NANGINGITI si Drake na nagsusungit si Mia sa kanya. Ito ang unang beses na magsungit ito sa kanya mula noon kaya imbes na mainis ay tuwang-tuwa pa itong kinukulit ang asawa. "Baby," pangungulit ni Drake na sinusundot-sundot sa tagiliran si Mia na napapaiktad. Nasa higaan pa kasi ang mga ito at sobrang bigat ng katawan ni Mia. Para siyang binugbog ng sampung katao sa sobrang pamamanhid ng buong katawan nito particular sa balakang at mga hita. "Tigilan mo ako, Madrigal. Mahapdi nga sabi eh." Ingos ni Mia na nananatiling nakatalikod kay Drake. "Sobra ka naman sa akin, baby. Ayahin lang naman kitang maligo sa pool eh." Nakangusong sagot nito na ikinalapat ng labi ni Mia na nag-init ang mukha. "Sigurado ka? Hindi mo na naman ako. . . buburautin? Wala pa naman akong tiwala sa'yo," nagdudu