Napabungkawas ako ng bangon mula sa aking pagkakahiga nang marinig ko ang malakas na boses ni aling Beng, ang matandang katiwala ng aking mga magulang.
"Kacey! Kacey! Bumangon ka na riyan!" malakas niyang tawag na nagpagising sa aking diwa.
I got up, but I was little bit lazy. Kinuha ko ang orasan sa aking ulohan. It's 6 o'clock in the morning . Masyado pang maaga upang bumangon. I slept at 12 midnight, hindi ko namamalayan ang oras sa pagbabasa ko ng mga nobela.
Bumalik muli ako sa aking kamang malambot at nagkulumbot ng kumot. Masyado naman maaga ng matandang iyon para bulabugin ang mahimbing kong tulog.Nakakainis nalang palagi na mayroong gigising sa'yo. Nakakairita! hindi nalang hayaan gumising ako, hindi 'yung araw araw nalang may sisigaw para gisingin ka.
"Ano Kacey! Hindi ka susunod!" pasigaw niyang tawag na wari ko'y labas na ang litid nito sa kakasigaw.
Pinukpok niya nang malakas ang pinto. Halos mabingi ako sa kanyang hiyaw at pukpok na halos masira ang tanikala ng pintuan. Napabuntonghininga nalang ako at pinasok ko ang dalawang daliri ko sa tainga upang mabawasan ang ingay.
"Puwede po bang hayaan n'yo ako , Babangon o gigising ako sa gusto ko," kuno't noo kong sambit.
"Kahit kailan talaga napakatigas ng ulo mo! Kung buhay pa sana ng Ina mo magagalit rin 'yun sa pinagagawa mo!" mariin niyang sagot.
"Wag mo po idadamay ang ina ko, Dahil simula lang noong nawala s'ya nagkaganito na ako at alam mo naman siguro kung bakit di'ba?". saad ko sa kanya.
"Ano ba Kacey! Malaki ka na! Kaya mo na ang sarili mo, hindi habang-buhay palagi kang ganyan na laging pinagsasabihan!" aniya .
"Sino ka ba para pagsabihan ako ng ganyan? Eh hamak na katulong ka lang naman," sambit ko sa kanya.
"Oo hamak na katulong lang ako, Pero itinuring ko na kayong pamilya . Dito na ako tumanda at malaki ang utang na loob ko sainyo, lalo na't sa ina mo. Alam mo ba kung bakit ako ganyan sa'yo? Dahil bago siya mamatay hinabilin ka niya sa'kin na kung may mangyari man masama sa kanya ako ang mag-aalaga sa'yo." sabi niya na biglang naging malumanay ang pananalita.
Wala akong naging imik sa sinabi ni aleng Beng, tila umurong ang aking dila . Napagtanto ko na mali ang sinabi ko. Napapikit nalang ako at napayapos sa handayan. Narinig ko nalang ang papalayo niyang mga tapak at muling binalot ng katahimikan ang aking kwarto.
Sobrang namimiss ko na ang aking ina. Mga yakap at lambing niya , mga halik at harutan naming mag-ina. Ngunit hindi na muling mangyayari 'yun . Hindi na babalik ang aking ina. Marami tanong sa aking isipan kung bakit s'ya pa? Bakit ang ina ko pa? Kung sino pa ang may busilak na puso ang s'yang kinukuha . Bakit hindi nalang ang mga masasamang tao ang bawiin ang buhay.
Naalipungatan ako nang marinig ko ang malakas na busina na nanggagaling sa labas. Alam ko nandiyan na ang aking Ama , kasama ang babae niya. May galit at kirot sa aking puso ang ginawa ng aking Ama. Dahil sa halip na pagtuunan nalang ako ng atensyon at pagmamahal ay naghanap parin . It's been 2 years and half mula ng mamatay sa aksidente ang aking Ina. Ngunit tila napakadali lang makalimot mula sa pagdadalamhati nito at kaagad ng humanap ng bago . Na hindi man lang niya inalam kung ano ang mararamdaman ko.
"Kacey!" malakas na sigaw ng aking ama .
Napaigtad nalang ako nang bangon ng marinig ko ang pagtawag ng aking Ama.
"Hindi ka pa bumabangon?" tanong niya.
"Babangon na po Ama, hintayin n'yo nalang po ako sa labas," atubili kong sagot.
Mabilis akong humakbang at nagtungo sa banyo para magmumog at maghilamos ng mukha.
"Bilisan mo ng kilos diyan! May darating tayong bisita!" pasigaw niyang sabi.
Mabilis akong nagligo at nagbihis. Maraming nagsasabi na may pagkaasta akong lalaki dahil sa aking pananamit . Palaging oversized ang sinusuot kong T-shirt. Ni minsan hindi ako nakakapagsuot ng maikli sa labas, maliban nalang kapag matutulog.
Madalang nalang ako manalamin sa malaking salamin ko na hugis oblong .Halos sakupin nito ang buong katawan mo kapag mananalamin sa kalakihan nito . Hindi ko man lang maisipan na umupo saglit at mag-ayos . Dahil polbo at liptint lang ayos na sa 'kin. Pampatagal lang ito ng oras kung paglalaanan.
Mabilis akong lumabas ng aking silid. Nagtungo ako sa kusina upang uminom nang maligamgam na tubig . Nakasanayan ko na ang pag-inom nito tuwing umaga. Pagdating ko sa kusina nagulat ako ng makita kong abala silang lahat sa pagluluto . Tila may malaking selebrasyon ang magaganap .
"Manong Bert, Ano po ang ganap bakit naghahanda kayo?" nagtataka kong tanong.
"Wala rin akong ideya Kacey, Sinunod lang namin ang utos ng ama mo na maghanda." tugon niya.
Napakunot- noo nalang ako. Pabalik na sana ako sa aking silid ng marinig ko ang malamig niyang tinig.
"Kacey..." bulong na pagtawag nito sa aking pangalan.
Napalingon akong bigla sa aking likuran . Hindi pamilyar ang boses na 'yun . Ngayon ko lang ito narinig. Unti-unti kong tinaas ang aking ulo hanggang magpanama ang aming mga mata.
May katangkaran ang lalaking ito, mga mata nito'y naninigkit. Makakapal ang kiloy nito at manipis ang labi. Napaatras akong bigla ng halos magdikit ang aming katawan.
"W-Who are you?" pautal-utal kong sambit na may pagtataka kung bakit niya ako kilala.
"Hi, Im Kyler." malumanay na pagpapakilala nito. Sabay abot ng kanyang kamay.
Tinitigan ko lang ang kanyang kamay, at maya-maya ay inalis narin. Napangisi lang siya at tumingin ng diretso sa' kin.
"You're so beautiful." mariin niya sabi na tila may pagbabanta.
"E-Excuse me? Sino ka ba? Nagkakilala na ba tayo?"
"Yes I know you and we've met before, Don't you remember?" wika niya.
Kahit isipin ko maige, hindi ko talaga siya maalala. Napakamot nalang ako sa ulo at pairap ko siyang tiningnan. Inisip ko na nagsisinungaling ang hinayupak na lalaking ito! Imposible naman na nagkakilala na kami at hindi ko siya matandaan. Akmang aalis na sana ako ng hilahin niya ang braso ko.
"Ahhhhh!" napasigaw ako sa gulat.
--To Be Continued--