Episode 4

1620 Words
"A-ano'ng p-pinagsasabi mo?" galit kong sigaw. Naginginig na rin ako sa takot. Pinilit kong kumawala pero mahigpit ang pagkakagapos sa 'kin. Lumapit si Abellius. Nilahad nito ang kamay. Ang baging na nakagapos sa isang kamay ko ay unti-unting gumalaw nang gawin iyon ng lalaki. Isa itong payat na tangkay na gumagapang pero bakit ito gumagalaw? Unti-unti itong lumuwag sa pagkakagapos sa isang kamay ko. Nahintakutan ako sobra. Sana panaginip lang ito. Nakawala ang isang kamay ko sa pagkakagapos nang tuluyang maalis ang baging. Hawak na ni Abellius ang kamay ko. Napasigaw ako sa gulat. Mistulang yelo sa lamig ang kamay nito. Bakit ganito? Sana magising na ako. Panaginip lang ito! "Ikaw--ang magbubukas sa lagusan ng mundo ko na dekada nang nakasara. Sa wakas..." Pumuslit ang dugo sa kamay ko nang padaanan ng kuko ni Abellius ang palapulsuhan ko gamit ang kuko nito. Maliit lamang ang sugat pero nasobrahan na ako sa takot. Hindi pangkaraniwan ang haba ng kuko nito at napakatulis pa nito. Napaiyak na ako sa sobrang takot ko. Naisip ko sina Tiyang at Cyrish. Pumatak ang dugo ko sa kinatatayuan namin. Kada patak ng dugo ko sa antigong bilog na kinatatayuan namin, umuusok ito at nagiging itim ang kulay. "Tuloong..!" ubod lakas kong sigaw. Lalo akong napaiyak, helpless and hopeless na 'ko. Ano bang klaseng lugar itong napuntahan ko? Bakit walang katao-tao? "Paalam, pinsan, Tiyang.." Sunod-sunod ang patak ng luha ko dahil katapusan ko na. Lumakas ang hangin, kasabay nito ang 'di maipaliwanag na mga ungol sa paligid. Ang mga puno, unti-unting gumalaw. Lumakas lalo ang iyak ko, atungal na ang ginawa ko. Nalalapit na ang kamatayan ko. Napuno ng kulay itim na usok ang buong paligid kaya hindi ko na makita ang buong paligid dahil sa kapal nito. Naramdaman ko na lang ang paghawak ni Abellius. Gusto kong sumigaw pero madiin nitong tinakpan ang bibig ko. Nakawala na rin ako sa pagkakagapos dahil lumuwag ang mahigpit na pagkakagapos sa'kin kanina. Wala akong makita dahil naging kulay itim ang buong paligid. Naririnig ko pa rin ang papalakas na mga ungol. Nakakapangilabot sobra. Nanghina ang tuhod ko sa mga nangyayari sa paligid ko ngayon. Ang bata ko pa pero hanggang dito na lang pala ako. Isinusumpa ko na ang mga guwapo! Umangat ang paa ko. Dahil sa sobrang takot at 'di maipaliwanag na karanasan, muling nagdilim ang paligid ko. Para akong nakalutang, patay na ba ako? Pinakiramdaman ko ang paligid. Ang mga ungol, naririnig ko pa rin pero papahina nang papahina ito. Dala ng takot, pinili kong 'wag imulat ang mata ko. Ang t***k ng puso n'ya, naririnig ko, naghahabol din siya ng hininga. Abellius? Na-curious ako. Dahan-dahan kong minulat ang isang mata ko. Kitang-kita ko ang pawisan n'yang mukha, ang matangos n'yang ilong at ang kissable lips... Pumatak ang pawis nito sakto sa mata kong pahapyaw na nakadilat. Napapikit ako bigla. Wal*nghiya, ang hapdi sa mata! Nelrose, kasasabi mo lang kanina na isusumpa mo na ang lahat ng gwapo, bakit? Gusto kong sampalin ang sarili ko. Naramdaman ko na lang ang lamig sa likod ko--'yon pala, nilapag na niya ako sa lupa. Gusto kong gumalaw pero 'di ko magawa dahil natatakot pa rin ako. Katahimikan. Hindi pa rin ako gumagalaw, pinapakiramdaman ko lamang ang paligid. "H'wag kang magpanggap na tulog, ligtas ka na!" Ligtas? Napadilat ako bigla. Bigla akong napaupo na napanganga pa nang makita ko kung sino ang kasama ko, isang Adan na bumaba sa lupa, ang gwapo. Hindi si Abellius ang kasama ko, isa itong gwapong nilalang na namumutok ang muscle sa sobrang kakisigan. Kagaya rin ba ito ni Abellius? Nakasuot lang s'ya ng short at puting shirt na puno ng putik pero hindi maipagkakailang napaka-macho nito sa kabila ng marungis nitong hitsura. Napasiksik ako sa pinakasulok ng kuweba. Kuweba? Bigla kong iginala ang tingin ko sa kabuuan ng lugar. Nasa loob kami ng kuweba, hindi ko ma-explain ang amoy dito. Nasusuka ako. Napatakip ako sa ilong ko, napakabaho ng naaamoy ko. Nahintakutan akong napatingin sa lalaki. Paano kung ang naaamoy ko ay katawan ng mga--patay na tao? Hindi! Bumuwelo ako at biglang tumayo. Malapit lang ako sa bukana ng kuweba. Balak kong kumaripas ng takbo, 'yong hindi ako aabutan ng gwapong impakto na'to. Isang hakbang ko pa lang pero bumagsak na ako sa lupa. Hinarang lang naman ng lalaking 'to ang paa n'ya kaya natalisod ako. Salubong ang kilay nito nang tingnan ako. "Mamamatay ka lang sa labas kung aalis ka," iritadong saad nito. "Stup*d!" Nahintakutan akong napasiksik sa gilid. "Sino ka?" Isang matalim na tingin lamang ang sinagot ng lalaki. May pinapahid ito sa katawan. Napakabaho! Ito yata ang naaamoy ko na masangsang. Nakalagay ito sa isang bote. "Mula ito sa isang uri ng halaman, ang tansay. Ang katas nito'y ginagamit para hindi tayo maamoy ng mga nilalang na nakita mo kanina." "Sino ka?" mabilis kong tanong sa kanya. Nasusuka ako sa amoy na pinapahid nito. Hinila na lang ako bigla ng lalaki. Nilagyan nito ang mukha at braso ko ng pinapahid nito kanina. Naduwal talaga ako sa hindi ko ma-explain na amoy ng halaman. "Aalis tayo rito pagka-bukang liwayway. Kailangan nating pumunta kay Tatay Herming." "Sino ka ba?" kinakabahan ako. 'Di ko ma-explain ang nararamdaman ko. Sanhi ba ito ng paglapit ng gwapo na 'to o ang nakaambang panganib sa 'min? Napatitig ako sa kanya. "I'm Zyair.." "Zyair?" ulit ko sa pangalan niya. "Sino si Tatay Herming?" "Tatay ko, obvious ba?" inis na pakli ng lalaki. "Kasasabi ko lang na tatay." "Ano'ng nangyayari rito? Bakit ganito?" Salubong ang kilay nang tumingin sa 'kin ang lalaki. Ba't ba ang init ng ulo nito? Nagtatanong lang naman ako. "Bukas na ang lagusan ng ibang dimensyon dahil sa 'yo. Maraming kababalaghan ang mangyayari tuwing sasapit ang takipsilim sa mundo natin." "Anooo?" pasigaw kong tanong. Biglang tinakpan ng lalaki ang bibig ko. "Hindi tayo maaamoy ng mga halimaw na 'yon pero 'tong bibig mo ang magpapahamak sa 'tin." Galit na binitawan nito ang dalaga. "Tuwing pagsapit lang ng dilim naglalabasan ang mga halimaw na 'yan. Aalis tayo rito kapag bukangliwayway na. And please, shut your mouth! Rest and sleep, bukas malalaman mo ang lahat." Litong-lito pa rin ako sa pinagsasabi ng lalaking 'to. Baka nananaginip lang ako. Ubod lakas kong sinampal ang mukha ko. Halos mapaiyak ako nang maramdaman ko ang sakit. Dapat pala hininaaan ko lang. Buw*s*t! "St*pid!" mahinang anas ng lalaki. Pumikit ito at sumandig sa gilid ng kuweba. Napatingin ako sa kasama ko. Totoo pala talaga, hindi ito panaginip. May malagong halaman na nakaharang sa bukana ng kuweba. Ligtas ba kami rito? Dahan-dahan akong gumapang palapit sa lalaki. Nakakatakot ang sobrang katahimikan sa labas. Dumikit ako sa kanya para masigurong aabutan pa 'ko ng bukangliwayway. Ang lalaking 'to ang nagligtas sa'kin. "Puwede ba, 'wag kang dumikit sa'kin. Ang baho mo!" Naiinis ako sa lalaking 'to. Kung mabaho ako, mas mabaho pa sa'kin ang amoy nito. Umusog ako palayo sa lalaki. Kahit subukan kong makatulog, hindi ko magawa. Ilang oras lang akong tulala, iniisip ang mga naging karanasan ko ngayong gabi. Bigla akong napatakip sa bibig ko nang mapatingin ako sa malagong halaman sa bukana ng kuweba. Gumalaw ito bigla. Kinalabit ko si Zyair pero walang tugon sa lalaki. Nakatulog na ba ito? Nakapikit ang lalaki. Halos panawan ako ng ulirat nang lumabas ang isang--baboy. Bigla akong tumingin sa gawi ni Zyair pero biglang nawala ito sa tabi ko. Nasa'n na ang gag*ng 'yon este ang gwapong 'yon? "Z-Zyair..?" Nanginginig ako sa sobrang takot. Nasa'n na ang lalaking 'yon? Ngayon ko lang napagtanto, kampon na rin pala ng dilim ang mga baboy. Napasigaw ako sa gulat nang isang sibat ang tumama sa baboy. Lumabas bigla si Zyair. "Kailangan na nating umalis. What's your name?" Binuhat ng lalaki ang baboy ramo. "Ano'ng gagawin mo diyan?" bigla kong tanong. "Obvious ba? Natural kakainin," kunot-noong tumingin ang binata sa babae. "Baboy ramo 'to. Masarap ang karne nito. Nakatikim ka na ba ni--" "Hindi pa!" malakas kong sigaw. "Iwanan mo na 'yan at umalis na tayo rito. Baka impakto pa 'yan." "S*lly! Nakalabas na tayo sa bukana ng lagusan ng Montabor kagabi pa. Kailangan lang nating magtago dahil umaatake sila sa gabi. Maraming mga wild animals dito. Mangangaso kami ni Tatay, dito kami kumukuha ng mga pagkain namin." "Ibig mong sabihin, sumalakay ang mga halimaw kagabi?" Bigla kong naisip sina Cyrish at Tiyang. Hindi! Sana ok lang ang mga ito. "Kailangan kong umuwi, Zyair." Naunang lumabas ang lalaki kaya napasunod ako bigla na palinga-linga pa sa paligid ko, mahirap nang makasagupa na naman ng kagaya ni Abellius. Lumalatag na ang liwanag, nakikita ko ang nag-aagaw na kulay ng pula at dilaw sa unti-unting paglitaw ng liwanag sa kalangitan. Masukal na gubat itong pinagtaguan namin nang igala ko ang tingin ko sa paligid. "Dito rin matatagpuan ang halaman na ginamit natin kagabi, ang tansay. What's your name again?" Lumingon ang lalaki at hinintay ang dalaga. "Nelrose." Hiningal ako bigla. Ang bilis maglakad ng lalaki, palibhasa matangkad at mahahaba ang mga biyas. "Kailangan kong umuwi, Zyair.." Nauna nang naglakad muli ang binata. "Taga-saan ka ba? Saang parte ng Pilipinas?" Nagtaka ako sa tanong ng lalaki. "Bakit?" "Sagutin mo ang tanong ko para malaman mo ang sagot ko, Nelrose." "Sa Manila," naiinis ako sa pagiging suplado ng lalaking 'to. Ang aga-aga, ang sungit? "Kailangan mong sumakay ng eroplano para makauwi ka. Nasa part tayo ng Mindanao ngayon." "Ano?" hindi ako makapaniwala sa sagot nito. Paano nangyari 'yon? "Zyair, sandali! Paano ako napunta rito?" Tumigil ang lalaki sa paglalakad bago lumingon sa dalaga. "Alalahanin mo ang nangyari kagabi kung paano ka napunta sa gubat na iyon para masagot 'yang tanong mo." Muli itong naglakad nang dere-deretso. "Hoy! Hintay," inis na inis ako. Ba't ba ayaw umayos ng lalaking 'to sa mga tanong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD