Inis

1207 Words
Kacey POV Nilock ko ang pinto ng aking kwarto. Subrang sama ng loob ko sa nalaman ko. Subrang mapanakit! Tapos tila ako pa ang mali sa mata ng aking ama? Sadyang nilason na ang isip ng ama ko ng babaeng iyon. Kung nandito sana ang aking ina , siya yung nandiyan agad upang ikompronta ako. At yung mga nararamdaman kong sakit ay kaagad na mapapawi . Hirap kapag walang nanay . Andun yung lungkot at pangungulila, hinahanap hanap parin ang kanyang lambing , mga yakap at halik . Ngunit kailanman hinding-hindi na maibabalik ang buhay ng aking ina.Malaking katanungan sa aking isip kung bakit hindi nila pinapaalam sakin kung ano talaga ang totong nangyari sa kanya bago man ang aksidente. Tanging bukambibig lang sa akin kapag tinatanong ko ay namatay ang aking ina sa aksidente dahil sa pagmamadali makahabol sa aking graduation. Habang ako'y nagmamatured , napag alaman ko na kailangan hindi isawalang bahala ang nangyari sa aking ina. Dahil hindi parin mabigyang linaw ang aking katanungan. Tila may itinatago ang aking ama na hindi ko nalalaman. Kaya't kung ano man yun kailangan kong matuklasan . Dahil hindi ko mananahimik hangga't hindi ko nalalaman ang buong katotohanan. Akala ng aking ama na nakalimutan ko na ang pangyayari na tumigil na ako sa pagtatanong. Ang hindi niya alam gumagawa ako ng paraan para malaman ang totoo . Kung aksidente lang ba talaga ang nangyari o may taong gustong pumatay sa aking ina. Hindi madali sa akin ang pagkawala ng aking ina . Malaking kawalan ito sa buhay ko , parang nabunutan aq ng pakpak at mahina na pagaspas at lipad nito. Dahil siya lang ang nagbibigay sa akin ng lakas upang harapin ang anumang pagsubok . Biglang pumasok sa aking isip na siguro kay bilis makalimot ng aking ama ay dahil buhay pa ito may kahubilo na itong iba at niloloko ang aking ina. Dahil nakita ko sila dalawang beses na nagpanama ang kanilang mga mata. Mga mata nila'y nangungusap na tila may ibig sabihin. Hindi ko nalang pinansin yun dahil nasa murang edad palang ako noon na walang ibang gawin kundi maglaro at ang pinoproblema lang ay baon. Napayakap ako nang mahigpit sa isang napakalaking handayan. Inunat ko ang buo kong katawan upang magpahinga. Kung andito lang sana ang aking ina, tiyak matutuwa siya dahil sa mga achievements kong natatanggap. Tiyak na ipagmamalaki niya ako at ipaaalam sa kanyang mga kapatid at kamag-anak. Sa ngayon , ako'y nasa kolehiyo na. Kung saan ito ang pinakamahirap at komplikadong panahon na may maraming pagsubok at problema .Bagamat wala na ang aking ina, hindi hadlang 'yun upang hindi ko pabayaan ang aking pag-aaral. Natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa, at para matutong magdesisyon para sa sarili. Ilang araw nalang pala bago magpasukan, magiging busy nanaman sa pagagawa ng mga outputs, projects, thesis. Araw ng pahinga dapat ngayon sa ilang araw na walang pasok. Sa halip ienjoy at mgkaroon ng relaxation ang pag iisip naging stressful pa ito sa akin . Dahil sa mga problema dito sa mansion. Hindi ko ugaling maggagala kapag walang pasok. Lumalabas lang ako kapag may gusto akong bilhin. Ako yung tipong nasa bahay lang at halos magkulong lang sa kwarto . At ang laging pinagkaabalahan ko ay ang pagguhit, at ang pagbabasa ng mga nobela na lagi kong ikinapupuyat. Maraming beses na may tumangkang manligaw sa akin. Ngunit lahat sila'y bigo sapagkat nahuhumaling ako sa pagbabae. Sa tuwing nakakakita ako ng kapwa babae na maganda , matalino at malakas ang datingan. Nagkakaroon ako ng paghanga dito. At ito ang ikanagagalit ng aking ama ang magkagusto sa kapwa kong babae. Dahil balang araw raw ay may ipapakilala siyang magiging partner ko sa buhay. At kung dumating man 'yun hindi ako papayag mangyari iyon dahil may sarili akong pag iisip at puso. Wala silang karapatan digtahan ang aking puso kung sinong gusto ko. At ang palagi kong pinaghahawakan ang payo ng aking ina bago pumasok sa isang relasyon. Una ay dapat buo na ang iyong sarili. Hindi ka pumasok sa isang relasyon para makumpleto ka, pumasok ka sa isang relasyon para madagdagan ka. Padalawa , pumasok ka sa isang relasyon kapag handa kana. Ito 'yung maging handa ka sa posibilidad na mangyayari; physically, emotionally at spiritually. Pangatlo, pumasok ka sa isang relasyon kung kaya mo gampanan ang magiging responsibidad mo. Hindi kailangang one-sided lang. Pang apat, dapat alam ang prioridad ng bawat isa.At ang pinakamahalaga ay ang respeto , tiwala at pagmamahal at ang higit sa lahat, dapat Diyos ang sentro ng relasyon nyo. Subrang dami kong natutunan sa aking ina.Maging sa pakikisama. Hindi ko kailangang maging mabait sa lahat ng bagay . Dahil kung pangingitaan ka ng mahina hihilahin ka nila pababa at aabusuhin ang pagiging mabait mo. Hindi lahat ng taong nakapaligid sayo ay totoo. Ang iba pakikitaan ka ng mabuti kapag kaharap ka , ngunit sisiraan ka kapag nakatalikod. Maging maingat sa mga taong makakasalamuha mo at makakasama. Naputol ang aking pag iisip at pagmumuni-muni sa nakaraan ng may biglang kumatok sa pinto. Marahan kong binuksan ang pinto at bumangad sa akin si aleng Beng na may bitbit na pagkain. Agad ko naman itong kinuha at nagpasalamat. Subrang swerte ko rin dahil may taong lagi akong binabantayan at inaalagaan. Kahit paminsan -misan nakakasagutan ko siya pero hanggang duon lang 'yun . Mahal ko si aleng Beng, tulad ng pagmamahal ng aking ina. Matandang dalaga si aleng Beng. Dito na siya tumanda sa paglilingkod sa amin. Mabilis kong inubos ang pagkain na dinala sa akin ni aleng Beng. At agad ako naghanda ng susuotin. Lalabas ako sa mansion. Ayoko makisaya sa kanila . Lalabas ako mag-isa upang aliwin ang aking sarili. Inayos ko ang aking higaan na kung sisilipin ako sa kwarto ay parang natutulog lang. Marahan kong pinihit ang doorknob ng aking pinto . Palinga-linga ako tiningnan ang mga tao . Baka makita ako ng aking ama, panigurado hindi ako makakaalis. Dahan-dahan akong lumakad na tila may naapakang tae. Nagsuot ako ng sumbrero at wig ng maikling buhok at nagsalamin upang hindi ako mapansin. At isipin na isa lang ako sa mga bisita. Nang bahagya kong bubuksan ang gate sa likod ng biglang may nagsalita na halos ikasigaw ko sa gulat. "Ay Tipaklong!" napaatras ako. "Hi miss , kailangan mo ba ng tulong?" saad niya. Sa totoo lang hirap ako sa pagbukas ng gate. Dahil kalawangin na ang lock nito ay mahirap na mabuksan. "A-Ahhh hindi na kailangan malapit ko narin naman tong mabuksan. Pautal-utal kong sabi sa kanya. Nang itinaas ko ang aking ulo upang makita ito, laking gulat ko na ito pala yung lalaki kanina na kaaga-aga sumira ng araw ko. Agad ako napatungo at tarantang binuksan ang gate.Maige naman nakisama at nabuksan na ito. "Miss, may problema ka ba? Ahmm hindi ka na ba babalik sa loob ? Bakit diyan ka dumaan?"pagtataka niyang tanong. Hindi na ako umimik dahil baka mahuli niya ako. Agad akong tumakbo at iniwan siya. Akala ko makatakas na ako, hindi ko alam nakasunod pala ito sa akin. "Magnanakaw ka ba!? mariin niyang tanong. Halos mapako ang aking mga paa at hindi ako makagalaw sa mga oras na 'yun. Napakabilis ng t***k nang aking puso. "Sino ka?" Bakit ka nakapasok sa mansion!" Malakas niyang sabi. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD