CHAPTER 9: Ang Hamon Ng Kadugo

1522 Words
(MAKALIPAS ANG ISA'T KALAHATING BUWAN) - PANIBAGONG ARAW na naman ng pagsasanay. Kaharap ko ngayon si Renzo, ang binatang mandirigma na may dala noon ng mga sandatang espada sa unang araw ko ng pagsasanay. Maglalaban kaming dalawa upang ipakita kay ama ang mga natutunan ko sa pagsasanay. Kahit paano, kompiyansa akong mahusay na akong humawak ng espada at malawak na rin ang nalalaman ko sa pakikipaglaban. Narito rin sa likod ng palasyong pinagsasanayan sina ina, Tiyo Celesto, Arvan at si Arriane upang saksihan ang laban. May mga kawal at mandirigma ng palasyo rin na narito at ilang mga tagasilbi. Maraming mga mata ang dapat kong pakitaan ng aking galing at husay sa pakikipaglaban bilang sunod na hari nitong kaharian. Sa nagdaang mga araw, mas naging malapit kami ni Arriane sa isa't isa. Inakala kong tuluyan nang lalayo ang loob namin ni pinsan Arvan dahil do'n, ngunit nagkamali ako. Makalipas lamang ang ilang araw ng una kong pagsabak sa pagsasanay ay kinausap niya ako at madalas kaming naging magkasama lalo pa sabay kaming nagsasanay. Ngunit ang tungkol sa kanila ni Arriane ay hindi namin napag-usapan. Hindi ko alam kong alam nila na nakita ko silang luhaang magkayakap. Basta alam ko na may namamagitan sa kanila - na hindi pa malinaw kung kanilang tinapos na dahil ako at si Arriane ay ipinagkasundo na maging magkabiyak na. Hindi ko na rin muli pa silang nakitang nagkalapit at nag-usap kahit pa minsan ay nasa pagsasanay rin namin si Arriane. Isa rin mahusay makipaglaban si Arriane. At bilang susunod na magiging reyna ng Arahandra, dapat ay may kakayahan din siyang lumaban para sa kanyang kaharian. Siniguro kong maayos na nakakabit sa akin ang suot kong kulay abong metal na baluti bago ako pumunta sa gitna ng pabilog na sementadong stage para harapin si Renzo para sa aming paglalaban. May hawak din akong makinang na metal na kalasag sa kaliwa kong kamay at hawak ko nang mahigpit sa kanan kong kamay ang aking espada, espadang naging sandata ko na mula nang mag-umpisa akong magsanay. "Mahal na Prinsepe Peter, hindi ko kayo kakaawaan sa labang ito. Ibubuhos ko ang buo kong lakas upang matalo ka sa laban," saad ni Renzo. Tatlong dipa ang layo namin sa isa't isa. "Ganoon din ako. Hindi ito isang pagsasanay kundi isang totoong laban," sambit ko. Pumorma siya nang pakikipaglaban at pumorma na rin ako. Diretso kong tinitigan si Renzo. Sa nagdaang mga araw, napag-aralan ko na ang kakayahan niya. Inalam ko kung gaano siya kalakas at mga bagay na kanyang ginagawa. Iyon daw ay isang mabisang paraan upang matalo ang iyong kalaban - ang alamin ang lakas nito at kahinaan. Si Renzo ay mabilis kumilos at mahusay humawak ng espada. Kaya niya rin makatalon nang mataas tulad ng nagagawa ni Arriane. Napag-aralan ko na rin ang kilos niya, sinabi kasi ni ama na makakalaban ko si Renzo upang makita kung may napuntahan ba ang aking pagsasanay kaya naman mula nang araw na iyon ay palihim ko nang tinuklas at inalam ang kakayahan ni Renzo. Iyon nga lang, puro lakas at nagagawa ni Renzo lamang ang nalaman ko tulad din ng kakayahan niyang makakontrol ng hangin upang magamit sa laban. At walang kahinaan akong nakita sa kanya. Kaya ngayon, ang tapatan ang kanyang magagawa ang dapat kong gawin. Nang handa na kaming sugurin ni Renzo ang isa't isa at may dumating na mga hindi inaasahang bisita. Naglakad ang mga ito papalapit sa amin ni Renzo. Tila natutuwa sa atensiyong kanilang natatamasa sa mga oras na ito ang mga biglang sumulpot na panauhin. Para silang mga hindi imbitadong bisita na bigla na lamang nagpakita at nagyabang pa - sina Tiya Rosaline at kanyang pamilya. Mga Kumag. "Hindi ko yata inaasahan ang inyong pagbisita aking kapatid? May nakatakda ba tayong pagpupulong na hindi ko nalaman mula sa aking mga tauhan?" pasigaw na saad ni ama upang marinig siya nina Tiya Rosaline. Nakaupo si ama sa mataas na bahagi ng lugar sanayan kasama si ina, Arriane, Tiyo Celesto at Arvan. Ngumiti si Tiya Rosaline. "Wala naman aking Kapatid na Hari. Nalaman ko lamang na ngayon ay magaganap ang unang pakikipaglaban ng aking prinsepeng pamangkin. Nais ko lamang masaksihan ng aking mismong mga mata ko kung gaano na kalakas sa pakikipaglaban ang susunod na magiging hari ng ating kaharian," pahayag ni Tiya. "Nagagalak akong inaalala mo ang bagay na iyon," sambit ni ama. "Humanap na lamang kayo ng lugar kung saan komportable kayo at inyong maayos na masasaksihan ang laban," dagdag pa ni ama. Iba ang dating sa akin ng kanilang naging usapan. Kumag ngang talaga ang mga miyembrong ito ng bughaw na pamilya. Hindi pa sila umalis sa kanilang kinatatayuan habang nililibot ang tingin sa lahat. "Kung iyong mararapatin Mahal na Hari, may mungkahi ako," saad ni Tiya Rosaline. Napatitig si ama sa kanya. "Ihayag mo," sambit ni ama. "Hindi ba't mas makikita ang husay ng isang mandirigma sa laban kung ang labanan ay sa pagitan ng higit sa isa?" Pinukol ako ng tingin ni Tiya Rosaline at nilingon niya rin si Renzo. "Bakit hindi na lamang, ang mandirigmang narito at ang Mahal na Prinsepe laban sa aking mga anak!" may angas na saad ni Tiya Rosaline. Iyon ang dating sa akin ng kanyang sinabi - isang paghahamon sa aking kakayahan at itinuro ng kanyang mga palad ang kanyang dalawang anak na sina Rosmar at Rospert. Mata sa mata, natitigan ko ang aking mga kumag na pinsan. Nakipagtitigan din sa kanila si Renzo. Nakangisi ang mga ito na tila buo na sa isipan nila na matatalo kami sa laban kapag kumasa kami sa mungkahi ng kanilang ina. Nakaramdam ako ng kaba. Nagkaroon ako ng takot na matalo kung sakaling kumasa kami sa hamong mungkahi ni Tiya Rosaline. Kanina tinatapangan ko ang loob ko na matatalo ko si Renzo kahit pa alam kong dehado ako sa magiging laban naming dalawa - dahil wala akong espesyal na kakayahan tulad ni ama. Hindi ako nakakalipad o makatalon man lang nang mataas tulad nina Renzo at Arriane. At hindi ko rin makausap o makontrol ang hangin. Sinubukan kong gawin ang mga bagay na iyon ngunit hindi ko magawa - walang ipinagkaloob sa akin na kapangyarihang taglay ng isang dugong bughaw. Ang mga pinsan kong sina Rosmar at Rospert malamang ay nagtataglay ng kapangyarihan. Natatakot akong mapahiya ko si ama sa harap ng kanyang mga nasasakupan. Ngunit si Renzo at relax lang. Nilingon niya ako at bahagya siyang tumango sa akin. Tila sinasabi niyang hindi ako dapat mag-alala. Nilingon ko si ama, tila siya ay nag-aalangan. Na para bang hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sinasabi niya sa akin na mahusay ang pinapakita ko, ngunit batid kong alam niyang hindi pa sapat ang kakayahang alam ko sa pakikipaglaban. Hinarap ko sina Tiya Rosaline at aking mga pinsan. Sa mukha nila, makikita ang pangmamaliit sa akin. Sinisigaw ng kanilang mga tingin na ako ay mahina. Nilingon ko si Renzo, makahulugan tumango siya sa akin. Binibigyan niya ako ng pahintulot na magdesisyon tungkol sa mungkahi ni Tiya. Inangat ko ang hawak kong espada. "Tinatanggap ko ang hamon!" matapang kong sigaw. Kasabay noon ay narinig ko ang sigawan ng lahat. Nilingon ko si ama, binigyan niya ako ng ngiti - ngiti ng pagtitiwala. "Bigyan ng baluti, sandata at kalasag ang aking mga pamangkin!" utos ni ama. "Hindi na kailangan!" pahayag ni Tiya Rosaline. "Pumarito kaming nakahanda," nakangiting sambit niya. Planado nila ang eksenang ito. May gusto silang patunayan sa kanilang pagparito. May binabalak sila. May kung anong intensiyon. Nagliwanag ang mga palad ni Tiya Rosaline, asul na liwanag na inihip patungo sa kanyang mga anak. Nabalot ng liwanag at hangin sina Rosmar at Rospert. At sa pagkawala ng liwanag at hanging pumaikot sa kanila ay mayroon na silang gintong baluti, kalasag at espada. Isang nakakalokong ngiti ang ibinigay sa akin ni Tiya Rosaline. "Galingan mo Mahal na Prinsepe," saad niya sa akin bago nila nilisan ng kanyang asawa at naglakad patungo sa gilid ng pabilog na stage. Tumayo si ama. "Bago ko ihayag ang pag-uumpisa ng laban, nais kong maging pantay ang lakas at tibay ng mga buluti, kalasag at sandata ng mga mandirigmang maglalaban," pahayag sa lahat ni ama at nilingon niya si Tiya Rosaline bago muling tinuon ang pansin sa aming apat na mandirigma na nasa gitna. Nagliwanag ng kulay asul ang mga palad ni ama kasabay ng pumaikot na hangin. At inihipan iyon ni ama patungon sa amin ni Renzo. Nabalot kami ng liwanag at hangin. At sa paglaho ng mga iyon ay naiba na ang aming baluti ni Renzo, naging kulay asul at silver. Ganoon din ang aming kalasag. At nagbago rin ang anyo ng aming espada, naging kulay asul ang mga hawakan. At ang hawakan ng aking espada ay nagkaroon ng ukit ng agila. Mas magaan sa pakiramdam at sa mga kamay ang bago naming baluti, kalasag at espada. Bahagya namang nawala ang ngisi ng dalawa kong pinsan. "Prinsepe Peter," narinig kong sambit ni Renzo. "Alam ko Renzo," saad ko. Hindi ko na pinatapos ang nais niyang sabihin. "Hindi ito pagsasanay kundi isang totoong laban. Hindi ko sila kakaawaan," pagpapatuloy ko. "Mga mandirigma! Umpisahan na ang kaban!" sigaw ni ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD