Ang taong naging pusa... este ang pusa na naging tao?
Hello! I am Kat aka Pusa.
Ang inyong Author na hindi perpekto pagdating sa lahat ng bagay, lalo na sa pagsusulat.
Team Mylla slash Hatoria❤️
( Team ayaw sa sako )
I started writing since Nov. 2021
You can follow me on my social media account:
Fb: Katherina-Aronato Sodusta
Tiktok account: Kath Sodusta or Pusa.
Wattpad: Kath Sodusta
Thank you!
Paano kung na inlove ka sa isang criminal? At natuklasan mong ito rin ang siyang pumatay sa tatay mo. Ano ang gagawin mo? Patuloy pa rin ba siyang mamahalin? O, mas pipiliin mong isuplong siya sa batas?
"Lumayo ka sa lalaking iyan, Divina! Mapanganib ang taong iyan!" mariing utos ni Divine sa anak na kalong-kalong ang ulo ng isang lalaking duguan.
"N-no, Ma. H-hindi ko po siya kayang pabayaan—"
"Divina, siya ang pumatay sa tatay mo! Kaya lumayo ka na riyan at baka ikaw pa ang isunod niya!"
Ilang beses na umiling si Divina. Hindi niya kaya. Hindi niya kayang pabayaan si Nexus. Dahan-dahan siyang umangat ng tingin at sinalubong ang mga mata ng ina na ngayo'y lumuluha na rin.
"I-I'm so sorry, Ma." Hinaplos niya ang duguang pisngi ni Nexus, "but, I loved him. I'm in love with Nexus. . ." masuyong bigkas niya habang puno ng pagmamahal na nakatitig sa mukha ng lalaking wala ng malay. Kapagkuwa'y muli niyang sinalubong ang tingin ng ina. "Mama, I'm in love with a criminal."
Na-miss mo rin ba ang childhood days mo?
Naranasan mo rin ba ang mapagalitan o mapalo ng sanga ng bayabas ng mga magulang mo?
Naranasan mo bang magpalubog sa ilalim ng tubig sa ilog dahil takot kang mahuli ng nanay mo na may bitbit na pamalo?
At higit sa lahat, naranasan mo na bang tumatakbo pauwi habang kinakamot ang pang-upo dahil sa palo na natanggap mo mula sa tatay mo?
Kung nais mong matawa, magalit at umiyak, basahin mo ang kuwento ng buhay ni Nene.
Ang buhay niyang masalimoot, ngunit masayang balikan...
Si Andrew Sebastian ay isang ulilang lubos na kinupkop ng isang bilyonaryo. Nang mamatay ang tumayong ama nito ay iniwan ang lahat ng kayamanan kay Andrew. Bilang nagpapatakbo ng iniwang negosyo ng yumaong ama, si Andrew ay wala sa isipan ang tawag na 'commitment'. Wala sa bokabularyo niya ang pag-aasawa.
Pero nang dumating sa buhay niya ang kasambahay na si Akie Pangilinan, ang lahat ng kaniyang nilunok ay kaniya rin isinuka. Dahil si Andrew ay nabihag ng dalaga.
Dumating sa punto ng buhay si Andrew na pipilitin niyang makasal sa kaniya ang dalaga. Ika nga, 'kung hindi madala sa santong dasalan, daanin ito sa santong paspasan'.
Nagwagi si Andrew na makasal sa kaniya ng sapilitan ang dalaga, pero hindi siya nagwagi na makuha ang puso nito.
Susuko na ba si Andrew? Pakakawalan nga ba niya ang dalaga kung alam niyang may panganib nang naghihintay rito?
O, maghahalo muna ang balat sa tinalupan bago may makapanakit sa minamahal niyang asawa?
Dahil sa pagkamatay ng kaniyang kapatid at ng asawa nito sa isang aksidente, mapipilitan si Archangel o mas kilala bilang 'Anghel' na iwanan ang pagiging sundalo upang maging guardian ng naulilang si Sofia—anak ng kapatid niyang namatay.Ang bagong mission na papasukin niya na hindi aakalaing magpapasakit sa ulo niya, at mas gugustuhin pang makipagbakbakan nalang sa giyera kaysa ang alagaan ang dise otso anyos at spoiled brat na dalaga.Paano nga ba niya paaamuhin ang spoiled brat na si Sofia kung halos hindi sila magkasundo nito?At mas lalo pang sumakit ang ulo niya nang mapagtanto na tila hindi na yata normal ang nararamdaman niya para sa pamangking dalaga. Hanggang kailan niya ba kayang panindigan ang pagiging Anghel de Guardian niya kung tinutulak siya ng demonyo na aminin sa pamangkin ang tunay na nararamdaman niya para dito?Makakaya niya bang tanggapin kung iibig ito sa iba, o isasanla niya ang kaluluwa sa demonyo para maangkin lang ang dalaga?Pero paano nga kung hindi talaga sila magkasundo? Panahon na ba upang bigyan ng Ultimatum ang spoiled brat na si Sofia?At anong klaseng ultimatum naman ang ipapataw ng isang Anghel de Guardian kay Sofia?
