Chapter 4

2409 Words
MAGKAHAWAK kamay sina Drake at Gia na muling lumabas ng hotel room nila. Lihim na napapangiti si Gia dahil kahit hindi malambing at makulit si Drake katulad ng Kuya Delta nito ay hindi naman siya sinusungitan. Katulad ngayon na lumabas ito at isinama siya kaysa magliwaliw mag-isa sa pupuntahan nito. "Are you hungry? Gusto mo bang kumain na muna tayo? Maaga pa naman eh," wika ni Drake na sinenyasan ang driver nilang paandarin na ang kotse. "O-okay lang bang kumain muna?" mahinang sagot ni Gia na ikinatango ni Drake na napaakbay dito. "Kuya, kumain na muna tayo," baling ni Drake sa driver nila na tumango at ngumiti sa rear view mirror ng kotse. "Sige po, Sir." Napalapat ng labi si Gia na kinukubli ang ngiti at kilig na nadarama. Kahit natahimik silang muli ni Drake ay nakaakbay naman ito sa kanya na tila pinapakiramdaman siya. Gustohin man niyang makakwentuhan ito ay naiilang naman siyang kulitin ito ng kulitin. Si Drake kasi 'yong tipo na laging seryoso ang boses at mukha. Na parang hindi ito marunong makipagbiruan o tumawa. Ilang minuto lang ay huminto na ang kotseng sinasakyan nila. Naunang bumaba ang driver nila na pinagbuksan sila ni Drake. Pilit itong ngumiti na inabot ang kamay ni Drake na nakalahad na inalalayan ito. "Thank you," saad nito na hindi na sinagot ni Drake pero pinagsalinop naman nito ang kanilang nga daliri na hinila na siya papasok ng restaurant. Kaagad naman silang sinalubong ng waiter na nakangiting bumati sa kanila. Napapangiwi na lamang si Gia na hindi nito maintindihan ang usapan ni Drake at ng waiter dahil japanese ang lenggwaheng gamit nila. Hindi tuloy nito mapigilang mamangha kay Drake na napakagaling nitong magsalita ng japanese na parang hapon din ang accent. Tipid akong ngumiti na inalalayan ako nitong maupo na inabot ang menu bago naupo sa kaharap kong silya. "Pamilyar ka sa japanese food?" tanong nito na nakamata sa menu. "H-hindi eh." Napanguso naman itong tumango-tango na namimili sa mga nasa menu. "Ako na lang pipili. Masarap din naman ang japanese food dito," wika ni Drake na ikinatango na lamang ni Gia habang pinagmamasdan ang asawa nito. Kusang sumilay ang ngiti sa mga labi ni Gia habang nakamata kay Drake. Kahit salubong ang maiitim at may kakapalan nitong kilay at naka-pokerface ay napakagwapo pa rin nito. Na kahit sinong babae ay mapapalingon at mamamangha kung gaano ito kagwapo. Maputing lalake si Drake, matangkad at makisig din ang pangangatawan. Malinis ito sa mukha. Bumagay din ang malantik at itim na itim nitong pilikmata sa chinitong mata nito na kulay asul katulad ng ama at kapatid. Napakatangos din ng ilong nito na may kanipisan ang mga labing napakakintab at pula kaya ang kissable ng mga iyon tignan. Perfect din ang hugis ng jawline nito na parang sa mga turkish actor na napapanood nito sa teleserye. "Hey, kumain na tayo. Hindi masarap ang ramen kapag malamig na," wika ni Drake na ikinabalik ng ulirat nito. "Uhm, sorry." Nakangiwing paumanhin ni Gia na mapansing naka-served na pala ang mga in-order ni Drake na hapunan nila. Tumango lang naman si Drake na nagsimula ng kumain. Naiilang man ay pilit umaktong normal si Gia na sinabayan na ito. Lihim na napapangiti na pawang masasarap nga ang mga in-order ni Drake para sa kanila. Unti-unti ay nagiging palagay na ang loo. niya dito. Dahil kahit napakalamig nitong makisama ay hindi naman siya suplado sa kanya. "Uhm, Drake. Pwede bang magtanong?" wika ni Gia habang kumakain ang mga ito. Tumango lang naman si Drake na nagtatanong ang mga mata dito. Napainom ng tubig si Gia na nagpunas ng labi bago nagsalita. "Bakit ka pumayag na magpakasal sa akin?" lakas loob nitong tanong na ikinainom ni Drake ng wine nito. Napanguso pa ito na tila napaisip sa naitanong ni Gia. Matamang lang namang nakatitig si Gia dito na hinihintay ang sagot nito. "Bata pa lang ako ay sinabi na ni Daddy na ako ang gusto niyang ipakasal sa'yo." Sagot nito sa ilang minutong pananahimik. "At pumayag ka?" "Yup. Doon din naman ang punta ko. Ang kaibahan lang. . . hindi ako ang namili ng mapapangasawa. But I don't care. It doesn't matter to me kung sinong mapapangasawa ko." Sagot nito na muling nagpatuloy sa pagkain. "Kaya okay lang sa'yong isang ulila at galing sa bahay ampunan niyo ang ipinakasal sa'yo?" pag-uusisa pa ni Gia na ikinatango lang nito. "Eh ikaw, bakit ka pumayag na sa akin maikasal?" balik tanong ni Drake na ikinangiti nito kaya napalunok si Drake na napainom ng tubig. "Siguro kasi. . . nakaukit na iyon sa tadhana ko. Na ikaw ang mapapangasawa ko." Sagot ni Gia dito. "Masaya ka bang ako ang asawa mo? Kasi pwede namang si Kuya Delta ang napangasawa mo kung tinanggihan mo ako. Hindi ba't close kayo ni Kuya?" saad ni Drake na wala manlang kangiti-ngiti at lambing kung magsalita. Pilit ngumiti si Gia na sinalubong ang mga mata nitong napakatiim kung makatitig sa kanya. "Masaya. Masaya akong ikaw ang napangasawa ko, Drake. Oo, hindi natin kakilala at mahal ang isa't-isa pero. . . may habang buhay naman tayong oras para kilalanin at matutunang mahalin ang isa't-isa, hindi ba?" nakangiting sagot nito na ikinalunok ni Drake na nag-init ang mukha. "So, are you saying na masaya ka sa akin?" "Oo." Lihim na napangiti si Drake na sinenyasan itong magpatuloy ng kumain. Hindi naman na nagkomento pa si Gia na masiglang nagpatuloy kumain kasabay si Drake na nangingiti sa isinagot ni Gia sa kanya. "Me too, Gia. Masaya akong. . . ikaw ang napangasawa ko." Piping usal nito na may ngiting naglalaro sa mga labi. MATAPOS nilang kumain ay tumambay na muna sila sa nadaanan nilang park ng mga cherry blossom. Kita kasi ni Drake na tuwang-tuwa si Gia sa mga cherry blossom sa paligid kaya hinayaan na muna niyang mag-enjoy ito bago sila magtungo ng Bar. Napatitig ito kay Gia na napakalapad ng ngiting tuwang-tuwa na namumulot sa mga naglaglagang bulaklak sa damuhan na inihahagis nito sa ere na nagpapaikot-ikot pa habang nagbabagsakan sa kanya ang mga cherry blossom. Napangiti itong hinugot ang cellphone sa bulsa na pasikretong kinukunan ng litraro ang asawa nitong hindi napapansin si Drake na pinapanood siya at kinukunan sa cellphone nito. Ilang minuto itong parang batang naglalaro ng mga bulaklak bago tumabi kay Drake na nakaupo sa bench sa ilalim ng isang puno ng cherry blossom. Nakadekwatro pa ito ng binti na naka-pokerface na naman. "Uhm, Drake." "What?" Napanguso si Gia na lakas loob kinuha ang kamay ni Drake na napalunok. "Picture naman tayo. Wala akong cellphone eh. Pero meron ka naman 'di ba? Sayang kasi wala manlang tayong souvenir dito. Minsan lang tayo dito sa Japan kaya mas masaya kung may nga pictures tayo na mababalikan," wika nito na nagpapa-cute kay Drake. Lihim na napangiti si Drake na napapakurap-kurap pa ng mga mata si Gia habang matamis na nakangiti sa kanya at hawak-hawak pa ang kamay nito. "Parang bata," ingos ni Drake na ikinalapat ng labi ni Gia na nagdidiwang dahil inilabas din ni Drake ang cellphone nito na pinagbigyan siya sa kanyang gusto. Nangingiti namang umayos ng upo si Gia sa tabi nito na itinapat ni Drake sa kanila ang camera ng cellphone nito. "Come closer," kunwari'y ingos ni Drake na inakbayan pa itong hinila padikit sa kanyang ikinasinghap ni Gia. "Hug me." Utos pa nito na ikinasunod ni Gia. Lihim itong napangiti na yumakap si Gia sa kanya habang nakaakbay siya dito na nakailang take ng selfie nila. Pinakahuli ang nakahalik ito sa noo ni Gia habang nakangiti si Gia na napapikit. "Happy?" "Sobra. Thank you," nakangiting sagot ni Gia na ikinailing lang nito. "Tara na. Malamig na. Mamaya sipunin ka pa," pag-aya ni Drake na inalalayan na itong makatayo. "Drake, mamasyal naman ulit tayo 'di ba?" tanong ni Gia habang nakasakay na sila ng kotse patungong Bar. "Yeah. May dalawang linggo tayo dito, remember?" "Ipapasyal mo ako?" "Gusto mo ba?" "Oo naman!" Napabaling ito sa bintana ng paningin para ikubli ang ngiti sa mga labi sa isinagot ni Gia na bakas ang excitement sa tono nitong ipapasyal siya ni Drake. Pagdating nila ng Bar ay nakayakap si Gia sa baywang nito habang nakaakbay si Drake sa kanya. Naniningkit ang mga mata ni Gia na nasisilaw at nahihilo ang paningin sa dim light at disco lights sa loob ng Bar. Idagdag pang napakalakas ng tugtugan na ang sakit sa tainga. Halo-halo na rin ang amoy sa loob mula sa pabango at usok ng sigarilyo sa mga costumers. Maraming nagkakatuwaang sumasayaw sa gitna kung saan ang dance floor na halatang mga tamado na sa alak. Inakay siya ni Drake sa second floor kung saan mas kaunti ang tao at mas tahimik din. Natatanaw pa rin naman nila sa ibaba nila ang stage kung saan ang live band na nagpi-perform at ang mga taong sumasayaw ng dance floor. Naupo sila sa pinakasulok. Kahit medyo madilim sa kinaroroonan nila ay mas gusto naman dito ni Gia kaysa sa baba na halos magsiksikan na ang mga tao doon. "Give us one bouquet beer and orange juice for my wife, please?" saad ni Drake sa waiter na tumango-tangong isinulat ang order nito. "My wife," piping usal ni Gia na napangiting tinawag siya ni Drake. . . na asawa niya. "Okay lang sa'yo dito?" baling ni Drake ditong tumango-tango na pilit ngumiti. "Okay lang. Mas maganda nga dito at hindi magulo. Naririnig din kita ng maayos," sagot nito na ikinatango ni Drake na pasimpleng napadipa ng braso sa armrest ng sofa na kinauupuan nilang dalawa kaya para na niyang akbay-akbay si Gia. Dumating naman kaagad ang order nilang beer at juice. May kasama pang sliced orange at apple na ikinangiti ni Gia. "Ayaw mong subukan?" tudyo ni Drake dito na kaagad niyang inilingan na inabot ang juice nito. "Ayoko. Hindi ako umiinom ng alak. Ni minsan ay hindi ko pa nasubukang uminom niya'n. Okay na ako sa juice ko," sagot nito na napasipsip sa straw ng juice nito. "Can I ask you something?" pambabasag ni Drake sa katahimikan nilang dalawa. Ngumiti naman si Gia na tumango-tango dito. "Ahem! Hindi ka pa. . . nagkaka-boyfriend sa orphanage?" tanong ni Drake na ikinailing ni Gia dito. "Hindi pa. At wala naman sa isip ko iyon. Kasi alam kong may lalake ng nakalaan sa akin sa pagtungtong ko ng eighteen. Ayoko namang hindi ang mapapangasawa ko ang una ko," sagot ni Gia na lihim nitong ikinangiting napatungga ng beer nito. "So, wala pang ibang nakakagawa nito sa'yo," wika ni Drake na marahang hinila ito sa batok at pinaglapat ang kanilang mga labi na ikinanigas ni Gia na namilog ang mga mata! Napangisi naman si Drake na natulala ito at kitang nabigla. "D-Drake." Utal na sambit ni Gia na napahaplos pa sa labi nito. "What? Mag-asawa naman tayo ah. More than a kiss pa nga ang pinagsasaluhan ng mag-asawa eh." Sagot ni Drake ditong natutulala. "Is it a big deal to you? Ayaw mo bang hinahalikan kita?" tanong nito na ilang minuto na ay nakatulala pa rin si Gia. "H-hindi. Hindi naman sa gano'n. Nagulat lang ako na hinalikan mo ako. . . sa mga labi. I-ikaw pa lang kasi ang. . . ang unang nakahalik sa akin," nahihiyang pag-amin nito na ikinangisi ni Drake na inakbayan itong napasinghap. "So, sinasabi mo bang. . . okay lang sa'yong hinahalikan kita, hmm?" nanunudyong tanong nito na ikinagapang ng init sa mukha ni Gia na nahihiyang tumango. "S-sabi mo nga, mag-asawa na tayo 'di ba?" nahihiyang sagot ni Gia dito. "Yeah. You're my wife now, Gia. In short. . . you are mine." Malanding anas ni Drake na muling sinakop ang mga labi ni Gia na nanigas at napakapit sa braso nito. "D-Drake." Sambit nito pero tila bingi si Drake na patuloy na salitang sinisipsip ang kanyang mga labi. Unti-unting namigat ang talukap ng mga mata nito na napapikit at hinayaan lang si Drake na salitang sinisipsip ang kanyang mga labi. "Uhm. . . fvck. Kiss me back, baby." Ungol ni Drake na kinakagat-kagat ang ibabang labi ni Gia. Mahigpit na napakapit si Gia sa braso nito na inaaral ang ginagawa ni Drake sa mga labi niya. Hanggang sa nakuha rin nito na tuluyang tinugon itong natigilan. Maingat nitong sinipsip ang ibabang labi ni Drake na napapisil sa baywang niya na napapalunok! "Fvck. You're driving me crazy, Gia." Anas ni Drake na kinarga itong pinaupo sa kanyang lap na mas pinalalim ang kanilang halikan na hindi na masabayan ni Gia! Parang may sariling pag-iisip ang kamay na napayapos sa batok ni Drake at hinayaan lang itong mapusok na inaangkin ang mga labi nito! Sa pusok nitong humalik ay parang nangangapal na ang mga labi ni Gia na hindi makatugon! "Oohhh D-Drake. . . h-hwag." Nahihirapang ungol ni Gia na pinigilan ang kamay ni Drake na humahaplos sa hita nito pataas! Naghahabol hininga namang napabitaw si Drake dito na tila nagising sa ginagawa. Nag-init ang mukha nito na mapatitig sa mapupungay na mata ni Gia na katulad niya ay mabibigat din ang paghinga. "I'm sorry, I almost lost myself control." Anas nito na inalalayan si Gia maupo muli ng couch. "O-okay lang 'yon." Utal na sagot nito na inayos ang nalihis niyang dress na umayos ng upo at napasimsim sa juice nito. Napapabuga naman ng hangin si Drake na kinakalma ang sarili nitong nag-iinit na malasaan ang tamis ng mga labi ni Gia! Ngayon pa lang ay nasasabik na itong makasama sa kama ang asawa! ILANG oras silang nanatili sa Bar. Nakailang beer din si Drake na halatang tamado na nang lumabas na sila dahil lumalalim na ang gabi. Kaagad naman silang pinagbuksan ng driver nila na malingunan ang mag-asawang palabas ng Bar. "Gia." Sambit ni Drake pagkaupo nila sa backseat. "Nandito ako, Drake. Sige na, itulog mo na, hmm?" sagot ni Gia na inakbayan itong pinasandal sa kanyang dibdib. "Stay with me." Ungot pa nito na lasing ang tono. "Opo, hindi po kita iiwan." Nangingiting sagot ni Gia na hinahaplos-haplos ito sa ulo habang nakasandal si Drake sa malusog niyang hinaharap. "Uhmm. . . ang lambot ah." Ungol pa nito na mas isinubsob ang mukha sa dibdib ni Gia. "Magtigil ka nga. Pasalamat ka asawa kita," ingos ni Gia ditong napahagikhik pa na sumubsob sa leeg nitong ikinasinghap ni Gia. "Yeah. Asawa kita," lasing na sagot ni Drake na ikinasinghap nitong maramdamang sinisipsip ni Drake ang leeg nito! "D-Drake." Nahihirapang saway nito na ikinagapang ng mga labi ni Drake pataas hanggang maabot ang kanyang mga labi!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD