Chapter 21

1627 Words
Biglang nagising si Ella ng makaramdam siya ng pagduduwal. Ilang beses pa niyang pinigilan ang nararamdaman ngunit hindi niya nagawa. Mabuti na lang at kahit papaano ay umabot siya sa sink at doon sumuka. Hinang-hina si Ella ng mga oras na iyon. Umiikot ang pakiramdam niya. Pagapang niyang tinungo ang pintuan para lang makahingi ng tulong sa mag-ina. Saktong pagbukas niya ng pinto ng bumungad sa kanya ang mukha ni Maric na puno ng pag-aalala. "Anong nangyayari sayo Ella?" hindi magkamayaw na tanong ni Maric. Lalo lang siyang nataranta ng mapansin ang sobrang pamumutla ni Ella. "Inay," tawag ni Maric sa ina. Mabilis naman sila nitong dinaluhan at inalalayan nila si Ella patungo sa bahay nila. Ipinasok nila si Ella sa loob ng bahay. Mabilis namang kumuha ng kumot at unan si Maric para mailatag sa mahabang silyang kawayan at doon pinahiga muna nila ang dalaga. "Anong nararamdaman mo Ella? Narinig kasi namin ang lagabog ng kung anong bagay sa bahay mo. Kaya mabilis kong pinatakbo si Maric para kumustahin ka." "Bigla pong may kung anong dumaan sa sikmura ko. Tapos ay hindi ko na po napigilan ang pagsuka. Siguro po ay iyong mga silya na nabangga ko ang nagtumbahan. Hindi ko na po naintindi. Nahihilo din po ako." "Ganoon ba? Mabuti at nagawa mong buksan ang pintuan." "Kaya nga inay, sakto namang kakatok ako ay bumukas ang pintuan. Mabuti at nasalo ko din si Ella. Kung hindi ay baka napahamak ito. Huwag na po kaya muna tayo magbukas ng gulayan? Samahan ko po kaya muna si Ella sa ospital. Kailangan po niyang masuri ng doktor," paliwanag ni Maric. Muli naman nilang tinitigan si Ella. Payapa na muli ang paghinga nito. Siguro ay nakatulog ng muli. "Sa palagay ninyo inay?" "Samahan mo si Ella sa doktor ng para sa buntis. Pakiramdam ko ay iyon ang dahilan kung bakit kung anu-anong kakaibang kombinasyon ang naisip ng batang ito. Pritong saging na isinasawsaw sa ketchup. Humingi ng kape na may nakababad na saging na turdan. Ano nga iyong hiningi niya noong nakaraan?" "Iyong manggang hinog inay, na ipinalaman sa monay," natatawang sagot ni Maric habang hinahaplos ang ulo ng natutulog na si Ella. Nasa dalawang oras ding nakatulog si Ella sa may silya. Maliwanag na sa labas ng magising siya. Kaya naman sa gulat niya ay napatakbo siya sa kusina. "Nay Angela, bakit hindi ninyo ako ginising? Hindi naman po pwedeng solo lang si Mar...," nabitin ang sa ere ang sasabihin ni Ella ng mapansin si Maric na may nakasubong monay sa bibig. Sa tapat nito ay isang tasa ng kape. "Hindi ka nagbukas ng gulayan?" hindi makapaniwalang tanong ni Ella. "Maupo ka na kaya," natatawang saad pa ni Maric. "Anong gusto mong kainin Ella, magluluto lang ako ng sinangag." Nanlaki naman ang mata ni Ella ng maamoy niya ang bawang na kalalagay lang sa kawali. Nandoon na naman ang pagiging sensitive ng kanyang pang-amoy kaya naman nahihiya man siya ay talagang hindi na niya napigilang takbuhin ang sink at doon dumuwal. Wala namang lumabas sa kanya. Kahit parang amg pakiramdam niya ay pati bituka niya ay gustong lumabas. "Nay mukhang, init-init na lang sa kaldero muna ang kanin natin. Wala muna tayong sinangag." Napailing na lang si Nay Angela ng dalahin nito sa hugasan sa labas ang kawali. "Ayos ka lang Ella? Nag-aalala kami sayo." "Kaya nga Ella, sasamahan na muna kita para makapagpacheck up. Bukas na tayo magbukas ng gulaya. Utos din iyon ng inay." "Pero alam kong wala akong sakit, maayos lang po ako," tanggi niya. "Alam ko Ella, pero sa kilos na ipinapakita mo noong nakaraang isang linggo ay maaaring senyales na..." hindi itinuloy ni Nay Angela ang sasabihin. Sa tingin niya ay wala talagang idea si Ella sa nangyayari sa katawan nito. "Ano po bang ibig ninyong sabihin? Maric, nay?" "Sa tingin ko ay nagdadalangtao ka Ella." Napaupo naman bigla si Ella sa upuang nandoon. Parang gong ang tunong ng salitang iyon sa kanya. Hindi niya malaman kung ano ang mararamdaman niya. Bigla na lang nagsalimbayan ang mga imahe ng kung anu-anong bagay sa isipan niya. Napatayo naman bigla si Maric at nabitawan ang tinapay na hawak. "Ella, Ella!" ilang beses na tinawag ni Maric si Ella ngunit blanko ang mata ng dalaga. "Inay! Anong gagawin natin kay Ella natatakot po ako," halos maiyak na si Maric sa nangyayari sa kaibigan. Mula sa pagkakayakap ni Maric ay bigla na lang nanginig si Ella. Hanggang na mawalan ito ng malay. "Nay!" Kahit hirap na sa pagtakbo at may iniindang sakit ay napatakbo si Nay Angela palabas ng bahay at naghanap ng pwedeng mahingan ng tulong. Sakto naman ang pagdaan ng isa nilang kapitbahay na nagmamaneho ng tricycle. Mabilis naman itong pinara ng matanda. "Ano pong nangyari Nanay Angela at humahangos kayo? Nasaan po ba si Maric," tanong nito at sinabi naman kaagad ni Nay Angela ang nangyari. Ang lalaki na rin ang nagbuhat kay Ella papasok sa tricycle nito. "Alalayan mo na lang Maric ang ulo niya. Hindi naman siya mahuhulog," ani ng lalaki ng si Maric ang sumama sa pagdadala kay Ella sa ospital. Hindi pwede doon si Nay Angela at baka makasagap pa ito ng iba pang uri ng sakit. Halos nasa kulang-kulang isang oras din ang kanilang biniyahe bago sila nakarating sa ospital. Pagpasok ng emergency ay agad naman silang naasikaso. Wala naman gaanong pasyente na ipinagpasalamat ni Maric. Nakahinga ng maluwag si Maric ng sabihin ng doktor na sumuri dito na hindi naman kailangang maadmit ni Ella. Kailangan lang nitong magpahinga at hayaang matulog muna sa mga ora na iyan. Pagkasabi noon ng doktor ay umalis na ito at may ipinatawag pang-isanflg doktor. "Ipagamit mo ito sa kanya hija pagnagising siya. Gusto kong malaman kung talagang buntis siya. Tapos ay ipatawag mo na lang ulit ako at babalikan kita dito," ani ng doktor bago siya nito iniwan. Nandoon lang naman sila sa loob ng emergency room ng ospital. Mayroong naman kama doon at may harang ding berdeng tela. Kaya naman kahit sabihin may ibang pumapasok doon ay hindi naman sila nakikita. Kung walang magsasalita ay hindi malalamang may tao sa pwesto nila. Nang magising si Ella ay ipinagawa kaagad ni Maric ang bilin sa kanya ng doktor. Noong una ay ayaw pang sumunod ni Ella ngunit napilitan din ito. "Anong resulta?" tanong ni Maric na ikinailing ni Ella. "Ayaw kong tingnan. Ayaw kong malaman." "Ella bakit? Anong dahilan?" "Sorry sa naging reaksyon ko Maric, pero wag kang mag-alala. Kung ano man resulta nito ay tatanggpin ko, ng buong puso," ani Ella na hindi na mapigilan ang maiyak. Napayaka na lang si Maric sa kaibigan. Medyo okay na si Ella ng ipatawag ni Maric ang doktor. "Congratulations hija. You're pregnant." Natigilan namang muli si Ella sa sinabing iyon ng doktor. Ang reaksyon nito ay hindi na naman katulad kanina na halos ay maiyak na. Ngumiti lang ito sa doktor bilang sagot. "Kailan ang huling menstruation mo hija, para malaman natin kung ilang weeks or months na ba ang baby mo?" Hindi na lang sumagot si Ella dahil hindi niya matandaan. Irregular ang buwanang dalaw niya kaya hindi niya napapansin ang bagay na iyon. "Sige ganito na lang need nating ma ultrasound ang baby sa sinapupunan mo. Para malaman natin kung ilang buwan na siya. Makikita din natin doon kung kailang ang partially date kung kailan siya lalabas," excited pang saad ng doktor. "Pwede po bang pag lumaki na lang siya ipaultrasound? Para po isang beses na lang po ang ultrasound." "Oo naman. Sa ngayon bilhin na lang muna ninyo itong mga vitamins na irereseta ko. Tapos bibigyan kita ng referral para sa pagpapacheck up mo sa baranggay center. Libre naman iyon. Nasaan ba ang ama ng bata? Mas maganda kasi sa pakiramdam ng baby kung habang lumalaki siya kasama niya ang tatay niya. Isa pa malaking development sa isang sanggol ang hindi nai-stress ang ina para sa malusog niyang paglaki sa sinapupunan mo hija," paliwanag pa ng doktor. Napaiwas na lang ng tingin si Ella. Napatingin naman ang doktor kay Maric na wari mo ay doon makakakuha ng kasagutan. Isang iling lang ang naging sagot ni Maric. Dahil sa katunayan ay wala naman siyang alam tungkol sa buhay ni Ella. Maliban sa magaan ang loob nila sa isa't-isa. "Oh my gosh. Sorry hija. Basta iwas stress. And need mo ng pahinga. Wag masyadong magbubuhat ng mabigat na bagay. Wag ka ring masyadong mag-iisip. Isipin mo hindi ka na nag-iisa may buhay na sa sinapupunan mo. Para naman maging healthy si baby. Iwas stress okay. Higit sa lahat ay healthy foods. Iwas sa maalat. Gulay prutas, vitamins at pahinga. Yon lang. Isa pa ay hindi na ninyo kailangang magbayad. Nasa mood ako ngayon at libre na ang pagstay ninyo dito sa emergency room at sa konsulta mo sa akin hija. Aalis na ako," paalam pa ng doktor sa kanila. Nagpasalamat naman si Ella sa doktor, ganoon din si Maric. Hindi kasi nila inaasahan ang bagay na iyon. Minsan lang sa buhay nila na makatagpo ng ganoong klase ng tao na napakabait sa kapwa. Nangiti na lang ang doktor sa kanyang ginawa. Pakiramdam niya ay makakabawas iyon sa stress ng isang ina. Naaawa siya sa babae. Napakabata pa nito para maranasan ang ganoong pangyayari sa buhay. Dahil ayon sa naunang doktor na tumingin dito ay may findings ito ng trauma. Hindi niya alam ang dahilan, but trauma. Napakaraming pwedeng maging dahilan. Higit sa lahat ang kaalaman niyang hindi nito kasama ang ama ng ipinagbubuntis nito. Hindi na lang niya sinabi sa dalawang babae at maaaring makadagdag stress pa ito sa babaeng buntis. Hagya na ngang napagaan niya ang kalooban nito ng sabihin niyang wala ng babayaran sa ospital. Sana lang ay hindi makaapekto ang trauma na nararanasan ng ina sa sanggol habang ipinagbubuntis ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD