2. End of Summer

940 Words
Sali Kumakain ako ng chocolate habang nanonood ng paborito kong K-drama sa kuwarto ko ng bigla nalang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang magaling kong best friend na si Eeya na nakabusangot ang mukha. "Oh, anyare sa 'yo? Bat ka nakabusangot? " Tanong ko sakanya. Sumimangot pa siya lalo sa tanong ko.Ngumisi ako sa naisip ko. "Pangit mo". pang aasar ko sakanya para lalo siyang mainis. At mas lalo niya pang itinodo ang pagsimangot niya sa pang aasar ko. "Pano kasi malapit nang matapos ang summer break at back to school na naman tayo." pagrereklamo niya sa nalalapit na pagtatapos ng summer. Ni rewind ko muna ang pinapanood ko dahil hindi ko na ito naintindihan dahil nawala dito ang focus ko kanina ng pumasok siya at kinausap ako at tsaka ko pinause muna ang pinapanood ko para hindi ako mawala. Mamaya nalang uli kita papanoorin Kim Soo Hyun. Pagkakausap ko sa crush kong oppa. Gosh, kinikilig talaga ako pag nakikita ko siya . Kahit sa laptop ko lang siya nakikita swak nako. Hihi. Bumaling na ako sakanya at itinuon ang buo kong atensiyon. "Ano nga uli 'yong sinabi mo Eeya, nawala sa utak ko eh nakalimutan ko." Inirapan niya lang ako. "Ang sabi ko Iana patapos na ang summer break at back to school na naman tayo." "Oh, tapos?" Tanong ko sakanya. Tiningnan niya lang ako na parang gusto niya kong kurutin sa tagiliran. "Duh, ano ka ba naman Iana di mo ba nagegets?". Nanggigigil niyang sabi. Napaisip ako sa sinabi niya at nung nag sink in na sa 'kin ang himutok niya ay napabusangot na rin ako. "Ang bilis talaga ng panahon no, parang nung nakaraan lang nakatampisaw lang tayo sa beach nag papaaraw tapos palakad lakad lang sa dalampasigan. Tapos pag may nakitang star fish kukunin at iuuwi pang souvenir. Pag may nakita namang bato iuuwi para... pang hilod mo." Tumatawa kong sabi sakanya. "Oo nga eh" sang ayon niya, "Pero hoy ano ka di ko inuwi yung bato para pang hilod no!". Masungit niyang sabi. "Sa susunod na linggo na yung enrollment. Ano balak mo?, kaylan ka mamimili ng gagamitin mong supplies para sa school? pag bibili ka sabihin mo sa 'kin para sabay na tayo". "Monday ngayon kaya baka sa sunday nako mamimili ng school supplies or baka pagkatapos na nating mag enroll depende." "Huh?, bat sa sunday pa ano ba gagawin mo ngayon or bukas or sa susunod na bukas?". "Ihhh... May gagawin pa 'ko ngayon eh tsaka busy ako bukas tsaka pagkatapos ng bukas or kahit sa susunod na bukas." Sagot ko sa tanong niya. Tumaas ang isa niyang kilay at tiningnan niya ako ng may pagtataka. "Bakit ano ba gagawin mo ngayon at bakit ka magiging busy sa pagkatapos ng bukas at sa susunod na bukas ha?". Nanlaki ang mga mata niya sa mga naisip niya. "Oh my god!, don't tell me may date ka or may dinidate kana" sabay sapo sa bibig niya. "Don't worry...I won't tell you". Nakangisi kong sagot. Hinampas niya ako ng unan na nakuha niya sa kama ko. " 'Nu ba Iana! wag mo na nga itago para saan pa 'at mag best friend tayo kung hindi mo naman sasabihin sa 'kin." Nagtatampo niyang sabi. Inayos ko ang laptop ko na nakalagay sa lap ko at nilagay sa gilid ng kama. Tiningnan ko siya. "Eeya ano ka rin ba, tingin mo itatago ko sa iyo yun?, wag ka mag alala if there is one, if ha, sasabihin ko sayo yun agad agad." "Eh ano nga gagawin mo, kanina ko pa tinatanong yun di mo pa rin ako sinasagot." "Eh hindi moko pinapatapos eh, ikaw kaya tong bigla bigla nalang nanghahampas ng unan jan. Ahmp!". Nakahalukipkip kong saad. "So , ano nga gagawin mo?" "Manonood lang ng K-drama. Tatapusin ko lang yung isang season. Tsaka susulitin ko na rin tong nalalapit ng matapos na summer". "Yun lang naman pala mag bi-binge watch ka lang naman pala jan." "Kaya nga eh, kaya para matapos ko na itong pinapanood ko uwi kana." Pagtataboy ko sakanya. Gusto ko na uli makita si Kim Soo Hyun hehez. "Sige na nga. Uuwi na ako iwan na kita". Sabi niya habang papunta na sa pinto. "Ay, oo nga pala..." sabi niya ng pabitin sabay lingon sa akin. "Bago ako pumunta dito nakasalubong ko si kuya kinakamusta ka send ko nalang daw sayo pangangamusta niya. Sabihin ko sakanya buhay ka pa rin at nababaliw na. Namumuti na ang mata sa kakatingin at kakatitig sa picture ng crush mong di mo ma reach HAHAHA." "Ewan ko sayo inggit ka lang eh pareho lang naman tayong namumuti na ang mata kakatingin at kakatitig sa picture ng crush natin". Sabay kaming nagtawanan sa sinabi ko. "Mas malala nga lang iyong sayo kasi hanggang ngayon hindi ka parin nagugustuhan non. Hindi tumatalab sakanya ang pagiging marikit mo." pang aasar ko sakanya. "Heh! Manahimik ka nga konting pagtitiis pa at magugustuhan din ako non. Tiwala lang." Sabi niya sa akin, pero pakiramdam ko mas sinabi niya iyon sa sarili niya kesa sa akin. Ako naman ngayon ang natawa sa sinabi niya. Hayst eto talagang kaibigan ko ang lakas ng loob at di lang 'yon napaka martyr pa. Saan ka pa. "Makaalis na nga sige na bye na pagpatuloy mo na yang panonood mo, aasarin mo lang ako eh." At pinihit na niya ang door knob palabas. Nakatingin ako sa pintuang pinaglabasan niya. Umayos na ko sa pagkakasandal sa headboard ng kama ko inayos ko muna ang pagkaka ayos ng unan sa likod ko at ibinalik na ang laptop sa lap ko. 'Kuya niya? Hmm, bat kaya nangangamusta iyon wierd ah.' Laging ganun ang kuya niya feeling close. Naging ganoon siya simula ng bumalik siya galing ibang bansa. Ilang years din siyang nag stay doon. 'Ang bad ko naman.' Kapatid siya ng best friend ko kaya dapat kaibigan na rin ang turing ko sa kuya niya. Matagal na kaming magkaibigan ni Eeya pero hindi kami magka close ng kuya niya. Ang sungit kasi, kung hindi naman nagsusungit eh nang aasar naman. Tinatry ko namang makipag kaibigan sakanya pero pakiramdam ko ayaw niya kaya tinigilan ko na ang pakikipag kaibigan. Pero kung okay naman sa kanya na maging friends kami tatanggapin ko siya, after all she's Eeyas brother so I have to be nice to him. Actually mas nauna ko pang nakilala ang kuya ni Eeya kesa sakanya. Pero late ko na nga lang narealize.Naalala ko noong bata pa kami naglalaro ako sa labas ng bahay namin kasama ang mga kaibigan ko ng tagu taguan at ako ang taya nung time na yun. Una ko siyang nakita sa may tapat ng bahay nila nakasandal sa may gate at nakalagay ang headset sa kanyang tenga habang lumilinga linga sa paligid niya. Parang may hinanap o may tinitingnan. Ng napadpad ang paningin niya sa may banda namin ay nagtagpo ang mga mata namin. Nagtagal ang tingin niya sa 'kin. Ang cute niya naman. Ang cool niyang tingnan sa suot niyang damit. Mas lalong nagpadagdag sa coolness niya ang headset na kung kaninay nasa tenga niya lang, ngayon ay ibinaba niya na ito sa leeg niya pagkatapos niyang tumingin sa banda namin. Inalis niya ang tingin niya sa banda namin at ibinaling ang paningin niya sa iba. Naalis lang ang tingin ko sakanya ng kinalabit ako ng kalaro kong babae para pagsabihan. "Ano na Mariana, ang bagal mo naman! ikaw ang taya kaya pumikit ka na o kaya pumunta ka doon sa may puno at magbilang ka ng one to ten". "Osige sige wait lang punta na ako don", sabi ko at pumunta na sa may puno malapit lang sa bahay namin at nag simula ng magbilang. "Wag ka maninilip ah!, wag kang mangdaya Mariana ah!" pagpapa alala sa akin ng isa ko pang kalaro na lalaki. "Medyo bagalan mo nalang sa pagbibilang Mariana". Sabi ng mabait kong kaibigang lalaki. "Okay, sige game na magbibilang na ako". Pinikit kona ang mga mata ko at tinakpan ko ng braso ko ang mata ko habang nakasandal paharap sa puno. "Tagu taguan maliwang ang buwan pag bilang ko ng sampu ay dapat nakatago na kayo... Isa.. Dalawa..Tatlo..Apa-". Naputol ang pagbibilang ko ng may biglang nagsalita sa likod ko. "Sali ako". May pagkabossy na pagkakasabi ng kung sino mang bata na nasa likuran ko. Pero dahil natuwa ako sa sinabi niya deadma nalang sa bossy niyang tono. Natuwa ako dahil ibig sabihin hindi na ako ang magiging taya. Siya na. Tinaggal ko ang pagkakasandal ko sa puno at dinilat ko ang mga mata ko. Nilingon ko siya. "Osige ba, basta ikaw na ang taya ah!" excited kong pagkakasabi. "Okay". "Ooooy, Yeshaaaa, Jaaaaake, Jaaaace labas na muna kayo may bago nang taya may sasali daaaaw, biliiiis biliiiis labas na" sigaw ko sa mga kalaro ko. Nag uunahan naman sila sa pagtakbo papunta rito sa kinatatayuan ko. "Huh?, sino raw Mariana?". "Ano bayan!, nakatago na ako eh!, ganda ganda na nung pinagtaguan ko kasi for sure di mo ako mahahanap don." pagmamaktol na sabi ni Yesha pero ng nakita niya na yung bagong dating na gustong sumali biglang nagliwanag ang mukha niya. Ang kaninang nagmamaktol na mukha ay biglang naging friendly. 'Bilis mag bago ng mood ah!' Tiningnan niya ang bagong dating na lalaki. "Ikaw ba 'yon? Sige okay lang pala na lumabas ako, gusto mo ako na ang taya?". Nakangiti niyang alok sa batang lalaki. "Hindi Yesha, siya na." pagtutol ko sa suhestiyon niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD