Napatingin ako ky Mr. De Vera na papalapit sa akin. Nagtataka ako kung bakit hindi niya kasama ang anak nito. Nakita ko ang pagkunot niya ng noo.
"Where is she? May problema po ba?" kaagad kong tanong.
"Im sorry Iho, Pero pinuntahan ko na siya sa kanyang kwarto pero wala siya. Natakasan nanaman ako at hindi nagpaalam sa akin." aniya.
Natatawa ako ng marinig ko iyon, ngunit hindi ko pinahalata sa harapan ni Mr. De Vera. Siya pala ng klaseng babae na mahilig tumakas at hindi nagpapaalam. Tiyak magkakasundo kami dahil iisa ang aming gawain.
"I contact her , But she's not answering my calls." Kung saan-saan nanaman nagpupunta ang batang iyon! Alam na may selebrasyon dito. Hindi man lang siya nakikihalubilo!" Pagalit niyang sambit.
"It's okay Mr. De Vera . Maybe nexttime mamemeet ko na siya in person."
"Im sorry Iho, Ang intensyon ko talaga kaya kita inanyayahan is to meet her. Im sorry for waiting you so long.Hindi mo man lang siya nakita." aniya.
"Okay lang po , Huwag kayong huminge ng sorry." mahinahon kong sabi.
"Thank you for your understanding Iho, Sana mag-enjoy ka rito . Gusto mo dito ka nalang matulog? Para naman kung sakaling umuwi ang aking anak nandiyan ka at makikita mo na siya." aniya.
Hindi ko maitindihan kung bakit napakahalaga sa kanya na magkita kami ng kanyang anak. Hindi ko nalang sinabi na kanina-kanina lang ay nagkatagpo na kami . At hindi naging maganda para sa kanyang anak ang pagkikita namin. Akala niya binabastos ko siya. Eh sadya lang napatingin ako sa kanyang dibdib dahil wala itong suot na bra.
"Ay hindi na po kailangan! Hindi rin po ako sana'y matulog sa ibang bahay . Meron naman po akong bahay na uuwian." pangiti kong sabi sa kanya.
"Ano ka ba maituturing mo narin itong bahay kapag naikasal na kayo." malumanay niyang sagot na ikinabigla ko.
"A-Ano po? Anong kasal?" pagtataka kong tanong sa kanya.
"Hindi ba nabanggit ng iyong mga magulang ang patungkol dito?" kunot noo niyang tanong.
"Wala po silang nababanggit sa akin, Ang alam ko lang magpartner kayo sa negosyo. At meron kayong isang anak na kailangan ko mameet para makikila niya ako."
"So, Sa akin mo palang pala nalaman? It's okay malalaman at malalaman mo rin naman . Maige at nalaman mo na ngayon." aniya.
"A-Alam ba ng inyong anak na pinagkasunduan ninyo kami?" pautal-utal kong sagot.
"Yes, Nabanggit ko na balang araw may ipapakilala ako na magiging partner niya sa buhay. Ngunit hindi ko nabanggit sa kanya na ikaw iyon ang anak ng kasusyo ko sa negosyo." malumanay niyang sagot.
"Ano po ang naging reaksyon niya? Ayos lang ba sa kanya na ikaw ang magdedesisyon kung sino ang mapapangasawahin niya? sunod-sunod kong pagtatanong sa kanya.
"Wala na siyang magagawa 'run. Ito ang patakaran sa ating negosyo." aniya.
"Kaya kung maaari Iho , Gawin mo ang lahat para mapaibig mo siya." dagdag pa niya.
Hindi ko talaga akalain na pagkakasunduan kami dahil sa negosyo. Ang babaeng iyon na nakapagpabighani sa aking mata ay iyon palang magiging soon to be wife ko. Nakaramdam ako ng kasiyahan sa aking puso. Ngunit paano ko makukuha ang loob niya kung sa unang pagkikita namin ay nagalit siya. Tiyak na mahihirapan akong mahuli ang kanyang loob at mapaibig ko siya. Hindi ako maaring sumuko nalang. Kilala ko ang aking sarili lahat ng gusto ko makukuha ko.
Kacey POV
Ano na kaya ang lagay sa mansion? Tiyak na pinuntahan ako ng aking ama sa aking kwarto . At panigurado usok na ang ilong niya sa galit sa kahahanap sa akin. Maige narin umalis ako roon. Kakatamad ng umuwi sa mansion. Maige nalang siguro magpakalayo nalang ako. Kaya ko naman na ang sarili ko at hindi naman na siguro ako kailangan ng aking ama dahil may panibago na siyang bubuuing pamilya.
Nataranta ako nang biglang magring ang aking cellphone. Pagkatingin ko , si aleng Beng pala ang tumatawag. Tiyak na nag-aalala na ito sa akin .
Sinagot ko ang tawag. "Hello , aleng Beng?"
"Kacey nasaan ka naba? Kanina lang pumunta ang iyong ama rito sa kwarto mo pero wala ka. Saan ka ba nagpupunta? Hinahanap ka sa amin ng ama mo dahil may ipapakilala siyang bisita sayo. Kami ang napagbuntungan niya ng galit dahil sa ginawa mo!". malakas niyang tinig na halos mabingi ako.
"Huwag naman po kayong sumigaw! Hindi naman ho ako bingi! sagot ko sa kabilang linya.
"Huwag kayong mag-alala safe ako rito at gusto ko lang naman makapag-isa. Hindi na po ako bata na kahit saan ako pumunta ay kailangang alamin ninyo. Kaya ko na po ang sarili ko." sambit ko sa kanya.
Bago pa man siya makapagsalita ay pinatayan ko na ito ng cellphone. Ayoko may sagabal sa pananahimik ko ngayon. Gusto ko lang irelax ang aking sarili.
Malapit ng lumubog ang araw , Dito ako nagtigil sa labas kung saan nakikita ko ang paghampas ng alon, at ramdam na ramdam ko ang malakas na hangin. Halos maginaw ako sa subrang lamig. Kaya't pinulupot ko ang kumot sa aking katawan. Kumuha ako ng isang inumin na wine para maenjoy ko ang moment na ito na mag-isa lang ako. Mas gugustuhin ko nalang siguro dito matulog kaysa sa loob. Wala naman sigurong manghihimasok dito.
Hindi ko namamalayan na unti-unti na pala akong nakakaidlip sa sofa. Ramdam na ramdam ko ang malamig na hangin na kahit pulupot ng kumot ang aking katawan ay lampasan ito. Ngunit hindi parin ako pumasok sa loob. Hanggang may bumulabog sa aking pagkakaidlip ng biglang may narinig akong kalampag na nagmumula sa kusina. Agad akong napatayo sa aking pagkakahiga at tarantang tinanggal ko ang nakapulupot na kumot sa aking katawan. Agad kong inihanda ang aking balisong na sa oras ng kapahamakan ay may sandata akong panglaban. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto maging ang pagtapak ko sa sahig ay maingat upang hindi magkaroon ng anumang ingay. Nanginginig ang buo kong katawan sa takot, dahil mag-isa lang ako. Ngunit nagpatuloy parin ako at nilakasan ko ang aking loob. Pagdating ko sa kusina wala naman akong nakitang tao roon. Ang pumukaw lang ng aking atensyon ay ang isang papel na nakalagay sa ibabaw ng water dispenser. Bago ko man alamin 'yun agad kong chineck ang bawat silid. Sa kwarto, sa cr at ang isang silid na nasa itaas. Agad kong kinandado ng maayos ang lock ng pintuan maging mga bintana. Sinigurado ko na sarado ang lahat .
Agad kong kinuha ang papel na nasa ibabaw ng water dispenser at kaagad kong nabasa ang nakasulat roon.
YOUR NEXT! !
Manginig-nginig kong nabitawan ang papel.