3. Nice Name

2737 Words
Huli ka "Siya na Yesha kasi yun 'yong dapat. Bago lang siya , kakarating niya lang kaya dapat siya na." patuloy na pagtutol ko sa sinabi niya. Baka ipagpilitan niya pa ang gusto niya pag hindi ko siya tinutulan. Rules are rules. And rules are meant to be followed. No one should disobey it. Kung may bagong sasali dapat siya ang magiging taya. "Oo na Mariana, sinasabi ko lang naman. Parang nag sa-suggest lang eh." Si Jake naman na ngayon ang nagsalita para magtanong sa bagong dating na bata. "Ano pala pangalan mo?". Pagtatanong niya sa bagong dating. "Oo nga what's your name, we should know your name para makasali ka". Pagdudugtong ni Yesha sa tanong ni Jake. Kahit ako gusto ko na ring malaman ang pangalan niya. Curios ako. Kanina ko pa siya nakikita buti nalang lumapit siya rito para makisali. "Ahh, ako si Maki." Nakatingin siya sa 'kin pag kasabi niya ng pangalan niya. "Ang cute naman ng name mo Maki parang ikaw". Pag papacute na salita ni Yesha. "Ako nga pala si Jace" sabay lahad ng kamay ni Jace sa kanya. "Ako naman si Jake" pagpapakilala naman ni Jake sa kanya. "Magkapatid kami nitong si Jace". Tinanggap naman ni Maki ang nakalahad na kamay ni Jace at Jake. "At ako naman si Yesha. Yung bahay namin jan lang sa pang apat na bahay pag bibilangin mo simula dito sa bahay nila Mariana." Ngiting ngiti na sabi ni Yesha habang nakalahad ang kamay niya.Napatingin ako sakanya sa sinabi niya. Kaylangan ba talagang sabihin kung taga saan ka pag ipapakilala mo sarili mo. Tinanggap naman ni Maki ang nakalahad na kamay ni Yesha. Ang tagal pa bago bitiwan ni Yesha ang kamay ni Maki. Humarap sa 'kin si Maki at saka niya inilahad ang kamay niya sa harap ko. "I'm Maki." pagpapakilala niya sa sarili niya sa 'kin. Nakangiti kong tinanggap ang nakalahad niyang kamay. Hindi kagaya kay Yesha na kung makangiti ay abot tenga. "Ako naman si Mariana Eliza" sabi ko. Siya na mismo ang nag shake ng mga kamay namin. "My nickname is Iana". "You've got a nice name ". Nakingiti niyang sabi sa akin. "Thank you". Naflatter naman ako sa sinabi niya. "Sige na bitiwan mo na kamay niya Maki punta ko na don sa puno, mag start ka nang magbilang ng one to ten." Di ko namalayan na hindi niya pa pala binibitawan ang kamay ko mula sa pakikipag shake hands niya kanina. Kung hindi pa sinabi ni Jake ay hindi ko ito marerealize. "Oo nga Mariana bitiwan mo na kamay niya" dugtong naman ni Yesha sa sinabi ni Jake. Tiningnan ko ang kanina pang nakahawak na kamay ni Maki sa 'kin. Hindi naman ako ang nakahawak sa kamay ni Maki ah bat ako ang pinapabitaw niya, si Maki dapat ang sabihan niya niyan. "Sorry". Sabi ni Maki ng nakita niyang bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa akin ng kumunot ang noo ko sa sinabi ni Yesha. Tsaka niya binitiwan ang kamay ko. "Tara, game na." Pag aaya na sa amin ni Jace na maglaro. "Okay". At pumunta na siya sa may puno para magbilang. Nang nagsimula na siyang magbilang ay isa isa na kaming nagsialisan sa kinatatayuan namin para magtago. Sumama si Yesha kay Jace para makapagtago sa may bakuran namin.Habang si Jake naman ay nagtago sa ibang banda, sa may halamanan siya nagtago. 'San kaya ako magtatago?' pagkausap ko sa sarili ko. "Dapat sa hindi madaling mahanap. San kaya pwede?. Hmm." Sabi ko habang patuloy na naghahanap ng mapag tataguan. Dapat ko nang bilisan sa pagtatago malapit na siyang matapos sa pagbibilang. Luminga linga ako sa paligid at naisipan ko nalang magtago sa likod ng isa pang puno. Nakatago na ako sa likod ng puno ng naisip kong mali ang napag taguan ko. Baka mabilis niya akong mahanap dito dapat doon nalang ako magtago sa loob ng bahay namin. Tama. Doon nalang ako. Luminga linga ulit ako sa paligid. Sumilip ako mula sa pinagtataguan ko para tingnan kung nandun pa ba siya sa may puno na nasa tapat lang ng bahay namin. Nang nakita kong wala na siya doon ay dahan dahan akong naglakad paalis sa pinagtataguan ko at ng malapit na ako banda sa 'min ay kumaripas na ako ng takbo. Ngunit hindi pa ako nakakarating sa pintuan namin ng bigla nalang siyang bumulaga sa harap ko. Napasigaw ako sa gulat at inis. Gulat dahil bigla bigla nalang siyang sumusulpot at inis dahil ako pa ang una niyang nahuli!, edi ibig sabihin mamaya ako na ang magiging taya! "Ahhhhhhhh". "Huli ka, nahanap rin kita." sabi niya sa 'kin sabay hawak sa braso ko. "Ang tinis pala ng boses mo pag sumisigaw ka ang sakit sa tenga". Natatawa niyang wika sabay hawak ng kanan niyang kamay sa tenga niya para takpan. "Eh bigla ka nalang kasi nagpapakita at tsaka bat ako pa!". "Bakit ikaw?". "Bat ako pa una mong nakita, ako pa una mong hinuli ako tuloy magiging taya mamaya." reklamo ko sakanya. "Eh ikaw 'tong una kong nakita . Ikaw tong lumabas sa pinagtataguan mo para kumaripas ng takbo papunta sa inyo". Tinanggal ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. Sabi na nga ba wrong move yun eh!. "Bat pa kasi ako umalis dun! Nahuli tuloy ako!." patuloy kong pagrereklamo dahil sa pagkakadismaya. "Pag hindi ka umalis, hindi kita makakausap". "At kahit hindi ka umalis sa pinagtataguan mo ikaw pa rin ang una kong hahanapin." "Bat ba ako ang inuuna mo ha?! Kainis ka ah! Bat hindi si Yesha ang una mong hanapin o di kaya si Jace? Ako pa talaga!" Inis kong sabi sakanya. "Wala lang gusto lang kita makita". Sabi niya na parang nang iinis. Dinagdagan pa ng may pagkabossy niyang boses ang pagkaka inis ko sakanya. "Kainis". Bulong ko sa sarili ko. "Magtago ka nalang uli". Suhestiyon niya. "Huh? Bat ako magtatago uli eh nahanap mo na nga ako". Takang tanong ko. "Magtago ka uli at para hahanapin uli kita." "Nagtago pa 'ko". "Hahanapin kita pag nahanap ko na sila. Tapos pag nahanap ko na sila huli na kitang hahanapin. Para hindi sila magtaka at para hindi na ikaw maging taya mamaya." Tumawa ako sa sinabi niya sa 'kin. Ang bright niyang bata. "Sige, basta wag mo sabihin na ako ang una mong nakita ah, atin lang 'yon." paninigurado ko sa kanya. "Oo naman." "Gusto mo ba ituro ko sayo kung saan sila nagtatago? Para mabilis mo silang mahanap?". Pagmamagandang loob ko para makabawi ako sa pagpapatago niya uli sa 'kin. Ngumiti siya sa 'kin at umiling na parang sinasabi niyang okay lang kung kahit wag na. "Sige na magtago kana". Sabi niya at pumunta na siya sa bakuran namin para hanapin sila. Nagtago na ulit ako pagkaalis niya.Bat niya kaya ako pinagbigyan? . Ang bait niya palang bata sarap niyang maging kalaro. Ang bait niya kaya kakaibiganin ko siya. Dapat lagi ko siyang maging kasama sa paglalaro dahil ang bait niya at pinagbibigyan niya ako. Napangiti ako sa mga naisip ko. Kung maaari pwede kaming maging mag best friend lalo na kung magkakasundo kami. Madadagdagan na naman ang mga friends ko. Naririnig ko ang boses ni Yesha at Jace mula dito sa pinagtataguan ko. Mukhang nagtatalo sila. Ang lakas ng boses ni Yesha. "Jace ikaw kasi eh! Yan tuloy nahanap tayo agad!." "Sorry na eh malay ko bang mahahanap tayo agad doon". "Bat kasi naisipan mo pang doon tayo magtago! , Ha?!". Reklamo ni Yesha sa kay Jace. Mukang nainis yata si Jace sa kanya dahil sa paninigaw ni Yesha sakanya. "Bat ba ha? Sinabi ko bang sumama ka sa 'kin? Sinabi ko bang dun ka rin magtago? Wala naman akong sinabing ganon ah!". Inis na sabi ni Jace sakanya. "Di ko naman sinabing sumama ka sa 'kin". "B-bat ka ba naiinis sa 'kin ha? Tinatanong ko lang naman kung bat doon mo naisipang magtago eh". Medyo nanginig ang boses ni Yesha sa pagkakasabi niya non. Mukang nataranta naman si Jace sa naging boses ni Yesha. "A-ano Yesha s-sorry na , wag ka na umiyak". Pag aalo ni Jace sakanya. "Hindi ako umiiyak!". Sumisinghot na sabi ni Yesha. "Osige na hindi kana umiiyak. Tahan kana". Patuloy na pag aalo niya sa kay Yesha. "Sabing hindi ako umiiyak eh!". Sinilip ko sila mula sa pinagtataguan ko. Hindi raw umiiyak kaya pala nakikita ko siya mula rito na pinupunasan ang gilid ng kanyang mga mata. "Oo na, hindi na" Sabi ni Jace habang hinahagod ang likod ni Yesha. Patuloy pa rin sa pagsinghot singhot si Yesha habang inaalo siya ni Jace. Mula sa pinagtataguan ko ay may naririnig ako na yapak papunta sa kung nasaan sila Jace at Yesha. Sila Maki na pala iyon nahuli niya na pala si Jake. Ibig sabihin ako nalang ang hahanapin niya. Umayos na ako sa pagtatago. Inayos ko na ang pagkakatayo ko rito at hindi na ako humihinga. Naririnig ko na ang yapak ni Maki papunta sa banda ko. Teka nga, bat pa ako magtatago eh nahuli naman na sila at ako ang pang huli ibig sabihin hindi na ako ang matataya kaya relax nalang dapat ako antayin ko nalang na mahanap niya ako. "Huli ka" . Hindi ko namalayan na nandito na pala siya sa pinagtataguan ko. Sa harap ko nakatayo. Ang bilis niya naman akong nahanap. Ang galing niya. Lumabas na ako sa pinagtataguan ko at sabay na kaming naglakad patungo kung nasaan sina Yesha, Jace at Jake. "Ang galing mo naman magtago Mariana". Papuri sa akin ni Yesha. "Oo nga" sang ayon ni Jace. "Ikaw ang huling nahanap ni Maki, Marian" sabi ni Jake sa akin. "Oo naman". Tumatawa kong sabi. Napangiti ako sa mga sinabi nila. Hindi nila alam ako ang unang unang nahanap ni Maki. Pero hindi ko na sasabihin iyon. Amin na lang ni Maki yon. "Sino ang sunod na taya?". Tanong ko sa kanila. "Basta hindi ako , huli ako nahanap eh". "Sino ba sainyo ang unang nahanap?". Pagtatanong ni Jake. Nagkatinginan si Jace at Yesha. "Una kong nakita si Ye-". Hindi na natuloy ni Maki ang sinasabi niya dahil pinigilan siya ni Jace. Napatingin ako kay Jace. Tumingin muna siya kay Yesha bago kay Maki. "Ako. Ako ang unang nakita ni Maki kaya ako na ang taya". "Okay. Sige na alam mo na gagawin mo magbilang kana sa may puno. Punta ka na ron". Sabi ni Jake kay Jace. Pumunta na si Jace sa puno at nagsimula ng magbilang ng mabagal. Medyo natagalan pa si Yesha sa pagtatago kakatingin kay Jace. Humanap na ako ng mapagtataguan. This time magtatago na ako ng maayos. "Sama". Napatingin ako kay Maki. Sumunod pala siya sa 'kin. "Hindi ko alam kung saan magtatago. Hindi ko pa masyadong alam ang pasikot sikot dito". "Sige". Pagpayag ko , baka mawala pa siya at ako pa masisi at isa pa gusto ko naman siyang maging kaibigan kaya pumayag na ako. Pumunta na ako sa may hindi gaanong mataas na puno. Tiningnan ko ito. Tiningnan ko siya. "Dito" sabi ko. "Dito tayo magtatago?". Taka niyang tanong. "Oo" Tinuro ko ang itaas ng puno madahon ito kaya for sure hindi kami makikita rito pag kaming dalawa ang nasa itaas. "Jan tayo sa taas magtatago". "Anong jan. Hindi. Hindi ka jan magtatago. Delikado jan. Baka maaksidente ka pa, tayo. Masugatan kapa." Tutol niya sa sinabi ko. Tiningnan ko siya at nginitian. "Ano kaba okay lang yan. Expert ako jan. Madali lang sa 'kin ang umakyat. Hindi naman ako madaling mahulog. Kung natatakot ka sa iba ka nalang magtago." Sabi ko habang nagsisimula ng umakyat sa puno. "Kahit na. Hindi mo pa rin masasabi. Kahit gaano pa kalakas ang kapit mo mahuhulog ka parin." Nilingon ko siya. " Ano aakyat kaba o hindi? Bahala ka kung ayaw mo. Takot ka yata mahulog eh." Pang aasar ko sakanya. "Hindi ako takot mahulog." medyo inis niyang sabi. Hindi gaanong mataas tingnan ang puno pag sa baba mo tiningnan pero iba na pag nasa itaas ng puno kana mismo. Medyo mataas na siya tingnan. Tiningnan ko siya na nasa tabi ko na ngayon. Aayaw ayaw pa eh aakyat din naman pala siya. "Wag ka mag alala hindi tayo madaling mahahanap dito". Paninigurado ko sakanya. "Hindi naman iyon ang inaalala ko". Seryoso niyang sabi. Nilingon ko siya "Eh ano pala inaalala mo?". Tumingin siya sa baba. Napangisi ako.Takot siguro siya sa matataas na lugar. Tinapik ko ang likod niya. Napatingin siya sa 'kin. "Wag ka mag alala hindi kita itutulak." pang aasar ko sakanya." At isa pa hindi kita hahayaang mahulog, okay, trust me." paninigurado ko sakanya para mawala ang kaba niya. Sumeryoso uli siya sa sinabi ko. "Hayaan mo pagkatapos neto friends na tayo." Tumingin lang siya sakin at hindi na nagsalita. "Maaaki, Marianaaa san na kayoooo?. Yuhooo." paghahanap sa amin ni Jace. Nasa ilalim na siya ng puno kung nasaan kami nagtatago ni Maki. Nagpalinga linga siya , sinilip niya pa ang puno nagbabasakaling nandon kami nagtatago. Kinamot ko ang pisngi ko. Dahil sa ginawa ko may mga dahon na nalaglag sa uluhan niya. Tiningnan niya ang mga dahon na nalaglag at tumingin sa banda namin. Buti nalang at naka leggings ako na may kasamang short.Natawa pa ako sa itsura niya dahil sa gulat sa pagkakakita sa amin. "Nanjan lang pala kayo nagtatago". Sabi ni Jace. "Nakita ko na si Jake pati na rin si Yesha kayo nalang dalawa hinahanap ko. Bat jan ba kayo nagtago ? ayos ah. Sino nakaisip niyan. Di ko man lang naisip na sa itaas pa pala kayo ng puno magtatago." Nakababa na kami ni Maki galing sa punong pinagtaguan namin. Mejo naduwag pa akong bumaba kaya pinauna ko na si Maki. Nagulat ako ng tumalon siya para makababa. Mabuti nalang at maayos ang pagtalon niya at hindi naman siya napuruhan sa pag landing niya. Inangat niya ang tingin niya sa akin. Inaantay ang pagbaba ko. "Ikaw na sunod. Ingat ka sa pagbaba ah. Dahan dahan kang bumaba pagdating mo sa may gitna sasaluhin kita." Dahan dahan akong bumaba ng nakarating na ako sa may trunk ng puno ay tumalon na ako. Hindi ko na hinayaang saluhin niya ako. Kaya ko naman bumaba mag isa. Nagulat pa siya sa biglaan kong pagtalon. "Sinabi ng sasaluhin kita. Tigas ng ulo." pagalit niyang sabi. "Okay lang ako no. Di ko kaylangan ng taga salo." Nagkatinginan kami. Una akong bumawi ng tingin ng naalala ko ang itsura ni Jace ng nakita niya kami sa itaas ng puno. Humagalpak ako sa tawa ng naalala ko iyon. Nakita kong pareho silang dalawang nakatingin sa akin na parang na wiwierduhan. "HAHAHA nakakatawa talaga yung mukha mo kanina Jace. Di ko makalimutan yung itsura mo ng nakita mo kami." Tawang tawa pa rin ako habang sinasabi ko ito. "Anong nakakatawa don?" pagalit na tanong ni Maki. "Ang ewan niyo kasing tingnan doon sa itaas". Tumatawa na ring sabi ni Jace.Pareho na kami ngayong tumatawa ni Jace. Pumunta na rin sa banda namin sina Jake at Yesha. Nilingon ko si Maki. "Maki san ka punta?" Tanong ko sakanya ng nakita kong naglalakad siya palayo. Sinundan ko siya. "Gusto mo friends na tayo Maki?". Tanong ko sakanya ng nakalapit ako. "Or Best friend nalang total nakapaglaro naman na tayo at tsaka pinagbigyan mo ako kanina" nakangiti kong alok sa kanya. "Ayaw ko ng best friend. Ayaw kitang maging best friend" Umiiling niyang sabi. Tinanggihan niya ang alok ko.Bakit kaya? Walang tumatanggi sa pagkakaibigan. O baka dahil mas matanda siya sa 'kin kaya ayaw niya?. Baka nga. Baka tingin niya hindi kami magkakasundo pag naging mag best friends kami. "Osige kung ayaw mo ng Best friend edi friends nalang wala ng best. Ano ha? Friends nalang ah. Simula ngayon friends na tayo." sabi ko para hindi na siya makatanggi pa. "Ikaw bahala. Uuwi na ako. Baka hinahanap na ako sa amin." pagpapaalam niya. Sungit. Parang kanina lang ang bait bait niya pero okay kang din. Baka napagod lang siya. "Osige ingat ka friend." Tiningnan niya lang ako at umalis na . "Ba-bye friend balik ka ah". Pahabol ko. "Gusto ko siya maging kaibigan. Para makalaro ko uli siya ng tagu taguan. Pinagbibigyan niya kasi ako.Sana pumayag na siyang maging mag Best friend kami" sabi ko sa sarili ko. Bumalik na ako sa mga kaibigan ko para sabihing umuwi na siya. At nagdesisyon din kaming mag siuwian na sa mga bahay namin. Pagod na rin kami. Lalo na ako. Umakyat pa ako ng puno para lang makapag tago.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD