Nag-iimpake na ng mga gamit si Ella sa mga oras na iyon ng pumasok si Jarred sa kwarto at niyakap ang nakatalikod na kasintahan. Tapos na ang dalawang linggong pagstay ng dalaga sa condo niya. Kaninang umaga lang ay nakatanggap ng tawag si Ella mula kay Elizabeth na pabalik na ang mga ito ng bahay. Kaya naman oras na rin para bumalik ang dalaga sa kanila. Bagay na labis ikinalungkot ni Jarred.
"Uuwi ka na talaga sweetheart?" parang batang tanong ni Jarred. Hindi naman mapigilan ni Ella ang tawanan ang kasintahan. Kung titingnan kasi ay hindi bagay dito ang maging pabebe. Ang laki kasing tao ni Jarred, tapos sa mga oras na iyon ay nakanguso pa habang naglalambing.
Itinigil muna ni Ella ang ginagawa at hinarap ang kasintahan. Kahit naman siya ay nalulungkot na umalis pa sa piling ni Jarred. Ngunit iyon ang tama at nararapat. Ilang beses na ba silang parehong muntik ng matupok ng apoy? Mabuti na lang din at palaging nandyan ang kanilang tunay na masasandalan sa oras ng kagipitan, si cold shower.
Kahit sabihing napakabata pa ni Ella sa bagay na iyon ay hindi naman niya magawang pigilan ang bugso ng kanyang damdamin sa init ng apoy pagnadadarang sila. Ang kaibahan at maiipagmalaki lang niya sa bagay na iyon ay pareho sila ni Jarred na kayang pigilan ang sarili pag alam na nilang naabot na nila ang limit ng limitasyon nila. Sa pagkakataong iyon ay pipilitin nilang tupukin ng lamig ang alab ng apoy.
"Para namang hindi mo alam ang bahay namin at parang hindi ko naman alam itong condo mo. Palagi mo pa rin naman akong makakausap katulad ng dati."
"Ngunit iba pa rin iyong kasama kita dito. Ako ang maghahatid sayo sa pagpasok mo. Ako din ang magsusundo sayo pagkaya ng oras ko. Tapos kung hindi man, pag-uwi ko dito madadatnan na lang kita dito sa loob ng bahay. Makakatulog akong katabi ka at magigising akong ikaw ang nakikita. Pero pag-alis mo. Sa cellphone na lang ulit kita mababati, hanggang sa pagtulog cellphone lang din ang aking kasama hanggang sa makatulog na," malungkot nitong saad.
"Hayaan mo po at pagbubutihan ko ang pag-aaral. Isa pa pabibilisin po natin ang oras. Yaan mo po at pagnaka graduate na ako. Pag nagpropose ka, magpapakasal na ako sayo."
"Tatlong taon na lang?" excited pa nitong sabi.
"Sira!" sabay hampas kay Jarred. "Pagnakatapos ako ng college. Ano ka ba?"
"Biro lang sweetheart, I know naman. Pinapatawa lang kita kasi nalulungkot ako. Pero kaya kong maghintay, para sayo."
Isang masuyong halik ang ipinagkaloob ni Ella kay Jarred. Ngunit bago pa sila madarang ay binitawan na nila ang labi ng isa't-isa at ipinagpatuloy na lang ni Ella ang pag-aayos ng kanyang mga gamit sa maleta.
"Thank you Jarred sa pagbabantay at pagsama kay Ella habang wala kami ni Roi."
"Wala po iyon tita. Kung pwede ko nga lang pong hindi na ibalik si Ella," pabulong lang ang huling sinabi ng binata kaya hindi narinig ni Elizabeth, ngunit umabot naman sa pandinig ni Ella. Kaya natampal ng huli ang braso niya.
"Para saan naman iyon?" reklamo pa ni Jarred.
"May lamok," natatawang saad pa ni Ella na ikinailing ng ina.
"Hindi ka na ba papasok sa loob Jarred?"
"Hindi na tita, para makapagpahinga na rin po si Ella. Pati na rin po kayo at alam ko pong napagod kayo sa byahe."
"Ganoon ba? Sige hijo salamat sa paghahatid kay Ella. Ingat ka pag-uwi."
Tinanaw lang nilang mag-ina ang papalayong sasakyan ni Jarred. Sabay na rin silang pumasok sa loob ng bahay.
Nandoon si Roi sa may sala habang umiinom ng kape.
"Magandang gabi po tito," bati dito ni Ella. Bumati din naman ang huli pabalik.
"Akyat na po ako sa kwarto ko mommy. Magpahinga na rin po kayo mamaya."
"Oo anak, tapos na rin naman akong mag-ayos ng gamit namin. Hintayin ko lang matapos sa pagkakape ang tito mo at ng sabay na kaming matutulog."
Sinulyapan lang ulit ni Ella ang tiyuhin at ang ina bago niya tinalikuran ang mga ito. Habang papaakyat ng hagdanan si Ella ay hindi niya napansin ang matiim na titig na humahagod sa kanyang kabuoan habang humahakbang siya sa may hagdanan.
Sumilay ang ngiti sa labi ni Ella ng makita si Jarred mula sa harap ng altar. Ito na ang araw na hinihintay nila. Ang araw ng kanilang kasal. Habang papalapit nang papalapit si Ella kay Jarred ay pabilis naman ng pabilis ang pagtibok ng kanyang puso. Nandoon ang kaba at excitement.
Hindi mawaglit ang ngiti sa labi niya na halos parang mapupunit na iyon sa labis na ligaya. Matagal na panahon din ang kanilang hinintay para dumating ang araw na iyon.
Ngunit unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang labi. Biglang bumagal ang kanyang paglalakad ng mapansin niyang mahaba na ang kanyang nalalakaran, ngunit parang hindi siya umaalis sa pwesto niya. Doon lang din niya napansin na hindi nagbabago ang layo ni Jarred sa kanya, gayong halos ilang minuto na rin naman siyang naglalakad.
Binalot siya ng kaba, kasabay ang pagbilis ng t***k ng kanyang puso. Napansin pa niya ang mukha ni Jarred. Makikita doon ang labis na kasiyahan, ngunit wala sa kanya ang paningin nito. Kundi sa isang babaeng nakasuot din ng traje de boda ngunit hindi niya maaninag ang mukha.
Tumutulo na ang pawis sa kanyang mukha at naghahabol ng hininga. "Hindi ito maaari. Jarred!" Sigaw niya sa pangalan nito ngunit wala na sa kanya ang atensyon ng binata. Kundi sa babaeng nasa likuran niya.
Lumuluha na siya sa mga oras na iyon at takot na takot sa kalagayan na baka hindi siya ang pakakasalan ni Jarred. Gusto niyang sugurin ang babae ngunit hindi maalis ang paa niya sa sementong kanyang tinatapakan.
"Jarred! Jarred," paulit-ulit niyang sigaw ngunit mukhang hindi na siya nakikita o naririnig man lang ng binata. Hanggang sa ilang sandali pa ay bigla na lang may nagpiring sa kanyang mga mata.
Lalo lamang siyang binalot ng takot ng may bumuhat sa kanya. Hindi niya makita ang daan. Hindi niya alam kung saan siya dadalahin ng lalaking iyon. Alam niyang lalaki ito dahil sa malakas nitong bisig na nakahawak na sa kanya. Na kahit anong hampas ang kanyang gawin ay hindi siya makawala. Mas lalo lang lumakas ang kanyang pag-iyak ng sa tingin niya ay wala na siya sa loob ng simbahan.
Ilang beses pa siyang humingi ng tulong kahit si Jarred at ang mommy niya ay ilang beses niyang tinawag. Ngunit walang may gustong tumulong sa kanya. Doon lang niya napansing parang walang boses na lumalabas sa kanyang bibig. Kaya walang sinuman ang nakakarinig sa kanyang sigaw.
Naramdaman na lang ni Ella ang paglapat ng likuran niya sa malambot na kama. Nararamdaman na niya ang pagkabasa ng kanyang katawan gawa ng pawis. Doon lang niya napansing hindi na damit pangkasal ang suot niya. Lalo ng siyang nilukuban ng takot ng maramdaman ang kamay ng kung sino mang pangahas ang humahawak sa kanyang katawan.
"Tulong! Tulong!" paulit-ulit at walang humpay niyang sigaw.
Hanggang sa hindi na lang basta sa parte ng katawan niya humahawak ang kamay ng pangahas na kung sino man iyon. Kundi pati na rin sa maseselang parte ng katawan niya. Jarred, sigaw niya sa isipan niya ng takpan ng kung sino man ang bibig niya.
Takot na takot siya sa maaaring mangyari sa kanya sa mga oras na iyon. Alam niya ang susunod na bagay na pwedeng mangyari sa kanya. Hanggang sa maramdaman niyang kaya na niyang sumigaw at makahingi ng tulong.
"Jarred!" buong lakas niyang sigaw at itunulak ang taong may hawak sa kanya.
Bigla siyang napabangon habang habol ang paghinga. Napahawak siya sa mata ngunit walang kung ano man ang nakalagay doon. Binuksan niya ang mata at nakita niya ang sumasabog na liwanag mula sa ilaw ng kwarto niya.
"Ella! Ella! Ella!" narinig pa niyang tawag ng mommy niya sa pangalan niya at naramdaman din niya ang pagyugyog nito sa katawan niya. Kahit gising na siya ay parang wala pa siya sa sarili sa mga oras na iyon.
"Mommy," aniya ng masiguradong si Elizabeth ang nasa kanyang harapan. Doon lang niya napansing mukha itong bagong gising. Dahil sa magulo nitong buhok at sa matang halos ay mapungay pa. "Ano pong nangyari?"
"Naabutan na lang kitang tinatawag ang pangalan ni Jarred. Nakita ko naman na ang Tito Roi mo na ginising ka ngunit parang nasa malalim kang pagkakatulog. Mabuti at nagising si Roi at pinuntahan ka dito ng marinig ka daw niyang sumisigaw. Ano bang napananginipan mo anak?" napatingin na lang siya sa ina na puno ng pag-aalala.
Sinulyapan din niya si Roi na nakatingin din sa kanya. Wala naman siyang ibang nakita sa mukha nito, maliban sa parang hinihingal ito. Pero sa isang basong tubig na hawak nito napunta ang atensyon niya ng iniabot sa kanya iyon ni Roi. Wala namang pag-aalinlangan na ininom niya iyon.
Humugot muna ng hininga si Ella bago tumingin sa mommy niya. "Baka po naninibago lang ako na hindi ko kasama si Jarred. Alam naman po ninyong alaga ako noong mula ulo hanggang paa. Isa pa po ay nakalimutan ko na po ang napanaginipan ko, kung nananaginip nga po ako. Pasensya na po sa abala mommy, tito. Hindi ko naman po alam kung bakit ganoon ang naging reaksyon ko at sabi pa ninyo ay isinisigaw ko pa ang pangalan ni Jarred," pagsisinungaling niya.
Ayaw niyang mag-alala ang mommy niya sa kanya. Kahit sa totoo ay alam niyang hindi lang basta panaginip ang nangyaring iyon sa kanya. Pakiramdam niya ay binabangungot siya. Ngunit nagpapasalamat na rin siya at kahit papaano ay bigla na lang siyang nagising. Kung hindi ay hindi niya alam kung ano na ba ang nangyari sa kanya ngayon.
Nagpaalam at bumalik na rin ng kanilang kwarto ang mommy at ang Tito Roi niya. Alas tres pa lang pala ng madaling araw sa mga oras na iyon. Nabulabog lang talaga ang tulog ng mga ito ng dahil sa kanya.
Siya naman ay kahit anong pilit niyang matulog ay wala na siyang naramdamang antok. Takot. Iyon talaga ang nangingibabaw sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng panaginip niyang iyon. Kung ang pahiwatig noon ay iiwan siya ni Jarred ay hindi na niya alam kung kakayanin pa niyang malayo dito.
Napatitig na lang siya sa kisame at inalala ang buong pangyayari sa panaginip niya. Parang may kung anong kirot sa puso niya ng maalalang may ibang babaeng pakakasalan si Jarred. Ngunit mas nangibabaw ang takot sa puso niya sa huling eksenang kanyang naaalala. Parang hindi niya matatanggap ang sarili niya kung totoong may ibang hahawak sa kanya.