LV
MATAPOS ang naging eksena sa pagitan namin ng lalaking, Gani pala ang pangalan ay hindi ko na kailanman tiningnan pa ang lalaki. Umasta akong hindi ko siya nakikita kahit alam ko na sinusulyapan niya ako. Sa asta naman ng mga babae dito akala mo naman ay nak-jackpot sila lalaking iyon. Oo nga at may katawan, tangkad at itsura ang lalaki e, mapapakinabangan ba ‘yan sa kama. Meron naman mga lalaking gwapo, matangkad at may itsura na kadunggot lang ang utèn. Sa bagay ay mangilan-ngilan lang ang tulad ng itsura ni Gani sa lugar na ito o baka nga siya lang ang ganyan kaya sobrang famous siya sa mga babaeng mga balot na balot nga ng damit at saya na mga suot nila pero mga nuknukan naman ng mga lantod. Naamoy ko sila sobra. Amg sang-sang amoy panghe. Nagpatuloy naman ang salo-salo at lahat ay masaya, dama ko na madali at magaling silang pakisamahan o makisama lahat. Nakikipag-biruan man sila sa aking ama ay naroon pa rin ang buong buo na paggalang nila sa huli. Nakakaaliw silang kasama, ganito din kasi ang mga Tito ko mag ingay at tumawa. Lowkey ang pamilya ng aking Ina kaya sana’y na sana’y kaming makibagay o halubilo sa lahat ng klase ng estado ng mga tao. Ang Lola ko lang naman sa side ng aking ama ang feeling masyado na may dugong bughaw kaya hindi nag-fit in ang aking Ina. Inabot ng tanghalian ang naging salo-salo lahat ay masaya kahit simpleng kainan lang ang ganap. Masaya ako dahil kita ko rin na kung ano ang paggalang nila sa aking ama ay ganun din ang binibigay nila sa akin. In-anunsyo naman din ng aking Ama na bukas na lang sila papasok sa mga trabaho nila pero bayad ang araw na ito. Lahat naman ay mas lubos na natuwa dahil doon. Pero ang ikinagulat ko ay ang mag paiwan ang karamihan sa kanila para, sila na rin daw msimo ang mag imis ng mga kalat na naiwan ng pagsasalo-salo. Ganun pala sila makisama, magpahalaga at maging tumanaw ng utang na loob. Matapos ang salo-salo ay pumanhik naman na ako sa taas ng mansyon ayon na rin sa nais ng aking ama.
Pero mula naman doon ay pinapanood ko sila sa kanilang ginagawa. Sobrang liliksi nila kumilos lahat. Nasa balkonahe naman ako ng aking magiging silid habang naririto ako, tila ba lahat ng tao dito ay magkakilala lahat. Hindi ko mapigilan ang mapangiti, ibang iba talaga ang buhay sa probinsya kumpara sa syudad.
Nang magawi naman ang tingin ko sa mga nagkakarga ng mga upuan at lamesa sa truck ay halos mandilat ang mga mata ko at parang biglang nanuyot din ang lalamunan ko. Hubad baro si Gani habang pasan-pasan ang tingin ko ay nasa sampo na mono block na mga upuan. Banat na banat ang mga ugat niya sa braso at halos pumutok naman na ang kanyang muscle sa sobrang pwersa. Siguro kaya malaki ang katawan niya ay sanay sa buhatan. Nako wag naman sanang luslusan ang isang ito, kawawa naman gadunggot na utèn niya tapos ang itlog baka isang kilo.
“ LV! Tama na!” Hiyaw ng utak ko sa akin kaya naman natigilan ako sa mga iniisip ko. Bakit ba parang naging ibang tao ako bigla mula ng dumating ako dito? Bigla naman akong na conscious sa hindi ko mawaring dahilan. Pakiramdam ko kasi ay may nanonood sa akin. At ng hanapin ko naman kung sino ay kitang kita ko mula sa baba kung paano ako sibatin ng masamang tingin ni Gani, ng pinakatitigan ko na ang lalaki ay napansin ko na palipat-lipat ito ng tingin sa akin sa raptor na sasakyan ko.
“ Patay!” Bulong ko sa sarili ng tumimo sa isip ko ang naging galaw ni Gani. Mukhang alam na agad ng lalaking ito na ako ang kaskaserang driver kanina. Hindi ko man sinasadya ang nangyari at alam ko din naman na mali ko din talaga ‘yun pati ang naging aksyon ko. Hindi naman sa gina-justify ko ang reaksyon ko kanina pero na takot ako lalo't lalaki sila tapos babae aki at mag isa lang. Nakita ko man na ilang ulit pang tinitigan ni Gani ang kotse ko bago ito sunod-sunod na umiling at tsaka muling itinuloy ang ginagawa niyang paghahakot ng mga gamit. Sabi ni Dad ay ibabalik ito sa budega sa kabilang barangay doon kasi ang taguan ng mga gamit nila pang okasyon. Ayaw na ayaw daw kasi ni Lola ng kalat sa bahay na ito. Napakalaki ng lugar na sobra sa masyon, edi sana ay nagpagawa na lang ng bodega dito. Pero sadyang maarte nga siguro ang Lola, baka iniisip ng huli ay makakasira sa view ng kanyang mala palasyo na tahanan ang isang bodega. Malayong malayo ang pamumuhay ko na nagisnan sa piling Ina ko kumpara sa pamumuhay nina Lola dito. Among amo ang tingin ng lahat sa kanya, tipong langit si Lola at alikabok ang mga tauhan niya. Dahil sa naging isipin ko ay parang nawala ako sa mood idagdag pa ba alam na ni Gani na ako ang may atraso sa kanila, baka nga nagsusumbong na ‘yun sa aking ama. Mas mabuting pang pumasok na lang ako sa loob at magpahinga na lang muna bago ako first-time ma sermonan ng aking ama. Patas kasi ito sa lahat maging mga tauhan man ‘yan o ano pa man, d'yan kilala si Loreto Rue. Tatak na ‘yun ng aking ama, doon siya tanyag hindi tulad kay Lola na tanyag sa pagiging matapobre. Kung sakali naman na mapagalitan o mapagsabihan man ako ay tanggap ko naman ng buong puso dahil mali nga naman ako, mali ang ginawa ko. Pero sana maisip nila na babae kasi ako kaya ganun ang naging akto ko.
SAMANTALA
Hindi ko maiwasan na mapailing at mapamura sa loob ko sa mga oras na ito, dahil sa nakita ko lang naman ang raptor na sasakyan na halos lunurin ako sa putik at si Jimmy naman ay tuluyan lumublob sa putikan. Mukhang alam ko na agad kung kaninong sasakyan ito. Naiinis ako pero nauunawaan ko na baka nga na takot siya. Pero sa tingin ko alam naman niya na kami ang na disgrasya at perwisyo niya kanina. Nang mapatingala ako ay nakita ang babae na anak ni Sir Loreto, taglay niya ang gandang walang katulad na kahit sinong babae na taga-rito, siguro ay dahil laking syudad ito kaya ganun ang ganda at kutis. Pinahalata ko sa babae ang pagtitig ko sa kanya at sasakyan niya. Mukhang alam niya na agad ang ibig kong ipahiwatig. Wala namang akong gagawin sa kanya gusto ko lang na malaman niya na kilala ko siya at umaasa na humingi siya ng paumanhin.
“ Gani, Pare may problema ba? Kanina ka pa tahimik habang salubong na salaubong din ang mga kilay mo.” Tapik sabay tanong at sabi ni Jimmy sa akin. Hindi ko namalayan na salubong pala ang mga kilay ko. Bakit nga ba salubong ang kilay ko? Dahil ba nawala din agad ang babaeng sinusulyapan ko kada daan ko. Ang babaeng parang walang balak humingi ng tawad sa akin/ sa amin. Sabagay bakit ba hihingi ng tawad e, tauhan lang kami sila ang amo?!
“ Pre!” Muling tawag ni Jimmy sa akin kaya naman napilitan na akong sumagot.
“ Okay lang ako, may iniisip lang ng konti. Patapos na pala tayo, uwi na rin tayo agad. Sulitin natin ang pahinga dahil bukas balik trabaho ulit.” Sabi ko kay Jimmy na mukhang nahustuhan naman sa sagot ko. Matapos kong sagutin si Jimmy ay binuhat na namin ang huling set ng lamesa at upuan para makauwi na rin kami. Bago kami umuwi ay inabutan pa kami ni Sir Loreto ng pera, ayaw man naming tanggapin ay ginamit na naman ng huli ang pagiging amo niya sa amin. Lagi itong ganito sa amin kaya mahal namin itong lahat at sobrang taas rin ng aming mga respeto sa kanya. Wala maipipintas sa husay ng ugali at pakisama nito sa amin. Dalangin nga namin na sana ay hindi ito magbabago sa amin. Kanya-kanya na kaming nag-sipag alisan matapos makausap at maabutan ng pera ng aming amo. Nasa labas na kami ng mansyon pero parang ayaw umalis ng tingin ko sa lugar na ‘yun. Hanggang sa tanging bubog na lang ng matayog na bahay na waring palasyo naang nakita ko. Dumaan naman muna kami ni Jimmy sa malaking tindahan para makabili ng pasalubong. Si Lola Lumeng at ilang tunay na apo na lang nito ang kapisan namin sa bahay. Higit na mas bata pa ang mga ito kumapara sa akin na bente sais na, at halos ilang buwan na lang din at bente siete na. Ilang mga balot ng biscuit, kape, gatas at mga kukutin ang binili ko mula sa perang galing kay Sir Loreto. Matapos naming bumili ni Jimmy ay muli na kaming naglakad pauwi pero nung halos malapit na nga kami ay inabot na sa akin ni Jimmy ang kahati ko sa pera na iniwan ng anak ni Sir Loreto. Dahil sa pera na hawak ko ay parang nawala na naman ako sa wisyo at gana. Bago pa kami maghiwalay ni Jimmy na daan ay marami itong sinabi sa akin na tanging tango lang ang naisagot ko sa kanya kaya sinabihan ako nitong magpahinga ng mabuti.
“ Gani, parekoy magpahinga ka nga talaga ng sobra at wag na wag ka munang kakaldag, nawawala ka sa mood at wisyon mo e. Oh siya bukas na lang ulit.” Sabi pa ni Jimmy sa akin na inilingan ko lang. Hindi yata napansin ng lalaki ang raptor kanina. Sabagay ay solve na siya sa instant 3k niya. Nang marating ko ang aming bahay ay nakita ko ang Lola Lumeng na masayang nakatanaw sa gawi ko mula sa terasa ng aming bahay kaya naman mabilis na akong lumapit at nagmano sa kanya.
“ Kaawaan ka ng Diyos Gani. Kumusta? Maganda ba apo ko ang anak ni Loreto? Sabagay ay walang pangit sa lahi ng mga Rue tapos ang Ina naman ng anak ni Loreto ay ubod din ng ganda.” Tuloy-tuloy ang pagkakasabi noon ni Lola. Mukhang kilala ni Lola ang Ina ng babae.
“ Okay naman siya Lola, maganda naman po!” Tipid na sagot ko dahil kita ko ang paghihintay nito sa sagot ko. Mataman akong tinitigan ni Lola bago pailing na nagsalita.
“ Gani, langit sila lupa tayo. Kailanman ay hindi nagdikit ang langit at lupa. Masasaktan ka lang!” Napamaang ako sa naging tugon ni Lola sa akin, akto naman nasa sagot na ako ng muli itong magsalita.
“ Kung gaano katipid ang naging sagot mo apo sa akin ay ganun naman kalawak ang emosyon na makikita sa mga mata mo. Sana nga'y mali ako ng nababasa sa mga mata mo Gani , ayaw kong masaktan at hamakin ka ng matandang Rue. Tama ng ako at ako na lang!” Mas nahihiwagaan ako sa mga muling sinabi ni Lola sa akin. Nababasa niya ang emosyon ko sa mga mata ko. Ano nga ba ang emosyon ko na naroon? At anong tama ng si Lola lang ang hamakin ng Donya Nene Rue? Bago pa kung saan mapunta ang usapan ay malambing kong niyakap ang Lola Lumeng ko na siyang naging Ina at Lola ko sa buong buhay ko na ito.
“ Malabo pa sa sabaw ng pusit ang sinasabi niyo Lola. Alam ko na lupa ako kaya tama lang na tulad kong nakatapak sa lupa ang maging kabiyak ko. Mahirap piliin ang langit Lalo lalo't wala akong pakpak!” Bulong ko naman sa matandang labis kong mahal na mahal. Nag-tuloy na kami sa loob ng bahay at tama ako ng hinala dahil tuwang tuwa ang mga bata ng makita ang dala ko na mga pasalubong sa kanila. Kahit naman hirap kami sa buhay ay alam namin/nila kung paano maging pantay sa lahat ng bagay. Hating kapatid sa lahat ng bagay kaming lahat, maging pagkain at pagmamahal ay laging pantay-pantay ganyan kami minulat ng aming wonder Lola na si Eluminada.