"Jarred, dinner is ready," tawag ni Ella kay Jarred habang nasa sala ito at nanonood ng t.v. Mabilis namang tumayo ang binata ng marinig ang tawag na iyon ng kasintahan.
Matagal na niyang gustong maranasan na makasama ito sa condo niya ng sila lang dalawa. Gusto din niyang mangyari ang nangyayari ngayon. Ang asikasuhin siya nito kahit hindi ito sanay sa kusina. Kahit hiram na sandali lang iyon ay masaya na rin si Jarred sa ganoon.
Ang dalaga na rin kasi ang nagpresinta na ito na ang magluluto ng kanilang hapunan. Kahit alam naman niyang wala itong gaanong alam sa pagluluto. Ngunit kahit ganoon ay hindi iyon naging hadlang para mabawasan ang pagmamahal niya sa dalaga. Mas lalo pa ngang tumindi ang pag-ibig niya dito dahil sa pagsisikap nitong matutunan ang lahat, para sa kanya. Kahit ang mga bagay na iyon ay kaya niyang siya ang magbigay dito.
"Mukhang masarap ah," wika pa ni Jarred na ikinanguso ni Ella.
Paano ba naman kasi, ay spam, nilabong itlog at pansit canton lang naman ang niluto niya. Tapos itong boyfriend niya kung makapuri ng masarap ay parang gusto na niyang bumuka ang lupa at magpalamon doon. Hindi tuloy niya malaman kung totoong compliments ang sinabi nito. Ngunit sa isip-isip niya ay isa iyong malaking insulto.
Mabilis pa sa alas kwatro na hinalikan ni Jarred si Ella, kaya nakatanggap siya ng malakas na hampas mula sa dalaga.
"Ang mapanakit naman ng sweetheart ko. Ganyan ka na ba talagang ka-sweet? Masakit," pàng-aasar pa ni Jarred.
"Ewan ko sayo. Pasalamat ka mahal kita kung hindi nagtampo na talaga ako sa mga biro mo. Hindi ko malaman kung compliment o insulto ang mga puri mo sa akin eh," padabog pa niyang saad.
"Look sweetheart, alam mo ang biro at hindi sa mga sinasabi ko. Wala namang problema sa akin kung hindi ka marunong magluto. I can do it for us. Kung hindi ka marunong sa gawaing bahay kaya kong gawin ang lahat para sayo. Mahal kita, basta wag mo lang akong iiwan. Iyon ang hindi ko kaya. Iyong sinabi kong mukhang masarap ang luto mo. Totoo iyon. Kaya wag mong pagdudahan ang mga sinasabi ko. Ella, alam mong sayo lang ako nagkaganito. Remember my past relationships, parang roller coaster. Sa sobrang nakakahilo ang dami nilang nagalit kasi pinatulan ko ang pakikipaglaro nila ng apoy. But what I am now? I'm stick to the only woman who change my dull world, to become bright and colorful one. See lahat ay dahil sayo. Kaya naman wag kang mag-isip ng masama sa sinasabi ko. Sa totoo lang matagal na akong hindi nakakakain ng ganyan. Masarap kumain ng may kasabay. Mabuti na lang hindi nakakahalata iyong dalawa na pag wala kami sa unit ni Teo nasa unit kami ni Nald. At after kumain, saka lang kami magkakanya-kanya para makapagpahinga. Iyon ang time na tatawagan kita tapos makakatulugan na kita after ten minutes."
Damang-dama naman ni Ella ang sinabing iyon ni Jarred. Sa bagay doon sa huling sinabi nito ay totoo. Palaging ganoon nga ang nangyayari sa kanila. Pasalamat pa rin siya at nagagawa pa nitong makakain ng hapunan, at nabibigyan pa siya ng oras na magkausap sila kahit pagod na pagod na ito sa trabaho.
"Thank you Jarred."
"Iiyak na naman ang mahal ko. Mabuti pa ay kumain na tayo. Magtitimpla lang ako ng kape."
"Ako na Jarred, maupo ka na lang," presinta ni Ella ng bigla namang tumunog ang doorbell. Nagkatinginan pa silang dalawa bago laglag balikat na tumayo si Jarred.
"Gawin ko na bang tatlo ang kape?"
"Yes sweetheart. Kilala mo na agad kung sino ang mga bwisit na gustong sirain ang doorbell ng condo ko."
"Wala namang iba eh," ani Ella na napahagikhik pa.
Pagbukas pa lang ni Jarred ng pintuan ay nakangising mukha ni Teo at Nald ang nabungaran niya. Napatingin naman siya sa cake na bitbit ni Teo. Kahit naiinis siya ay nabaliwala iyon ng dala nito. Paborito kasi iyon ni Ella. Habang si Nald ay may bitbit na isang kaserola na naglalaman ng sinigang na baboy. Malamang ay ito na ang nagluto noon lalo na at halatang napakainit pa.
"Suhol yan?"
"Alam ko namang magagalit ka kasi nandito na naman kami. Ngayon ka lang namin hindi makakasabay. Kaya kami na ni Nald ang nag-adjust. Sigurado naman matutuwa dito sa dala namin ang sweetheart mo. Tapos dito na kami kakain para masaya."
"Sige dami pang sinasabi. Tara na sa loob at tamang-tama lang na nakahayin na kami ni Ella."
Saktong tapos na ring magtimpla ng kape si Ella ng pumasok silang tatlo ng kusina. Halos mapatakbo naman si Ella sa harap ni Teo ng makita ang cake na dala nito.
"Para sa akin?"
Hindi na nahintay ng dalaga ang sagot ni Teo at kusa na nitong kinuha sa kamay ng binata ang box ng cake. Parang nakalimutan pa yata ni Ella na kakain na sila at mabilis nitong binuksan ang cake.
"Sweetheart, kumain muna tayo at mamaya na yan," pigil pa ni Jarred ngunit hindi nagpapagil ang una at kumuha kaagad ito ng tinidor para makakuha ng malaking serving ng cake at mabilis na isinubo.
"Kain na tayo," ani Ella habang punong-puno ang bibig ng cake.
Nailing na lang si Jarred. "Hay sweetheart," nasambit na lang nito.
Lihim namang natawa si Teo at Nald sa inasal ni Ella. Kahit dalagang-dalaga na itong tingnan. Mahahalata pa rin talaga sa kilos nito na bata pa ito.
"Para kang baby," usal ni Teo.
"May dala akong sinigang, maglabas ka na rin ng mangkok dito kami kakain ha," wika naman ni Nald.
"Oi, pansit canton. Ngayon lang ulit ako nakakita ng ganito. Hindi naman ako nakakapagluto ng ganito eh. Mabuti na lang talaga Nald, nagtungo tayo dito," ani Teo at mabilis na naupo sa isang upuan doon at nagsandok ng pansit canton.
Naupo na rin si Nald sa tabi nito. Katulad ni Teo ay ganoon din ang ginawa nito. Si Jarred na rin ang nagsandok ng sinigang sa apat na mangkok na inilabas ni Ella.
Napatingin naman si Ella kay Jarred na wari mo ay nagtatanong sa reaksyon ni Teo na parang sarap na sarap talaga sa niluto niya. Pati spam at itlog ay iyon din ang kinain nito. Ganoon din si Nald.
"I told you, masarap ang luto mo."
Napangiti naman si Ella, at mas lalo lang siyang ginanahan sa pagkain. Naging masaya ang dinner nilang iyon. Kahit simple lang ang naluto niya, pakiramdam niya ay napakasarap nga noon. Hindi naman niya inasahan na magugustuhan ng dalawang kaibigan ni Jarred ang luto niya at kahit si Jarred sa tingin niya ay sarap na sarap sa luto niyang iyon.
"Uwi na kami, salamat sa masarap na dinner nag-enjoy talaga ako," paalam ni Teo. "Pakiramdam ko talaga ngayon lang ako nakaramdam ng sobrang busog. Need ko itong bawiin sa gym bukas," dagdag pa nito.
"Salamat din, sa sunod ulit."
Nakatanggap naman si Nald ng isang suntok sa balikat mula kay Jarred.
"Bakit naman?"
"Hindi pa nga kayo umaalis, may sunod na kaagad. Sibat na," pagtataboy pa ni Jarred.
"Sus, wag ako Vergara. Nakakahalata na ako sayo. Kanina ka pang-excited na mapalayas kami. May plano ka ano."
"Fvck you De Torres! Hindi ako katulad mo!" itinaas pa ni Jarred ang kanyang gitnang daliri at inilapit pa sa mukha ni Teo.
"Aalis na kami," paalam pa ni Nald.
"Tama magsilayas na kayong dalawa." Taboy pa ni Jarred sa labas ng pintuan.
"Ella," tawag ni Teo.
"Salamat ulit sa cake. Sa susunod ulit."
"Anything for you Ella. Basta sa mahal ni Jarred walang problema."
Namula naman ang pisngi ni Ella sa sinabing iyon ni Nald.
"Basta, magpahinog ka muna at wag ka munang magpapapitas sa gurang mong boyfriend ha. Nald takbo," saad ni Teo na bigla nalang nawala ang dalawang kaibigan ni Jarred dahil sa mabilis na pagtakbo at mabilis na pagpasok sa unit ng mga ito.
Napailing na lang si Jarred sa inasal ng dalawang kaibigan. Pagkasara ng pintuan ay napangiti pa siya ng makita ang pisngi ni Ella.
Halos mag kulay kamatis naman ang mukha ng dalaga. Alam niyang dahil iyon sa sinabing ni Teo.
Alam naman ni Ella na biro lang iyon, pero hindi niya mapigilang pamulahan.
"Oh, sweetheart pagpasensyahan mo na ang dalawang baliw na iyon. Mga wala lang magawa pa sa buhay kaya ako ang binubwisit. I respect you a lot baby you know that. Kaya wag mo silang pansinin, hmm," ani Jarred na ikinayakap dito ni Ella.
Alam naman niya iyon. Siguro ay dahil na rin sa edad niya at may boyfriend siya na mas matanda sa kanya, kaya ganoon na lang ang mga taong nasa paligid niya. Hindi naman niya minamasama ang payo ng mga ito bagkus ay kanya pa iyong isinasapuso.
"Matulog na tayo, maagap pa kitang ihahatid bukas sa university," aya ni Jarred at inakbayan na siya papasok sa loob ng kwarto nito.
Dalawa ang kwarto ni Jarred ngunit mas pinili nitong makatabi siya.
"Para saan yan?" tanong ni Jarred ng nilalagyan ni Ella ng unan ang pagitan nila.
"You don't trust me?"
Napatitig naman si Ella sa mata ng kasintahan. Doon ay bigla pa rin siyang nakaramdam ng pagkapahiya. Ang tagal na nilang magkasama, ngayon pa ba siya mawawalan ng tiwala dito.
"Sorry."
"Don't say sorry sweetheart. Basta trust me, hanggang yakap at halik lang ako, hanggat hindi ka pa handa sa bagay na iyon. Tulad ng pagsagot mo sa akin na hinintay ko ng matagal. Kaya ko ding maghintay sa bagay na iyon pag handa ka na. Cold shower is enough kung talagang hindi ko kakayanin ang lagnat."
Natawa naman siya sa sinabing iyon ni Jarred. Mas lalo lang siyang napanatag dito.
Sabay na silang nahiga at naging unan pa niya ang bisig ng kasintahan. Kinintalan naman ni Jarred ng halik sa labi si Ella kasunod ang masuyong paghalik niya sa noo ng dalaga.
"Good night sweetheart. I love you."
"And I love you more Jarred."
Sabay pa nilang ipinikit ang mga mata habang sila ay magkayakap. Kahit ganoon lang, makasama at makatabi lang sa pagtulog si Ella para kay Jarred, sa ngayon ay sapat na.