Ilang minuto rin ang nangyaring pilitan sa paggitan naming dalawa ni Rick bago siya tuluyang kumalma at pumayag na ring sumama sa pag-alis. Hindi naman maaari ang gusto niyang mangyari na maiiwan siya dito dahil alam kong marami silang trabaho sa Manila. Kung hindi talaga niya kakayanin ay mapipilitan na lang kaming painumin siyang muli ng sleeping pills. Kasalukuyan na kaming lulan ng mga kanya-kanya naming mga sasakyan. Pero maraming katanungan ang siyang bumabagabag sa akin sa ngayon na hindi ko maintindihan. Pero hindi naman siguro sila 'yon. Napakaraming tao sa mundo. Imposible naman na mangyari yon. Nagsimula nang umandar ang mga sasakyan at isa-isa ng lumabas mula sa bakuran ng aming bahay. Sa aming sasakyan ang siyang pinakahuli sa lahat. Sa pagtapat namin sa gate ay nabungara