Mula ulo hanggang paa nang suriin ko siya. Inikutan ko pa siya habang nakalagay ang daliri ko sa baba ko. May kamukha talaga ito, eh. Napaawang ang labi ko. Tama! Nakita ko na ang matandang ito sa TV.
"Siya si Tatay Herming." Pagpapakilala ni Zyair sa ama. "He's a paranormal expert."
Mabilis kong hinawakan sa kamay ang matanda. Ito ang nakita kong pinapanuod ng tiyang ko sa TV pero about sa mga kaluluwa naman ang tema kaya wala akong interes. Ayaw ko ng mga pang-horror na palabas pero mahilig dito ang tiyahin ko.
Nagulat na lang ako nang singhot-singhutin ako ng matanda. Bigla rin nitong hinawakan ang kamay kong may sugat na kagagawan ng Abellius na 'yon. Bigla itong inamoy ng lalaki kaya nahablot ko ito bigla. Papa'no kung patibong ito at bigla na lang akong kainin ng buhay ng mga ito? Ang pinto! Nakikita ko sa vision ko na bukas ito, isang talon ang ginawa ko para makalabas agad pero mabilis itong nasipa pasara ng mahabang paa ng Zyair na nagpakilala.
Bumagsak ako nang patihaya nang mauntog ang ulo ko sa nakasaradong pinto. Mangiyak-ngiyak kong nahawakan ang noo ko, may maliit na bukol nang sumulpot nang kapain ko ito.
"Zyair! Hindi ka nag-iingat, nakadisgrasya ka ng tao." Pasigaw na sita ng matanda bago tinulungang patayuin ang dalaga.
Nasundan ko lamang ng matalim na tingin si Zyair nang pumasok ito sa isang pinto. Mabilis kong hinubad ang sandal ko at binato ko ito nang ubod lakas sa nakasarang pinto pero--bumukas naman ito bigla. Napaurong pa ang lalaki nang sumalpak ang sandal sa mismong mukha nito. Nandilat ang mata nito sa pagkakatingin sa'kin.
"What's wrong with you?" Mabilis itong nakalapit sa dalaga. "God!!" Mas lalong nanlisik ang tsinito nitong mata sa sobrang gigil nito sa bisita.
"Zyair!" Napailing ang matandang lalaki. "Karma 'yan sa ginawa mo kanina. Ba't ka kasi biglang tumakbo, iha? Oras na nakalabas ka rito, siguradong hindi ka na makakabalik ng buhay kapag inabutan ka ng takipsilim sa labas."
Napahiya ako sa naiisip ko pero sa pagkakatingin ng matanda, may pagdududa sa mukha nito.
"Hindi kami mga impakto kaya kita inaamoy dahil nawawala na ang bisa ng tansay sa'yo. Kahit sa gabi umaatake ang mga halimaw na iyon, kailangan mong panatilihin ang katas nito hapon pa lamang. Sa'yo lamang nangyayari 'yan dahil espesyal ang dugo mo! Tumatagal ang amoy ng tansay sa katawan naming pangkaraniwan na tao pero hindi sa'yo."
Gulong-gulo ako sa pinagsasabi ng kaharap ko at agad akong napasunod nang pumasok ito sa isang narra-ng pinto. Tinulak ito ng matanda katulong si Zyair. Inirapan ko ang lalaki nang tumingin ito sa 'kin, kahit kamukha nito ang isang aktor sa Korean TV drama na crush ko, ito pa rin ang rason kung bakit may bukol ako. Pasimple kong inapakan ang daliri ng paa nito at buong pwersang binigay ang bigat ng katawan ko. Nakita ko ang pagkagat ng labi nito pero hindi ito umaray.
Buti nga sa'yo!
Napaawang ang labi ko sa nabuglawan, napakaraming libro at mga bagay na kakaiba sa loob. Napaurong ako nang makita ang mga litratong--mga nakita ko ito sa gubat. Ang mga impakto!
"Mondaborians ang tawag sa kanila, iha. Nang magbukas ang dimensiyon, binuhay ng dugo mo ang mga nilalang na iyan." Nanlisik ang mata ng matanda na inilang hakbang lamang ang pagitan nila ng babae. Mahigpit nitong hinawakan ang ulo ng dalaga. "Ikaw ang nagbukas, ikaw din ang magsasara ng lagusan!"
Umalog ang ulo ko dahil sa ginawa ng lalaki. Humulagpos ako sa pagkakahawak ng matanda. Natakot ako bigla sa mga pinagsasabi nito. Hindi ko ma-gets, promise! Bigla na lang akong naiyak kasabay ng paghawak sa bukol ko sa noo.
"Halika, ngayon mo malalaman kung bakit espesyal ka!" Hinawakan ng matanda ang dalaga na agad napaurong pero nasa likod nito si Zyair kaya nakorner ito.
Kusa nang hinila ni Zyair palapit sa mahabang mesa ang nahintakutang babae. "You need to listen carefully, dahil ikaw ang solusyon sa lahat ng ito." Sapilitan nitong pinaupo si Nelrose.
Para 'kong nakukuryente sa pagkakahawak ng Zyair na ito. Hanggang balikat lang niya ang tangkad ko. Napadako ang tingin ko sa--labi nito. Napalunok ako. Parang naka-lipstick ang lalaki sa pula ng bibig nito at ang mata nito, nakakahipnotismo...
"Nelrose, nakikinig k-ka ba?" malakas na asik ni Zyair. "Makinig ka kay Tatay para alam mo ang gagawin mo kapag l-lumatag na ang dilim."
Nagulat na lang ako nang sunod-sunod na ilapag ni Zyair ang mga baril at iba-ibang klase ng sibat na tanso, matutulis ang dulo nito.
"Nakatunganga ka lang, Nelrose. Hindi ka nakikinig sa sinasabi ni Tatay!"
Nagulat ako sa pasigaw ni Zyair, lalo lang akong naiinis sa ugali ng supladong ito!
"Nelrose," nakangiting hinawakan ni Herming sa balikat ang naguguluhang dalaga. "Taglay mo ang dugong "Luna y Damim," isang espesyal na dugo na bumuhay sa mga Mondaborians, ang mga kakaibang nilalang na nasagupa mo kagabi."
Napaawang ang labi ko kasabay nang pagpintig nang malakas ng puso ko pero nang magtama ang mata namin ni Zyair, lalong bumilis ang t***k ng puso ko.
"Nelrose!! Ipasok mo sa kukote mo ang lahat ng sinasabi ni Tatay Herming," biglang singit ni Zyair na umigting pa ang panga sa pagkakatingin sa babae. "Isang mali mo lang kapag naengkwentro mo ang mga Mondaborians, buhay mo ang kapalit. Habang buhay nang maghahasik ng lagim ang mga halimaw na iyon kung tatanga-tanga ka, kagaya ngayon! Kanina ka pa tulala!"
Tumarak sa isip ko ang sinabi ni Zyair pero mas nanaig ang nag-uumalpas kong inis sa lalaki. Suplado. Gwapo. Macho. Nakakainis! Ba't ba ang lakas ng karisma nito? Isang kahinaan ito sa akin! Natutulala ako sa karisma ng makisig na ito. Kinatok ko ang ulo ko para magising ako sa kahibangan ko sa lalaking ito.
Naramdaman ko na lang ang paghawak ni Tatay Herming sa kamay ko. Para akong maiiyak sa pagkaarogante ng anak nito pero wala akong mapuntahan. Ayoko pang mamatay. Parang hindi kapani-paniwala ang biglang pagbabago sa mundo ko pero totoo lahat. Totoo ang mga halimaw.
"Datura Nerium, ito ang kakailanganin natin na ihahalo sa dugo mo para maisara ang lagusan." Isang libro ang hawak ng matanda na inabot kay Nelrose. "Basahin mo ang lahat ng nakasaad diyan, iha. Bata pa ako, dinokumento ko na ang lahat ukol sa alamat ng Mondabor. Basahin mo nang maintindihan mo kung ano ang nangyayari."
Biglang sumulpot ang impakto este si Zyair sa harap. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Sumunod ka sa'kin, ihahatid kita sa kwarto mo." Salubong ang kilay ng binata nang titigan ang babae bago ito suminghot. "And please, take a shower muna, ang baho mo sobra."
Napansin ko, nakaligo na ang lalaki at mas lalong naging presko ito sa paningin ko.
"Isang gabi lang ang ibibigay ko sa'yo para matapos mong basahin ang libro na 'yan, Nelrose. Pag-aralan mo lahat, dahil diyan nakasalalay ang buhay mo, nating lahat." Tumalikod na ang lalaki pero bigla itong huminto. "Sumunod ka sa'kin, tulala ka na naman!"
Kulang na lang ay ihagis ko ang libro sa likod nito para matanggal ang sobrang pagkasuplado nito. Napasunod na lang ako sa lalaki. Sa isang maliit na kwarto kami pumasok.
"Ang libre mong oras, igugol mo sa pag-aaral ng librong 'yan at kung pwede, bilisan mong magbasa dahil bukas na ang dimensiyon. Bawat segundo, mahalaga at 'wag kang aanga-anga."
Bwis*t na lalaking 'to! Isang lumang libro ang hawak ko, naninilaw na ito sa sobrang kalumaan. Nang buksan ko ito, sulat kamay lamang ito.
"Ano pang hinihintay m-mo?" dumagundong ang boses ni Zyair sa loob ng kwarto. "Kumilos ka n-na!!"
Napapitlag ako sa lakas ng boses ng lalaki at sinundan ito ng malakas na kalabog. Nakasara na ang pinto!
Napakagat na lang ako sa labi ko. Ewan! Halu-halo ang nararamdaman ko. Nang maalala ko ang nakagisnan kong pamilya, napaiyak na lang ako bigla. Papa'no ko kokontakin sina Cyrish at Tiyang? Kahit bungangera si Tiyang, mahal ko siya bilang foster mother ko. Si Cyrish, siya na ang tumayong bestfriend ko at tinuring ko ng tunay na kapatid. Kailangan ko silang balikan!
Nakasabay ko pa sa salu-salo ang dalawa nang magtanghalian. Tahimik lamang ako. Ang isip ko, lumilipad sa Maynila kung nasaan ang pamilya ko.
"Pagkatapos natin dito, iha, simulan mo na ang pagbabasa ng libro para maintindihan mo lahat. Kung sumapit man ang dilim mamaya, anumang bagay ang maririnig mo, isawalang bahala mo na lamang." Inusog ng matandang lalaki ang karneng nasa harap palapit kay Nelrose. 'Yan ang nahuli ni Zyair na baboy ramo."
Napalunok ako sa pagkakatingin sa baboy. Baka halimaw ito na nag-anyong baboy! Nagulat ako nang lagyan ng isang hiwa ni Zyair ang pinggan ko.
"Magpakabusog ka at pag-aralan mo ang lahat, Nelrose!" Nang hindi galawin ng babae ang karne, inihaw na talong at sabaw na purong gulay ang sahog ang nilagay ng binata sa harap nito.
Parang lumukso ang puso niya nang simulang kainin ang gulay. Actually, hindi siya vegetarian pero simula nang dalhin siya ng Abellius na 'yon sa gubat, feeling niya, mga halimaw na rin ang mga hayop na pagala-gala sa gubat. 'Yon kasi ang kwento ni Cyrish sa kanya, na nag-aanyong hayop ang mga ito.