THE PROPHECY

2143 Words
“T..apos? Tapos?  Sige lang ituloy mo ang kwento…”. Sabi ni Gervis habang pinapahid ang luha dahil sa kwento ni Gabriel.  Nagpapahinga sila para magpalipas ng gabi sa isang masukal pero tagong lugar.  The Jabezzite warriors are tired to illuminate their way to Hebron. “Dito na muna tayo magpalipas ng gabi.”  Seryosong sabi ni Nabeel. “Yes boss!” Ngayon nga ay siksikan sina Vera, Gabriel, at Gervis sa isang sulok habang alertong nagbabantay si Nabeel hindi kalayuan.  Napakalamig ng gabi pero mainit ang katawan ni Gervis kung saan hindi na nailang si Vera na dumikit dito. Mainit din sa balat ang balabal na pinahiram sa kanya nito na manipis tingnan pero mabigat at masarap sa katawan.  Sa isang sulok at nakabantay din si Salud, bumubuti ang pakiramdam nito sa gabi at nagiging alerto. Hindi man sabihin ay nagpapakiramdaman sina Salud at Nabeel.  They are both measuring each other up if they can be truly an ally or future enemies. “Tapos hindi ko na Nakita ang nanay ko kahit sinunod ko ang Sinabi ng rafa…”. Humikbi si Gabriel. “Waaahhh…huhuhu!” Humagulhol naman si Gervis. “SHHH!”  Si Nabeel “Ay palakang masungit!”  Umirap lang si Gervis kay Nabeel. “Napaka-walang puso!  Hindi ba nya narinig ang kwento ni Gabriel?”  Bulong nito kay Vera.  Nilagay lang ni Vera ang daliri sa labi, para sabihing wag na lang mag-ingay si Gervis.  Takot si Vera kay Nabeel. ****** When Vera was surrounded by three shallits, Nabeel was the first to come to her aide but instead of helping, he just threw a sharp and long weapon for Vera to pick up. “Gamitin mo!”  Dinampot ni Vera ang panibak, pero napakabigat nito.  She aimed it and tried to slice open a shallit near her but it just slipped through her hand and landed far from her. Nang tiningnan ni Vera ang sibak at akmang pupuntahan ito ay noon sya dinamba ng shallit sa leeg.  Si Gervis ang bumato ng ilaw dito at sumabog bago pa nakagat ang dalaga. Sa takot at gulat ay napa-upo si Vera at hindi na lumaban pa sa Dalawang shallit na papalapit ulit sa kanila.  Gabriel was the one who retrieved the weapon ang cut one of the shallit’s head, a small girl around Gabriel’s height. Tinayo ni Gabriel si Vera para makatakbo sila. Sa likod nila ay naroon pa ang isang shallit. Si Salud na ang tumaga dito.  Binabato naman nila Nabeel at Gervis ang mga natatagang shallit na buhay pa rin, nasusunog ito at sumasabog. Nang masigurong wala nang Malapit na kalaban ay mabilis na sinakay ng Dalawa ang tatlo sa kanya-kanyang kasno.  May Ilang markadong namaril sa kanila mula sa malayo pero mabilis na silang nakalayo paalis sa lugar. Nilingon naman ni Salud pinangggalingan nila.  Lalong dumoble ang mga shallit. Kinagat ng isang shallit ang markadong nakasampa sa karuwahe na bumabaril sa kanila. Hinabol sila ni Rudy pero naabutan din ito ng mga shallit at kinagat sa likuran.  Walang makakaligtas sa kanila...ito ang nasa isip ni Salud nang tuluyang mawala sa kanilang paningin ang mga shallit at ang mga kapwa nya ulila. Nang matiyak na ligtas na ay pinatigil ni Nabeel ang kasno.  Bumaba ito at pumunta sa kasno ni Gervis para pababain si Vera. "Anong problema mo?" sinigawan ni Nabeel ang babae. Nagulat naman ito sa inasal ng lalaking nagligtas sa kanila. “Oi.. teka muna sandali…”. Protesta ni Gervis na bumaba na rin sa kasno. "Halika ka nga dito!" Hinatak ni Nabeel si Vera.  “Nabeel!” Tinitigan ni Nabeel si Gervis at sumenyas sa direction nila Salud.  Nakuha naman ni Gervis na kailangan nitong pababain din ang sakay sa kasno para masiguradong hindi itatakas nila Salud ang kanilang sasakyan. "Ito alam mo ba kung ano ito?" Hawak ni Nabeel ang mahabang sandata, sobrang talim nito. Inilagay ni Nabeel sa kamay ni Vera ang puluhan nito.  He went back behind Vera, guide her hands to a large rock and cut it open using the large sword. "Ganyan! Ganyan gamitin ang sandatang ito! Wala kang silbi! Ikamamatay mo na ay wala ka pang ginawa! Daig ka pa ng isang bata!" Pinagsisigawan nito si Vera. Sa tenga mismo ng dalaga tumatama ang sigaw ni Nabeel.  Naiyak si Vera. Totoo naman kasing ang lampa-lampa nya. Hindi nya malaman ang gagawin, hindi sya marunong lumaban. "Nabeel ano ba?!" Kinalas ni Gervis si Nabeel sa babaeng umiiyak. Sumunod si Nabeel pero titig na titig sya sa mukha ni Vera. Inis na inis at disappointed dito. “Alam mo?  Iniisip ko tuloy kung worthy kang iligtas eh.  Halos ikamatay naming lahat, masiguro lang na ligtas ka! Pero wala kang ni katiting na survival instinct.  Duwag ka na, lampa ka pa!” “Nabeel, excuse me!  Don’t be judgmental noh!  You don’t know her.  Di ba gurl hindi ka naman namin kilala?  Sumagot ka!  Sagutin mo sya…dali…laban gurl.”  Sabi ni Gervis na pinipilit maging seryoso pero hindi nya alam kung Paano. "Kung hindi rin naman tayo tumakas doon, siguradong pinagsaluhan na ang katawan natin ng mga shallit. Siguro kung hindi rin dahil sa kanya hindi tayo magkakaroon ng lakas ng loob na tumakas..." Si Salud ang nagsalita. "Wag kang makialam dito!” "Nabeel, malaki ang contribution sa atin ni Salud.  Ikaw, bad boy ka na naman.  Tama na yan, alis na tayo rito…baka may dumating pang kalaban.  Tsaka ihing-ihi na ako, lika na bilis!” Huminga ng malalim si Nabeel. “Wag mo nang awayin si Vera ha.  Sina Salud na ang i-a-angkas ko.” Nabeel and Vera looked at Gervis, obviously protesting. “Hindi na kaya ni Salud ang init ng katawan mo at pati ang init ng ulo mo.  Kahit si Gabriel…masakit ka daw hawakan.” Sumakay na si Nabeel sa kasno. “Sige na Vera ganda, sumbong mo sa akin kapag inaway ka na naman ni bad boy Nabeel.  Sakay na.” Hesitant, Vera has no choice but to approach Nabeel. Iiwan nya ako, sa isip-isip ni Vera na gusto nang maiyak.   Nakasakay na sina Gabriel at Salud sa kasno ni Gervis.  Hinarangan ng taong liwanag ang katawan nya ng balabal para hindi masyadong mainit ang madikit sa mga markadong napapaso na sa balat nya. “Bilisan mo!  Ano? Gusto mo pang abutan tayo dito ng gabi para rufus naman ang kumain sa iyo?!”  Singhal ni Nabeel kay Vera na agad naman inabot ang kamay nya at hinatak sya paakyat sa kasno. “Nireregla na naman ang lolo nyo haist!”  Sigaw ni Gervis saka pinatakbo ang kasno nang masigurong hindi iiwan ni Nabeel si Vera. "Sorry..." bulong ni Vera nang maka-angkas sya sa likod ni Nabeel.  Nabeel became disoriented when he felt Vera’s warm breathe on his nape, sending cold chills to his spine.  Bigla tuloy nyang napatakbo ng marahas ang kasno kaya napayakap ng mahigpit si Vera sa lalaki. Na-bother si Nabeel sa biglang pagkawala ng galit nya.  He clenched his jaws, sighed deeply, and calmed himself for a smooth maneuvering of the kasno. Are you really back?  Tanong ni Nabeel sa sarili sabay hawak sa mga kamay ni Vera na nakayakap sa kanya.  Nagulat ang babae sa paghimas ni Nabeel sa kanyang kamay sabay pagkalas dito. “H..hindi ako makahinga!”  Pinilit ni Nabeel gawing masungit ang boses. “Ohh…sorry po…”. Muling bumulong si Vera at nahanginan na naman nito ang balat ni Nabeel sa leeg. F*ck!  Pinabilis na lang ni Nabeel ang pag-papa-andar sa kasno. ****** “Wag na tayong maingay…”. Bulong ni Vera kay Gervis. “Magkikwento ka pa sa akin…tapos na si bulilit magkwento ng mga drama nya sa buhay…ikaw naman…kasi…” “Matulog na kayo!”  Sigaw ni Nabeel “Ay palakang panot na salot!” Natawa si Vera, sabay Humiga na para magpahinga. ****** "Ang aking ama…”. Caiphaiz started the meeting when everybody is settled in their seats.  Naging alerto ang mga nakikinig. Maging si Salome ay biglang na-tensed sa kinauupuan nito.  Kein, the god of the new world has been sleeping since time immemorial as far as Salome knows.  Ni hindi nya ito nakita, in flesh, kailanman.  Sa piling. kwento ni Khadiz ay nasa isang secured na silid ito na nababalot ng napakatibay na salaming walang pwedeng bumasag.  Even Yzami, with her flair in technology could never hack into the genius of Kein’s secured location. "He's awake!”  “He’s back!”  Sila Azem at Khadiz "Why does she have to be here for that!" Angil ni Lekan, na si Salome ang obvious na tinutukoy. "Quiet!" Pinalo ni Caiphaiz ang lamesa. Hindi man ito nabasag ay rinig ang napakalakas nitong dagundong. Inilabas ni Caiphaiz ang isang lumang aklat. When Salome saw the book of prophesy from her past, the memories sent bitter-sweet taste in her mouth. "Hindi pa rin gising ang ating dyos, pero simula nang mamatay ang puno ng mga Jabezzite warriors ay may mga kaganapang hindi ko maipaliwanag. Ilang araw ang nakararaan ay nagsimulang maging aktibo ang aklat na ito.” Binuksan ni Caiphaiz ang aklat at saka inilagay sa gitna ng lamesa para ipakita sa lahat. Totoo nga, walang pluma pero nagkakasulat ang pahina ng aklat na gawa pa sa matibay na balat ng punong Kolibo, ang punong matatagpuan lamang sa lupain ng Hebron. Pinagpasa-pasahan ng mga kapatid ni Khadiz ang libro, saka ito binigay kay Salome. Nakita ni Salome ang pahina nitong sumusulat. Kulay pula ang tinta, hinawakan nya ito. “The ink is blood." sabi ni Caiphaz. The old prophesies were written in black, now the book is writing on its own, in red. "May nangyayari sa mundo. At ang nilalaman ng librong iyan ang posibleng makapagsabi sa atin kung ano.” "Anong balita sa Hebron?" tanong ni Khadiz kay Azem. In-charge ito sa pagmamanman sa lugar ng mga taong liwanag, pero mga tao ni Lekan ang ginagamit nito para hindi mukhang makikidigma ang mga ito kundi napapadaan lamang. “Nothing much actually.  The light is still getting smaller and weaker.  Slowly for now but not for long…” Natahimik ang lahat. "Well?" Maya-Maya ay muling nagsalita si Caphiaz. Tumingala si Salome, nakatingin sa kanya ang limang pares na mata ng mga bampira. "Can you read it?" Hindi kayang basahin ng mga bampira ang laman ng libro ng propesiyang galing kay Salome. Muling tiningnan ni Salome ang mga fresh na sulat sa libro.  She dabbed her finger in one of the freshly written word before the ink dried out.  She suck on her finger, tasting the blood. Noon sabay-sabay na tumalsik ang mga bampira ng sa isang iglap ay nagliwanag si Salome. Sobrang sakit ng liwanag, tila natamaan ng napakataas na boltahe ng kidlat si Salome. Ngayon lang sya nakaramdam ulit ng init. Daang taon na syang hindi taong liwanag, patay at ubos na ang liwanag sa kanyang katawan. AHHHHHHHH!!!!! Saglit lang ang liwanag pero ang haba ng sigaw ni Salome. Para itong nababaliw habang dala ang aklat at saka nagtatakbo.  She ran inside the castle while the royal vampires followed suit despite being in shock and disoriented.  Napakasakit din ng liwanag na tumama sa kanila.  Aminin ay binalot ng takot sina Lekan at Yzami. “What the f*ck is that?!” “I don’t know… I don’t…”. Lekan just sighed deeply and ran after the screaming Salome. Sa tuktok ng palasyong ni hindi alam ni Salome na nag-e-exist ay natagpuan nya ang napakalaking pintuan. Nang hawakan nya ito ay dinakma sya ni Caiphaiz, pero napakalakas ni Salome. Naitapon nya si Caiphaiz at saka tinulak nito ang pintuan para pwersahing bumukas. "Huwag!" Sigaw ni Caiphaiz mula sa kinabagsakan nya. Inside, everybody saw Kein, sleeping in his glass casket, with cracks on all places.  Salome’s eyes are on the fruit in Kein’s hands.  She screamed when she saw that it changed color. Ngayon ay nakaluhod sya sa harapan ni Salome at namimilipit sa sakit habang Sigaw ng Sigaw.  Muling nag-c***k ang Salaming tumatakip sa Natutulog na si Kein. An invincible energy, fire of some sort, is burning Salome from the inside out.  She opened the book of prophesy that keeps on writing letters that she couldn’t understand.  Sa bawat pagsulat ng libro ay bumabakas ang mga salita sa balat ni Salome na para syang inuukit sa balat nito. Now, Salome is bleeding all over her body.  Screaming in pain, bigla syang napahinto, nanlaki ang mga mata nang makakita ng pamilyar na simbolo sa propesiya. CALEB. Pagkabasa nito ay tinusok ng boltaheng kidlat ang puso ni Salome at saka ito nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD