ILANG araw din ang lumipas bago tuluyang nagkamalay si Drake na bakas ang gulat na makagisnang nandidito sina Mia at Dale na nagbabantay sa kanya. Tahimik ang lahat na nakamata kay Drake na tila may hinahanap. Napapalunok naman si Mia na hindi masalubong ang mga mata nito nang magkatitigan sila. "Dude, what's wrong?" tanong ni Delta na siyang katabi nito. "Where's Giselle and my daughter?" tanong ni Drake na ikinasinghap ng mga kapatid nito. Nag-iwas ng tingin si Mia na parang kinurot sa puso sa narinig nito na ibang babae at bata ang hinahanap ni Drake, gayong nandidito na silang mag-ina niya. Napalapat ito ng labi na namuo ang luha sa mga mata. "Uhm, Drake. Si Nisha nasa. . . nasa burol," mababang sagot ni Delta na ikinatigil nitong naipilig ang ulo. "Anong burol? Anong ginaga