Pagkagulat

1103 Words
Napasubsob ako sa kanyang dibdib ng hilahin niya ang aking braso. Halos mapayakap ako dito. Agad naman akong kumawala sa pagkakayakap ko. Aminin ko sa hindi napakabango nito, tila ako'y malulunod. "Ano ba! Anong kailangan mo sa' kin!" pagalit kong tanong dito. Sa totoo lang allergic ako sa mga lalaki . Since birth wala akong nagiging boyfriend . Bukod sa strikto ang mga magulang, wala talaga akong balak magjowa. Dahil gusto ko kapwa ko ring babae. Ni minsan hindi ako nagkakaroon ng paghanga sa lalaki kahit marami ang nanghuhumaling sa' kin. "Hey, Relax masyado ka kasing nagmamadali. Hindi mo ba aalamin man lang kung saan tayo nagkita?" saad niya na halos matunaw ako sa kanyang pagkakatitig. "Wala akong time makipag-usap sayo, Okay?" Mabilis kong sagot sa kanya. "Masyado ka naman suplada Miss Beautiful. Pero ang ganda mo parin kahit ganyan ka , lalo na siguro kung mag-aayos ka." dagdag pa niya. "Puwede bang tigilan mo ako! Nakakasira ka ng araw ko!" mariin kong sabi sa kanya. Napukaw ang aking atensyon ng makita kong nakatutok na ang mga singkit nitong mga mata sa aking dibdib. At bigla ko nalang napansin na wala nga pala akong suot na bra sa kadali-dalian ko kanina. Napasinghot nalang ako sa hiya at kaagad kong tinabunan ang dibdib ko. "Bastos ka ah!" Pagalit kong sabi. "H-Ha? Ako bastos? Anong pinagsasabi mo riyan?" nagtataka niyang sagot na naipakunot ng kanyang noo. "Eh bakit ka nakatingin? Halos lumuwal nga mga mata mo! Alam mo mayabang kana nga bastos ka pa!" Taas kilay kong sabi sa kanya. "Ah yan ba? Bakit mahuhubaran ba kita kapag tiningnan ko lang 'yan? Eh hindi naman kalakihan yan," Natatawa niyang sagot. Halos sumabog ang bungo ko sa galit. Malapit-lapit na masasampulan ko na talaga ito! Napakawalanghiya! Nangmula pa talaga. "Pwede bang lumabas ka ng pamamahay ko! O kakaladkarin kita palabas!" Matapang kong sagot sa kanya. Napahalakhak ito ng tawa. "Ano kakaladkarin mo ako palabas? Gusto mo pa bang maexpose 'yan at malaman nilang wala kang suot na bra?" Napatigil ako sa aking sinabi. 'Nga pala marami ng tao sa labas. Nagsidatingan na ang ibang mga bisita. Agad akong tumalikod sa lalaking ito . Kahit may mga sinasabi pa ito ay hindi ko nalang pinansin 'yun. Dali-dali akong nagpunta sa aking kwarto upang magsuot ng bra. Paglabas ko, hindi ko na muling nakita ang lalaking iyon. Mabilis akong nagtungo sa labas. Nakita ko ang aking ama na kasama-sama ang kanyang babae. Kaagad naman akong napansin ng aking ama. Papalapit sa'kin ang mga ito habang magkaholding hands. Sa halip na ngumiti ay napakunot noo nalang ako habang pinapanuoran sila. Kahit kailan hindi ko siya maituturing na ina. Hinding-hindi niya matutumbasan ang aking ina . Wala lang ito sa kalingkingan .Biglang sumasama ang araw ko sa tuwing nakikita ko ito . Ang mukha nito ay tinatakpan lang ng makapal na make-up at ang pananamit nito ay hindi kaaya-ayang pagtingnan lalo na sa mga mata ko . Halos lumuwa ang s**o nito sa suot nito at kulang nalang maghubad. Hindi ko maitindihan kung ano ang nagustuhan ng aking ama rito . Parang siyang pokpok tingnan. Siguro magaling lang ang performance nito pagdating sa kama kaya't hindi ito mapakawalan ng aking ama. Sa mga oras na ito hindi ko parin alam kung anong selebrasyon ang nagaganap. "Hija, Nandiyan kana pala, Kanina ko pa ikaw hinintay. Saan ka ba nagsusuot?" tugon ng aking ama na hindi parin mabitawan ang pagkakahawak ng kanilang kamay kahit nasa harapan ako "Honey, Wag mo na s'yang pagalitan. Maybe , marami lang siyang inaasikaso . Ganyan talaga kapag nagdadalaga. Right?" Napabaling siya nang tingin sa akin na tila may ibig sabihin. Lalong nairita ako sa sinabi nito . Bukod sa pagmumukha nito ang arte pa nitong magsalita na akala mo kung sino. Feelingerang babaeng ito! dumikit lang siya kay ama makaasta parang mayaman. Samantalang lahat ng suot o gamit niya galing sa aking ama. "Ano po ba ang meron? Bakit kanina sinabi n'yo na may darating tayo na bisita?" tanong ko sa kanya. "Yah, Hinihintay lang natin sila. I have suprise for you." saad nito na kita ko sa kanyang mga mata ang pagkagalak nito. "Is that badnews for me, Or should I'll be happy?" giit ko sa aking ama. "You should be happy, It is the right time." tugon niya. Kahit hindi niya agad masambit kung ano 'yun, malinaw na sa aking isip kung ano ang ibig niyang sabihin. "The right time for what?" kaagad na tanong ko sa kanya kahit alam ko na ang kanyang ibig. "Matagal na ring wala ang iyong ina. Ito na 'yung tamang panahon na magkaroon ka na ng bago mong ina . Na siyang mag-aalaga sayo at magmamahal katulad rin ng inyong ina." malumanay niyang sambit. "No!" Mariin kong sagot. "Kahit kailan hindi ko siya maituturing na ina! Masisisi mo ba ako ama? Hindi ko kaya siyang tanggapin sa buhay ko lalo na maging ina ko! Dahil walang makakapantay sa pagmamahal at pag-aaruga ng aking ina!" Pasigaw kong sabi. "Huwag kang bastos Kacey! Lalo na sa magiging asawa ko at magiging ina mo! Wala kang respeto!" pagalit niyang tugon. Halos uminit ang buo kong mukha sa galit. Wari ko'y namumula na ang aking mukha. Napabuntonghininga ako at nanginginig na ang aking kalamnan. "Bakit ang dali mong magtiwala sa babaeng iyan?!Eh hindi mo pa siyang lubusang kilala! Malay mo ginagamit ka lang niya para maangkin ang ari-arian natin!" "S-Shut up, Kacey! Masyado nang matalas ang dila mo para makapagsalita ka ng ganyan! She's pregnant , diba pangarap mo magkaroon ng kapatid? Ate kana Kacey!" saad niya. Tila umurong ang aking mga dila sa mga oras na 'yun, parang akong isang tablang kahoy na hindi makagalaw. "W-Whhaat?" napakunot noo ako at napatingin sa tiyan ng babae . At 'dun ko napansin na medyo halata na pala ang tiyan nito. "Tama na iyan Honey, Kailangan niyang makapag-isip. Nabigla lang siya sa pagtatapat mo. Mahinahong sagot nito. "By the way Honey, malapit na silang dumating maybe 2 minutes before nandito na sila," dagdag pa nito. " Okay , Honey. Nakaprepare naman na ang lahat . Sila nalang ang kulang." anas nito. Kacey POV : Dahil sa sinabi ng aking ama, agad akong kumuripas ng lakad patungo sa aking kuwarto upang duon nalang magkulong . Mabuti pa siguro na hindi nalang ko lumabas kanina. Tapos ganito lang ang malalaman ko? Binuntis pa talaga niya ang babaeng 'yun! Akala nila siguro na magpapaka -ate ako sa batang nasa sinapupunan pa niya. Kung maari lang gumawa ako ng paraan para lang maagasan s'ya gagawin ko!. Abangan po ang next episode. Enjoy lang po kayo sa pagbabasa ðŸĪ—
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD