Love at first sight

1326 Words
Akmang tatakbo na ako ng hablutin niya ang aking braso. Napakadiin ng kanyang pagkakahawak. Kahit anong gawin kong pagpupumiglas ay hindi ko magawang makatakas. "May gana ka pang tumakas na babae ka! Akala mo hindi kita masusundan!" malakas niyang sambit habang pahigpit ng pahigpit ang kanyang pagkakahawak. "Pwede ba bitawan mo ako!" "Bakit kita bibitawan? Lakas ng loob mo makapasok sa mansion na walang nakakaalam! May mga kasama ka ba? Ano ang plano ninyo? Pahiyaw niyang sambit. Napabuntonghininga ako, gusto ko ng ilantad ang mukha ko sa kanya upang malaman niya kung sino ang sinisigawan niya. "H-Hindi ako magnanakaw." pabulong kong sabi. "Kung hindi ka magnanakaw sino ka? Ano ginagawa mo dito? mariin niyang sambit. "Pwede bang hayaan mo nalang akong umalis. Wala akong ginagawang masama." "Nakakatawa ka ba miss? Ano ako tanga pakakawalan kita kaagad-agad? Eh hindi ko pa nga nakikita mukha mo!" aniya. Hindi ko alam kung paano makakatakas dito . Ayokong ipakita ang mukha ko! Kailangan makaisip ako ng paraan! Kailangan ko makatakas dito bago pa man mabuko ng iba kung sino ako lalo na malaman ng ama ko. Inihanda ko ang aking sarili bagamat kinakabahan ay malakas kong sinentro ang aking tuhod sa kanyang nakaumbok na alaga at kaagad ko itong sinapol , napakalakas ang pagtira ko kaya't nabitawanan niya kaagad ang aking braso. Napaungol siya sa sakit at napayuko habang hawak hawak niya ang kanyang alaga. Nagkaroon ako ng pagkakataon tumakas . "S-s**t! Bumalik kang babae ka rito! pautal-utal niyang sambit habang nangingiwi sa sobrang sakit na kanyang natamo. Habang papalayo na ako , lumingon pa ako rito at ngumisi at tinaas ang aking kamay at nagpakyu. Kaagad naman akong nakahanap ng masasakyan . Hindi ko na ginamit ang aking sasakyan dahil baka maalaman pa ng aking ama at ako'y harangin ng mga galamay nito. "Manong pakibilisan ho, Sa St.Florenzo po tayo." Sa aming lugar kilalang kilala kmi . Hindi lang ako nakilala ng driver ng sinasakyan ko dahil nakashade ako at nakasumbrero at upang hindi talaga makilala nagsuot ako ng maikling wig. "M-Ma'am parang hinahangos po kayo , May humahabol po ba sainyo?" pagtataka niyang tanong. "Ah wala po manong, Nagmamadali lang po talaga ako." agad kong tugon. Kumulang Isang oras bago ko marating ang St. Lorenzo . Isa itong resort na malapit lang sa dagat. Ang dagundong ng mga alon lang ang iyong maririnig .Malakas na hangin ang dumadampi sa iyong mga balat. Ito ang paborito kong pasyalan lalo na kapag mag-isa lang ako. Mangilan-ngilan lang ang nagchecheck in dito dahil bago palang ito naclick. Tinatanong ko ang katiwala rito na kung nasaan ang may-ari nito. Ngunit wala silang ideya kung nasaan ito . Ang nagpapalakad lang raw nito ay ang bunsong anak na lalaki na ni minsan ay hindi pa bumibisita rito. Siguro Lorenzo ang apelyido nila kaya ito ang pangalan ng kanilang resort ang pagkakaalam ko. Kyler POV Walanghiya ang babae na yun! Naunahan ako! Magtagpo muli ang landas namin hindi ko na siya papakawalan! Siya lang babae ang bukod tanging sinaktan ang aking alaga. Ngunit paano ko siya matutunton muli kung hindi ko pa nakikita ang mukha niya. Malas naman , dapat tinanggal ko na yung suot niyang salamin para makita ko ang pagmumukha niya! Pero pamilyar ang boses niya sa akin parang narinig ko na kanina-kanina lang. Hindi ko na lubos maisip kung sino iyon, sa daming taong nakakaharap ko kanina . Mga magagandang dilag. Pero may isa talagang pumukaw ng aking atensyon ang babaeng walang bra. Infairness kahit wala siyang bra ang ganda niya parin at ang lakas ng appeal niya. Hindi ko rin maitatanggi na uminit ang aking katawan at nabuhay ang aking alaga ng maglapit ang aming katawan. Kay ganda niya palang pagmasdan lalo na sa malapitan. Kahit may pagkaastang lalaki siya lutang parin ang kanyang kagandahan kahit hindi man nag-aayos. Kilala ko siya, siya ang nag-iisang anak ng De Vera. Ang may-ari ng malaking mansion na