TULALANG pumasok si Mia sa hospital room ni Drake. Para itong nakalutang sa alapaap na hindi maramdaman ang sarili habang nakamata kay Drake na nakaratay sa kama na maraming sugat sa katawan at mukha. Naabutan naman nito ang mga kapatid ni Drake na siyang nakabantay pero wala ang mga magulang nila. Sabay-sabay pang napalingon ang mga ito kay Mia at Dale na inihatid ni Zayn. Napatayo ang mga ito na walang imik na hinayaan lang si Mia na lapitan si Drake. Nangangatal ang kamay nito na inabot ang kamay ni Drake na may suero. Nagtungo naman sa mini sala ng silid ang magkakapatid para bigyan ng privacy si Mia na makausap si Drake. Halos walang salitang lumalabas sa bibig ni Mia habang nakamata kay Drake at hawak ang kamay nitong kay lamig. Marami itong gustong sabihin na nanatili sa isipa