Mariana Eliza Tordesillas
Montealegre
"Hah! Alam ko na kung ano ang mangyayari sa susunod" sabi ko sa kaibigan ko na mahilig sa Romance.
"Bakit? napanood mo na ba to ha Iana?" tanong niya sa akin pabalik.
Hindi ko pa naman napapanood pero base sa nakita ko sapat na iyon para malaman ko kung ano ang mangyayari sa pag - iibigan ng dalawang bida sa palabas.
"Hindi pa" sagot ko sakanya. Inismiran niya lamang ako .
" Oh , hindi pa naman pala eh . Huwag mo munang pangunahan ang palabas panira ka eh" at nagpatuloy siya sa pagkain ng cheese flavored popcorn habang nanonood . Tinawanan ko na lamang siya .
Nilingon niya ako at "Oo nga pala muntik ko ng makalimutan . Ikaw nga pala si Miss - Know - It - All-When-It-Comes-To-Love . Eh hindi ka pa naman nagkakaroon ng love life o maski ng sarili mong love story, hmp!" sinimangutan niya ako sabay balik sa pinapanood niya.
"Hindi ko kaylangan ng boyfriend para malaman ko ang tungkol sa mga bagay na iyan Eeya alam mo yan". saad ko sakanya. Inirapan niya na lang ako.
Bumaling ulit siya sakin at ipinagpatuloy niya ang pang - iinis sa akin.
"Hay nako Iana baka mamaya pag ikaw nagmahal hindi mo na malaman ang gagawin mo . You can't predict love Mariana Eliza just to let you know ".
At heto na naman pinangaralanan niya na naman ako.
Umirap nalang ako sa hangin "Manood ka na nga lang jan Eeya Maurice". Pang gagaya ko sa panunukso niya.
Umalis na lang muna ako sa sala kung saan siya nanonood at pumunta sa kusina para kumuha ng tubig nauhaw yata ako sa usapan namin kanina.
Bumalik din ako sa sala at tinabihan ko na si Eeya sa sofa para makinood sa laptop niya .
Nandito siya sa bahay namin ngayon dahil gusto niya na matulog muna dito sa amin sa gabi na ito. Gusto ko sanang sa kanila na lamang ngunit nagpumilit siyang dito nalang.
I have known Eeya for 17 years now . She has always been my bestfriend beside my bestfriends in school since we were 7. She's my best best friend. Their family moved here when I was 6 years old . We just became close friend when my parents invited their family for my 7th birthday party it was fine with me because I'm not a snobbish child. Infact I am a very friendly person.
Nag start kaming maging close sa isat - isa when I defended her from those bullies, they were also invited in my birthday party but they are all bullies ,we are not really that close , my parents just invited them thinking they were my friend just because I'm a friendly kid.
Also she's not really that very hygienic when she was a kid that is why those other good for nothing kids bullied her. Shes got these waivy hair that looks like a birds nest because she never liked combing her hair. Marungis siyang tingnan.
"Thank you"sabi niya ng nakangiti. Nakangiti ko rin siyang tiningnan "Wala 'yon wag mo nalang intindihin ang mga sinabi nila. Ano nga pala pangalan mo. Ay! kayo yung bagong lipat hindi ba?" tanong ko sakanya .
" Oo kami yung bagong lipat jan sa tapat. Eeya , ang pangalan ko ay Eeya Marikit Maurice Buenacosta , kaka seven ko lang din. Ikaw ano pangalan mo?" tanong niya pabalik sa akin. Ang cute ng boses niya. Sarap niyang panggigilan.
"Ah , ako nga pala si Mariana Eliza Montealegre , Kakabirthday mo lang din pala kung ganon belated happy birthday pala sa iyo" sabi ko sakanya sabay bati.
Naglahad ako ng kamay sakanya para maki pag shake hands.
Simula noon lagi na siyang pumupunta sa bahay namin para makipaglaro .
Nag aagahan kami ng araw na iyon ng pumasok si Manang Loly sa dining room para sabihin na may naghahanap daw sa akin .
" Ma'am Mariana may naghahanap po sa inyo, Eeya daw ang pangalan".
Sumusubo ako ng bacon ng biglang nagsalita si mommy "Oh , Mariana may inaasahan ka bang bumisita sayo ngayon?" tanong ni Mommy ng may pagtataka.
" Wala naman po My". sabi ko habang kinukuha ang ham sa plato. Bumaling si Mommy kay Manang.
"Papasukin mo Manang Loly " utos ni Mommy kay Manang Loly.
Nanlaki ang mga mata ko ng nakita ko si Marikit na katabi si Manang Loly papasok sa dining room.
Paanong hindi manlalaki ang mga mata ko eh mukang hindi pa siya naliligo at dumiretso siya dito pag ka gising niya. Buhaghag pa ang kanyang mahabang buhok kagaya kahapon.
"Oh, so you've already made friends with our new neighbor Mariana that's good." Sabi ni Mommy habang tumatango. Bumaling siya kay Marikit." Whats your name darling?". Tanong ni Mommy kay Marikit.
" Eeya Marikit Maurice Buenacosta po tita. Tatanong ko lang po sana kung pwede po bang makipaglaro si Mariana sa akin " tanong niya na mukhang nahihiya.
"Of course iha , come here , have a seat and join us. Did you eat breakfast before you came here iha?, Manang Loly pakikuha pa po ng isa pang plato ang kalaro ni Mariana" sabi ni mommy habang tinutulungang makaupo si Marikit sa upuan.
"Ahm... Wag na po tita, okay lang po ako kumain na po muna ako sa bahay namin bago po ako pumunta dito". Mejo nahihiyang saad ni Marikit.
"Alright iha, do you want a drink instead? What do you want water, juice or milk?"
"Milk nalang po tita, mahilig po kasi ako sa milk eh".
Bumaling si mommy kay Manang Loly "Manang pakitimpla ng gatas ang bisita ni Mariana".
"So Marikit right?, you've got a pretty name iha" . Pagkocomplement ni mommy sa pangalan ni Marikit.
"Thank you po tita, Mommy ko po ang nag bigay sa 'kin ng name ko po". Proud na sabi ni Marikit.
"You're our new neighbors right, you can come here anytime you want and if you need something you can come at us".
Nagpatuloy na ako sa pagkain ng agahan ko.Habang si mommy ay patuloy na tinatanong si Marikit .
"Marikit do you have a brother or a sister perhaps." Tanong ni mommy sakanya habang inaayos ni Marikit ang kanyang pag upo.
Tumingin muna si Marikit kay Manang Loly habang inilalapag ang gatas nya sa harapan niya bago sumagot sa tanong ni mommy.
"Hmm , brother lang po ang meron ako, big brother po, dalawa lang po kaming magkapatid po." Magalang na sagot ni Marikit.
Napabaling ako sa kanya. Siguro marungis din ang kuya neto , baka sipunin din kagaya niya. Napahagikhik ako sa mga naiisip ko.
Napatingin tuloy silang dalawa ni mommy sa akin.
"Talaga Marikit may kuya ka rin, ako rin may kuya, mga kuya kasi marami sila, ako nga lang ang one and only baby girl nila kasi ako yung bunso at girl pa."
Natuwa naman si Marikit sa sinabi ko. Nakita ko pang kumislap ang may muta niya pang mga mata.
"Meant to be talaga tayong maging friends Mariana. Pareho tayong only girl sa family at tsaka pareho din tayong may kuya." Pumapalakpak pa siya habang sinasabi iyon.
Lumapit ako sa kanya , magkatabi lang kasi kami ng upuan.
"Kaso pangit nga lang pag puro kuya kasi wala akong makalaro. Ayaw nila akong samahan sa paglalaro ko ng mga dolls ko, ni ayaw nilang pumayag kapag niyaya ko sila sa tea party ko. Hmp!"
Sumang ayon naman siya sa reklamo ko. Siguro dahil naiintindihan niya rin ako.
"Oo nga sinabi mo pa." Tumatango niyang pag sang ayon. "Alam mo ganyan din ang kuya ko, ayaw rin ako non samahan sa paglalaro ko kaya mag isa nalang tuloy akong naglalaro eh ang boring naman nun pag mag isa ka lang". Aniya sabay inom sa gatas na para sa kanya.
"Mas maganda kasi maglaro pag may kasama ka. The more the merrier nga diba!".
"Girls finish your food muna bago kayo mag usap at ng makapaglaro na kayo". Saway ni mommy sa pag uusap namin ni Marikit.
Binalingan ko na lang uli ang agahan ko at nagpatuloy na ako sa pagkain ng bacon ko.
"Alam mo Mariana ang bait panga ng Mommy mo." Kuwento ni Marikit habang inaayusan namin ng damit ang mga laruan kong Manika .
"Syempre mommy ko yun eh".
Nandito kami ngayon sa sala naglalaro at nagkukuwentuhan . "Friends na tayo Mariana ha", patuloy niyang sinabi.
Nginitian ko siya sabay sabing, "Oo naman Marikit, pero tanong ko lang , naligo ka ba or kahit naghilamos muna bago pumunta rito sa amin para makipaglaro?" tanong ko sakanya dahil talagang magulo parin ang buhok niya at parang may nakita pa yata akong muta sa gilid ng mga mata niya.
Ngumiti lamang siya na parang nahihiya. "Hindi pa eh. Excited kasi akong pumunta rito para makipag laro sa 'yo first time ko kasing magkaroon ng friend na hindi ako inaaway." Sabi niya habang patuloy na sinusuklayan ang isa sa mga paborito kong manika. Buti pa ang manika nasusuklayan niya.
Ngumiti ako sakanya masaya ako na ganoon ang tingin niya sa akin at excited siya pero honest akong tao kaya sasabihin ko kung ano ang sinasabi ng mga honest na tao. Kung ano ang dapat. Walang paliguy ligoy. Straight to the point dapat!
"Alam mo Marikit bibigyan kita ng tip para hindi kana mabully ng ibang bata at para makahalubilo mo sila at hindi ka nila awayin at magiging friends talaga tayo pag sinunod mo ang sinabi ko sayo, okay ba yon?" sabi ko sakanya ng patango tango habang nakahawak ang kaliwang kamay ko sa balikat niya at ang isang kamay ko naman ay nakahawak sa barbie doll na kanina pa namin nilalaro at inaayusan.
"At tsaka para bumagay naman ang pangalan mo sayo. Diba Marikit name mo tapos ang ibig sabihin non diba pretty kaya dapat pretty ka rin. Don't get me wrong ha, pretty ka naman na pero mas p-pretty ka pa kung makikinig ka sa akin, okay."
Maganda si Marikit kung matutunan niya lang ayusan ang sarili niya. Ang mahahaba niyang mga pilikmata at manipis niyang labi ay saktong sakto lang sa mukha niya. Mas lalo pang bumagay sa kanya ang kayumanggi niyang kulay. Hindi masyadong maitim hindi rin masyadong maputi katamtaman lang. Bagay na bagay talaga sa kanya ang pangalan niyang Marikit.
"Osige ano ba yon?" sang ayon niya sa akin.
"Ganito yon matuto kang maging maayos sa katawan , maligo ka at tsaka magsuklay ka lagi ng buhok mo. Gawin mo yan araw - araw makikita mo , sila na mismo ang kusang lalapit sa 'yo para makipaglaro at makipag kaibigan " sabi ko ng may pananalig sakanya na gagawin niya nga ang mga binanggit ko .
" Ahm...Hmm...". May pahawak hawak pa siya sa baba niya.
"S-sige gagawin ko yan basta ah friend na tayo. Ay! mali, dapat mag bestfriend na tayo! Kasi gagawin ko yang pinagagawa mo sa akin. Magsusuklay ako kahit na ayaw ko kasi hassle lang at masakit sa ulo!". Sabi niya habang nagkakamot ng ulo.
Parang nagdadalawang isip pa yata ito ah!
Since then we became bestfriend and
also she became hygienic (well gradually).
and no one bullied her again because of her not being hygienic.