LEIFER's POV "Anong balak mo?"tanong sa'kin ni Calvin, siya ang bampira na taga sunod ko. Siya yung naka bungguan noon ni Summer sa may restaurant . Actually ang nag mamay ari sa kanya ay ang Dad ko. Nang maka punta ako sa kaharian ng mga bampira, doon ko nalaman na ang Dad ko pala ay isa sa pinaka magaling na mandirigmang bampira. At nasabi niya sa'kin na kaya pala hindi na naka balik si Dad kay Mom ay dahil namatay ito sa pakikipag laban sa mga itim na bampira. Simula noon ay naging tagasunod ko na rin si Calvin bilang kapalit ni Dad. "Wala na kong dapat ikabahala Calvin, alam na ni Summer na isa akong bampira kaya para saan pa ang pag papanggap ko."sabi ko sa kanya. "Kung ganon, aagawin mo ba siya sa kapatid mo?"tanong pa nito. "Bakit ko naman gagawin yun? Alam ko naman na panan