Lynette Vanna Rue ❗

2110 Words
MISS LV MULI naman akong napatitig sa cellphone ko na tumutunog na naman. Ilang beses na ba akong tinawagan ng aking ama sa loob ng isang oras na dumaan. Actually ilang araw na itong tawag ng tawag sa akin at pinipilit na akong sa puder niya na muna manirahan. Na buhay ako sa loob ng maraming taon na puno ng kalituhan dahil sa uri ng setup ng mga magulang ko. Habang nagkakaisip ako doon ko lang naunawaan na kaya hindi sila magkasama ay dahil hindi maaaring maging pamilya kami. My father married another woman just because my grandmother doesn't want my mother to be part of their family. Hindi sapat ang kakayahan o estado ng buhay ng pamilya ng aking Ina para pumasok sa itinalagang standard ng lola ko. Hindi ko alam kung swerte o malas ba na maituturing na hindi nagka-anak ang aking ama sa asawa niyang yumao na rin naman. Ngayon kasi ay ako ang ginugulo ng lalaki para umuwi sa lugar kung saan napapalibutan ng mga puno, lupa at mga hayop. Para bang ganun kadali lang silang tanggapin at papasukin sa buhay ko. Mayaman ang mga Rue, ay mali pala sobrang yaman ng mga Rue in different term of wealthiness. Isa na rin ‘yun sa mga dahilan nila kaya pinili na lang nila na doon sa probinsya manatali at manirahan. Sabagay naroon din ang lahat halos ng negosyo nila. Kilalang matapobre pa sa lahat ng matapobre ang lola ko na Ina ng aking ama. Malala kasi lagi ang duda niya sa mga kapwa tao niya, tipong akala niya ay laging nanakawan siya. Ewan ko ba, kung bakit kaming dalawa pa ang naging magkamukha. Sa kwento palang ng Mommy ko ay naiinis na agad ako sa matanda. Kapag ganun naman ang reaksyon ko ay tatawa lang ang Mommy ko lalo na't mas nagiging kamukha ko daw si Lola. Sabi ng Mommy ay bigyan ko ng chance si Dad. Alam ko at dama ko na si Dad lang ang minahal ni Mommy kaya nga walang lalaking na link sa kanya dahil sa tindi ng pag-iwas ni Mom para siguro sa assurance ni Dad. Sabi naman ng mga Tito ko na mga tsimoso ay lihim daw na nagtatagpo ang aking Ama at Ina sapul palang ng musmos ako. Hinayaan na lang daw nila dahil masaya naman ang kanilang nag iisang kapatid na babae. Ilang sunod-sunod na mga buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko dinampot ang cellphone ko sabay pindot sa answer button. “ Thank God! Princess, Daddy is so happy because finally you answered my call!” Bungad ng ama ko sa akin ng sagutin ko ang tawag niya sa akin. Sa isip ko ay gusto kong magwala at sumigaw. The way he speaks seems like he loves me so much. Sa. Buong buhay ko mga Tito ko lang ang naging ama ko. Nakikiamot ako sa pagmamahal nila na dapat naman ay hindi dahil may sarili akong Ama. Solong anak nga ako at apo sa pamilya ng mga Rue pero buong buhay ko parang ulila ako sa ama. “ Anak nakausap ko na ang Mommy mo—ikaw na lang ang hindi. Alam kong marami akong kamalian at pagkukulang sa'yo kaya nga ngayon ay gusto kong bumawi sa’yo Lynette. Sana pagbigyan mo si Daddy! Sana pumunta ka sa lugar kung saan namin binuo ng Mommy mo ang mga pangarap namin pati na rin ang pagmamahal namin sa isa't isa na ikaw ang naging bunga!” Puno ng panunuyo na sabi ng aking Ama sa akin. Gusto kong sumagot.na anong pangarap ba ang natupad nila kaso ay pinili ko na manahimik na lang. Kung alam niya lang noon pa ang bawat himutok ko dahil sa kulang ang magulang ko ay baka hindi siya makaasta ng ganito sa akin. Gusto kong mag wrant sa kanya sa mga naipon kong tanong at sama ng loob pero hindi ko magawa, anak pa rin ako na dapat rumespeto. Nagwawala naman na rin sa mga oras na ito sa ulo ko ang mga rebeldeng pagkatao ko na pilit kong sinusupil na wag madominahan ako. “ No Dad! Ayoko. Ayokong pagbigyan ka. Hindi ako kukuha ng panibagong sakit at kabiguan sa buhay ko!” Sigaw ng isip ko pero hindi ko na isanatinig. Gusto ko rin naman kasing magkaroon ng ama o alaala