Putik❗

1715 Words
ISAGANI NAGLALAKAD na kami ng sabay ni Jimmy papunta sa mansyon ng mga Rue. Sa totoo lang maraming kawaksi ang mga ilag na pumunta sa mansyon ng mga Rue, dahil sa takot o asiwang-asiwa na makita at matitigan ng Donya Nene. Si Donya Nene kasi ay malayong malayo sa ugali ng anak nitong si Sir Loreto na ubod bait at patas sa lahat ng mga tauhan nito. Medyo malayo kasi ang mansyon ng mga Rue kaya maaga kaming lumakad ni Jimmy. Sa kalapit na lang na lugar kami maghihintay ng oras para hindi na kami mahuli. Sigurado naman na paghahanayin kami doon ayon sa kung saan kami kasama na trabahante. Habang naglalakad kami ni Jimmy ay tuloy lang sa pagkukwento ng huli tungkol sa pagkain na gusto niyang matikman mula sa handa ng mga Rue. Para sa akin naman ay may hatid na kurot ‘yun sa puso ko, dahil para bang kung sa ibang tao ang makakarinig noon ay lalabas na mga patay gutom kaming lahat. Medyo maputik din ang daan ngayon dahil sa may katagalan na ulan kagabi kaya naman marahan lang ang pag-usad ng lakad namin ni Jimmy ng biglang may rumaragasa na raptor ang dumaan sa amin. Natumba si Jimmy sa lusak, samantalang ako naman ay halos maligo na sa tubig na may halong putik. Huminto naman din ang sasakyan sa hindi kalayuan, pero hindi bumaba ang sakay nito. Bagkus ay may inilaglag lang ito na ilang mga papel nasa tingin ko ay pera bago muli na ring sumibad na paalis ng ubod bilis. Hindi ko naman maintindihan ang sarili ko sa mga sandaling ito, kung bakit ba tila na bastos ako ng kung sino mang tao na nagmamaneho ng raptor na ‘yun! Sa hugis naman ng kamay niya na natanawan ko mula dito sa pwesto ko at alam ko na agad na isang babae ang driver ng sasakyan, lalo pa’t kitang kita ang pagka-pino at puti ng balat niya na halos magbigay liwanag sa kulimlim na panahon. Matagal na matagal pala akong nababad ng tingin sa nakalayo ng sasakyan ng nagpaligo sa amin ng putik, bago ako na balik sa aking ulirat ng napansin ko si Jimmy na may ilang lilibuhin na binibilang. Masakit man sa aking pride pero tatanggapin na lang namin ang pera dahil lahat kami ay nangangailangan nito. " Huwag lang magkukrus ang landas natin at bibigyan kita ng tamang aral paano makibagay sa tao, may pera man o dukha!” Bulong na sabi ko sa aking sarili. Mabuti na lang at sigurista rin kami ni Jimmy, dahil may mga dala kaming damit na extra bihisan. Naisip kasi namin na baka manghingi ng tulong si Sir Loreto para sa pag-iimis ng mga maiiwang kalat mula sa okasyon. “ Hoy! Pare tag 2,500 tayo ah! Limang libo kasi ang iniwan na pera, medyo may putik lang pero pera pa rin naman ito. Ilan pa kaya ang dadaan na ganito ay willing akong maligo paulit-ulit ng putik.” Biglang sabi ni Jimmy na panay bilang at punas sa perang nalagyan ng mga putik. Tama siya easy money ang dumating sa amin pero hindi ko gusto ang ideyang ganun. Siguro ay sadyang pagod na si Jimmy kumayod ng sobra pero kulang at kulang pa rin. Napatingin naman ako sa perang hawak niya, saka ko na tanong ang sarili ko kung hanggang doon na lang ba talaga ang halaga namin sa tuwing naaabala o maa-agrabyado kami ng mayaman na mga tao? Bago pa kung saan mapunta ang isip ko ay pinili ko lang na mabilis iwaglit ang mga isipin tungkol sa pagkwenta ng halaga namin bilang mahirap na tao. “ Dalawang libo na lang ang sa akin Pare, alam ko namang mas kailangan mo ang pera. Ibili mo ng gamot ni Nana Tessie ang limang daan na para na sa akin pa sana. Pero mamaya na natin ‘yan atupagin, itabi mo muna ang pera at baka mawala pa sa pag-uwi nalang natin partihin!” Seryosong sabi ko sa kaibigan ko na mabilis naman na tumango at tinago ang perang hawak nito. Salaula nga lang si Jimmy dahil sa brief nito na may tahing maliit na bulsa isiningit ang pera. “ Salamat pare! Wag kang mag alala safe na safe ang pera natin dahil bantay ang agila ko na sadyang bumabaon sa basang basa na kweba!” Yabang na hirit ni Jimmy sa akin. Napailing na lang ako bago muling nagsimula ng maglakad ulit. Mabuti na lang may maliit na sapa kaming madadaanan pa kaya doon na lang kami maglilinis ng mga katawan naming na putikan. ********************************** “ What?! D-daddy naman e!” Tanging nasabi ko sa aking ama ng tumawag ito sa akin habang nasa byahe ako. Sakay ako ng raptor na regalo ng mga Tito ko sa akin. See, hindi naman purita ang lahi ng aking Ina diba! Nang nasabi ko ang angal ko sa aking ama na nakinig lang ay pinatay ko na ang phone ko. Hindi ako makapaniwala na kailangan ko palang paspasan ang biyahe ko dahil may inihanda palang salu-salo ang aking ama kasama ang mga tauhan nito. Naiinis kasi ako lalo na kapag binibigla ako, pero natutuwa rin naman ako at the same time na proud si Dad na ipakilala ako sa mga taong dahilan ng paglago ng mga negosyo nila. Ang kinaiinisan ko lang ay sana mas sinabi nito ng maaga ang plano ng sa ganun ay hindi ako nag-moment sa daan. Nang marating ko na ng bungad ng Calaca ay napansin ko na hindi pa pala lahat ng kalsada dito ay sementado, mabuti na lang at ang ginamit ko na sasakyan ay ang raptor ko. Muling umilaw ang cellphone ko para sa isang text message from my father. Daddy : I’m sorry Princess kung mali ang ginawa ko. I’m just too excited to announce that my precious daughter was finally home. Drive safe, Princess. We are all willing to wait for you. I love you anak ko. Nang mabasa ko ang mensahe ng aking ama ay ilang sunod-sunod na buntong hininga ang pinakawalan ko. May impact kasi sa akin ang mga salitang ginagamit niya. Siguro nga ako lang ang nape-pressure sa meetup na ito namin ng aking ama. Sa totoo lang hindi ko alam paano ko ito babatiin oras na magkaharap na kami? Dahil sa tindi ng isipin ko ay hindi ko namalayan na napabilis pala ang takbo ng kotse ko kaya naman ragasa akong napadaan sa uka ng lupa na may ipon na tubig. Natakot naman ako agad ng makita ko na ang isang lalaki ay natumba samantalang ang isa naman ay halos na ligo na ng putik. Nagtatalo ang isip ko sa dapat kong gawin lalo’t nag-iisa lang ako at babae pa kaya naman sinipat ko sa side mirror ang lalaking naiwang nakatayo at tila ba ng masalubong ng mga mata ko ang mga mata ng lalaki sa side mirror ay biglang sumingid ang kilabot sa akin. Kakaibang hatak ang tumama sa akin ng mas parang lumalamin ang tingin ng lalaki sa akin hindi man rekta dahil sa salamin lang. Ilang kurap pa ang sunod-sunod na ginawa ko bago ako natalimuanan tsaka dumukot ng pera sa bag ko. Limang libo ang inihulog ko tsaka ko muling pinasibad ang sasakyan ko. Mali man ang asal ko na ’yun ay wala akong ibang pagpipilian. Alam ko naman na mali dahil parang binili ko lang ang pag-ayos sa atraso ko sa kanila. Ilang minuto lang naman ang lumipas ay natanaw ko na ang malaking arko na nagsasabing nasa bungad na ako ng mansyon ng isa sa pinaka-mayaman at makapangyarihan na angkan sa buong Calabarzon na walang iba kundi ang mga Rue. Isa rin akong Rue pero nanliliit ako habang dinadaanan ko ang mga lugar na bahagi ng pag-aari ng aking ama at lola. Nang ihinto ko na ang sasakyan ay agad lumapit ang lalaking naging unang kabiguan ko, walang iba kundi ang aking ama. Ilang minuto na itong nakatayo sa gilid ng sasakyan ko pero hindi ko magawang lumabas. Nanginginig ang labi ko at unti-unti na ring nag-uunahan na bumagsak ang mga luha ko, hanggang sa kumatok na ang aking ama kaya naman wala na akong magawa kundi bumaba na lang at harapin na ito. Sinalubong naman ako agad ni Loreto Rue ng mahigpit na yakap. Yakap na bago lang lahat sa akin pero masarap ang hatid na kapanatagan sa loob ko. Inakay ako ng aking ama hanggang sa lugar kung saan naroon ang gaganaping salu-salo. Wala ang Lola ko ngayon dito dahil nasa isang mas importante na event ito. Ano bang aasahan ko e, hindi naman ako importante sa pamilya nila? Isa isang dumating ang mga tauhan ng aking ama. Nang halos naroon ng ang lahat ay nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na lalaki na halos lamunin na ako sa paraan ng pag-tingin sa aking kabuuan. Kakaiba na naman na damdamin ang biglang sumalakay sa akin ng tumagal ang mapanuring tingin ng lalaki. Pero ng biglang ngumisi ito sa akin ay parang iglap lang ay dinala niya ako sa mundong kami lang ang nakakakita at maaaring makarating. “ LV, focus! Focus! Hindi pwedeng mag dilang anghel si Mommy. No! Hindi ako makukuha sa ganyang tingin lang!” Bulong at kastigo ko sa sarili ko ng paulit-ulit, pero mula sa simula hanggang kalagitnaan ng pagsasalo-salo ay hindi na ako natilihan, lalo pa ng marinig ko ng hindi sinasadya ang maharot na pagtawag ng babaeng balot na balot ang suot pero kating kati naman na ang dating ng pananalita sa lalaking na liguan ko ng putik sa kanyang pangalan. “ Gani! Bisitahin kita mamaya ah, kukunin ko na ang second round!” Malandi at eksaktong sinabi ng babae sa tinawag nitong Gani. Ilang ulit kong binigkas sa isip ko ang pangalan ng lalaki at hindi ko namalayan na napangiti na pala ako, dahil sa na kawilihan kong pagbigkas sa utak ko ng pangalang Gani. Natauhan lang naman ako ng magkahulihan kami tingin ng lalaki na mayroon na namang nakakalokong ngisi sa labi. At dahil ako si LV ay hindi ako papatalo kaya naman isang pamatay irap at tingin ng pangungutya ang pinakawalan ko na ikinagulat naman ng lalaki. Sa punto na ito ay panalo na ako kaya naman walang sabi-sabi na tumalikod na ako sa lalaki at hindi na muling nilingon pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD