Episode 6: Zyair

1547 Words
Bow and arrow. A folding knife for protection. Binoculars. Headlamp. Rucksack, dito ko nilalagay ang lahat ng gamit na kakailanganin ko sa misyon ko. Ang isa sa pinakamahalaga sa lahat, ang katas ng halamang tansay na nasa malaking bote. Hinding-hindi ito mawawala saan man ako magpunta. Nakatayo na'ko sa pintuan ng babaeng iyon. Alas singko na ng hapon. Asar kong kinatok ang kwarto ni Nelrose pero ilang katok na ang ginawa ko, hindi pa rin ito nagbubukas ng pinto. Marahan kong pinihit ang seradura, napabuga ako ng hangin nang tuluyan kong ibukas ito. Napailing ako. Ang babae, tulo ang laway nito na nakasubsob ang ulo sa unan. Nakapatong sa tokador ang libro nang hanapin ko. "Nelrose," gigil kong niyugyog ang babae. Halos ayaw pang dumilat nito nang tumingin sa'kin. "B-bakit?" wari'y nagulat ang babae sa presensiya ng binata sabay napangiti. "Mr. Guwapo--" "Get up!" marahas kong hinila ang babae na namilog pa ang mata. Papadilim na sa labas at ang babaeng 'to--God! Mga ingay sa labas ang panaka-nakang sumusulpot. Gigil kong tinalon kung nasaan ang maliit na bote na may katas ng tansay. D*mn this woman! Ipapahamak sila nito sa pinaggagawa nito. Maaamoy ng halimaw ang dugo nito kapag hindi ito nagpahid ng katas ng halaman. Latag na ang dilim sa labas. May pagmamadali sa kilos ko pero isang napakalakas na ungol sa labas ang biglang sumulpot malapit sa bintana ng kwartong ito. Isang sigaw sa kwartong iyon ang makabasag-eardrum na pumailinlang kasabay ng nakakapangilabot na ungol na nagmumula sa labas ng bukas na bintana. Mapupulang mata. Matutulis na pangil! Isang mabilis na pagsibat ang ginawa ko at saktong lumusot ito sa noo ng halimaw nang sumulpot ito sa harap ng nakabukas na bintana. Bawat kwarto, may mga sibat akong nilalagay dito o anumang bagay na magagamit proteksyon. Mabilis kong sinara ang bintana sabay hila sa babaeng nagsisigaw. Hindi namin in-expect ang pagbubukas ng dimensyon kaya gahol kami sa oras. Matagal kong hinanap ang taong may espesyal na dugo pero huli na. Naunahan kami dahil bukas na ang lagusan na nagkokonekta sa mundo ng mga tao. Nagsisimula na ang lagim! Mabilis kong binuhos ang mala-mantikang katas ng tansay para ipahid sa katawan ng babae. Mariing nakatakip ang kamay ko sa bibig niya. "C-can y-you stop s-screaming?" pabulong kong saad sa tenga niya. "Kung ayaw mong ipalapa kita sa mga halimaw na 'yon, manahimik ka, Nelrose!" May panginginig sa katawan ng babae nang bitawan ko siya. "That's what you got for not following my instructions." Nang tuluyang maubos sa bote ang tansay, iniwanan ko na ang babae pero patakbo itong humabol sa 'kin. "Z-Zyair, s-sandali. A-ano 'yong halimaw?" Pumiyok ang boses ng babae sa sobrang nerbyos. Agad itong yumakap sa likod ng lalaki. "N-natatakot a-ako, Z-Zyair." Lumakas ang iyak nito pero binusalan ito ng binata ng tela sa bibig. Inis kong iniwanan ang babae. Ang katawan ng halimaw na iyon, maitim ito at parang isang bangkay na muling nabuhay. Nakakatakot! Pero ako? Sanay na ako dahil sa tagal ng pag-aaral ko sa isang mitolohiya na muling nabuhay dahil kay Nelrose na iyon, ang pagkabuhay ng kaluluwa ng tribong Mondaborians. Paranormal expert din ako kagaya ng Tatay Herming ko. Laki ako sa ampunan at ang matanda ang nagbigay ng aruga sa 'kin hanggang sa magkaisip ako. Gigil kong hinampas ang malaking libro sa mesa na nasa harap ko nang makarating sa mini-library namin. Sumulpot na lang ang babae na umiiyak at bigla itong yumakap sa tatay ko. Matalim ang tingin ko rito nang magtama ang paningin namin. Para itong basang sisiw na bigla na lang yumuko at agad umiwas ng tingin. "Next time, use your head," gigil kong tinuro ang sentido ng bisita nang makalapit ako sa kanya. "Huwag na huwag kang matutulog kapag lumatag na ang dilim, n-naiintindihan mo'ko?" Pumagitna ang tatay ko sa'min at inakay nito sa mesa ang babae, nasundan ko lamang sila ng tingin. "Z-Zyair, be nice naman sa kanya, anak. S-siya ang susi para sa kaligtasan nating lahat." Inakay ng matanda ang naguguluhang dalaga, sumisinok din ito dahil sa pag-iyak nito. "Ang bahay na ito, iha, purong semento ito. Matibay. Hindi basta-basta natitibag. Kakaibang uri ng semento ang ginamit dito, malapit lang ang lagusan ng mga halimaw na iyon dito kaya sanayin mo ang sarili mo sa kakaibang nangyayari na ito." May mga rehas ang mga bintana at apat ang kwarto rito. Kinapos kami ng supply ng tansay at nagpaparami pa kami ng punla sa underground ng bahay na ito. Hindi ito sapat kaya kailangan naming mag-ingat. Kailangan ko pang suyurin ang kagubatan para makakuha ng halaman. Nakakapangilabot na ungol ang nagsulputan sa labas. May pagmamadali sa kilos namin nang humantong kami sa underground nang ganap nang magdilim ang paligid. May isang bakal na pintuan kaming pinasukan at isang hagdan pababa ang tinahak namin. Dito kami magpapalipas ng gabi para abutan pa kami ng bukang liwayway. May mga punla ng maliliit na tansay ang bumungad sa'min. Sunod-sunod na kalampag sa taas ang naririnig namin makalipas ang ilang oras na pamamalagi sa underground. Nagkorteng-O ang bibig ng babae kasabay ng pamimilog ng mata nito kaya agad ko itong hinila palapit sa akin para mapigil ko ito sa pagsigaw nito. Ang isang bombilyang nagbibigay ng mapusyaw na ilaw sa pinagtataguan namin, agad itong pinatay ni Tatay. Naramdaman ko ang muling panginginig at panlalamig ng katawan ng babae. Gusto kong magmura dahil napasok na kami nang tuluyan ng mga halimaw. Sunod-sunod na pagkabasag ng gamit ang naririnig namin sa taas. Naramdaman ko ang pagkilos ng babae at pagyakap nito nang mahigpit sa'kin. Hinayaan ko lamang siya. Ganito na lang muna dahil alam kong wala kaming laban sa mga hayok na halimaw sa labas. Napapikit ako nang mariin. Ito ang unang beses na naranasan ko ang mga nababasa ko lamang at ang pag-aaral sa mga ito, nagkatotoo ito. Naghahasik na ng lagim sa labas ang mga ito. Sumikip ang dibdib ko. Ang mga tao! Isang mahinang hikbi na agad ding huminto nang mapalitan ito ng isang nakakapangilabot na ungol ang biglang sumulpot malapit sa pinagtataguan namin. Saglit lamang iyon at bigla itong nawala. Isang nakabibinging katahimikan ang sumunod. Makalipas pa ang isang sandali, muling bumaha ang mapusyaw na liwanag sa isang kuwadradong kwarto, ang underground. Ang babae, nakasubsob ang mukha nito sa balikat ko. Wala na. Siguradong lumipat na sa ibang lugar ang mga nilalang na iyon. Isang libro na malaki ang nilatag ni Tatay sa harap namin. "Nelrose, huwag tayong matutulog ngayong gabi. Basahin mo ito at nang maintindihan mo ang lahat." Halos pabulong na saad ng matanda, pilit tinatanggal ang mahigpit na pagkakayakap nito kay Zyair. "Anak, magbasa ka, igugol mo ang oras mo sa pag-aaral sa alamat ng Montabor." Napailing-iling ang babae at mas lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa'kin. Sa sobrang inis ko, ako na ang kusang nagtanggal sa kamay niya sa pagkakapulupot sa leeg ko dahil nasasakal na ako. "Read it!" anas ko. Binuhat ko na ang babae para iupo ito malapit sa libro. "Huwag mong tutulugan ang pagbabasa kung ayaw mong itapon kita s-sa l-labas." Inilapit ko ang bibig ko sa kanya pero bigla itong humarap kaya isang smack na kiss ang nangyari sa pagitan namin. "Read!" pigil ko ang pagtaas ng boses ko nang bigla itong natulala. Kusa ko nang binuklat ang first page ng libro at hinawakan ang ulo nito para iharap ito sa libro kaysa tumitig ito sa labi ko. Panay ang sulyap ng babae sa'kin pero agad ko itong pinapandilatan para ituloy nito ang pagbabasa. Agad itong umiiwas ng tingin kapag nagtatama ang mga mata namin. Abala kami ni Tatay sa paglatag ng mga punyal sa mahabang mesa na gawa sa tabla. Hanggang tinginan lang kami at hindi kami nagsasalita. Mahigpit ang pagbabantay na ginawa ko kay Nelrose dahil pumipikit-pikit na ito minsan. Isang stick ang hawak ko na agad kong tinatapik sa kanya kapag napapapikit ito. May mga supply din ng pagkain dito, from canned foods hanggang mga karne. It's 3 am nang tingnan ko ang relo. Pagal ang katawan ko dahil pangalawang gabi na ito simula nang magbukas ang dimensiyon. "Z-Zyair," kinalabit ni Nelrose ang lalaki. "P-pwede bang u-umidlip, h-hindi ko n-na k-kaya." "Pagpahingahin mo na siya Zyair," nakatingin sa libro ang matanda na halos kalahati na ring nabasa ng babae. "Malapit nang mag-umaga--" Isang kalampag sa taas ang biglang sumulpot. Agad tumahimik ang matanda kasabay ng muling pagpatay ng ilaw sa loob. Isang ungol hanggang masundan ng iba pa ang nag-iingay sa labas. Hindi lang tatlo pero marami. Malakas. Habang tumatagal, papahina nang papahina ang mga ungol na aming naririnig hanggang tuluyan na itong mawala. Muling bumukas ang ilaw. Mukha ng tatay ko ang nasilayan ko. Kinabakasan ito ng saya at alam ko kung bakit. "Pabukang-liwayway na. Ligtas na tayo. Nakabalik na sa lagusan ang mga nilalang na iyon. Nelrose," Pukaw ng matanda sa dalagang pilit nilalakihan ang mata para hindi tuluyang makapikit. "Bumabalik sila sa kanilang mundo bago maglaganap ang liwanag, oras na abutan sila ng araw, nanghihina sila." Nakapikit na ang babae nang tingnan ko at--kusa itong nagpakandong sa'kin. Parang naka-magnet ang kamay nitong pumulupot sa leeg ko. Isang tango kay tatay bago ko binuhat si Nelrose. Binukas ni Tatay ang bakal na pintuan saka namin inakyat ang hagdan palabas ng underground. Lumungayngay na lang ang ulo ng babae dahil tulog na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD