DUMATING ang weekend at natuloy ang kasal nila Drake at Gia sa isa sa kanilang hotel sa BGC. Secret wedding lang ang nangyari kaya pribado. Tanging silang pamilya lang ang bisita at mga kalapit na kaibigan ng kanilang pamilya ang dumalo sa kasal ng dalawa.
"Uhm, Drake?" pabulong kalabit ni Gia sa asawa nito matapos ang kasal nila at kasalukuyan silang kumakain kasabay ang mga bisita.
"Hmm?" baling ni Drake dito na napataas ng kilay, nagtatanong ang mga mata.
"Uhm, naiihi kasi ako. Hindi ko alam ang cr dito. Samahan mo naman ako," nahihiyang wika nito na ikinatikhim ni Drake na napainom sa wine nito. "Sorry, sige ako na lang." Pagbawi nito na tumayo.
"Let's go."
Napakurap-kurap si Gia na tumayo din si Drake at pinagsalinop pa ang mga daliri nila na hinila na palabas ng venue ang dalaga. Nanunudyo naman ang tingin ng mga bisita nila na napapatingin sa dalawang lumabas ng hall.
Napapalapat ng labi si Gia na hindi maitago ang kilig na nadarama habang hawak-hawak ni Drake ang kamay nito. Ngayon lang kasi siya hinawakan muli ni Drake. Sa mga nakalipas na araw ay sa umaga niya lang ito nakikita kapag mag-aalmusal sila dahil pumapasok pa rin ito sa kolehiyo. Naiiwan siya ng mansion at sa gabi naman ay hindi nakakasabayan si Drake sa hapunan. Madalas kasi ay gabi na itong umuwi. Wala din siyang contact dito at nahihiya naman siyang abangan ito sa sala para hintayin ang pagdating nito.
"Uhm, okay na ako dito." Wika ni Gia na makarating sila sa harapan ng restroom.
"Samahan na kita sa loob." Sagot ni Drake na hinila na ito papasok.
Napapalunok naman ito na ini-lock pa ni Drake ang pinto na marahang napisil ang kamay niya bago binitawan iyon na sinenyasan na siyang pumasok ng cubicle.
Nangangatog ang mga tuhod ni Gia na pumasok ng cubicle. Kahit kasi nakatalikod ito ay dama niyang nakasunod ng tingin sa kanya si Drake. Ilang araw na siya sa mansion ng pamilya Madrigal. Kasundo niya ang Mommy at mga babaeng kapatid ni Drake. Pero ni minsan ay hindi niya ito nakakwentuhan o maski nakausap ng silang dalawa lang.
Gustuhin man niyang ilapit ang sarili dito ay mas naghahari ang hiya niya dahil hindi naman nito kilalang lubos si Drake. Hindi katulad ng Kuya Delta nito na ka-vibes niya at kakilala mula pa pagkabata.
Matapos nitong gumamit ng banyo ay lumabas na rin ito na nagtungo sa sink ng lababo na naghugas ng mga kamay. Nanatili namang nasa pintuan si Drake. Parang modelo na nakasandal doon habang nakapamulsa ng dalawang kamay na matamang pinapanood ito.
"Uhm, balik na tayo?" naiilang tanong ni Gia matapos maghugas ng kamay.
Tumuwid naman ng tayo si Drake na napasulyap pa sa wristwatch nito na napanguso.
"No need. Mali-late na tayo sa flight natin." Sagot nito na binuksan na ang pinto na muling pinag-intertwined ang mga daliri nila na hinila na ito ng elevator.
"H-hindi na ba tayo magpapaalam sa kanila, Drake? Baka kasi hanapin nila tayo," saad ni Gia habang pababa na ang kinalululanan nilang elevator.
"Alam na nila Daddy na paalis na tayo. Sila ang nag-book ng flight natin kaya alam nilang tutuloy na tayo ng airport," sagot nito.
Hindi naman masungit magsalita si Drake. Pero hindi rin kasi ito malambing at hindi manlang marunong ngumiti. Madalas nga ay ngumisi ito na ikinatatayo ng mga balahibo sa katawan ni Gia. Napakatiim din nitong tumitig na para kang manlalambot sa uri pa lang ng tinging igagawad nito sa'yo.
