"IKAW!?" Bulalas ni Mia na makilala ito. Natawa lang naman itong napahawi ng buhok na napailing. "Tinakot mo ako! Nakakainis ka naman eh!" asik ni Mia na pinaghahampas ito sa braso na natatawa lang at hinayaan si Mia. "Sorry na. Nagugutom ka na ba?" wika nito na ikinairap ni Mia sa kanyang pabalang na sumandal ng headboard. "Nagugutom." Nakangusong sagot nito na ikinangiti ng kaharap. "Bakit mo ito ginagawa? May dapat ba akong malaman?" Napahinga ito ng malalim na umiling. Kita ang kakaibang lungkot sa mga mata nito na hindi mabasa ni Mia kung para saan. . . o para kanino. "Maybe to protect you," sagot nito na ikinakunot ng noo ni Mia na nakamata dito. "Protect me? Saan? May banta ba ang buhay ko?" nalilitong tanong nito na ikinabuntong hininga ng malalim. . . ni Lucas. "Sab