Sacrifice is the only language of love.
Huwag kang humingi ng paliwanag kung wala kang balak maniwala.
At lalong huwag kang magmamahal kung wala kang balak magtiwala.
Sa pag-ibig nagsimula ang lahat.
Hanggang sa bulagin sila ng kasinungalingan.
Kasinungalingan na nagdulot ng pagkabigo at pagluha...
Siya si Faith Isabel Isidro, ang babaeng napaibig—este umibig kay Bryan Collins.
They got married and lived their peaceful life kahit na hindi sila biniyayaan ng anak sa loob ng isang taon na pagiging mag-asawa nila.
Kung gaano sila kasaya sa isa’t isa ay kabaliktaran naman doon ang nararamdaman ni Marites. Ina ni Bryan.
The woman promised herself to destroy the union of Bryan and Faith.
At bakit nga ba gustong sirain ni Marites ang pagsasama ng dalawa?
Ano ang kaniyang dahilan?
Magtatagumpay kaya siya?
At sina Bryan at Faith, ano ang magiging reaksiyon kapag natuklasan nila ang isang lihim ng nakaraan?
Mamahalin pa rin ba nila ang isa’t isa matapos matuklasan ang katotohanan tungkol sa kanilang pagkatao?
O ibabaon na lamang sa limot na minsa’y sumumpa sila sa harapan ng Diyos?
Warning: This story is not suitable for young readers. It contains graphic sex, adult languages, and situations intended for mature readers only.
Rated SPG.
Upang maitaguyod ang pangangailangan nilang mag-ina, lahat ng paraan ay ginawa ni Anna nang pumasok siya sa mundong hindi niya nakasanayan. Lahat ng klase ng raket ay pinasok niya—basta marangal at kikita siya. Hindi ininda ang pagod dahil ang mahalaga lamang sa kaniya ay matugunan ang pangangailangan nila ng anak lalo't single mom siya at wala siyang ibang aasahan kundi ang sarili niya.
Isang araw na dengue ang anak niya at kailangan niya ng pera, hanggang sa alukin siya ng isang kaibigan ng raket na may malaking suweldo. At iyon ay ang kuhanan ng interbyu ang isang mailap at sikat na bilyonaryo sa bansa. Dahil sa malaking kikitain ay kaagad siyang pumayag.
Ngunit nang makita at makilala ni Anna ang taong iinterbyuhin niya ay huli na ang lahat para umatras pa siya.
Dahil ang lalaking iyon ay walang iba kundi si Brett Valle—ama ng kaniyang anak.
Ang tanong ni Anna sa kaniyang sarili, ito pa rin ba ang lalaking tinitibok ng puso niya?
This story is book 2 of Still holding on.
NOTE: ANG BOOK PO NA ITO AY MARAMING ERRO/GRAMMATICAL ERROR! KAYA KUNG BABASAHIN MO ITO PARA PINTASAN LANG NAMAN, OKAY LANG PO! HINDI PA PO KASI SIYA NAI-EDIT. WALA PA PO AKONG TIME. SALAMAT PO?❤️
Hindi sinipot si Jheanne Estofa ng long-time-boyfriend niyang si Hugo Makatarungan, sa araw mismo ng kanilang kasal. Pinagpalit siya nito sa bestfriend niyang si Jana Salvacion. With her wedding dress, ruined makeup and bleeding heart, she left the Church to a Shopping mall just to escape the pain for a while.
Until she banged this big man biggar on the sidewalk the night she decided to go home. Ang pulubi ay matangkad, matikas ang pangangatawan at guwapo, ngunit walang kasing baho!
Sa hindi malamang kadahilanan ay kinaladkad niya ang pulubi at dinala sa kaniyang condo.
Pinaliguan, pinakain at binigyan ng pangalan.
'Ubi' short for pulubi.
And because she wanted to take revenge on his ex-boyfriend, she used the beggar as her fiancé—para ipamukha sa ex-boyfriend niya na kaya niya rin gawin ang ginawa nito sa kaniya.
But soon, Jheanne found herself in love with Ubi.
At kung kailan natutunan na niya itong mahalin ay saka naman ito biglang nawala. At nang muli silang magkita ay hindi na siya kilala ni Ubi.
Completed na po ito at may book two po entitled 'Still into you'
Pinagtagpo ng tadhana ang dalawang taong magkaiba ng estado sa buhay.
Ngunit ang tadhana rin ba ang gagawa ng paraan upang sila'y maghiwalay?
Sila ba'y mananatili sa isa't isa? O, mas pipiliing lumayo para sa ikatatahimik ng kanilang mga puso?
Will they still hold on to each other, or. . . move on?
Read at your own risk. Hindi po ako magaling na writer. Sinusubukan ko lamang po ang aking makakaya.
Rated SPG
@Pusa
Lyzander is a certified womanizer. Babaero in short. Maraming babae ang nahuhumaling at naghahabol sa kaniya dahil sa taglay niyang karisma. Hanggang sa makilala niya si Jenny.
Ang simpleng babae na may simpleng pangarap sa buhay, ang makapagtapos ng pag-aaral. Ang babaeng muntikan nang basagin ang itlog niya. Isang scholarship si Jenny sa isang sikat na kolehiyo sa bansa kung saan sila ang nagmamay-ari.
Si Jenny ay hindi tulad sa ibang babae na halos magkandarapa mapansin lang niya. Kung ang ibang babae ay ihing-ihi sa kaguwapuhan niya, puwes si Jenny ay sukang-suka sa pagmumukha niya. Ngunit hindi rin si Lyzander ang tipo ng lalaki na basta na lamang uupo, so he made a plan to make Jenny fall for him. And so he did it.
Pero kasabay no\'n ay siya rin nang pag-usbong ng tunay na nararamdaman niya para sa dalaga, at jackpot siya dahil pareho na rin sila ng nararamdaman ni Jenny.
Tinago nila ang pakikipag-relasyon dahil malaking tutol iyon sa mga magulang nila, lalo na sa mga magulang ni Jenny dahil nag-aaral palang ang dalaga. Hanggang sa ang sekretong iyon ay natuklasan na. Isang desisyon ang gagawin ni Lyzander. Desisyon na para kay Jenny, at sa ikabubuti nito kahit na ang kapalit no\'n ay ang pagkawasak ng puso niya, at siya ring pagkamuhi sa kaniya ng dalaga. Because he broke her heart in a hundred pieces.
Damien Greyson– isang malambing at mapagmahal na anak.
Flirting is not in his vocabulary dahil trabaho ang inaatupag niya. Until he meets Trina Vergara. Unang pagkikita ay na in love na siya sa dalaga. Unang gabing pagsasama ay may nangyari rin sa kanila.
But when the morning came, he no longer saw the beautiful face of the woman who captured his heart, and the woman he wanted to marry.
Makalipas ang ilang taon ay muli silang nagkita, ngunit si Trina ay may sarili ng pamilya. May anak rin ito na ubod ng guwapo at bibo.
Subalit ang kaalaman na iyon ay hindi naging hadlang kay Damien upang patuloy na mahalin ang dalaga kahit pa na masaktan siya. Handa rin siyang maging kabit para kay Trina.
Subalit may dalawang sekreto siyang matutuklasan tungkol sa kasal at sa asawa ng babaeng mahal niya.
Ang isa ba roon ay ikakasaya niya?
O, ang pangalawa ay ikakawasak ng pamilya nila?
Von Gabriel De Jesus, isang binatang nasaksihan mismo ng dalawa niyang mga mata kung paano tinapos ang buhay ng mga magulang. He is 10 years old when that accident happened. And until now ay dala-dala pa rin niya ang trauma at masamang panaginip na iyon.
Until he met Yuri Porquez. A beautiful, kind and a loving kind of person. He fell in love with Yuri. Binago nito ang lahat sa kan'ya. At handa na siyang iwan ang madilim na mundo para sa dalaga. Until he found out who Yuri Porquez is…
Sino kaya si Yuri Porquez? Ano ang koneksyon nito sa taong pumatay sa mga magulang ni Von?
I don't know kung kailan ko ito sisimulan i-update. Siguro tatapusin ko muna iyong ibang books ko na on-going.
@Pusa
Nang dahil sa utang ay ginawang pambayad si Christine ng tiyahin niya sa isang matandang intsik sa bayan nila. Si Ernesto Lim. Si Ernesto ay malaki ang pagnanasa kay Christine at may maitim itong binabalak sa dalaga, ngunit hindi pumayag si Christine na magtagumpay ang matandang intsik kaya naman isang gabi ay tumakas siya.
Sa kaniyang paglalakbay makalayo lang kay Ernesto ay isang lalaki ang makakatagpo niya sa sinasakyang bus papuntang Maynila. Si Marcus. Isang mayamang negosyante. Simula noon ay hindi na nawala sa isipan niya ang guwapo nitong mukha.
Isang araw ay muli silang pinagtagpo ng tadhana, at doon nagsimula ang pag-usbong ng pag-iibigan nilang dalawa. Subalit nahanap ni Ernesto si Christine at kung tamaan ka nga naman ng lintik ay malapit sa buhay ni Marcus ang matandang si Ernesto.
Ano ang mangyayari kay Christine?
Isusuko ba siya ni Marcus sa matandang intsik na ito?
O ipaglalaban siya ni Marcus?
Ating basahin at tuklasin ang kuwento nina Marcus at Christine sa "MARCUS AND HIS INNOCENT CHRISTINE"