ito. Nakilala ko lang siya sa social media dahil iniistalk ko siya. Nagkunwari akong nakita ko na siya in person upang asarin. Kaya ako nakapunta sa mansion na yun dahil inimbitahan ako ng kanyang ama. Magkakilala ang aming magulang dahil sa negosyo . Ako lang ang napilitang pumunta dahil nasa abroad ang aking mga magulang at wala akong magawa kundi umattend sa kanilang malaking selebrasyon. Sa dinami-daming babaeng dumaan sa akin at natikman ko . Ito lang yung babaeng tila biglang bumilis ang t***k ng aking puso at tumigil ang mundo ko . Parang nalove at first sight na yata ako. Muli akong bumalik sa mansion .Marami narin nagsidatingan na mga tao roon. Agad naman akong nakita ni Mr.De Vera na abala sa pag- aassist ng mga bisita. "Oh Mr. De Vera." agad niya akong kinamayan. "How are you Iho? You look great today." aniya . "Ayos lang po ako Mr.De Vera . By the way, My mom and dad greets you for this wonderful celebration. It's amazing!" pangiti kong sambit dito. "Thank you Iho, Sayang wala ang mga magulang mo dito. Maybe in the right time kapag nakauwe na sila saka namin pag-uusapan ang aming pinagkasunduan." malumanay nitong sabi na may tuwa sa kanyang mga mata. Hindi ko na inalam kung anong sinasabi niyang pagkakasunduan nila. Dahil wala akong pakialam sa negosyo nila. May isa akong negosyo na sa aking pinamahala ng aking mga magulang. Na ni minsan hindi ko man lang napupuntahan dahil sa busy akong tao at walang alam sa pamamahala nito. Tinatawagan ko lang ang aking katiwala ruon upang alamin ang lagay ng resort. Pinakikiusapan ko nalang ang aming katiwala ruon na kung maaari kapag nagtanong ang aking mga magulang kung pumupunta ako sa resort ay magsisinungaling nalang siya upang hindi ako madatungan ng galit nila. Baka kasi ipadala ako sa New York at duon na pag-aralin kapag nalaman nilang ni minsan hindi ko iyon binibisita. At ayoko naman mangyari 'yun. Dahil wala akong magiging babae run , mas gugustuhin ko nalang dito sa Pinas kaliwa't kanan ang aking mga babae at nasusunod ko lahat ng gusto ko. Halos lahat ng babae nahuhumaling sa akin , yung iba pa nga halos magpakamatay kapag pinagsawaan ko na. Yung iba gusto nilang buntisin ko na lang sila kahit wag na pakisamahan. May isa akong kapatid mas matanda sa aking ng dalawang taon. He is 30 years old samantalang ako 28 years old palang. Matagal ko na rin siya hindi nakikita since naging sangkot siya sa ilegal na gawain. Pinagtabuyan siya ng aking mga magulang dahil bukod sa wala itong pakinabang ay nagdala pa ito ng kahihiyan sa aming pamilya. Naalala ko pa noon ng sinaktan niya ako . Hindi na siya yung kuyang nakikilala ko noon , siya na yung taong malupit at walang kinatatakutan. Dahil sa impluwensiya ng kanyang barkada lumayo ang loob niya sa amin at parang hindi na niya kaming itunuturing na pamilya. Lumayas siya , apat na taon na ang nakakalipas at hindi ko na siya muling nakita. Parang mag-isa narin ako sa buhay , dahil ang mga magulang ko ay nasa abroad. Nangangamusta lang sila kapag may kailangan lalo na sa negoyo. Ang tanging pinakakaabalahan ko lang ngayon ay ang pambabae . "Iho, wag kana muna aalis . Ipapakilala ko lang sayo ang aking unika Iha."saad nito. "Sige po, Wala naman po akong ibang pupuntahan." magalang kong sagot. Makikita ko na muli ang babaeng iyon, parang nakaramdam ako ng kaba sa muli naming pagkikita . Tila yata tinamaan na ako sa babaeng iyon . Ano kaya magiging reaksyon niya kapag nakita niya ako at malaman niyang magkakilala ang aming mga magulang. Panigurado kukunot ang kanyang noo kapag nakita ako dahil sa ginawa ko sa kanya. Kahit sino namang lalaki mapapatingin lalo na kapag walang bra at bakat na bakat ang kanyang u***g sa kanyang manipis na damit. Kahit may kaliitan ay parang kay sarap nitong halikan at dila-dilaan. Ganun ang klaseng babaeng gusto ko may pagkaangas ang datingan at palaban. Parang ang sarap niyang mahalin at alagaan. ----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD