Nang makarating sa Cintru ay kinuha ni Lekan ang pagkakataon para maghain ng reklamo kay Salome patungkol sa ginawa nito sa kanya. Gusto nya lang ng blessing to take action against her.
"May mas importante tayong bagay na dapat pag-usapan." Ito ang sabi ng ama na ni hindi na sya pinatapos sa paghahain ng reklamo.
Kaya lalong nag-ngitngit sa galit si Lekan, at ngayon nga ay nag-iinit ang malamig nyang dugo sa pagtingin sa mukha ng babae.
******
Alert, Nabeel peeked in the hole to see what’s happening outside.
“Tatlong karwahe, sure ako… Magaling ako sa Math, nabilang ko agad kasi…”. Si Gervis
“Shhh!” Galit na sabi ni Nabeel habang nag-iisip. Umirap naman si Gervis kaya Napangiti na naman si Vera.
“Dalawang nagpapa-andar ng kasno at tag-tatalong markado kada karwahe…”
“Sinabi ko na kanina noh, di ka nakikinig. Kada hihinto tayo ay naglilinis sila ng shallit sa Daan…”
“Shhh!” Iniisip ni Nabeel kung may mga rafa bang Natutulog na kasama nila.
“Bakit ka ba shhh ng shhh…sino ba ang nakaisip ng idea na..”
“NGAYON NA!” Sigaw ni Nabeel nang tumigil ang karwahe
“Ay palakang nireregla!” Tili ni Gervis
Sinipa nila Nabeel at Salud ang pintuan ng kanilang karwahe. Nang bumukas ito ay higit dalawampung shallit ang nakita nilang kinakalaban ng mga markado.
Isang markado ang nakakita sa kanilang lumalabas, nang akmang pupuntahan sila nito ay dalawang shallit ang dumakma dito mula sa likuran.
“Beee… buti nga sa iyo…”. Sabi ni Gervis habang inaakyat ang bubong ng karwahe.
Dinamba nina Nabeel at Gervis ang dalawang markadong nagpapatakbo ng kasno.
“Uy sayang…pogi ka!” Sabi ni Gervis bago hinagis ang markado sa grupo ng mga shallit. Nagpambuno naman sina Nabeel at ang isa pang markado bago nila nakuha ang control ng sasakyan.
Naiwan sina Vera at Gabriel sa loob habang nakabantay si Salud at lumalaban sa mga shallit na sumasabit.
“Ate gurl oh, gamitin mo!” Binato ni Gervis ng armas si Salud.
While busy detaching the cart, Nabeel could see the horde of shallit ahead of them.
“Oh my gulay…andami nila…mga fans…wait lang ha, hindi pa ako ready for close up!” Sigaw ni Gervis na nagmamadali sa ginagawa.
Takot na takot si Vera habang yakap si Gabriel. Ngayon lang sya nakakita ng shallit sa malapitan. Naaagnas na ang mga katawan nitong inuuod sa kabulukan. Napakabaho rin ng hangin sa paligid dahil sa mga ito.
Kahit anong laban ni Salud ay parang hindi nauubos ang mga shallit. Nakita nilang napatumba ng grupo ng mga shallit ang isang karuwahe, mula rito ay naglabasan ang iba pang sakay nito.
“Beth!” Sigaw ni Salud. Nang makita sya ay agad tumakbo ito palapit ang kaibigan pero nakagat pa rin ito ng shallit sa pisngi mula sa likuran.
Tired and sick, Salud knew she couldn’t handle fighting shallit this way anymore.
“Matagal pa ba?” Sigaw ni Salud.
“Coming…wait lang dear!” Si Gervis
Hindi pwedeng patakbuhin nila Gervis at Nabeel ang karwahe, masyado itong mabigat at mabagal para makatakas sa mga shallit.
Nakita nila Salud na nagwala na rin ang sakay ng mga nasa pangatlong karwahe. With so much human food around, the shallit went wild and crazy.
Now shallits are forcing their way inside their cart.
“Ngayon na Salud!” Sigaw ni Nabeel. Naramdaman ni Salud na huminto ang karwahe nila. Sinapak nya ng pinto ang mga shallit na akmang papasok saka hinarangan sina Vera at Gabriel. Tinadyakan ni Salud ang ilalim ng karwahe at Doon lumusot nang mabutas ito.
Muntik nang mahablot si Vera ng mga nakasakay na shallit sa loob ng karwahe, pero maagap si Salud na nahatak ito. Lumusot sila sa ilalim saka binagsak ni Salud ang gulong para ma-trap ang mga nasa loob.
"May kalmot ka ba?" tanong ni Salud sa kanya.
“Wala..." Sabi ni Vera
"Sige wag kayong lalayo sa tabi ko…"
“Handa ka na?” Si Nabeel. Sakay ng tag-isang kasno ay nagagamit na nila Gervis at Nabeel ang liwanag para hawiin ang mga shallit sa daan.
“Game na!”
Pumikit ang Dalawa at sabay silang nagpa-ilaw ng kanilang katawan. Sumabog ang mga shallit na nahagip nito. Maliit ang ilaw nila kung individual nilang gagamitin, but together, they can create a bigger blast of light.
Enjoy na enjoy ni Gervis ang ginagawa lalo at first time nyang makipag-laban na sakay sa kasno.
“This is fun! Better than our classroom exercises noh?” Sigaw nito kay Nabeel, na binato sya ng liwanag.
“Ayyy!”
Tumama ito sa shallit na nasa gilid ni Gervis.
“Focus Gervs!”
“Sinabi ko nang wang mo akong…”
“Ahhh!!!! Tulong!” Napa-ikot sina Gervis sa lakas ng Sigaw ni Vera. Napapaligiran ito ng tatlong shallit, habang nasa likod nito si Gabriel. Malayo si Salud na nakikipaglaban sa mas maraming shallit pa.
“Oh no… Helen…here I come!” Sigaw ni Gervis para iligtas si Vera.