NANGINGITI si Mia na pinagmamasdan si Drake na nahihimbing habang nakapulupot sa baywang nito ang braso nito. Mataas na ang sikat ng araw pero nakahilata pa rin ang dalawa sa kama. Kapwa hubo't-hubad na tanging ang manipis at puting kumot lang ang nakabalot sa kahubaran nilang magkayakap. "Ang gwapo talaga," nangingiting bulong nito na maingat pinaghahalikan sa buong mukha si Drake. Napapahagikhik ito na kay sarap pa rin ng tulog ni Drake. Halos mag-uumaga na kasi nang tantanan ito ni Drake na tila walang kapaguran! Kung saan-saan na nga nila ginawa iyon kagabi sa bawat sulok ng unit ni Mia. Napupuno ng halinghing, ungol at salpukan ng hubo't-hubad nilang katawan ang buong unit sa buong magdamag nilang pagniniig. Dama nga ni Mia na nangangalay pa rin ang mga binti nito na hindi makat