Pagdating nila sa ground floor ay halos patakbo na itong maglakad sa laki ng paghakbang ni Drake. Mahaba kasi ang mga binti nito, kumpara kay Gia na nasa 5flat lang ang height. Kaya naman hanggang dibdib lang siya ni Drake sa tangkad nitong lalake.
"Wear this," wika ni Drake na isinuot dito ang itim na helmet.
"D-dito tayo sasakay?" utal nitong tanong na naituro ang black ducati na katabi nila.
Tumango lang si Drake na nagsuot na rin ng helmet nito at black gloves.
"P-pero hindi ako marunong. Hindi pa ako nakakasakay ng motor. Ang taas pa naman niya," nag-aalalang wika ni Gia na nag-iwas ng tingin sa asawa.
Baka kasi mamaya ay mainis na si Drake sa kanya at sabihing maarte siya. Napalapat ito ng labi na tuluyang sumakay si Drake ng ducati nito na naglahad na ng kamay. Napapalunok itong inabot iyon na umakyat ng motor. Sa taas ng motor ni Drake ay kailangan niya pang kumapit sa balikat nito para makaupo.
"Hug me," saad nito na dinala ang dalawang kamay nitong ipinulupot sa kanyang baywang.
Napapalunok namang bumilis ang t***k ng puso ni Gia na nakayakap siya kay Drake habang nakatagilid ito ng upo sa motor dahil nakadress pa rin ito. Lihim namang napangiti si Drake na damang-dama ang malusog na hinaharap ni Gia habang mahigpit na nakayakap ito sa tyan niya. Napailing na lamang ito sa sarili na pinaharurot na ang ducati nito palabas ng parking lot.
Parang maiihi sa kaba at takot si Gia sa bilis magmaneho ni Drake. Panay din ang overtake nito sa mga nakakasabayan nila sa highway. Halos hindi ito humihinga na mahigpit na nakayakap kay Drake habang nakapikit. Ilang minuto lang ay huminto din sila na dahan-dahan nitong ikinadilat ng mga mata.
"Are you okay?" tanong ni Drake na halos hindi ito gumagalaw na mahigpit pa ring nakayakap sa kanya.
"O-okay lang." Utal nitong sagot na mahinang ikinatawa ni Drake na nagtanggal na rin ng helmet.
Inalalayan pa nito ang asawa na makababa ng motor na kitang namumutla sa bilis niyang magmaneho. Bumaba ito ng motor na inihagis sa isang tauhan nila ang susi ng ducati nito.
"Let's go." Saad nito na inakbayan si Gia na inakay na papasok ng departure.
MAHIGPIT na nakakapit si Gia sa kamay ni Drake habang nasa ere sila. Ito kasi ang unang beses na sumakay siya ng eroplano kaya kinakabahan ito. Buong buhay niya ay sa loob ng orphanage umikot ang mundo niya. Doon na rin kasi sila nag-aaral na may sarili silang skwelahan sa loob ng compound ng orphanage.
"Still nervous?" bulong ni Drake na nasasaktan na itong nakabaon na sa balat niya ang mga kuko ni Gia.
"O-oo eh. Sorry, kinakabahan talaga ako," mahinang sagot ni Gia na niluwagan ang pagkakakapit nito sa kamay ni Drake na masulyapan niyang dumugo na ang balat ni Drake sa pagkakabaon ng mga kuko niya. "I'm sorry, gagamutin ko na lang mamaya."
"Mahapdi. Halikan mo," mahinang saad ni Drake na naka-pokerface.
Alanganing ngumiti si Gia na mahinang hinihipan ang kamay nitong bumakat ang mga kuko niya na dumugo pa sa lalim ng pagkakabaon ng mga kuko nito. Naiilang man ay magaang hinagkan nito ang kamay ni Drake na lihim na napangiting sinunod siya ng asawa.
"Okay na. Hindi na mahapdi," wika nito na patuloy iyon hinihipan hilan ni Gia at panaka-nakang hinahagkan ang kamay nito. "Matulog ka na lang para hindi ka kinakabahan," saad nito na napaakbay kay Gia na pinasandal sa balikat ang asawa.
