Halos magtilian ang ilang babaeng estudyante sa pagpasok ng tatlong lalaki na talaga namang mga walang tulak kabigin. Ang iba sa mga estudyante ay kilala ang tatlo, ngunit ang karamihan ay masasabing bagong tagahanga ng tatlo kung tutuusin.
Nandoon sila para sana bisitahin ang practice ng graduation ng batch na iyon. Tuloy-tuloy lang sila sa paglalakad, at hindi naman binibigyan ng pansin ang mga babaeng nagpapakita ng interest sa kanila.
Pagpasok nila sa hall kung saan nagaganap ang practice ay iilang estudyante na lang ang kanilang nakita?
"Tapos na ba?" tanong ni Nald sa isang lalaking estudyante na dumaan sa kanilang tabi.
"Hindi pa, break time lang," anito at iniwan na sila.
Nilibot nila ang tingin hanggang sa mamataan nila si Hanna. Tinungo naman nila kaagad ang pwesto ng dalaga na naglalakad.
"Si Ella."
Nagulat naman si Hanna ng bigla na lang may sumulpot sa tabi niya at nagsalita. Bigla naman siyang napatigil sa paglalakad.
"Papatayin ba ninyo ako sa gulat?" reklamo pa ng dalaga. Nakahawak pa rin si Hanna sa dibdib ng tumingin siya kay Jarred.
"Sus kayo lang pala ang sinasabing gwapo na dumating dito. Iba ang karisma ninyo. Aba ay abot na doon sa dulo ang tsismis tungkol sa inyo eh."
"Sandali wala naman akong pakialam sa tsismis na sinasabi mo. Nasaan si Ella? Gusto ko sanang surpresahin siya ngayon. Aayahin ko sana siyang magdate after ng practice ninyo," ani Jarred habang inililibot pa rin ang paningin at hinahanap ang dalaga.
"Hindi ba kayo nagkakausap?"
"Bakit? Anong ibig mong sabihin?"
"Wala naman. Kaya lang nitong nakaraan palagi kong napapansin ang pananahimik ni Ella. I mean hindi naman sobrang tahimik pero may pagbabago. Sa totoo niyan, matagal ko ng napapansin ang bagay na iyon. Ngunit hindi ko magawang magtanong," paglalahad ni Hanna.
Napaisip naman si Jarred sa sinasabing iyon ni Hanna. Ngunit wala naman siyang napapansin sa dalaga.
"Wala naman akong napapansin. Ganoon pa rin naman siya. Sweet at maalaga kahit hindi kami palaging magkasama."
"Nagniningning ang mga mata, basta si Ella ang usapan," sabat naman ni Teo.
Kinalabit naman ni Nald si Jarred at itinuro ang pwesto ni Ella. Hindi nila alam kung saan galing ang dalaga. Ngunit mula sa paglalakad ay naupo ito sa may bench malapit sa isang puno. May hawak itong notebook. Titingin sa kawalan bago muling titig sa hawak na wari mo ay kinakabisado.
Hahakbang na sana si Jarred ng pigilan siya ni Hanna. Naguguluhan namang tumingin ang una sa dalaga.
"Hay alam kung hindi mo rin lang titigilan si Ella kasi alam kung curious ka sa sinabi ko. Wag mong sasabihin kay Ella na sinabi ko sayo."
"Ano ba iyon? Kinakabahan naman ako eh," reklamo pa ni Jarred sa mga pabitin ni Hanna.
"Nakakuha kasi ng mababang grade si Ella sa Calculus. Sa katunayan sa lahat ng subject namin doon pa siya bumagsak. Hindi naman nahabol ng Algebra kasi kahit doon ay laglag ang lola mo. Iyon talaga ang problema ni Ella. Pag hindi siya nakapasa sa remedial exam maiiwan siya sa senior high. Ayaw kasi siyang payagang magtake ng summer class. Ang gusto agad ng head ng school ay magtake siya ulit ng one year sa Grade 12."
Para namang kinurot ang puso ni Jarred sa narinig. Akala niya ay walang problema sa mga aralin ang kasintahan. Minsan sinabihan siya nito na magrereview ito. Pero naging mapilit siya dahil sa namimiss na niya ang dalaga ay sinundo niya ito sa bahay ng mga ito para maidate.
Wala na rin namang nagawa si Ella noon. Kundi ang sumama sa kanya. Hindi man lang niya nakumusta ang mga grades nito. Ngayon ay naroon ang guilt at pagsisisi na hindi niya natulungan ang dalaga. Kaya naman ngayon ang laki ng problema ng mahal niya.
"Ayan Jarred nasabi ko na sayo. Gawan mo na lang ng paraan para matulungan si Ella ng hindi niya mahahalata. Siguradong, lalo lang mawawala sa focus iyang best friend ko pag nalamang alam mo ang pinagdaanan niya."
"Ako na ang bahala. Salamat."
Tinabihan naman ni Jarred si Ella at hinalikan sa pisngi. Sa gulat ng dalaga ay nahampas pa nito si Jarred sa dibdib.
"Sorry, sorry," natatarantang saad ni Ella. "Bakit ka naman kasi nanggugulat, nanghahalik ka pa," ani Ella habang namumula ang pisngi. Naiinis tuloy siya kay Jarred. Paano kung may makakita sa kanila sa ginawa nito.
"Kanina pa kasi kitang hinahanap. Nandito ka pala."
"Oo ano kasi," hindi natuloy ni Ella ang sasabihin ng maisip kung bakit nasa loob ng campus si Jarred. "Anong ginagawa mo dito? Kasama mo pa yang dalawa na iyan," turo pa ni Ella kay Teo at Nald. "Pinapasok kayo ng guwardya?" hindi makapaniwala niyang tanong.
"Sweetheart, alam mo namang alumni kaming tatlo dito. Isa pa kabiruan ko si manong. Higit sa lahat isa kaming tatlo sa sponsor dito kaya paanong hindi nila kami papapasukin."
"Ay oo nga pala. Kanina ko pa rin iyang ipinagtataka at itatanong. Buti naalala ko. Kayo nga palang tatlong gurang ang isa sa sumusuporta dito sa school," sabat ni Hanna ng samaan ito ng tingin ni Teo.
"Anong tingin mo naman sa sarili?" saad pa ng binata.
"Hoy para sabihin ko sayo Teo De Torres, nineteen pa lang ako at bata pa hindi katulad mong gurang ka. Ilang taon ka na nga ba? Twenty eight, gosh pwede na kitang maging lolo sa tuhod."
"Yeah, don't worry, in time you beg me again. Kneeling down your knees."
"Bastos!" Sigaw ni Hanna.
Napahawak na lang si Teo sa kanyang pisngi ng dumampi doon ang kamay ni Hanna na ngayon ay nag-iwan ng bakas ng palad ng dalaga.
Napasunod na lang ng tingin si Teo sa galit na galit na si Hanna habang papalayo sa pwesto nila.
Napailing na lang si Nald sa kagaguhang sinabi ng kaibigan sa dalaga. Nagkibit balikat na lang si Jarred at napabuntong hininga.
Naguguluhan namang napatingin si Ella sa tatlo. "Anong problema ni Hanna at hindi kayo magkasundo Teo?"
"Malaki," sabay na saad ni Nald at Jarred kaya napailing na lang si Teo. Habang ang dalawa ay hindi mapigilan ang pagtawa.
"Sabihin mo sa akin ang totoo Jarred," pag-angil pa ni Ella.
"Sweetheart, it's your friend and my a*shole friend's problem. If you want to know what it is, you should ask Hanna. Because I as a friend I have no right to speak, hmmm," paliwanag ni Jarred na ikinatango na lang ni Ella. Hanggang sa maalala ni Jarred ang sasabihin niya sa dalaga.
Sa halip na ayain si Ella sa isang date ay nagkunwari itong may problemang kinakaharap sa trabaho nilang tatlo. Kahit si Nald at Teo ay game sa sinasabi ni Jarred.
Kaya naman matapos ang practice nina Ella sa graduation ay tumuloy muna sila sa condo ni Jarred. Doon sinimulan ni Jarred ang pagrereview kay Ella ng hindi naman nahahalata ng dalaga.
Sa kabilang banda ay lihim na natutuwa si Ella. Sa katunayan ay nahihiya siya kay Jarred kung malalaman nitong bumagsak siya sa isang subject at may posibilidad pang hindi makatungtong ng stage.
Sa ilang oras nilang pagrereview ay parang napakadali lang naman pala ng Calculus. Kung mahaharap man siya sa subject teacher niya ay kahit itanong sa kanya ngayon kung paano niya nasagot ang tanong ay kaya na niyang ipaliwanag ng maayos, with no sweat.
Napatingin naman si Jarred kay Ella ng mapansin ang ngiti ng dalaga. Alam niyang natulungan niya ito sa simpleng paraan.
"Bakit?" tanong ni Ella ng mapansin ang pagtingin ni Jarred.
"Wala naman. Thank you Ella. Ibibigay ko ito doon sa anak ng client namin. Ang hirap kasi, ay ayaw pang makipagdeal. Gusto pang magpagawa ng ganito para sa anak niya. Tapos sulat babae pa ang gusto," natatawang saad ni Jarred ng halikan ito ni Ella sa labi.
"Salamat din."
"Para saan?"
"Basta."
