Vera saw Nabeel’s smiling face when she opened her eyes.
“Good morning.”
Nakakapanibago ang bait ni Nabeel nang mga nakaraang araw simula nang dumating sya sa Hebron. Nakaugalian na nitong daanan sya pagkatapos ng training nila ni Gervis. He'd just say hi or give her something to eat. It's obvious that he, like the rest of the people in Hebron, is trying to make her feel that she belongs.
Napaupo si Vera sa duyan na hinihigaan sa bakuran ng bahay ni Rebekah. Hindi nya akalaing sa Sarap ng hangin ng paligid, dahil sa sobrang daming puno na naglililim sa kanya, ay nakatulog sya ulit matapos mag-almusal.
Ilang gabi na rin kasi syang puyat sa dami ng mga taong dumadalaw sa kanila gabi-gabi. Parang palaging may party. Masaya naman si Vera dahil ang dami nyang natututunan tungkol sa bloodline nya at nakikilalang mga kamag-anak.
With this, she has too many questions that she knows Nabeel can answer. They kept on telling her about Helen and Caleb. Who are they? She remembered what happened last night.
"Posible ba nating ma-trace ang bloodline natin pabalik kay Helen tita?" Tanong ng isang pinsan nila kay Rebekah.
"Ang tatay ni Gervis na ka-bloodline ni Vera ay hanggang kay Nehemias lang pwedeng ma-trace, wala pang 200 years ago."
"S..sino si Nehemias?" tanong ni Vera, gabing-gabi na ay wala pa ring gustong magpatulog sa kanya.
"Isa sya sa gumawa ng Hebron community para madesign itong matibay na fortress ngayon. Magaling syang engineer." Kahit ipaliwanag ay maraming hindi maunawaan si Vera sa mga bagong nalalaman. Ano ang engineer?
"Ilang taon ba ang tracing pabalik sa angkan ni Helen?" Tanong naman ng isa pa.
"Hala sya! Absent ka ba sa school nung tinuro ang history? More than 500 years back."
May school sila, sa isip-isip ni Vera. Pinaliwanag ng ama nya kung ano ang school noong bata pa sya pero wala sila nito sa community na kinalakihan nya.
"Grabe sya! Present ako pero mas nag-concentrate ako sa kwento nila ni Caleb." Kilig na nagtawanan ang mga kabataang babaing ka-edaran ni Vera. Sinaway naman sila ng matatandang naroroon din.
"S..sino si Caleb?" tanong muli ni Vera.
Natahimik ang mga naroroon. Naghihintayan kung sinong sasagot sa tanong ni Vera.
"Lumalalim na ang gabi, nangangalumata na si Vera. Magsi-uwi na kayo para makapagpahinga na sya." Putol ni Rebekah sa usapan.
Kaya naman heto, tanghali na ay antok na antok pa rin sya.
"Anong oras na ba?" tanong nya kay Nabeel.
"Tanghali na sleeping beauty, tulog ka ng tulog." Inabot ni Nabeel ang kamay ni Vera at pinilit nitong itayo ang dalaga.
“Tara, magpaalam ka kay tita Rebekah, may pupuntahan tayo.” May inabot na supot ng damit si Nabeel sa kanya.
“Isuot mo.”
Naalala ni Vera ang rafa na nagbigay rin sa kanya ng damit dati. Hindi naman siguro ako magbibihis sa harapan ni Nabeel di ba?
“Oi ano pang hinihintay mo? Magbihis ka na sa loob at hihintayin kita dito.”
“S..sige…”. Nataranta si Vera, baka magalit na naman si Nabeel sa kanya.
Tiningnan ni Vera ang suot nyang damit, kamukha na sya ng mga taga Hebron, particularly nang isang Jabezzite warrior.
Organic na material ang tela na gawa sa balat ng hayop. Labas ang likod nya sa mala-panyong balabal nya sa harapan. Masarap ito sa kanyang balat, medyo labas lang ang kanyang likod. Paldang maikli na may short sa loob ang pambaba nya, saka mataas na boots na natatakpan ang kanyang binti hanggang tuhod.
Looking at herself in the mirror, she looks the part, but the question is does she have what it takes to be a real Jabezzite warrior? Isang totoong taong liwanag.
Oi, May lason na ang dugo mo! Bulong ng isang maliit na tinig. Sumikdo ang puso ni Vera. Nakaraan na yun, sabay Naalala ang mukha ng amo nyang bampira. May sakit pa rin syang nararamdaman sa puso sa tuwing maaalala nya ito.
Alanganin man ay lumabas ng moog si Vera, habang daan ay lalong nagtinginan ang mga tao sa kanya. She thought wearing the same clothes will make her blend in the crowd, it did the opposite. People may not approach her but she felt them all around, staring at her with deep curiousity in their eyes.
