Chapter 3: Introduced
REEVE LUCAS' P.O.V
Habang abala ako sa mga papeles na inaasikaso ko ay nakita ko namang mataman lang na nakatingin sa akin si Carina.
Simula kasi ng makarating kami sa office ko ay hindi pa rin siya umaalis. Hinihintay niya kasi yata na kainin ko ang dala niyang pagkain para sa akin.
Pareho naman kaming napabaling ni Carina ng makita namin ang pintuan ng office ko na bumukas at sakto naman ang pagpasok ni Reese Lucan sa loob.
Reese Lucan is my younger brother and the president of Delta Hotel and Casino, while I'm the current CEO of our hotel and casino.
"Lucan, what are you doing here?" I asked him. Nakita ko rin naman na agad lumapit sa akin si Lucan.
"I want to give you this envelope. Nandyan sa loob ang mga litrato at pangalan ng mga taong nalubog sa utang sa casino natin. Pinapahanap ko na ang mga 'yan sa mga tauhan ko." seryosong sabi naman ni Lucan.
"Oh, thank you for this. Mamayang gabi nga pala sumama ka sa akin sa Torture Room dahil nandun na ang ibang mga may atraso sa Casino na nahanap ng mga tauhan ko. I'm going to interrogate them before I make a decision on what should I do with them." I explained.
Tango na lang ang sinagot ni Lucan sa akin at nang makita ko siyang lumingon sa direksyon ni Carina ay nakita kong nanlaki ang mga mata niya.
"What the heck? Is that your wife, Kara? How is she still alive? I thought she's dea—" before Lucan finished talking, I immediately cut him off.
"She's not Kara, she's Carina. Our parents hire her from WIFE CORPORATION to be my new wife." I explained to him.
Nakita ko namang nilapitan ni Lucan si Carina at saka niya ito tiningnan mabuti. "She really really looks like your ex-wife. By the way, nice to meet you, Carina. My name is Reese Lucan, you can call me anything you want."
After Lucan said that, he took Carina's hand and then kissed the back of her hand. Suddenly I felt annoyed about what he had done, so I stood up in my swivel chair and walked toward them.
Nakita ko namang ngumiti si Carina kay Lucan at mas lalo akong nakaramdam ng inis kaya naman sinamaan ko nang tingin si Lucan dahilan para mapakibit-balikat siya.
"What?" he asked me in confusion.
"Pissed off, moron!" I told him, pissed.
Natawa naman si Carina sa pinaggagawa naming dalawa. "Nice to meet you, brother-in-law. I'm Carina, Reeve's wife." pakilala naman ni Carina sa sarili niya.
"Wow, even your name is beautiful!" Lucan complimented her, so I glared at him.
"I told you, back off! She's taken, so don't think about trying to steal her from me, you jackass!" I yelled at him, but I heard him laugh.
"Wow, bro! You're so possessive!" Lucan told me while grinning, so I rolled my eyes at him.
"If you don't have any business to do with me, you can leave now! I don't need you anymore, so leave!" I said with gritted teeth.
Humalakhak pa nga ang loko bago tuluyang umalis pero bago pa man siya makaalis ng office ko ay nahuli ko pa siyang kumindat kay Carina kaya akmang babatuhin ko na sana siya pero agad din niyang sinara ang pinto ng office ko.
"Hindi ko inaasahan na may kapatid ka pala. Bukod pa dun hindi kayo nagkakalayo ng itsura kaso nga lang magkaiba kayo ng ugali at mas mukhang mabait pa ang kapatid mo kesa sa'yo. I can say that he's a gentleman." Carina commented.
I immediately raised my eyebrow when I heard what she said. "Well, excuse me if I'm no gentleman! You should at least accept the fact that I'm your husband, not him,"
"No need to be serious, honey. I'm just kidding!" nakangising sabi ni Carina sa akin saka nagtaas-baba ng kilay niya.
"Well, for me, it's not a joke. I can clearly see that you're also interested in my brother," naiinis kong sabi sa kanya.
Narinig ko namang nakakaloko siyang tumawa saka napapunas pa sa kanyang mga mata dahil maluha-luha na siya kakatawa.
"You're so cute when you're jealous, honey! Oh my gosh, my tummy hurts!" she said while grinning.
At dahil ayokong mapikon sa pang-aasar niya ay mas pinili ko na lang na manahimik at huwag siyang pansinin.
"By the way, kailangan ko na palang umuwi. Kainin mo na lang iyong pagkaing dinala ko para sa'yo kapag nagutom ka." sabi niya sa akin kaya napabaling naman ako agad sa kanya.
"You're leaving already?" I asked.
"Hmm, may gagawin pa ako. Kailangan ko pa dumaan sa company namin dahil gusto akong makita ng mga kaibigan ko na katrabaho ko." sabi naman ni Carina.
Tumango na lang ako sa kanya pero bago pa siya umalis ng opisina ko ay hindi ko inaasahan na lalapit siya sa swivel chair ko saka ako ginawaran ng halik sa pisngi.
"See you later, honey," she said while smirking.
Napalunok naman ako at nang makita ko siyang naglakad palapit sa pinto ng opisina ko ay agad ko siyang pinigilan.
"Wait! U-Uhm, I want to ask if you want to have dinner with me later." I asked her while hesitating.
"Sure, you can call me anytime if you're finished with your work," she replied.
Pagkatapos ay dire-diretso na siyang lumabas ng opisina ko. Agad naman akong napasandal sa upuan ko dahil sa frustration na nararamdaman ko.
Ngayon ko lang na-realize na takot pala ang nararamdaman ko kanina pa dahil hinayaan ko at pumayag akong maging mag-asawa na kami ni Carina.
Pakiramdam ko kasi ay unti-unti kong nakakalimutan na si Kara talaga ang asawa ko at hindi si Carina kapag magkasama kaming dalawa.
Mali kasi ako ng akala kay Carina at hindi ko inaasahan na wife material talaga siya kaya nakakalimutan ko na siyang awayin dahil unti-unti niya akong napapabilib sa mga ginagawa niya.
Bukod pa dun ay hindi ko maiwasang mainis kapag may ibang lalaki na nakapaligid sa kanya dahil naiisip ko na pwede siyang
maagaw sa akin anytime dahil hindi naman kami tunay na mag-asawa.
Natatakot ako na makalimutan ko nang lubusan si Kara kapag magkasama kami ni Carina kaya nagda-dalawang-isip pa rin ako kung paano ko siya pakikitunguhan.
At para hindi sumabog ang utak ko kakaisip sa mga pangyayari ay nag-focus na lang ako sa trabaho ko saka ako nagpasiyang umalis ng opisina ko ng mga bandang hapon na.
Kailangan ko kasing pumunta sa Torture Room para i-interoggate ang mga client namin sa casino na umutang ng malaking halaga at nabaon sa utang nila. Dahil kasi sa mga pinaggagawa nila ay dumadami na ang mga taong nababaon sa utang dahil hindi nila binabayaran ang utang nila sa Casino namin.
Pagkapasok ko sa Casino namin ay agad akong dumiretso sa Torture Room at nang makarating ako dun ay nakita ko namang nakatali sa mga upuan ang dalawang client namin na nahanap ng mga tauhan ko na nagtatago sa amin.
"Akalain n'yo nga naman na magkikita pa pala ulit tayong tatlo," nakangising sabi ko sa dalawang lalaki na nakaupo at nakatali sa upuan.
Sakto rin namang kakarating lang ni Lucan kaya napabaling ako sa kanya ng makita kong lumapit siya sa akin.
"Sila na ba ang tinutukoy mo, kuya?" tanong ni Lucan na agad ko namang tinanguan bilang tugon.
"Sa tingin mo, Lucan. Anong magandang gawin sa dalawang 'to?" seryosong tanong ko kay Lucan. Nang tumingin naman ako sa dalawang lalaki ay nakita ko ang pamumutla nila.
"Oh? Bakit mukhang takot na takot kayong dalawa? Huwag n'yong sabihin sa akin na hindi n'yo pa rin magagawang bayaran ang mga utang n'yo sa Casino? You both owe me a 100 million cash. Hindi lang iyon, pinahirapan n'yo pa kaming maghanap sa inyo ng mga tauhan ko dahil sa pagtatago n'yo! Tapos ngayon namumutla kayo dahil hindi n'yo kayang harapin ang parusang ibibigay ko sa inyo?" mariing sabi ko sa kanila.
Nakita ko namang mas nakaramdam sila ng takot dahil sa sinabi ko at hindi nila magawang makapagsalita.
"Should I cut off your tongues? Or your arms? Kapag wala na nga naman kayong dila at braso ay hindi n'yo na magagawang magsugal kahit kailan." I warned them.
Agad naman silang napaiyak sa takot dahil sa sinabi ko. "Mr. Sullivan p-please d-don't do that to us! S-spare our lives please!" pagmamakaawa ng isa sa kanila.
"Oh? Bakit ganyan ka naman magsalita? Hindi ko naman kayo papatayin ah? Gagawin ko lang namang kabayaran ang mga braso n'yo sa utang n'yong hindi n'yo mabayaran. Kung tutuusin kulang pa nga ang mga braso n'yo eh. Isama ko na rin ba ang mga binti n'yo?" malamig na sabi ko kaya mas lalo silang naghihiyaw sa takot.
"P-please sir h-huwag n'yo namang gawin sa amin 'to please! N-nagmamakaawa kami sa'yo! M-magbabayad k-kami ng utang namin b-basta bigyan n'yo lang kami ng palugit!" umiiyak na pagmamakaawa nila kaya umiling ako.
"Hindi n'yo ako madadaan sa paawa-awa n'yo. Kasalanan n'yo ang mangyayari sa inyo ngayon dahil naglakas loob kayong tumapak sa Casino ko at hinayaan n'yo pang mabaon kayo sa utang. Tutal mukhang wala rin naman kayong kakayahan na bayaran ang mga utang n'yo ay ipapaputol ko na lang ang mga braso't binti n'yo. Huwag kayong mag-alala dahil kapag tapos ko ng makuha ang mga braso't-binti n'yo ay ako na ang bahala sa magiging hospital bills n'yo pagkatapos. Kapag magaling na kayo ay hindi ko na hahayaan na makita ko ulit ang mga pagmumukha n'yo." mariing paliwanag ko sa kanila.
Agad na nagsisigaw sila sa takot at nag-iyakan matapos kong sabihin sa kanila ang desisyon ko. Binalingan ko pa si Lucan at nakita kong tumango pa siya sa akin.
"Ako ng bahala sa kanila, kuya. Kailangan ka raw makita ng mga members." sabi pa ni Lucan sa akin kaya tinanguan ko na lang siya bago lumabas ng Torture Room.
---