kasama ang aking ama. Wala naman sigurong masama na subukan kong silipin ang dahilan kung bakit may isang Lynette Vanna Rue na nag-exist sa mundo. Gusto ko ring malaman kung makulay nga ba ang naging pagmamahalan nilang dalawa? Kung totoo nga ba na pwedeng magmahal ang isang tao kahit hindi mo nakakasama o nakakapiling ito? Hindi kasi ako naniniwala sa mahika ng pag-ibig. Sa edad ko na bente singko ni isa ay wala akong naging nobyo pero maraming kung anong imahinasyong sekswal ang nais kong malaman na kung minsan ay nagagawa ko na lang bigla, para lang maibsan ang paghahanap ko ng atensyon mula sa ibang kasarian. Hindi naman ako man hater pero duda talaga ako lagi sa pakay ng mga lalaki sa tulad kong isang babae. Panakot ko na ang pagiging astig ko at palaban na sa pagdaan ng taon ay nakasanayan ko. Sa ngayon naman ay wala pa akong trabaho na alam kong may kinalaman ang Mommy ko kaya nawala sa akin ang chance na umakyat ng posisyon. But that's okay! Tama na rin ito para makapahinga ako. Para nga ba saan ang pagpupursige ko? “ Anak, are you still there? Huwag kang mag alala maghihintay ako kung kailan ka handa prinsesa ko–!” Natauhan naman akong bigla ng marinig ko si Daddy. Nilamon na pala ako ng kung anong kaisipan at nakalimutan ko na mag kausap pa pala kami. Agad ko namang pinutol na ang kanyang mga sinasabi. Siguro panahon na nga para ma meet and greet ko rin ang lola kong tigresa na sabi ng Mommy ko ay pinagmanahan ko. Nga lang ay hindi daw ako matapobre at marunong akong makibagay sa iba. “ D-dad b-bukas po ng umaga ako babyahe papunta ng Calaca. Sige po subukan ko po/natin na kilalanin ang isa't isa.” Parang pangangapusan na ako ng hininga kaya mabilis kong dinerekta na lang ang sasabihin ko sa Daddy ko. Hirap akong banggitin ang pangalan niya maging ang pagtawag ng Daddy ay naaasiwa rin ako. Akala ko ay sa pelikula lang nangyayari ang mga ganun, lalo na drama pero totoo pala na sobrang hirap malagay sa tulad nito na sitwasyon. “ Oh Jesus Christ! You made me so happy Lynette. Sisiguraduhin ko anak na magugustuhan mo dito sa atin. Malawak ang nasasakupan nating lupa dito, mayroon din sa Cavite. Hihintayin kita anak. Hindi na lang sa larawan kita makikita kundi sa personal na rin. Mahal na mahal kita anak!” Mabilis at puno ng sigla ang simula na pagsasalita ng aking ama na nauwi sa karalgal na tono. Noon pa man ni minsan hindi kami nagkita ng personal ng aking ama. Ako naman ang may deperensya. Ayaw ko siyang makita lalo't alam ko na hindi naman niya bubuuin ang pamilya namin. Ako ang lumayo dahil sa ayokong masaktan at umasa sa malabong mangyari. Tila ba may pinong kurot din na dumiin sa puso ko ng sabihin ng aking ama na mahal niya ako. Gusto kong damhin pero lamang ang pag-aalinlangan. “ Sige po D-dad! Susubukan ko po pero ayokong mangako!” Tila sumusuko naman na sagot ko sa aking ama. Parang biglang naubos ang lakas ko. Muling may mga sinabi si Dad sa akin ngunit hindi ko na lubos na naunawaan dahil nga sa biglang pagbayo ng iba't ibang uri ng isipin at damdamin na biglang nag-salimbayan sa akin ng tanggapin ko ang pakiusap ng aking ama. Namatay na lang ang cellphone ko ng hindi na ako nakapag-paalam sa aking kausap. Nagulat pa ako ng may pumahid ng mukha ko. Hindi ko pala namalayan na masagana ng tumutulo ang mga luha ko. Luha na hindi ko batid ang tuwirang dahilan. “ Proud of you always and forever! Masaya ako na susubukan mo anak. Malay mo naroon pala ang lalaking magpapakabog ng puso mo!” Biglang sabi ni Mommy ng paupuin ako nito na sinundan din naman niya agad. Nasa garden ako ng oras na tumawag ang aking ama. “ No way Mom! Tama ng isang ale at ano ga ang naka-bingwit sa tilapiang manilenya. You know that I don't believe in love and commitments.” Balik sa na sabi ko sa aking Ina na biglang lumungkot ang magandang mukha. “ Lintik ka LV minsan hindi ka nag-iisip!” Bulyaw ko sa isip ko. Ayaw ko naman naisipin ni Mom na sila ang dahilan bakit ganun ang desisyon ko o set mind ko kahit panga isa rin sila sa dahilan kaya ganun ako mag isip. “ I'm sorry LV! Pasensya ka na kung basta na lang akong nakuntento sa kayang ibigay ng Dad mo sa akin. Siguro ganun talaga ang totoong nagmamahal. Hanggang ngayon pa rin naman kahit malayo kami at minsan lang magkita ay napatunayan ko na labis-labis kong minahal at mamahalin pa ang iyong ama. I'm sorry anak hindi ko ginusto ito pero parang sadyang ito ang nakaukol para sa amin ng ama mo!” Maluha-luha na sabi ni Mommy sa akin. I felt guilty. Alam ko naman na hindi niya ginusto iyon. Sa totoo lang hindi ako takot magmahal ang kinatatakutan ko ay ang malulong ako sa pagmamahal na hindi naman masusuklian ng husto pabalik. Pero sa nakikita ko masaya naman ang aking Ina. Siguro lagpas ulap nga ang pagmamahal niya kay Dad kaya nakayanan niya ang ganun. “ LV, anak malakas ang kutob ko na nasa Calaca ang magpapalambot ng puso mo at magpapabago ng pananaw mo tungkol sa pag-ibig.” Muling hirit ni Mom na ikinasimangot ko pero tinawanan niya naman. “ Mark my word LV, tingin ko naroon ang lalaking magpapaluwag ng pundilyo ng panty mo at kusang magpapabuka ng mga hita mo para makapasok siya sa langit mo. Langit na paulit-ulit mong papangarapin na makamit kasama ang mamahalin mong lalaki. I trust you and I will always support you anak!” Hindi talaga mawawala kay Mom ang pagkausap sa akin na parang tropa lang kami. Hindi na ako sumagot pero hindi ibig sabihin noo ay hindi ako kontra sa sinabi niya. Pupunta ako sa Calaca para sa aking ama at para kilalanin ang pinagmulan ng ganda ko na taglay pati na rin alindog na minsan ay kinaiinisan ko na, dahil laging hagad ng tingin na may pagnanasa ng karamihan. Nagpatuloy ang kwentuhan namin ng aking Ina na puno ng kulitan. Alam kong inaaliw niya lang ako dahil gusto niyang magkalapit kami ng aking ama. Bulag, pipe at bingi nga talaga ang tunay na umiibig. Napatunayan ‘yan ni Mom. SAMANTALA “ Gani! Pare, may balita ako sa'yo!” Napalingon ako sa taong malayo palang ay tumatawag na sa akin. Alam kong malayo pa ito dahil sa ugong na umalingawngaw. Nasa isla kami na konektado naman mismo sa bayan ng Calaca. Naging Isla lang kami kung ituring dahil iilan lang naman ang naninirahan at nagagawi dito. Ilog na may kahalong tubig dagat ang maliit na pumapagitna sa bayan ng Calaca at sa Isla na tinitirahan namin. Nasa bahay lang naman ako ngayon dahil hindi pa naman hahango ng uling, mainam ito para magawa ko ang ibang responsibilidad ko sa bahay. “ Gani!! S-sabi ni Boss ay kumbidado tayo sa handaan nila bukas. Darating daw ang kaisa-isang anak niya. Wag ka ng magtanong basta may anak siya. Makakatsibog na naman ng masarap. Mamamantika na naman pihado ang mga nguso natin!” Excited na sabi ni Jimmy sa akin. Kahit hingal na hingal ay sayang saya ang loko. Siguro kasi nga ay sobrang saya ang maimbitahan ng mga Rue sa katulad namin ni Jimmy. “ Pare, wag kang tatanggi kasi lahat daw tayo ay dapat naroon dahil ipapakilala tayo sa anak niyang babae ng sa ganun ay kung makita natin ito ay kilala na agad natin ang babae. Siguro ay kung baga sa gipitan ay matutulungan natin—” “ Oo na! Sasama na ako!” Tipid na sagot ko kay Jimmy na ikinasipol nito ng malakas sabay takbo paalis. “ Pare wala ng bawian ah.” Hiyaw ni Jimmy ng makalayo na tinanguan ko lang. Pakikisama rin naman ang pagdalo ko lalo't amo namin ang nag-imbita. Nagpatuloy na lang ako ng ginagawa ko para naman bukas pagbalik ko sa trabaho ay maayos na ang lahat ng kailangan ng Lola Lumeng ko. Masaya akong gawin ang mga bagay na ito para sa taong hindi nagdalawang isip na kalingain ang sanggol na inanod lang ng tubig. Ang sanggol na si Isagani.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD