Chapter 19

1669 Words
Halos nasa mahigit dalawang linggo na rin ang nakakalipas bago mahimasmasan si Jarred. Nandoon pa rin ang sakit, pangungulila at pagkabigo. Pagkabigong dulot ng unang pag-ibig na kanyang pinahalagahan at iningatan. Hindi naman kasi kaagad mawawala iyon na para lang uling sa mukha at pinahid mo ay may matitirang bakas. Ngunit pagnilinis mo gamit ang tubig at sabon mawawala na. Hindi ganoon ang pagmamahal na ibinuhos niya sa maling babae. Ang babaeng basta na lang nagtapon sa buong puso niyang pagmamahal. Kaya pa nga niyang ipagmalaki na napakaswerte ng babaeng iyon sa kanya. Pero ngayon, wala na, hindi na. Hindi mangyayari ulit ang pagpapakatangang ginawa niya. Masakit na iniwan siya ni Ella, iyon ang katotohanan. Na kahit magmakaawa pa siya ay ipinagtabuyan siya nito. Ang nagbago lang naman sa loob ng dalawang linggo ay ang pagtanggap niya na wala na si Ella sa kanya. Na hindi na ito magiging kanya. Kahit magmakaawa pa ito at umiyak sa harapan niya o lumuhod para balikan niya. Hindi na niya ito kayang tanggapin pa. Iyon ang paulit-ulit na sumasagi sa kanyang isipan. Hanggang sa magising siya isang araw na hindi paglunod sa alak ang dapat niyang gawin. Kundi ang magmove on. Sa puso at isipan niya ay hindi niya mapapatawad si Ella. Ganoon niya kinasusuklaman ang dalaga. Kaya naman mula ng mahimasmasan siya sa ilang araw na paglulunod ng sarili sa alak at sa pang-aabuso sa katawan gawa ng walang tulog at ligo, ay napagpasyahan niyang ibangon ang sarili. Hindi lang ang tulad ng walang kwentang pagmamahal niya kay Ella ang magpapabagsak sa kanya. Hindi lang si Ella ang babae sa mundo. Iyon ang itinatak niya sa puso at isipan niya ngayon. "Sigurado ka na ba sa desisyon mo Jarred? Hindi ka na ba namin mapipigilan?" tanong ni Teo habang nakatingin sa kaibigan at umiinom. Nasa isang bar sila ngayon. Hindi para magpakalunod sa alak. Kundi para lang magchill at magrelax para sa isang padispedida. "Wala ka na bang balak magpapigil pa?" ani Nald sabay tungga ng alak na nasa baso nito. Mula ng magkakilala silang tatlo mula pa noong unang tapak nila sa university mula pa noong high school ay hindi na sila nagkahiwa-hiwalay. Magkakasama sila sa kalokohan at kagipitan. Hanggang sa magkolehiyo silang tatlo. Noong kumuha si Jarred ng business management course ay kumuha din ang dalawa. Kaya ng nalipat ito sa engineering ay sinundan din ng dalawa. Kaya naman hanggang sa magtrabaho sila ay magkakasama. Ngunit dahil lang sa isang pangyayaring walang matibay na dahilan. Nagbago ang lahat. Sa ilang araw na paglalasing at paggising ni Jarred na parang wala ng bukas, at sa payo ng dalawang kaibigan. Napagpasyahan ni Jarred na mangibang bansa. Para lang muling itayo ang puso niyang nalugmok sa lusak. Wala namang masama kung aalis siya. Dahil pati ang mga magulang niya ay pabor sa nais niyang gawin. "Wala namang magbabago kung magstay ako dito di ba? Pareho lang din. Pakiramdam ko nga ang sikip na ng mundo ko ngayon dito," sagot naman ni Jarred. Patuloy lang sila sa pagkukwentuhan ng hindi sinasadya ay mabanggit ni Teo ang tungkol kay Ella. "Sorry, pero nasabi lang naman iyon sa akin ni Hanna. Hindi na niya macontact si Ella. Isa pa nalaman ko ding wala na si Ella sa kanila. Not sure for the whole truth. Pero base sa isang kapitbahay na nakarinig sa sigawan ng mag-ina. Pinalayas ni Tita Elizabeth si Ella." Napahugot ng malalim na paghinga si Teo habang ikinukwento ang bagay na iyon kay Jarred. Ngunit matigas ang kaibigan. Alam niyang galit ito kay Ella dahil mahal nito ang dalaga. Pero sa mga oras na iyon ay pinipilit ni Jarred na mawala ang pag-aalalang nabubuhay dito. "Hayaan na natin siya. Malamang sumama na iyon sa lalaki niya. Nakakapanghinayang lang. Kung alam ko lang na ganoon palang klaseng babae siya. Sana hindi na lang ako nagtiis ng ilang taon. Kung gagaguhin lang din pala niya ako. Sana ako na ang naunang nanggago. Total naman at nakakabit naman iyon sa pangalan ko. Sa totoo lang natapakan ang ego ko sa ginawa sa akin ng babaeng iyon. Pasalamat na lang siya at hindi ko na ulit siya nakita mula ng araw na iyon at baka kung ano pang magawa ko sa kanya," paliwanag ni Jarred. "Hindi ka man lang bang nagtataka kung bakit biglaang nagbago si Ella? Jarred kitang-kita ng mga mata ko kung gaano ka kamahal noong tao. Wala ka bang balak alamin ang katotohanan kung anong nangyari kay Ella?" tanong pa ni Teo. Hindi naman sa kinakampihan niya si Ella. Ngunit nakakapagtaka pa rin talaga ang biglaang pagbabago nito. Wala namang masama kung nakita talaga nilang nawawalan ng oras at panahon si Ella kay Jarred. Ngunit hindi ganoon ang nangyari. Kaya pakiramdam talaga niya ay may nangyari. Kung ano man iyon hindi niya alam. "Hindi pa ba sapat iyong nakita kong may katagpo siyang lalaki doon sa parke. Imagine pare ang cheap lang. Sa condo ko nga siya pinapaligaya. Tapos papatol lang pala siya sa wala man lang panghotel. Para talaga siyang pick up girl, na baka naman iyon naman talaga. At nagkukunwari lang siya na matino," hindi mapigilang bulalas ni Jarred na may halong panghuhusga. Sumimsim din siya sa alak na na hawak niya. "May nangyari na sa inyo ni Ella?" sabay pang tanong ni Nald at Teo. Napahalaklak naman si Jarred sa tanong na iyon ng dalawang kaibigan. "Sa tingin ninyo wala? Ano bang aasahan ninyo sa babaeng malandi pa sa mga babaeng naikama ko na," napailing pa si Jarred hanbang nagkukwento sa dalawa. "Siya ang nagbigay ng motibo ng may mangyari sa amin. Iyon lang ang pakonsuelo niya. Ako ang nakauna. Hindi na rin masama. Kahit anong mangyari sa buhay niya ngayon choice niya yon. Wag lang talaga magkokrus muli ang aming landas. Dahil kung sa panahon na iyon at mas mataas pa rin ang katayuan ko sa kanya. Ipapamukha ko sa kanya na nagkamali siya ng pinaglaruan. Nagkamali siya ng sinaktan," naiiling na saad ni Jarred habang nandoon ang pang-uuyam. Alam nila kung para kanino ang tingin na iyon. Para kay Ella. Hindi na rin naman nagsalita pa ang dalawa. Iniiwas na lang nila ang kwentuhan nila patungkol kay Ella. Sabagay tama lang na umalis si Jarred ng bansa. Hindi makakamove on si Jarred kung patuloy lang itong mananatili sa lugar kung saan nito nakasama si Ella. Patuloy lang itong masasaktan sa nangyari sa kanilang dalawa. Kahit sila na kaibigan ni Jarred ay nanghihinayang sa panahong nasayang na mauuwi lang din naman pala sa hiwalayan. Kung may makakapagsabi lang sana ng hinaharap hindi na sana aabot sa puntong, halos magpakamatay ang isang tao dahil lang sa nabigo sa pag-ibig. Sinulit nila ang buong gabi. Nagpakasaya uminom nagtawanan at nagpaalaman. "Dalawin kitang Hong Kong" ani Teo na lasing na. Bigla namang natawa si Jarred at Nald sa sinabi iyong ni Teo. Halos gusto namang sipain ni Teo ang dalawang kaibigan dahil sa ginagawang pagtawa ng mga ito sa walang kabuluhang bagay. Ano bang masama na dalawin ang isang kaibigan kung namimiss niya ito. "Alam ninyo nakakasakit kayo ng damdamin. Wala naman sigurong masama kung mamiss natin si Jarred at dalawin siya pag may pagkakataon. Ikaw Jarred," inis pang panduduro ni Teo. "Masama bang dalawin ka sa Hong Kong kung namimiss kita, kasi kaibigan kita!" paangil na saad ni Teo sabay tungga sa alak na hawak. Halos pigilan naman ni Nald ang pagtawa, ganoon din si Jarred. Pero ng mapansing parang naiinis na si Teo ng totoo ay tumigil na rin sila bigla. "Wala namang masama kung dalawin mo ako Teo. Kasi mas masaya kung ganoon. Mas matutuwa ako kung kayo ni Nald ang dadalaw sa akin. Pero wag lang sa Hong Kong. Nasa Japan ako Teo. Iyong trabaho bilang engineer sa Japan ang tinanggap ko. Iyong sa Hong Kong. Iyon ang ibinibilin ko sa inyong dalawa na huwag na huwag ninyong bibitawan. Kasi sayang iyon. Makukuha na natin ang deal kaya wag ninyong pababayaan. Anim na buwan din ang kontratang iyon sa Hong Kong. At pagnapunta iyon sa atin. Tayo ang mamamahala sa pagtatayo ng mall doon. Mula sa Japan. Lilipad ako ng Hong Kong. Hindi lang ako makakasama sa meeting dahil flight ko na bukas. Tapos sa susunod na araw ang deal nating iyon," mahabang paliwanag ni Jarred kaya napakamot na lang ng ulo si Teo. "Kinamalayan ko ba? Nalito na ako eh. Kasalanan kasi ninyong dalawa iyon. Nilasing talaga ninyo ako para pagtawanan," angil pa niya. "Ito naman. Mahalaga, dadalawin ninyo ako." "Mas mahalaga sa amin makamove on ka," paalala ni Teo. "Hindi na kita kukulitin ng tungkol sa kanya. Kaibigan kita kaya gusto kong makamoved on ka. Higit sa lahat. Sana pagbalik mo dito ayos ka na. Wala na ang galit, wala na ang sakit," seryosong saad pa ni Teo sa kanya. "Gagawin ko yan, salamat." "Pero wala ka ba talagang balak alamin ang totoong nangyari kay Ella? Hindi ako nakikipag-away dito ha. Natapos na nating pag-usapan yon kanina," dagdag pa ni Nald. "Hindi na, siguro hanggang doon na lang talaga. Sapat na iyong iwan niya ako at ipagtabuyan na parang hindi ko siya minahal. Sayang lang kasi siya na iyong mundo ko. Kaya nakakapanghinayang. Mahal ko naman talaga siya. Hanggang ngayon. Totoo," ani Jarred sabay hugot ng hininga. "Kaya sa ngayon gagawin ko na lang ang lahat para maging maayos ang buhay ko. Iyon naman ang dapat di ba? Malay ninyo pagbalik ko dito matagpuan ko na ang babaeng pakakasalan ko." "Ayon ang gusto ko sayo Jarred. Good luck Jarred," ani Teo at tinapik pa ang balikat ng kaibigan. "Para sa pusong sawi na kailangang magmove on. Kampai," sigaw ni Nald ng sabay-sabay pa nilang itinaas ang mga alak sa baso na kanilang hawak-hawak. Naging masaya kahit papaano ang padispedida na iyon. Kahit alam nila sa sarili nila na hindi nila nalalaman kung kailan ulit sila magkakabalik par mag-inuman ng ganoon. Kung kailan ulit sila makakatungtong ng bar na iyon ng sama-sama. Hindi para sa isang padispedida. Kung para sa isang welcome party dahil sa pag-uwi ng isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD