NAPANGITI si Drake na mas niyakap pa itong napahagulhol na nanghihinang napasandal sa kanya. "Stop crying, baby. Nandito na ako. Hwag ka ng umiyak, hmm? It breaks my heart seeing my wife crying." Pag-aalo ni Drake dito na panay ang halik sa ulo ng asawa. Napalabi si Mia na maalala ang mga nangyari sa mansion kung saan nagmamakaawa ito kay Drake pero hindi siya pinaniwalaan. Nagpahid ito ng luha na tumuwid ng tayo. "What are you doing here?" may katarayang tanong nito na ikinatawa ni Drake at muling niyapos sa baywang. "Visiting my lovely wife." Bulong ni Drake sa punong tainga nitong ikinasinghap ni Mia na makadama ng kakaibang init sa pagkakasagi ng labi ni Drake sa balat niya. "Your wife? Hindi ba't nasa poder mo 'yong asawa mo?" pagtataray nito na ikinahagikhik ni Drake kaya nas