Hiniling nya kay Nabeel na bisitahin si Gabriel sa ilalim ng moog nito. Mukhang masaya naman ang bata. Nagulat sya dahil kahit madilim ay malawak ang palaruan sa ilalim ng lupa at marami itong mga Kalaro.
“Walang bampira at shallit dito ate Vera!” Yun lang ang sinigaw ni Gabriel at naglaro na ito ulit. Nakilala nya rin si Shailo, ang isa sa mga namumuno sa moog ng mga markado.
Sumunod ay naglakad-lakad pa sila ni Nabeel sa Hebron na isa palang napakalawak na kagubatang nagtatago sa loob ng malaking liwanag.
Vera is in awe of everything. The land is so rich and vast that people can sustain themselves with provisions of everything they essentially need.
Food, water, herbal medicines, and secured houses, Hebron has them all. it’s no wonder Caiphaiz desires to rid Hebron of its people soon. It will be his gift to Kein when he awakens.
Higit sa lahat, mga taong malaya. Ito ang meron ang Hebron na wala sa kahit anong bahagi ng mundo. Not all people in Hebron are Jabezzite warriors though. May mga refugees sila na walang taglay na ilaw sa katawan. Mga na-rescue sila galing sa iba’t ibang communities na ayaw magpa-marka o tumakas sa kani-kanilang mga among bampira.
They were given tasks in Hebron to sustain their way of living. Merong Taga-habi ng damit, mga magsasaka, warriors, teachers, nangangalaga ng mga armas, atbp.
Sunod syang dinala ni Nabeel sa training ground ng mga Jabezzite warriors.
“Focus guys!” Sigaw ni Cortez nang mapatulala ang mga ito habang pinanonood sila ni Vera at Nabeel di kalayuan.
Tuwang-tuwa si Vera habang nanonood ng training. Astig! Lalo ang mga babaing warriors na mas bata pa kay Vera pero ang gagaling sa simulation fights.
Nabeel watched Vera and smiled.
“Gusto mo turuan kita?”
“O..o sige…”. Alanganin si Vera, dati na syang tinuruan ni Nabeel pero…
"Naalala mo ito?" Pinakita ni Nabeel kay Vera ang mahabang itak na sobrang talim. Meron itong simbolo ng kagaya ng kwintas nya dati. Tumango si Vera saka nito kinuha ang inaabot na armas ni Nabeel.
Nasa isang sulok sila na malilim, di kalayuan sa mga nag-te-training. Tinuro ni Nabeel kung Paano sinasakbit sa likod ang armas at kung Paano ito mabilis na kinukuha para gamitin sa kalaban.
Matagal bago natutunan ni Vera ang simpleng turo ni Nabeel. Matapos ay umikot sila sa taguan ng mga sandata
"Importante ang armas sa atin, parang asawa mo yan hindi dapat mawawalay sa iyong tabi. Hindi lang kasi bampira ang kalaban natin, minsan may mga tao ring hindi ilaw ang katapat sa labanan.”
With so many weapons in the storage, it felt like Hebron is preparing for war.
Matapos ay bumalik sila sa lilim ng malaking punong kahoy at tinuruan ni Nabeel ang dalaga sa Tamang paggamit ng armas.
“Ulit!” Pawis na pawis si Nabeel. Sobrang hirap turuan ni Vera. She’s not only clumsy but flatfooted too. Frustration is obvious in Nabeel’s expression.
Sinusubukan naman talaga ni Vera, pero wala eh, ang lampa-lampa nya.
"Ulit...ano ang gagawin mo kapag nasa likod mo ang rafa at akmang kakagatin ka sa leeg kagaya nito?" Kunwari ay kakagatin ni Nabeel sa leeg si Vera mula sa likod nito.
Mula sa pagkakatayo ay umupo si Vera at saka hinugot ang maliit na patalim sa suot nitong boots bago ito tumayo para itarak ang patalim sa baba ng nakangangang si Nabeel.
Ginawa ito ni Vera na may kabagalan, kaya sa halip na masaksak si Nabeel sa baba ay nasangga nito ng balikat ang nakangangang si Nabeel na nakagat naman ang sariling dila. Tawanan ang mga nanonood sa hindi kalayuan.
"Sorry... sorry..." Nag-blush ang hiyang-hiyang si Vera.
Hinatak ni Nabeel si Vera palayo at saka sumalampak sa damuhan. Dumura ito ng dugo mula sa dila nya na nasugatan.
Vera is in panic. Nabeel will be mean to her, for sure. She embarrassed him.
"Kumain na muna tayo at magpahinga..." sabi ni Nabeel na hindi nakatingin kay Vera.
Namitas lang sila ng pagkain sa mga halamanan, prutas at mga dahong pwedeng kainin na hindi na niluluto. Matapos ay uminom sila sa rumaragasang malamig na tubig mula sa mataas na talon.
Ngayon lang nakatikim si Vera nang sobrang fresh na tubig. Ang tamis ng lasa nito. Aliw na aliw si Vera sa panonood sa talong rumaragasa papunta sa mahabang ilog.
After eating, Nabeel remained quiet, sitting while watching Vera explore the place.
"Pasensya na talaga... ilang panahon pa at matututo rin ako...promise..." Maya-maya ay sabi ni Vera nang tinabihan na nya si Nabeel.
Huminga si Nabeel ng malalim saka hinarap ang dalaga.
"Hndi issue yung kung matututo ka o hindi Vera. Ang isyu, wala sa laban ang isip mo. Ayaw mo ang ginagawa mo. Darating ang araw na hindi pwedeng hindi ka lalaban, lalo kung buhay mo o buhay ng mga mga mahal mo ang nakasalalay. Lalaban at lalaban ka, kahit na ikamatay mo ito. Yun ang turo sa akin ng tatay ko, di bale nang mamatay ng lumalaban...kesa sumusuko agad..."
Vera learned about Nabeel’s father who died recently as a hero. She remembered her family in Agar and told Rebekah about them. She’s worried that they will be punished for what happened to her in Kamara.
“Pangako, papahanap natin sila at dadalhin dito.” Sabi ni Rebekah, napayakap si Vera dito sa sobrang saya.
"Sabi ni Raju ay magaling na mandirigma ang ama mo, nasa dugo mo dapat ang galing nya. Pero masyado kang sheltered, Nilampa ka ng mga rafa na akala mo ay pumuprotekta sa iyo. Masyado kang duwag at mahina..." patuloy si Nabeel sa pagsasalita. Hindi makakibo si Vera, totoo naman ang mga sinasabi nito.
"Tara!" maya-mayaý mabilis na tumayo si Nabeel na agad sinundan ni Vera.
It is already noon when they came across an isolated shelter.
"Saan tayo pupunta Nabeel?
"Basta tandaan mo ang mga tinuro ko sa iyo..."
Pumasok si Nabeel sa madilim na shelter kasunod ni Vera. Napatakip ng ilong si Vera sa baho ng lugar. She is now walking ahead of Nabeel.
"Tandaan mo ang mga tinuro ko sa iyo ha..." sabay tulak ni Nabeel ng mahina kay Vera. Saka narinig ni Vera ang kalampag ng rehas. Humarap sya kay Nabeel, kinakandado nito ang rehas kung saan nakakulong si Vera.
"Nabeel! Nabeel! Buksan mo ito pakiusap!" takot na takot na nagsisigaw si Vera.
"Sa likod mo Vera! Alerto ka!”
Tumalikod si Vera kay Nabeel pasandal sa rehas ng kulungan.
She adjusted her eyes in the dark and then the roof moved allowing sunlight to peek in. Nasilaw si Vera, pati ang shallit na nasa harapan nya.
"Nabeel! Nabeel! Buksan mo ito parang awa mo na..." Umiiyak na si Vera sabay harap kay Nabeel na hindi na nya makita sa dilim. Pilit nyang binubuksan ang nakasaradong rehas.
Papalapit naman kay Vera ang naaagnas at inuuod na bangkay. Halatang na-excite ito sa pagdating ng fresh na pagkain.
"Gamitin mo ang armas mo Vera." Tinig ni Nabeel mula sa di kalayuan.
Inangat ni Vera ang mabigat na armas mula sa kanyang likod saka hinarap ang shallit.
Then her mind went blank. So she moves round and round along with the shallit who is just following her move in circle.
Nabeel kept on teaching her, screaming what to do but she couldn’t even move the weapon in her hands. Tarantang-taranta sya. Habang tumatagal ay lalong nagngangalit sa gutom at pagkahayok ang shallit.
Sa isang amba ni Vera ng armas ay naitabig ito ng shallit na naging dahilan ng pagbagsak nito sa lupa. Mabilis na dinamba ni Vera ang armas making an opening for the shallit to grab her from behind.
Isang malaking pagkakamaling pagsisisihan ni Nabeel sa matagal na panaho. Dahil nawalan ng depensa ang dalaga nang tinalikuran nito ang shallit , sa isang iglap ay dinamba ng halimaw ang likuran ng dalaga.
"V..vera! HINDI!" May takot sa sigaw ni Nabeel.