Chapter 4: Meeting
THIRD PERSON'S P.O.V
At dahil pinapatawag si Reeve Lucas ng mga members ng Night Hawk Mafia Clan ay hindi alam ni Reeve Lucas kung anong dahilan para ipatawag siya ulit.
Kilala kasi si Reeve Lucas bilang si No Name at dating mafia boss ng Night Hawk Mafia Clan. Ngunit ng dahil sa family business nila ay umalis na kaagad si Reeve Lucas sa clan niya dahil simula ng mamatay si Kara ay naisip ni Reeve Lucas na wala na siyang ibang po-protektahan kaya hindi niya na kailangan ang Mafia Clan niya.
Nang makarating si Reeve Lucas sa dating hideout ng Clan nila ay agad naman niyang sinuot ang black mask niya. Pagkatapos ay agad naman siyang pinapasok sa loob ng makapasok si Reeve Lucas sa hideout nila ay napansin niyang nasa kanya na agad ang atensyon ng mga members.
Sa hindi naman kalayuan ay nakita ni Reeve Lucas ang bagong leader ng dati niyang Clan na nakaupo sa isang kulay itim na sofa kaya agad niyang huminto sa harapan nito.
"I want to ask, what's the reason for calling me here? I thought I already told you that I won't attend any Clan activities anymore?" Reeve Lucas said.
"No Name, huwag namang masyadong mainit ang ulo mo. Bilang dating leader ng clan ay gusto kong sabihin sa'yo ang nangyayari sa clan ngayon. Kaya kita pinatawag dahil isa ka sa dahilan kung bakit dinakip ang ibang miyembro ng clan natin. Ang mga Reaper Mafia Clan kasi ay kumikilos na para pabagsakin tayo. Isa rin sa mga miyembro ng Reaper ay gusto kang patayin at gusto ko lang na balaan ka," seryosong sabi ni Cold Eye kay Reeve Lucas.
Lahat kasi ng member ng Night Hawk Mafia Clan ay may kanya-kanyang code name at wala silang alam sa bawat identity ng isa. Tanging ang kilala lang ng bawat miyembro ay ang boses at ang marka sa black mask na suot nila bilang palatandaan kung sino sila.
"You don't have to worry about me because no one knows about my real identity. Mas mabuti pang alalalahanin mo kung anong dapat n'yong gawin para mabawi ang mga miyembro n'yong dinakip ng kalaban." seryosong sabi ni Reeve Lucas.
Huminga naman ng malalim si Cold Eye. "I want to let you know that you can return to the clan and retake your seat, No Name. We need your help sometimes and your smart brain."
"I'm sorry, but I don't have any intention to come back to the clan anymore. I've already done my part as a leader of this clan, and I don't have any intention to do it anymore." Reeve Lucas said with gritted teeth.
"Okay fine. Pasensya na kung pinatawag ka namin ng biglaan. Asahan mong hindi ka na namin tatawagin ulit kapag hindi ganun kalaki ang problema namin," seryosong sabi ni Cold Eye.
Bago pa ito matapos sa sasabihin nito ay nagpasiya na si Reeve Lucas na talikuran ang lalaki at umalis na sa hide out nila. Pakiramdam kasi ni Reeve Lucas ay nasu-suffocate siya sa lugar na iyon.
Noon kasi ay masaya siyang pamunuan ang clan pero ngayon ay wala na siyang dahilan para gawin ulit iyon. Kaya lang naman niya binuo ang clan dahil ayaw niyang ilagay sa panganib ni Kara noon.
Gusto niyang protektahan si Kara sa pamamagitan ng pagbuo niya ng clan. Hindi naman akalain ni Reeve Lucas na kung kailan lumalakas na ang clan na binuo niya ay saka pa mawawala ang babaeng mahal niya na gustong-gusto niyang protektahan.
Naisip tuloy ni Reeve Lucas ay kaya siguro mabilis na nawala ang inis niya kay Carina dahil kamukhang-kamukha nito ang yumao niyang asawa.
Hindi maiwasan ni Reeve Lucas na ma-miss ang dati niyang asawa kapag nakikita niya si Carina. At hindi siguro namamalayan ni Reeve Lucas na iyong mga bagay na hindi niya nagawa sa asawa niya noon ay gusto niyang gawin kay Carina para hindi na makaramdam ng pagsisisi si Reeve Lucas sa pagkawala ng asawa niya.
Nang makabalik si Reeve Lucas sa sasakyan niya ay sakto namang magga-gabi na. Doon ay nagpasiya si Reeve Lucas na bumyahe na papuntang Delta hotel na isa rin sa pagmamay-ari niya para doon sila mag-dinner ni Carina.
Nag-iwan lang si Reeve Lucas ng mensahe sa dalaga na pumunta sa hotel at doon sila magkita. Pagkarating ni Reeve Lucas sa hotel ay pinark lang ni Reeve Lucas ang kanyang sasakyan saka siya dumiretso papasok sa hotel.
Nag-bow pa kay Reeve Lucas ang mga tauhan na nakakasalubong niya dahil kilala naman siya ng mga ito. Kaya pumunta lang si Reeve Lucas sa palapag kung saan makikita ang restaurant sa loob ng hotel nila.
Nang makarating si Reeve Lucas sa restaurant ay agad siyang nilapitan ng isa sa mga staff ng restaurant. "Good evening, sir. Magpapa-reserve po ba kayo ng table?"
"Yes, gusto ko sana iyong may magandang view dahil may kasama ako. Also paki-serve na rin sa table iyong mga best seller n'yong menus. Also can you do me favor? Pwede bang ibili mo ako ng Amaryllis na naka-bouquet?" seryosong paki-usap naman ni Reeve Lucas.
"Okay sir, ito po iyong table number n'yo. Pakihintay na lang po iyong flower na pinapabili n'yo." nakangiting sabi ng staff kay Reeve Lucas.
Nag-abot lang si Reeve Lucas ng pera sa staff saka siya naglakad papunta sa reserve table nila. Pagkaupo ni Reeve Lucas doon ay napangiti naman siya dahil kitang-kita sa pwesto nila ang view mula sa labas.
Nasa mataas na palapag kasi ang restaurant ng hotel kaya kita sa glass wall ang mga ilaw mula sa syudad. Maya-maya pa ay nag-text na si Carina kay Reeve Lucas na paparating na ito. Mabuti na lang din at nakabalik kaagad ang staff na inutusan ni Reeve Lucas.
Binigay lang ng staff ang bouquet na pinabili ni Reeve Lucas saka ang sukli ng binigay niyang pera pero tinanggihan iyon ni Reeve Lucas. Ang sinabi niya na lang sa staff ay tip iyon kaya napangiti ang staff sa tuwa pagkatapos ay nagpaalam na ito kay Reeve Lucas.
Dumating din naman ang mga pagkain na in-order ni Reeve Lucas at kasabay nun ay nakita niya rin ang kakarating lang na si Carina. Nakasuot ito ng spagetti dress na kulay peach. Nakasuot din ito ng stiletto na brown nude ang kulay at naka-light make up din ito.
Nakapusod ang buhok nito na siyang nagpaganda lalo sa dalaga. Hindi namalayan ni Reeve Lucas na natulala siya sa ganda ni Carina dahil never kasing nagpaganda ng ganun si Kara.
Simple lang kasi si Kara kaya hindi makapaniwala si Reeve Lucas na ganun pala kaganda ang yumao niyang asawa tulad kay Carina kung nag-aayos lang ito.
"I'm sorry, late na ba ako?" paumanhin ni Carina.
Umiling naman kaagad si Reeve Lucas. "Nope, you're in time. Kakarating lang ng mga in-order ko kaya pwede ka na kumain kaagad. Also, this flowers is for you." sabi naman ng lalaki.
"Wow, thank you!" nakangiting sabi ni Carina ng abutin nito ang bouquet na binigay ni Reeve Lucas saka iyon inamoy.
"Did you like it?" Reeve Lucas asked seriously.
"Yes, of course! This flower is beautiful. But I didn't expect you to give me flowers. You didn't tell me that you have a sweet side of you." Carina answered.
"Well, you need to expect this from me from now on because I'm your husband," Reeve Lucas said.
Napangiti naman si Reeve Lucas sa sagot ni Carina at pagkatapos nun ay nagsimula na silang kumain. At habang nasa gitna si Reeve Lucas ng pagkain nila ay hindi niya maiwasang mapasulyap kay Carina dahil hindi pa rin akalain ni Reeve Lucas na may igaganda pa pala si Carina.
"I forgot to say this, but you look beautiful tonight." Reeve Lucas complimented Carina while staring at her intently.
Agad namang bumilis ang t***k nang puso ni Carina dahil sa pagkabigla sa sinabi ni Reeve Lucas sa kanya. Hindi rin napigilan ni Carina na pamulahan ng pisngi dahil sa sinabi ng lalaki.
Hindi kasi inaasahan ni Carina na pupurihin siya ni Reeve Lucas. Akala niya kasi ay wala lang sa lalaki ang itsura ngayon ni Carina kaya hindi rin mapigilang makaramdam ng saya si Carina dahil nagtagumpay siyang kunin ang atensyon ng lalaki.
"T-thank you," Carina said, then smiled at him.
Pagkatapos nun ay nagpatuloy sila sa pagkain. Nang matapos nilang kumain ay nagpasiya naman ang dalawa na sabay ng umuwi sa mansyon.
At habang nasa byahe silang dalawa ay nanatili lang silang tahimik pareho. Hindi kasi mapalagay ang dalawa. Pareho silang nakakaramdam ng kaba habang magkasama.
Hindi rin maintindihan ni Reeve Lucas kung bakit ang sweet niya sa dalaga ng gabing iyon. Siguro dahil nakita ni Reeve Lucas ang side ni Carina na hindi niya inaakala at ganun din naman si Carina sa kanya.
"Birthday nga pala ni Mommy next week. Isasama kita sa birthday ni mommy, and I will introduce you to my friends and other family members," sabi ni Reeve Lucas kay Carina.
"G-ganun ba? Sure..." sagot naman ni Carina.
Mas lalong nakaramdam ng kaba si Carina ng maisip niya kung anong mangyayari sa birthday party ng ina ni Reeve Lucas lalo na't kamukha ni Carina ang yumaong asawa ni Reeve Lucas.
---