Napangiti naman si Gia na isinandal ang sarili kay Drake na hinayaan itong nakaakbay sa kanya. Unti-unti ay naging panatag ang puso at isipan nito na nakasandal siya kay Drake at halos yakapin na siya nito. Iglap lang ay nakatulog na ito na ikinangiti ni Drake na sinamantalang hinagkan ito sa noo at mga labi bago nagpatangay na rin sa antok.
Ilang oras din ang mga ito sa ere bago makarating ng Japan kung saan sila magbabakasyon ng dalawang linggo. Hindi naman magkandamayaw si Gia na parang inosenteng bata na napapatingala sa mga nadaraanan nila ni Drake.
"Totoo ba ito? Cherry blossom ba talaga ang mga nakikita ko!?" bulalas nito na nagniningning ang mga mata habang pinagmamasdan ang mga nadaraanan ng sasakyan nilang cherry blossom sa gilid lang ng daan.
"Yeah." Simpleng sagot ni Drake na ikinalingon nito dito.
"Yan lang ang reaction mo? Hindi ka ba namamangha sa ganda nila?" bulalas nito na ikinangisi lang ni Drake kaya napalis ang ngiti nitong napangiwi.
"Hindi na kasi ako bata para mababaw ang kaligayahan." Sagot nitong ikinasimangot ni Gia.
"Bakit, ano bang magpapaligaya sa'yo, hmm?" ingos ni Gia dito na napangisi lalo.
Napalunok naman si Gia na nag-init ang pisngi na napaiwas ng tingin dito. Hindi niya matagalang makipagtitigan kay Drake sa tuwing ngumingisi ito na tila may kalokohang naiisip.
"Bakit mo tinatanong, hmm? Bakit, kaya mo bang ibigay?" tila nanunudyong tanong nito na ikinakurap-kurap ni Gia na naguguluhang napatitig dito.
"Ibigay ang alin?"
"Paligayahin ako." Walang prenong sagot nito na ikinapilig ng ulo ni Gia na lalong naguluhan.
"Huh? Bakit? Paano ba kita paliligayahin?" nalilitong tanong nito na ikinakamot ni Drake sa ulo.
"Wala. 'Di bale na lang." Ingos nitong napasuot na ng headphones at sunglasses nitong humalukipkip habang nakadekwatro pa ng binti.
"Sungit," ingos din ni Gia na bumaling na lamang sa labas ng bintana na namamangha sa mga nadaraanan nilang cherry blossom.
PAGDATING nila ng hotel kung saan sila tutuloy ay nakasunod lang ito kay Drake na siyang may dala sa dalawang maleta nila. Lihim itong napapangiti na kahit maraming babaeng nagpapapansin kay Drake ay hindi niya manlang lingunin ang mga ito. Nakabusangot pa ito na lalo nitong ikinagwapo kahit napaka arogante ng datingan niya.
Pagpasok nila ng silid ay itinuloy ni Drake sa gawi ng closet ang dalawang maleta nila. Napangiwi naman si Gia na napansing iisa lang ang kama sa silid.
"Uhm, Drake?" pagtawag nito na ikinalingon sa kanya ni Drake. "Iisa lang ang kama."
Napasulyap naman si Drake sa kama na naipilig pa ang ulo. Tinapos na muna nitong isinilid sa closet ang mga damit nila at itinabi ang mga maleta bago nagtanggal ng shades at headphones nito na bumaling kay Gia.
"So what? Wala namang masama kung magtatabi tayo sa kama, Gia. Kasi sa tanda ko ay. . . mag-asawa na tayo." Sagot nito na napangisi pang makitang namula ang pisngi ni Gia.
Kaagad na nag-iwas ng tingin si Gia na lalong nag-iinit ang mukha niyang isa-isang kinalas ni Drake ang mga butones ng long sleeve white polo nito habang nakaharap kay Gia na may pilyong ngiting naglalaro sa mga labi na nakamata sa asawa.
Impit na napapairit sa isipan si Gia na kahit sa ibang direction nakamata ay kita niya pa rin sa peripheral vision niya ang tuluyang paghubad ni Drake sa polo at sando nito na ikinatambad ng kakisigan nito. Napapalunok ito na naeengganyong lingunin si Drake para mapagmasdang maigi ang kakisigan nito pero mas nananaig ang hiya niya sa asawa.
Mahinang natawa si Drake na napailing na halos kasingpula na ng hinog na kamatis ang mukha ni Gia na sinunod nitong hinubad ang sapatod at black slack pants. Sisipol-sipol pa itong nagtungo sa banyo na ikinahinga ng maluwag ni Gia.
"Gosh! Ang pilyo ha? Maghuhubad talaga siya sa harapan ko?" bulalas nito na napatakip pa sa mga mata.
Ito kasi ang unang beses na may lalakeng naghubad sa harapan nito. Kahit may mga lalake din naman sa orphanage na kinalakihan niya ay ni minsan ay hindi sila nagkakaligawan doon. Para silang magkakapatid doon na karamay ang isa't-isa dahil pare-pareho lang naman silang wala ng pamilya kaya sila nandoon sa bahay ampunan.
Napabuga ito ng hangin na nagtungo sa closet at kumuha ng pantulog. Magdidilim na rin kasi at dama niya ang pagod sa maghapon. Napangiti ito na napasulyap sa suot na diamond ring. Napakaganda nito na kitang mamahalin sa itsura ng disenyo.
"May asawa na ako," usal nito na mapait na napangiti.
Hindi na kasi niya nakilala pa ang kanyang ina. Ni hindi niya alam ang itsura at pangalan nito kaya hindi na siya umaasa pang makikita pa ang ina. May larawan naman siya ng kanyang ama na ipinaguhit pa ng Daddy Dwight nila para sa kanya at para makilala manlang nito ang mukha ng ama niya.
"Tay, may asawa na po ako. Tinupad po ni Daddy Dwight ang ipinangako niya sa'yo noon na ipapaasawa niya ako sa isa niyang anak. Napakabait po nilang pamilya, Tay. Sana payapa na po kayo sa kinaroroonan niyo ngayon," piping usal nito na iniisip ang ama habang hinahaplos ang wedding ring na suot nito.
Kaagad itong nagpahid ng luha na maramdamang bumukas ang pinto ng banyo.
"Ahem! Lalabas tayo. Kumuha ka ng formal dress na isusuot mo," wika ni Drake na mapansing pantulog ang hawak nitong damit.
"Lalabas? Saan naman?" nagtatakang tanong ni Gia na napatitig ditong lumapit ng closet na namili ng maisusuot nito mula sa mga binili ng Mommy Anastasia niyang gagamitin ni Gia.
"Sa Bar. Samahan mo ako."
Halos lumuwa ang mga mata ni Gia sa narinig na napatitig ditong humugot ng isang strapless silky pink dress na pinaresan niya ng black long coat.
"Sa Bar!? Hindi ako umiinom," bulalas nito na ikinangisi lang ni Drake kaya napalunok ito.
"So, mas gusto mong hayaan akong mambabae do'n sa Bar kaysa samahan ako?" tudyo ni Drake na ikinakurap-kurap nitong ikinangisi ng asawa.
"Mambabae!? Teka, hindi ka na binata ah! May asawa ka na kaya," asik ni Gia ditong mahinang natawa na iniabot sa asawa ang napili nitong isuot ni Gia.
"Kaya nga samahan mo ako, Gia. Wala namang masamang. . . magpakasaya tayo ngayong gabi," kindat nito na ikinalapat ng labi ni Gia na nag-iwas ng tingin ditong humalungkat na sa closet ng maisusuot.
"Sasama ka ba o hindi?" tanong nito na malingunan si Gia na hindi pa rin kumikilos at tila kay lalim ng iniisip.
"Huh? Oo, sasama. Ito na nga oh? Magsho-shower na!" bulalas ni Gia na natatarantang pumasok ng banyo na ikinahagikhik nitong napailing.
"Damn, Gia. Bakit ka ba natataranta sa akin? Mukha ba akong nangangain ng bata? Kung sabagay. . . bakit hindi? Fvck! I'm married to an eighteen years old woman! So young, so fresh. . . yet so right for my taste." Anas nito na may pilyong ngiting naglalaro sa mga labi. "What if I'm going to take your innocence tonight, Gia? Would you allow me?"