Napangiti na lang si Jarred sa pagiging sweet ni Ella ngayon. Habang tumatagal ang relasyon nila ay mas lalo niya itong minamahal. Kahit ang hirap na makasama sa iisang lugar ang nobya ay talagang nagtitiis siya. Dahil sa sobrang mahal niya, nag-iinit siya.
Bago pa makaramdam ng pagbabago sa katawan ay inilayo na ni Jarred ang katawan sa nakakandong na kasintahan. Alam naman kaagad ni Ella ang dahilan kaya tinawanan lang nito si Jarred.
"Anong gusto mong kainin. Maghahanda muna ako," ani Jarred ng makalayo na sa kanya.
"Sus pula na naman iyang tainga mo. Para hindi ka mainitan, strawberry smoothie at iyong cake na favorite ko sana."
"Okay sweetheart, dito ka lang at mabilis lang ako. Hmm, bibilhin ko lang ang cake mo."
"Thank you Jarred. I love you."
"I love you too sweetheart," nagnakaw pa ng isa na namang makapugtong hininga na halik si Jarred bago umalis.
Napailing na lang si Ella. "Basta may pagkakataon magnanakaw ng halik.
Muling ni review ni Ella ang mga notes na itinuro ni Jarred kahit hindi alam ng kasintahan na talagang kailangan na kailangan niya iyon. Masaya pa niyang inuulit ang mga questions at sinasagutang muli, hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya gawa na rin ng pagod.
"Jarred! Jarred!" malakas na sigaw ni Ella ng saktong pagbukas ni Jarred ng pintuan. Halos mabitawan pa ng binata ang dala nito dahil sa pagmamadali.
Matapos mailapag ang dala ay dinaluhan nito ang dalaga. Nagbubuo-buo ang pawis ni Ella sa noo at ilong kasabay ng pag-agos ng mga luha sa mata ng dalaga. Hindi malaman ni Jarred ang gagawin dahil kahit anong yugyog niya kay Ella ay hindi ito nagigising.
"Ella," ilang beses pa niyang tinawag ang pangalan nito hanggang sa magmulat ito ng mata.
Halata sa mukha ni Ella ang takot sa mga oras na iyon kaya naman niyakap niya ng mahigpit ang dalaga.
"Don't cry sweetheart, ano bang nangyari?"
Bumalong na naman ang masaganang luha ni Ella. Hindi niya alam kung bakit paulit-ulit lang ang panaginip na iyon. Hindi niya alam kung ano ang nais ipahiwatig noong. Pero kakaiba ang panaginip niya ngayong nasa condo siya ni Jarred.
Wala ang lalaking humahawak sa kanyang buong katawan. Ang napanaginipan lang niya ngayon ay mula doon sa may nagpiring sa kanya sa simbahan at ngayon ay nagising na siya. Ngunit pag nandoon siya sa bahay nila sa kwarto niya ay hindi siya nagigising hanggat hindi nagsasawa ang lalaki sa paghalik sa kanya at sa paghawak sa maseselang parte ng katawan niya.
"Sweetheart," ani Jarred at pinalis ng mga palad nito ang luhang dumadaloy sa kanyang pisngi. "Nananaginip ka, anong napanaginipan mo? Nandito lang ako Ella. Pwede mong sabihin sa akin kung ano iyon."
Napatitig naman si Ella sa mata ng kasintahan. Gustong-gusto niyang sabihin dito ang magulong panaginip niya ngunit hindi siya magkaroon ng lakas ng loob.
Fifteen pa lang siya noon ng una niyang maranasan ang nakakatakot na panaginip niya. Noong una ay hindi na lang niya pinansin. Ngunit habang tumatagal ay nauulit nang nauulit. Pakiramdam nga niya ay nasa sistema na niya ang masamang bangungot na iyon.
Hanggang sa matapos ang 18th birthday niya ay mas dumalas ang panaginip niyang iyon na halos dati ay dalawang beses niyang mapanaginipan sa isang buwan. Pero nitong magdalaga siya ay halos dalawang beses isang linggo niyang maranasan.
Natatakot siyang sabihin kay Jarred ang bagay na iyon lalo na at baka isipin nitong nababaliw na siya. Pero ang mas nakakatàkot ay ang pakiramdam niyang totoo ang panaginip na iyon at hindi parang nasa isip niya lamang.
"Ella, what's wrong? Wag ka namang ganyan oh. Di ba mahal mo ako? Di ba may tiwala ka sa akin. Please baby, ano bang nangyayari sayo? Anong nararamdaman mo. Ano ang napanaginipan mo?" nag-aalalang tanong ni Jarred ng muli siyang yakapin ng binata. "Say something sweetheart. Don't scared me to death," pagsusumamo pa nito.
"Make love with me Jarred. Make love with me," ani Ella ng biglang mapako sa pwesto niya si Jarred.