Mga bandang 10 ay hinatid na ko ni Christ pauwi ng bahay. Tinext ko na lang si Kuya na kay Christ ako sumabay dahil ang totoo ay ayoko din kasi munang maka sabay si Kuya sa iisang kotse. Alam niyo naman kung bakit diba? Haaayyysss. Biglang na-alala ko na naman yung mga nalaman ko kaya naman hindi ko mapigilan ang makaramdam ng lungkot at sakit. "Good night baby. Sorry kung hindi na ko mag tatagal huh, bibisitahin ko pa kasi si Luke sa ospital ngayon ehh."sabi sa'kin ni Christ nang ihatid niya na ako dito sa harapan ng gate gate ng bahay. Oo nga pala si Luke. "Sasama ako."mabilis na sabi ko sa kanya. Gusto ko din kasing makita si Luke dahil hindi nga ako nakabisita sa kanya kahapon. "Wag na, mag pa hinga ka na lang baby. Babalitaan na lang kita kung ano na ang kalagayan niya