Chapter 5: Tension
CARINA'S P.O.V
Kinaumagahan ng magising ako ng maaga ay nagpasiya akong magluto ng maaga para ihanda ang aalmusalin ni Reeve. Dahil ang trabaho ko naman talaga ay ang pagiging asawa niya ay kailangan ko munang gawin ang duty ko.
"Manang Eli, ano bang madalas kainin ni Reeve sa umaga?" tanong ko sa mayordoman ni Reeve.
"Bakit ma'am? Ipagluluto n'yo po ba ulit si Sir?" nakangiting tanong ni Manang Eli kaya tumango ako nang marahan.
"Opo, ipagluluto ko sana siya ulit ng kakainin niya dahil isa iyon sa responsibilidad ko bilang asawa niya." nakangiting sagot ko naman.
"Naku ma'am, napakabuti n'yo namang asawa! Naaalala ko tuloy si Ma'am Kara sa inyo. Tulad n'yo kasi ay malambing din ang dating asawa ni Sir." seryosong sabi sa akin ni Manang Eli kaya natigilan ako.
Hindi ko maintindihan pero hindi maganda sa pakiramdam ko kapag kinukumpara nila ako palagi sa yumaong asawa ni Reeve. Pakiramdam ko kasi ay hindi nila ina-acknowledged na ako si Carina at hindi ang Kara na tinutukoy nila.
"G-ganun po ba?" nag-aalinlangan kong sagot.
"Kung kailangan n'yo ng mga recipe ng pagkain na madalas kainin ni Sir ay ililista ko na lang lahat iyon, ma'am para may pagpipilian kayo sa susunod," sabi naman ni Manang Eli.
Pagkatapos nun ay kumuha lang siya ng papel at ballpen saka inilista doon ang mga pagkaing paborito at madalas kainin ni Reeve. Kaya naman ng mahanap ko ang mga ingredients ng ulam na napili ko ay mabilis ko iyong inihanda para maluto ko kaagad ang pagkain ni Reeve para mamaya.
Matapos ko namang ihanda ang sangkap ay agad na akong nagsimulang magluto at wala pang isang oras ay tapos na ako. Inilipat ko na lang sa plato ang pagkain na inihanda ko para kay Reeve saka iyon inihain sa mesa.
Maya-maya pa ay nakita ko na si Reeve na papasok ng dining area kaya napangiti ako. Napansin ko rin na nakasuot na nang formal attire si Reeve dahil mamaya ay papasok na ito sa trabaho.
"Good morning, pinagluto nga pala kita ng fried rice at menudo. Hindi ako nagluto ng simpleng ulam kasi ayokong magutom ka sa pagtatrabaho mamaya. Isa pa nagluto din ako ng chicken adobo para mamayang lunch ay may kakainin ka na." nakangiting sabi ko kay Reeve ng makalapit siya sa akin.
Nakita ko namang napanganga siya dahil hindi makapaniwala sa sinabi ko. " Woah, did you really made all of this for me?"
"Yes, of course. As your wife, I must serve you, you know." I answered.
Hindi ko naman inaasahan na yayakapin ako ni Reeve. At dahil sa ginawa niyang iyon ay naamoy ko ang pabango niya. Di naman iyon matapang at masasabi kong bagay na bagay sa kanya ang pabango niya dahil panlalaking-panlalaki ang amoy niya.
And for my opinion, it's super attractive that he smells good. Nakita ko namang napatingin pa siya sa akin bago siya bumitaw sa pagkakayakap sa akin.
Doon ko lang napansin na nabigla siya sa ginawa niya sa akin dahil namula ang tenga niya at napaiwas pa siya sa akin ng tingin. Nakita ko rin na napakamot siya sa leeg niya dahil siguro sa hiya.
"I'm sorry, I didn't mean to do that. I was just so happy that someone cooked for me," he said, still not looking at me.
"Ano ka ba, Reeve. Huwag kang mahihiya sa akin dahil kahit hindi man tayo kinasal ay asawa mo pa rin ako," nakangiting sabi ko naman sa kanya napalunok siya.
"Well, I hope you'll always do this for me," Reeve said seriously.
"Oo naman, gagawin ko 'to araw-araw kung gusto mo. Tutal wala naman akong ibang trabaho kundi ang gawin ang responsibilidad ko bilang asawa mo at kasama na ro'n ang ipagluto ka araw-araw." nakangiting sabi ko naman sa kanya.
Pagkatapos nun ay sinenyasan ko na siyang umupo na ginawa niya naman at saka kami sabay na nag-almusal na dalawa. Hindi ko naman maiwasan ang mapangiti dahil nakikita ko naman na nag-eenjoy siya sa niluto ko.
"You're a good cook, Carina," he commented.
"Well, thank you for the compliment. I appreciate it." I smiled in reply.
Nagpatuloy naman kami sa pagkain at nang malapit na kaming matapos ay agad naman pumasok sa isip ko ang bagay na gusto kong itanong sa kanya.
"Totoo bang hindi ka pinagluluto ng asawa mo dati?" sinubukan kong itanong kay Reeve at nakita ko namang natigilan siya sa pagsubo ng pagkain niya.
"Yeah, it's true. But even if Kara didn't know how to cook my favorite food she tried her best. Actually she really tried cooking for me but she's just not born for it. I accepted the fact that she can't cook for me and I don't care about it either. Masaya lang ako na naging asawa ko si Kara dahil bukod sa siya ang pinakaunang babaeng minahal ko ay siya rin ang nagbigay ng ligaya sa buhay ko." seryosong sabi ni Reeve.
At habang nagpapaliwanag siya sa akin ay ramdam na ramdam ko ang lungkot niya. Hindi ko tuloy maipaliwanag ang dapat kong maramdaman dahil alam ko at sigurado ako kung gaano kamahal ni Reeve ang asawa niya.
"Sa totoo lang, hindi kita masisisi kung bakit noong unang beses akong ipakilala ng magulang mo ay galit na galit ka at ayaw mo sa akin. I know for sure, na hindi ka pa nakakalimot sa sakit ng pagkawala niya." seryosong sabi ko naman kay Reeve at nakita ko namang lumambot ang ekspresyon niya sa sinabi ko.
"Yeah, ilang buwan pa lang kasi ang nakakalipas simula ng iwan ako ni Kara. Magkakaroon na din sana kami ng anak kung hindi siya namatay ng maaga. Gustong-gusto ko man na makasama pa siya ng matagal pero bumigay na siya ng kusa. Noong una di ko matanggap pero ngayon ay unti-unti ko nang kinukumbinsi ang sarili ko na hindi na babalik si Kara." may bahid ng kalungkutan ang boses ni Reeve pagkatapos niya iyong sabihin sa akin.
Naikuyom ko na lang tuloy ang kamao ko sa ilalim ng mesa saka mapait na ngumiti. Ang tanging masasabi ko lang ay hindi ko maiwasang mainggit kay Kara dahil naranasan niya ang tunay na pagmamahal ni Reeve.
Ako kasi, kahit na maraming beses na akong naging asawa ng iba't-ibang kliyente ko ay sigurado ako na kinuha lang nila ako dahil para may katulong sila pansamantala.
Si Izaac ay sweet naman pero hindi ko siya maituturing na partner o matawag na asawa dahil bukod sa palagi siyang busy ay parang magkaibigan lang ang turingan namin.
Bukod pa dun ay never din akong nahulog sa kliyente ko dahil natatakot akong masaktan pero nung marinig ko ang pinagdaanan ni Reeve at Kara ay hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit.
Pangarap ko rin kasi na maramdaman sa taong mahal ko kung gaano ako kahalaga para sa kanya. Gusto ko rin na may magmamahal sa akin nang higit pa sa pagmamahal ko.
"Masasabi ko lang talaga na napaka-swerte ng dating asawa mo sa'yo, Reeve. Kahit kasi na malamig mo akong pinakitunguan nung una ay alam ko na seryoso ka nung sinabi mo sa akin kung gaano mo siya minahal. Bihira na lang kayang makahanap ng lalaking katulad mo sa panahon ngayon kaya masasabi ko na hindi ako nagsisi na maging kliyente ko ang magulang mo. Hindi man ako si Kara pero ipapakita ko sa'yo na kahit hindi man tayo totoong mag-asawa ay masasandalan mo ako sa lahat ng oras," nakangiting sabi ko kay Reeve.
"Thank you, Carina. You cheered me up a little bit. Also, I'm sorry if I made a bad impression on you at first." Reeve said.
Nagulat pa ako ng abutin ni Reeve ang kamay ko at saka niya iyon hinawakan. Dahil dun ay nagsimulang magwala ang puso ko at hindi ko rin maiwasang pamulahan ng pisngi.
At para hindi mahalata ni Reeve ang pamumula ng mukha ko ay agad ko ring binawi ang kamay ko na hawak niya at saka ako nagsimulang kumain ulit.
Ganun din naman ang ginawa niya at nang matapos na kaming kumain ay mabilis din siyang tumayo sa hapag. Pagkatapos nun ay uminom siya ng tubig. Tumayo na rin ako sa mesa at saka niligpit ang pinagkainan namin.
Binalot ko na rin ang ipapabaon ko sa kanyang pagkain. Nilagay ko lang iyon sa paper bag na may hawakan at nang iabot ko sa kanya ay napangiti pa kami sa isa't-isa.
"Thank you for the lunch box." he thanked me.
Hindi ko rin inaasahan na hahalikan niya ako sa pisngi bago siya ngumiti at umalis nang tuluyan sa harapan ko. At dahil sa ginawang iyon ni Reeve ay muling nagwala ang puso ko at hindi ko maikalma ang sarili.
Unang beses ko lang kasi naranasang makaramdam ng kaba sa naging kliyente ko at hindi ko rin mapigilan ang makaramdam ng hiya. Kahit na palagi naman akong confident sa sarili ko ay nawawalan pa rin ako ng confident kapag nakakaharap ko si Reeve.
Pakiramdam ko kasi ay sasabog ang puso ko kapag may ginagawa siyang bagay na hindi ko naman inaasahan. At sa kabilang banda ay hindi ko rin maiwasan ang makaramdam ng takot. Takot na mapalapit ako kay Reeve kapag pinagpatuloy niya ang pagiging mabuti sa akin.
---