KAHIT napuyat ay bumangon si Drake bago magtanghalian para maipaghanda ng tanghalian ang asawa nitong nahihimbing pa rin. "Magandang umaga ho, Sir Drake." Pagbati ng mga katulong na naabutan nito sa kusina na kasalukuyang nagluluto. Napangiti si Drake na tumango sa mga itong kitang namamangha at kinikilig sa kanya. Nakasuot lang kasi ng sweatpants ito at walang pang-itaas. Kaya nakabulandra ang mapipintog nitong pandesal sa tyan na nakakaakit haplusin sa katigasan ng mga iyon! "Good morning too. Uhm, I want to cook for my wife. Who will assist me?" tanong nito na inabot ang isang apron na sinuot 'yon. Napapairit naman ang mga katulong na lumapit ditong nagbukas ng fridge. "Tulungan ka na po namin, Sir Drake. Uhm, ano po bang iluluto niyo?" magiliw na tanong ng isa na ikinangiti ni